Chapter 10
HINDI pa rin nabubura ang malawak na ngisi sa mukha ng killer dahil gagawin niya na ang susunod niyang hakbang. Ngayon naman ay pinag-iisipan niya kung sino ang kaniyang isusunod na papatatayin.
Habang wala siya sa mga kagrupo niya, sinulit niya ang pagkakataon para pumunta sa sekretong lungga niya sa mansion. Dahil malawak naman ang mansion, may mga lugar pang hindi napupuntahan ang kaniyang mga kaklase, kasama na ang parte kung saan siya nagpaplano ng susunod niyang mga hakbang—sa underground ng mansion.
Walang kaaalam-alam ang buong klase na sa basement na pinaglagyan nina Ma'am Kate at Sir Joe ng bangkay nina Rian, Eila, at Angel noon, naroon ang sekretong daan papunta sa lungga ng killer—sa ilalim pa ulit ng basement.
Malawak ang lugar na iyon, subalit limitado lamang ang ilaw. May tatlong maluluwang na kuwarto, at ang ikaapat na kuwartong iyon ay maliit lamang. Iyon ay ang kuwarto kung saan nagpaplano ang killer. Mayroon naman doong maliit na electric fan, kaya kahit na naroon siya sa pinakailalim na bahagi ng mansion, hindi pa rin siya naiinitan.
Isang bombilya ang nagsisilbing ilaw sa kuwartong iyon, at marami pang mga agiw, kaya naman mas nakakapagpatindig ng balahibo ang kuwartong iyon. Mayroon lamang isang maliit na lumang lamesang may drawer sa kaliwang bahagi, malapit sa pinto. May dalawang upuang gawa sa rattan ang katabi ng lamesa. Ang isang ay inuupuan ng killer, at sa isang upuan naman ay may nakalapag na kulay pilak na mascara. Sa sulok naman ay ang papag na para lang sa isang tao.
At sa dinding naman na katabi ng pinutan ay doon nakadikit ang mga larawan ng kaniyang mga kaklase. Walang pag-aalinlangan niyang ibinato ang maliit na kutsilyo sa mga larawan. Napangisi siya nang tumama ito sa litrato sa isa niyang kaklaseng babae.
"Hindi naman puwedeng ikaw lang ang mamamatay. Iiyak ang kasintahan mo, kaya dapat ay isama mo siya hanggang sa kamatayan." Napahalakhak siya na parang masisiraan na ng bait atsaka tumayo.
Napadako ang tingin niya sa itim na mediaval cloak na may hood, na nakalatag sa ibabaw ng papag. Tumayo siya, at kinuha ang cloak na iyon saka isinuot, at inayos ang hood nito sa kaniyang ulo. Sinigurado niyang pati ang kaniyang buhok ay nakakubli.
Dinampot niya ang maskara sa ibabaw ng upuan at isinuot din iyon. Ngayon, buong katawan na niya ang natatakpan: mula ulo hanggang sa talampakan. Napag-isipan niya kasing magsuot na lamang ng gan'on para hindi madaling mabisto ng kaniyang mga kaklase ang pagkakakilanlan niya.
"Hintayin niyo akong dalawa. Parating na si Kamatayan para sunduin kayo," saad niya, sabay dampot sa kutsilyong nakuha niya kanina at dos-por-dos na nasa sulok, atsaka tuluyang lumabas sa lunggang pinagtataguhan niya.
ABALA pa rin ang bawat pangkat sa pagbabantay sa isa't isa upang masigurado ang kaligtasan nila. Kung maaari nga ay hindi sila kukurap para lamang manatiling alerto, gaya ni Janna na halos hindi tanggalin ang pagkakatingin kina Ann at Aldrin.
"Guys, dapat huwag tayong maghiwa-hiwalay dahil baka matyempuhan tayo ng killer," pagpapa-alala na naman ni Janna kina Aldrin at Ann. Pang limang beses niya ng sinasabi iyan sa dalawa.
Nasa isang kuwarto sila ngayon sa third floor. Isinara nila kanina ang bintana sa kuwartong iyon, at inilock din ang pinto para masigurado nila ang kanilang kaligtasan. Mabuti na lamang ay marami pang mga kuwarto sa third at second floor kaya ang iba ay nagtago na rin sa iba pang mga kuwarto.
"Naiihi na ako, 'di ko na mapigilan," pagrereklamo ni Ann, at humawak pa sa kaniyang puson. Lingid naman sa kaalaman ni Janna na may ibang pinaplano si Ann.
"Samahan na kita, baka makasalubong mo 'yong killer," pagpepresenta ni Aldrin kaya pumayag si Ann, kasintahan niya.
Ni hindi nila naisip na baka si Janna naman ang manganib. Wala naman na siyang nagawa pa kundi payagan sina Ann at Aldrin.
"Sige, banatayan niyo ang isa't isa pero bilisan niyo, ah," bilin ni Janna kaya napangisi si Anne.
Umalis na nga ang dalawa at tumungo sa banyo. Hindi naman nila alam na nakasalisi pala nila si Mariel na patungo naman sa ibang pasilyo ng third floor. Nagmamasid naman si Aldrin sa paligid ngunit napatigil siya nang biglang may magsalita sa likuran niya.
"Alam kong naboboring ka na," bulong ni Ann. Kumunot naman ang noo ni Aldrin dahil sa pagtataka.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Aldrin kay Ann, ngunit imbes na sumagot ay hinila niya ito sa loob ng banyo.
Tila naintindihan naman ng binata ang ibig nitong sabihin, kaya hindi na ito nagtanong pa ulit. Agad na hinalikan ni Aldrin si Ann, di nila alintana ang panganib na nasa paligid nila. Habang abala ang dalawa sa milagrong kanilang ginagawa, hindi nila alam na may nagmamasid sa kanila.
"A-Aldrin, baka may makakita sa atin dito," bulong ni Ann nang mapagtanto niyang mali ang pasya niya.
"Walang makakaki—" Hindi na natapos ni Aldrin ang kaniyang sasabihin nang may pumutol sa usapan nila.
"—anong wala?" Halos mapatili si Ann sa sobrang gulat nang may taong nakaitim na cloak at maskara at may hawak na dos por dos ang biglang lumitaw sa harap nila.
"Sino ka? Lumayo ka!" sigaw ni Aldrin sa taong iyon, pero patuloy pa rin ang paglapit niya.
"Ako lang naman si Kamatayan!" tugon niya na sinabayan pa niya ng halakhak.
Bago pa man sila makasigaw upang humingi ng tulong hinambalos, niya ang dalawa at nawalan ng malay.
Nang bumalik ang ulirat ng dalawa ay napaluha si Ann dahil gumagapang ang takot niya na baka isunod sila ng killer. Dinala sila ng killer sa isang kuwarto, sa kaniyang lungga, sina Ann at Aldrin para malaya niya silang mapatay.
"Hindi ito ang tamang panahon para matakot!" pangungumbinsi sa kaniya ni Aldrin.
"O-Oo, k-kailangan nating makawala rito," pagsang-ayon ni Ann, at pilit nilang kinalag ang tali nila sa isa't isa.
'Di na sila nag-atubili pang sumigaw dahil alam nilang 'di iyon makakatulong, at baka marinig pa sila ng killer.
"Kaunting luwag na lang," bulong ni Ann, hanggang sa tuluyang natanggal ang pagkakatali nila. Dali-dali silang pumunta sa pinto at tagumpay nilang nabuksan ito.
Akala nila ay makalalabas na sila ngunit naka-lock pa ang pinto, kaya hindi sila makalabas. Pilit nilang binubuksan ang pinto ngunit 'di sila nagtagumpay.
"Anong gagawin natin?" tanong ni Ann ngunit nagimbal ang mundo nila nang may pumihit sa doorknob ng pinto mula sa labas.
Napatulo na lamang ang luha ni Ann nang tuluyang bumukas ang pinto. Isa lamang ang ibig sabihin nito, katapusan na ng buhay na ipinahiram lamang sa kanila.
"You can't leave without tasting my bloody revenge!" sigaw ng killer, at nanlaki ang mga mata nila nang makita kung sino ang taong iyon sa likod ng maskara.
"Bakit sa lahat pa ng tao ikaw pa?" hindi makapaniwalang sabi ni Ann sa kaniyang isipan.
Humalakhak ang killer ng habang nanlilisik ang kaniyang mga mata. Nakakatakot na tila ba sa tingin niya pa lang ay mamatay na ang dalawa.
"Huwag mong itutuloy ang balak mo!" bulyaw ni Aldrin
"Bakit hindi? Sino ka para utusan ako?" mapait namang tanong ng killer, at inilabas niya ang kutsilyo niya.
"AAARRRRGGGHHH!"
Mabilis niyang sinaksak si Aldrin sa magkabilang binti, kaya napaluha na lamang si Ann na paatras nang paatras sa sulok. Walang kalaban-laban si Aldrin dahil masyadong malakas at maliksi ang killer.
Ni isang salita walang lumabas sa bibig ni Ann, at tanging pagluha ang kaniyang nagawa. Napako siya sa kinatatayuan niya at nanlumo.
"Huwag..." bulong ni Ann na siyang ikinatigil ng killer.
"Huwag kang mag-alala, Ann. Pinahina ko lang naman siya, pero ikaw talaga ang uunahin ko," sabi ng killer sa kaniya.
"Huwag mong sasaktan si Ann! Ako na lang ang patayin mo!" sigaw naman ni Aldrin kaya napangisi ang killer.
"Ang gandang eksena naman! Ipinaglalaban ang pag-iibigan, pero mamamatay pa rin kayong dalawa!" singhal ng killer kaya napahikbi si Ann.
"Aldrin, panoorin mo ito," dagdag pa niya.
Itinutok niya kay Ann ang kutsilyo kaya napapikit na lamang siya. Napasigaw ni Ann nang isaksak ng killer ang kutsilyo sa kaniyang tagiliran.
"Tama na!" sigaw ni Aldrin
"Wala naman akong ginagawang masama! Bakit mo ginagawa ito?" tanong ni Ann habang lumuluha sa sakit.
"Sabihin na nating may kinalaman ito eight years ago!" galit na tugon ng killer.
"Wala naman kaming kinalaman eight years ago dahil noong Grade 10 ka lang namin naging kaklase! Transferee lang kami ni Ann noon!"
"Wala nga, pero makakasagabal kayo sa plano ko!"
"Please, itigil mo na ito, huwag kaming papatayin," hinang-hinang pagmamakaawa ni Ann, at halos malaglag ang panga niya nang bigla siyang sampalin ng malakas ng killer.
"Hayop ka!" sigaw naman ni Aldrin.
"Wala kang karapatan na pagbawalan ako! Papatayin kita ngayon din!" wika ng killer, at sinakal si Ann. Hindi siya makahinga, naninikip na rin ang dibdib niya.
"Huwag mo siyang papatayin! Ako na lang!" muling pagmamakaawa ni Aldrin.
"Mamatay ka na, Ann," malumanay na wika nito, sabay bunot ng baril na nasa bulsa niya, at itinutok ito sa ulo ni Ann.
Dadambahin sana ni Aldrin ang killer pero biglang may inilabas na dalawang mas maliit na patalim ang killer at bumulusok ito kay Aldrin. Ang isa sa braso niya at ang isa naman ay sa hita niya kaya hindi siya nakatayo.
"NOW DIE!" sigaw nito at ipinutok ang baril.
Tila bumagal ang lahat at naramdaman ni Ann ang pagpasok ng bala sa ulo niya. Naramdaman niyang bumigat ang talukap ng mata niya at nagdilim ang lahat.
Nanlumo si Aldrin nang tumama sa ulo ni Ann ang bala. Wala na ang mahal niya. Mas gugustuhin niyang mamatay na lang din siya. Isa pa, ayaw niya na ring maranasan ang mas matinding paghihirap.
"Sige, patayin mo na rin ako," nanghihinang saad ni Aldrin sa killer. Ngumisi namana ang killer. Ibinulsa niya ang baril, at kutsilyo naman ang itinutok niya sa leeg ni Aldrin.
Naramdaman na lamang ni Aldrin ang malamig na dulo ng kutsilyo, at mayamaya pa ay napalitan iyon ng mainit na umaagos na likido mula sa kaniyang leeg. Hanggang sa nagdidilim na ang paningin niya.
ALALANG-ALALA naman si Janna dahil isang oras na ang nakalilipas ngunit hindi pa rin bumabalik ang dalawa. Kinukutuban na siya, kaya naman ay napagpasyahan niyang hanapin ang dalawa.
Una siyang pumunta sa banyo. Dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob, at huminga nang malalim sa maari niyang makita. Pagkabukas niya ng pinto ay walang bumungad sa kaniya. Wala sina Ann at Aldrin doon.
"Aldrin, Ann, nasaan kayo?"
Kailangan niyang mahanap sina Bella para sabihin ang nangyayari, kaya naman ay tumabko na siya nang tumakbo para humanap ng ibang kaklase. Kumatok siya sa mga pinto ng kuwarto pero walang nagtatangkang pagbuksan siya. Tumungo siya sa kusina, nagbabakasakaling may kaklase siya roon, at doon ay naabutan niya sina Bella na natutulog.
"Bella, gising!" aniya at niyugyog ang dalaga, dahilan upang maalimpungatan siya.
"Bakit? Ang ingay mo!" pagmamaktol ni Bella at humikab pa.
"S-Sina Aldrin at Ann, nawawala sila!" tugon ni Janna, kaya nanlaki ang mga mata ni Bella at tila nawala ang kaniyang antok.
"Kailangan natin silang mahanap. Sina Mariel, hanapin din natin," saad ni Bella at agad naman nilang ginising sina Joanne at Geam para magpatulong na hanapin sina Aldrin at Ann.
Wala silang kaalam-alam na ang hahanapin nila ay isa na lamang bangkay.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro