Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

42

"Kanina ka pa?"

Natataranta kong isinara ang notebook na hawak at inilapag iyon sa ibabaw ng lamesa matapos marinig ang boses ni Callie. Saglit akong tumalikod at mariin na napapikit habang sunod sunod na pinagmumura ang sarili sa isipan dahil sa pagkagulat na nadarama.

Kung ganoon . . . totoo ngang doon na titra si Callie sa Spain.

Sigurado akong matagal na niya 'yon ginawan ng plano. Planado na ang pag-alis niya rito sa Pinas at tumulak pa-ibang bansa para doon na habang buhay tumira.

"Kumusta ka na? Okay ka na ba?" Tanong ko sa lalaki, pinipilit ibahin ang tono at emosyon na nadarama.

I don't know how I will react.

May nagsasabi sa akin na pigilan ko siya pero . . . may parte rin sa akin na nagsusumamong 'wag na guluhin ang plano ng lalaki. I don't want to be selfish. Alam kong ayon daw ang naging daan niya para tuluyan akong makalimutan . . .

I don't want to be the one to stop him from getting there; he's already on his way.

"Okay na ako, Lemerie," He responded with an affectionate tone with a little smile.

I drew in a deep breath. I held on my nape as I felt more tension building up inside me. "Mauuna na ako,"



Nakita ko ang mabilis na pag-arko ng kaniyang kilay. "Aalis ka na agad?" Napabungtonghininga siya habang palihim na sinisilip ang oras sa relo. "Hmm . . . pwedeng 5:30 na lang?"


I slowly move my steps towards the room with a heavy heart. My palms were cold, para akong umaakyat sa malamig na lugar sa sobrang panglalamig. Callie looked at me, smugly. As if he was sure that everything was going well and I acted according to their plan.



Napasinghap ako. "Susunduin ko pa si Ayang."



He groaned inwardly.



What does he want now? Binisita ko na nga siya kahit masakit na ang kasu-kasuan ko.

"Okay. Magi-ingat ka."



Tuluyan akong nanigas sa kinatatayuan nang marinig ang kasunod niyang binitawan na salita.

Plano ko talagang manatili rito at hintayin ang oras ng uwian ni Ayang. Mamayang six pa 'yon pero dahil sa nakita kong piraso ng papel, tila ba nag-bago ang ihip ng hangin. I suddenly lost my mood.

Natatakot kasi ako. Nangangamba. Na baka . . . masanay na naman ako sa presensya niya katulad ng nakasanayan. Tapos biglang . . . wala na naman.



I know. I know I have to understand him more. Masyado siyang maraming iniisip para problemahin pa ang nararamdaman ko.



Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magiging masaya dahil alam ko babalik din naman ako sa lungkot, babalik pa rin ako sa pilit kong tinatakbuhan, at babalik pa rin ako sa sakit na pilit kong tinatapalan.

I'm unsure . . . When will I ever stop having feelings for people who I no longer have

"Alis na ako." Malakas akong napabuntonghininga at kinuha ang sling bag sa ibabaw ng lamesa. I slung the sling bag over my shoulder and turned around.

But when I heard Callie's voice, I halted.

"Galit ba sa'kin si Calliah?"

Natutop ang labi ko habang nakatingin kay Callie. Ilang beses kong sinubukan lunukin ang bara sa aking lalamunan at nagsukbit ng iilang pirasong buhok sa ilalim ng aking tainga. Hindi ako handa sa tanong na 'yon.

Totoo ang sinasabi ko, hindi galit si Ayang kay Callie. Naiintindihan niya ang rason sa likod nang pagaabanduna ng lalaki sa kaniya. As long as there is a reason, Ayang doesn't think much of it.

At isa pa, ako rin naman ang may dahilan ng lahat ng ito.

Hindi malalayo si Ayang sa tatay niya kung hindi ko siya nilayo sa kaniya. Kung hindi ako pinangunahan ng takot at pangangamba. At kung hindi ako naging makasarili.

"Bakit naman siya magagalit sa 'yo?" Napabuntonhininga naman ako ngunit kumunot din ang noo sa naging huling pahayag n'ya. "Anak mo si Calliah, Callie. Anak natin. Kaya paano niya magagawang magalit sa 'yo?"

"Hindi na siya galit sa'kin?" Pumungay ang kaniyang mga mata. "Hmm? Hindi ba siya . . . galit sa akin?"

Parang may hinugot na patalim sa aking dibdib. I was taken aback. Tumango naman ako at pekeng napangiti.

"Wala naman kasi siyang dahilan para magalit sa 'yo—"

He blinked a few times and shook his head. "I abandoned her."

"Kahit na," Pagmamatigas ko.

Pain passed across his eyes. "Tinanggi ko kayo,"

"May . . . rason ka naman 'di ba?"

"Gusto ko siyang makausap, Lemerie."

I closed my eyes tightly. I felt like I was a cloud, just waiting for all of my raindrops to fall to the ground. Punong-puno na ako. Gusto kong iiyak na lahat sa kanya. Gusto kong ibuhos sa balikat niya lahat ng tinatago kong emosyon.

"Bawal?"

"Ayaw kong . . ." Bahagya akong napatigil, hindi alam kung paano sasabihin ang mga salitang nais iparating. I feel like there's a large obstruction in my throat, making it difficult for me to speak clearly.

Baka masanay si Ayang sa presensya niya. Truly, ayaw kong hanap hanapin ni Ayang ang presensya niya sa oras na makalabas siya ng bansa. I don't want her pleading to Callie to stay in the country for her . . . for us.

A startling notion crossed my head as I was about to swallow.

O baka naman . . . ako yung natatakot na masanay ako sa presensiya nilang dalawa na magkasama tapos biglang maglalaho ng parang bula?

"Ayaw kong masanay si Ayang sa presensya mo bago ka umalis."

"What do you mean?"

"Titira ka na sa ibang bansa 'di ba?" Mas lalong lumaki ang bara sa aking lalamunan, pero hindi iyon naging dahilan para matigilan ako sa pagsasalita. "Bukas na alis mo?"

"Lemerie,"



"Alam mo, Callie . . . 'wag na natin pahirapan mga sarili natin. Let's just live the life we ​​want," Humugot ako nang malalim na hininga at pekeng ngumiti.



"'Wag mo nang paasahin si Ayang na magkakaroon siya ng tatay na palaging nasa tabi niya," I chuckled. "Kasi mahirap kapag nag-tantrums 'yon, mabubulok lahat ng ngipin niya dahil sa candies bago ko siya mapatahan."



Tumalikod ako sa kanya, takot na mabasa niya ang sakit sa mata ko. "Mauuna na ako,"



Nang gabing iyon, sinundo ko si Ayang ng walang ibang iniisip kun'di ang gagawing pag-alis ni Callie at ang pagtira sa Canada. I know that selfishness is taking control of my thoughts once more, therefore I would rather forget about them.



I know I should be happy for Callie. I must support him in whatever path he takes.



"Ayang," Tawag ko sa batang babae habang hawak hawak siya sa kaniyang braso. "Galit ka pa rin ba kay Callie?"



Mula sa daanan, mabilis na nag-angat ng tingin sa akin si Ayang. Nakadikit ang kaniyang mga ngipin ngunit ang labi ay may maliit na uwang habang ang noo ay gusot.



"Hindi ko po alam, Ma," She gave out a big smile. "There's a part of me po kasi na galit sa kaniya, then kapag iniisip ko naman po yung mga reasons kung bakit niya nagawa 'yon . . . I don't know, Ma. I just want to hug him . . . nang mahigpit na mahigpit."



I unconsciously smiled while still staring at her.



Katulad nang inaasahan ko, tunay ngang gano'n ang isasagot niya. Knowing her, I know how compassionate she is. Tinanong ko lang kahit sobrang halata na. Gusto ko kasing makasigurado.



I watched as she directed her attention towards the traffic light, patiently waiting for it to turn green. Ilang segundo bago ako makabalik sa reyalidad nang kinailangan na namin tumawid ni Ayang.



We are in route to my mother's house. Instead of her going to my place, I offered to go there. May katandaan na rin kasi si Mama at medyo mahaba ang byahe kung siya pa ang pupunta sa akin. At isa pa, I planned to go straight to mental to visit Reese.



Sumakay kami ng jeep ni Ayang at buong byahe ay magkatabi lamang kami. I didn't bother to borrow Xion's Car. Mas gusto ko lang mag-commute ngayon at hindi mag-drive.



I'm also training myself to socialize with a lot of people. Aminado kasi ako na kapag maraming tao sa shop, hindi ko maiwasang hindi manginig. Kaya ang nangyayari, kapag maraming tao. . . nasa loob lamang ako ng kusina at hindi magawang tingnan ang mga reaksyon ng bawat bumibili ng produkto namin.



In the last few years, I have gradually become afraid of people.



But as a call center agent, it was never hard for me to socialize. May minsan lang. May iilang beses lalo na kung hindi madali kausap yung costumer.



Hindi nagtagal ay nakarating kami ni Ayang sa patutunguhan. Thank goodness I still remember how to go to our old house.

Tandang-tanda ko pa kung gaano kasaya si papa dahil ito ang una niyang naipundar na bahay. Halos ilang taon din kaming nanirahan dito bago niya ibigay kay Mica ang bahay. Nanganak kasi ito at kailangan ng matitirhan.

Maraming nang nag-bago sa lugar na 'to. Sementado na ang dating lubak at batuhan na lugar. Kapansin pansin din ang pag-lawak ng daanan. Maging ang mga maliliit na bahay noon, ngayon ay naglalakihan at nagta-taasan na

Nonetheless, the memory is still alive. At this location. in my head and heart.

"Ma, kanina pa po nakatitig sa'tin yung babae,"

Mabilis akong bumalik sa katinuan kasabay nang paghigpit nang pagkapit ko sa batang babae. I followed Ayang's gaze where she was looking and quickly saw mama. Nakahinga naman ako nang maluwag.

"Siya si Calliah?" Paunang tanong ko at agad na tumango bilang sagot.

"Ayang, si Mama. Lola mo."

Despite the fact that Mama and I are not blood relatives, I presented my daughter to her as her granddaughter.

"Ang ganda ganda mong bata, kamukha mo yung dating shota ni Lyndzey na kano,"

Bahagya akong napayuko. Akala ko nakalimutan na niya ang tungkol kay Callie, hindi pa rin pala. Kasi ako, hindi pa. Sa mga nagdaang taon, hindi iyon ni minsan man nabura sa isipan ko.

Ayang smiled at her. "Hello po, it's nice meeting you. You are beautiful too."

Hindi ko man tanungin pero halata ang pagka-awkward sa tono ni Ayang. Sa tingin ko ay dahil nangingilala at naninibago lamang siya.

"Pasok kayo, Lyn,"

Ganoon ang ginawa namin. Pumasok kami sa loob nang nananatiling nasa likod ni Mama at nakasunod. My eyes were darting around, hinahanap ang mga naging pagbabago sa lugar na ito. Pero ni isa, wala akong nakita. Gano'n pa rin ang disenyo ng lumang bahay.

"Gusto niyo ipag-luto ko kayo? Nagugutom na ba kayo?"

"'Wag ka na mag-abala, M-Ma. Hindi naman kami magtatagal dito. Kukuhanin ko lang talaga yung mga papel."

Sa totoo lang, Important papers are the reason why I came here. I only brought Ayang because Mama was looking for her with me. Wala akong nagawa kundi isama ang anak ko.

"Sigurado ka?" Bumaba ang kaniyang mga tingin. "Maaga pa naman akong namalengke para ipagluto kayo."

I faked a smile. Aminado akong grabe ang epekto sa kalamnan ko nang sabihin niya ang linya na 'yon. Pero hindi ako nagpatinag dahil nandito pa rin yung galit sa 'kin. Na habang buhay na nakatanim at hindi malalanta.

"Nagmamadali kasi talaga kami. May exam pa po si Calliah bukas,"

Kita ko ang pagdaan ng sakit sa kaniyang mata. At alam kong mahihirapan ako kalabanin ang sarili ko para hindi maawa sa kaniya at magpatinag. She smiled and nodded. "Mag-hintay lang kayo rito, kukuhanin ko lang sa kwarto 'yung mga papel."

I nodded off.

Pinanood ko siyang tahakin ang hagdan paakyat at tahimik lamang habang hinihintay ang pagbaba ng matandang babae dala dala ang mga papeles.

"Lyn, Ito," She handed me all the papers. "Ayan lang yung mga nakita ko sa kwarto ng tatay mo."

I glanced through the papers, and as soon as I saw my birth certificate, my throat immediately convulsed.

Zvezda Celestine Saonara.

"May balita po ba kayo sa totoo kong mga magulang?" Wala sa ulirat kong tanong.

"Namatay si papa mo dahil sa car accident, kasabay nung araw na akala nila, patay ka rin. Tapos si Mama mo, kamamatay niya lang last year. Inatake sa puso dahil sa sobrang stress."

Wala na pala sila . . . wala na pala akong babalikan.

Hindi man lang ako binigyan nang pagkakataon na makita ang mga magulang ko. Ang makausap sila. Ang mahawakan ang mga kamay nila. At ang mayakap sila nang mahigpit na mahigpit.

Dalawang beses akong napabuntong hininga, nananatiling nakababa ang tingin sa papel.

"Ma, restroom muna po ako," Maya maya'y bulong sa akin ni Ayang.

I was going to say anything when my mother interrupted me.

"Ah, andito yung CR, Calliah." Nakita kong ginabayan niya si Ayang sa pag-tayo at itinuro pa ni Mama sa batang babae ang daan patungo sa banyo bago bumalik sa sala at umupo sa harapan ko.

Katahimikin ang namumuno sa aming dalawa ni Mama habang hinihintay matapos si Ayang sa paggamit ng banyo. She was gazing at me from the corner of my eyes, and when I couldn't stand it any longer, I spoke up to break the awkward pause.

"Nasaan na si Mica, Ma?"

Lumamlam ang kaniyang mata at ilang beses na humugot nang malalim na hininga bago ako sagutin.

"Mag-i-isang taon nang patay . . ."

Sunod sunod akong napalunok matapos marinig ang nakakahulog panga niyang balita.

I did not expect about that. Hindi ko naisip na patay na pala siya. I haven't heard anything new about the two of them in the many years that have gone. Aminado rin naman kasi ako na ayaw ko makarinig ng balita tungkol sa kanila.

"Lyn, pasensya ka na hah? Kinailangan mo saluhin ng bigat nung mga panahon na 'yon . . ." Unti unting nag-hulugan ang luha sa kaniyang mga mata. "Dalang dala kasi ako sa pinagbabawal na gamot no'n. Walang wala ako sa sarili para maisip yung mga tama sa mali."

Hindi ako nagsalita.

"Isinisi ko sa 'yo lahat, pati yung pag-patay ko sa asawa ko. Tapos . . . sa 'yo ko rin pinangalan lahat ng inuutang ko. Alam kong nalubog ka sa utang noon, Lyn. Kaya, sorry. Ang dami kong kasalanan sa 'yo, Lyn. N-Naiintindihan kita kahit hindi mo ako patawarin,"

Hindi ko alam kung saang emosyon ako dadaan. Sa awa ba o sa galit? I'm still mad at them. at wala akong ideya kung paano ko sila mapapatawad sa kabila ng mga ginawa nila sa akin.

When I saw Ayang exit the restroom, I stood up right away. Isinabit ko ang sling bag sa balikat at nang mahawakan sa braso ang anak, isang ngiti ang iginawad ko kay Mama. "Mauuna na po kami, Ma. Dadalaw na lang ulit ako sa susunod."

Ayaw ko nang mag-tagal dito. Nasasaktan lang ako at kinakain ng awa.

"Lyn, bumalik kayo, hah,"

Pero paano kapag naiwan siyang mag-isa rito? May mababalikan pa kaya ako?

Nakakainis. Bakit ba ang lalim na naman masiyado nang nasisisid ng isipan ko? At kung ano anong tanong na lamang ang pumapasok dito. Katulad na lamang ng, Paano kung pati siya, mawala? Paano kung atakihin siya sa puso nang mag-isa at walang kasama? Paano kung . . .

I closed my eyes tightly and took a deep breath, and faced Mama. "May kwarto na bakante roon sa bahay, Ma. Pwede kang tumuloy doon kung gusto mo . . ."

Nakita ko ang pagkislap ng kaniyang mga mata at ilang beses na tumango. She moved toward me, which led me to move back, but it didn't stop her from carrying out her plan and giving me an energetic hug.

Yakap na para bang wala ng kasunod.

"Mauuna na po kami, Ma. May dadaanan pa kasi kami,"

"Sige, magi-ingat kayo!"

"Ba-bye po!" Ayang yelled while waving.

Pagka-talikod ay hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko. I think my choices have errors in some way. Dapat ko ba itong pagsisihan? Not that I don't trust Mama, but . . . para kasing may mali.

Na para bang pagsisisihan ko ito anumang oras.

Matapos makaalis sa lugar na 'yon, bumyahe naman kami ni Ayang patahak sa Maynila. Reese was admitted to the Manila Mental Hospital. Halos taon na rin siyang nandoon upang magpagaling.

"Reese,"

"Lyn?" She swiftly got up from the side of her bed. "Ang tagal na kitang hindi nakita. Kumusta ka na?"

"Okay lang . . . ikaw?"

"Umo-okay na raw ako sabi ng psychiatrist ko," She smiled. Even after eight years, she doesn't appear to be getting older. Ganoon pa rin ang itsura niya, walang pinagbago simula nung huli ko siyang makita.

She remained stunning.

"E ikaw? Paano mo nalaman na nandito ako? At saka . . . anong ginagawa mo rito?"

"Wala, naisipan ko lang dalawin ka rito, wala rin naman kasi akong ginagawa. Isa pa . . . may gusto rin ako ipakita." I stated as I gave her my birth certificate. Mabilis niya naman iyong kinuha at agad kong nahagip ang reaksyon niya.

Gusot ang kaniyang noo at pagkatapos pasadahan ng tingin ang papel ay iniangat niya ito sa ere. "Bakit nasa sa'yo 'to? Why do you have my sister's birth certificate?"

Bahagya akong napa-atras sa pagiging agresibo ng babae. I carefully clutched Ayang and gave her a quick glance before turning back to Reese.

I tucked my hair behind my ear so that it wouldn't get in the way of my view and gave Reese a direct stare. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwag ang lahat nang nangyari simula sa umpisa. Ilang beses akong humugot nang malalim na hininga, nananatiling walang ideya kung paano makaka-buwelo.

"Nalaman kong buntis ako, at ayaw ko no'n Reese . . . bata pa ako masiyado . . . hindi ko kayang gampanan ang mga responsebilidad bilang katorse anyos na bata. That night, I drank. Nagpakalunod ako sa alak hanggang sa masobrahan ako,"

Emotions overwhelmed me, and I felt a lump or blockage in my throat, stifling my ability to express myself.

"Alcoholic amnesia, ayun yung pagka-apekto ko sa pagka-lunod sa alak. At nung gabing 'yon, sinundo ako ni Mommy at daddy, pinapagalitan nila ako kasi lasing na lasing ako no'n . . ."

My heart feels like it's trying to escape my chest, as if it's beating its way out of my body.

"Tinanong nila ako kung anong dahilan nang paglalasing ko, at syempre, sinabi kong buntis ako. Nabitawan ni Daddy yung manibela kasi hindi nag-function yung ugat niya sa utak. Kaya ayon . . . naaksidente kami,"

"B-Bakit hindi mo kami binalikan nung mga araw na ligtas ka mula sa aksidente?" Tanong niya sa'kin.

"Nawalan ako ng memorya, Reese. Nabura 'yon lahat tapos . . . nakagawa ng panibagong memorya kasama yung mga nakapulot sa'kin. Yung pulis, si Mr. Sevilla."

That next day, my life turned for the worst. Nakulong ako. Samo samong pananakit ang nakukuha ko. Mga atensyon ng tao sa akin gamit ang masasama nilang tingin. Ang pagka-ubos ng mga minahal ko sa buhay. At kung ano ano pa.

Fortunately I explained it well.

Litong lito rin si Reese habang kinukwento ko ang buong pangyayari. I answer all her questions.

"Siya ba si Calliah?" Tanong sa'kin ni Reese.

"Oo,"

"Hello bibi, sobrang ganda mo! Manang mana ka sa kapatid ng mama mo!"

Bahagya akong natawa at ganoon din naman si Ayang.

Pansin kong magaan ang loob ni Ayang kay Reese. Masasabi ko ang pagkaka-iba ng awra ni Ayang nung si Mama ang kausap niya. Mabigat ang awrahan niya kay Mama habang kay Reese, sobrang gaan nito.

"Si Callie ang tatay 'no?" Mabilis akong tumango bilang sagot. "Halata kasi sa figure niya . . . nga pala, tungkol kay Callie . . ."

Sunod sunod siyang napalunok.

"Yung kumalat sa media na naghahalikan kami . . . hindi totoo 'yon, Lyn," Humarap siya sa akin. "Sinugod namin sa hospital no'n yung lolo ni Callie. Wala akong pahinga no'n . . . kasi natatakot ako na kapag umidlip ako, wala na si Mr. Pascual."

She explained to me the complicated situation. Ang tagal na no'n pero ngayon ko lang nalaman ang totoo. I don't know what to feel. Magagalit ba ako dahil hindi man lang nag-abala si Callie mag-sabi tungkol doon?

"Hindi naman na kasi sa'tin iba si Mr. Pascual. Lalo na sa'yo," She gulped. "I was resting against the wall when I abruptly lost my balance due to lack of rest. Sinalo ako no'n ni Callie kaso dahil sa anggulo-"

Pinalis niya ang luha sa kaniyang pisnge.

"Nagmukha kaming naghahalikan. I am aware that the end of your relationship with Callie was due to me. Pero mali talaga iniisip ng mga tao. Oo, galit ako sa'yo noon kasi, gusto kong yung kapatid ko lang yung para kay Callie. Wala nang iba."

"Tapos na 'yon, Reese. Hindi mo na kailangan ipaliwanag."

"Sorry, Zvez-Lyn," Nag-dalawang isip pa siya kung sa anong pangalan niya ako tatawagin na ikina-ngiti ko.

"Si Callie pala, ngayon ang flight niya papuntang Canada . . . doon na siya titira," Nakita ko ang pag-daan nang paga-alala sa kaniyang mga mata. "Hindi na ba talaga magkakaayos? Wala na ba talagang pag-asa? Paano na yung anak niyo?"

Sunod sunod niyang tanong sa'kin.

I ask myself that too.

Kung may tsansa pa ba kaming magka-ayos? O wala na talaga? Sarado na ba talaga ang pinto para sa aming dalawa?

"Lyn, tawag ka yata ni Kane." Bumaling siya sa likuran ko at halos mapahawak ako sa aking dibdib nang makita ko si Architect Kane. He waved at us and smiled.

Kanina pa ba siya nasa likod? Bakit hindi man lang namin nalaman? Bakit kasi hindi man lang siya nagsalita?

Agad akong napatayo at nakita ko ang pag-pause ni Ayang sa nilalaro niya para tingnan kung sino ang kinakausap ko. "Bakit?"

"Kanina pa raw nasa harap ng bahay mo si Callie . . . hinihintay ka."

"Huh?!" Agad akong napatayo mula sa pagkaka-upo kasabay nang paglukot ng aking noo.

Anong ginagawa n'ya roon?!

^____________^

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro