Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

39

In this world we are living, we have the authority to act or change without constraint. Freedom is the oxygen of our soul, but why can't I feel it? Do I even deserve to be free even if there are people who will get hurt?




"Heard that you already missed me, Salazar."



I can't lock my tears anymore.



"I miss murdering people too."



Callie's laughter echoed throughout the building. "Psychopath."





"Traitorous,"





"Stop playing around, Mr. We are no longer a child!"




"Are only kids allowed to play? I shall then wait for your daughter—"





"Ako lang naman ang kailangan mo 'di ba?!"





"You killed my daughter, and I will also kill your daughter."



"I didn't kill your daughter!" May diin ang bawat salita ni Callie, bakas ang matinding galit sa kaniyang tono. "She killed herself."





"Pero ikaw ang dahilan kung bakit siya nagpakamatay!"





"Really? Ako ba talaga, Mr? Why don't you ask yourself?" Nag-laro sa tainga ko ang sigaw ni Callie. "Why did you inject a drug into Sharon's body so she could be sent to the hospital? At nung hindi na kinaya ng katawan niya yung droga na itinurok mo sa katawan niya, she committed suicide!"





"Lame," Callie licked his lower lip. "Now, who do you think is the reason why Sharon committed suicide?!"




I took deep, long breaths. I thought of Callie pacify myself. Pagkatapos ng lahat ng 'to . . . I'd give him a hug. Wala na akong pakialam kung ano ang iisipin n'ya. I just needed to hug him. My heart . . . needed it.





I tried not to collapse on the stand as I heard the several gunshots.





Mariin akong napapikit, hinahayaan bumagsak ang mga luha sa pinge habang ang dalawang kamay ay mariin na nakatakip sa aking tainga.





You can't let your feelings prevail, Lyn. You have a goal. Remember that.





My anger was bubbling up in my bones, tightening every muscle and trying so hard to get out. Nagpatong-patong ang galit ko na tuluyang nawala ang takot na kanina lang ay nananahan sa loob ko.




Why should I be afraid now that Callie has gotten to this point after receiving death threats for a year? Why should I be afraid of a psychopath who is desperate to kill Callie? Why should I be afraid of them when all I have to lose is myself?





Right . . . hindi ka dapat matakot, Lyn.





Nangako ako kay Callie na lalabas ako ng ligtas sa gusaling ito. Pero paano ko gagawin 'yon? Hindi ko kayang iwan mag-isa si Callie rito. Alam kong kapag umalis ako rito, kakainin ako ng konsensya sa kaisipan na iniwan ko mag-isa sa gusaling ito sa Callie.





But I must get out of here. Oo . . . kahit na ayo'kong iwan si Callie. I'll just go back with the police.




Pero sana . . . hindi pa huli ang lahat.





"Please, stay alive, Callie. It will only take a few minutes. Babalikan kita, pangako." Nangangatal kong bulong sa sarili. Sa bawat pag-hikbi ko ay bumibigat ang bawat paghinga ko. Ayaw ko siyang iwan pero alam kong magagalit siya kapag hindi ko siya sinunod.





Kahit na labag sa kalooban ko ang iwan siya ay tumango ako sa aking sarili bilang sagot. Kahit na nanginginig ang mga tuhod ko ay napagtagumpayan kong pumunta sa gilid ng kotse, kung saan walang makakakita sa akin.






Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse pero nung sumilip ang mga mata ko sa gawi ni Callie ay nakita kong pinalibutan na siya ng mga tauhan ni Mr. Salazar.




Gusto kong bumalik at proteksyunan siya pero hindi ako sapat. Sumakay ako ng kotse at inilagay na ang susi para paandarin na ito. Lalapat na sana ang paa ko sa pedal ngunit nakita ko sa rear-mirror ang nakuhang suntok ni Callie.





I covered my mouth to stifle a sob, and I just want to close my eyes. He was trying to fight, but he is not enough. He was surrounded by Mr. Salazar's men, and it feels like dying seeing him being hurt because of me.





Humigpit ang pagkakahawak ko sa manibela at kulang na lang ay punitin ko na ang tainga ko, 'wag lang marinig ang mga daing ni Callie. At kahit labag sa kalooban kong lisanin ang lugar na 'yon, wala akong nagawa kun'di ang sundin ang sinabi ng lalaki.





Agad akong nag-tungo sa pinaka-malapit na stasyon ng pulis. Mabuti na lamang ay sumaktong malapit na ako sa lugar na iyon nang tumirik ang sasakyan ni Callie dahil ubos na ang gasolina.






Nangangatal ako sa takot nang pumasok sa istasyon. Kinakabahan ako sobra sa kaisipan na baka wala na akong maabutan . . . na baka huli na ang lahat kapag nakabalik ako roon. Natatakot ako. Nagagalit. At nag-aalala. Nang sobra sobra.






"Hey!" The female soldier called me. Kilala ko siya, hindi ko lang matandaan kung sino. At hindi oras ngayon para alalahanin ko ang ngalan niya. 




"Zvezda, right?" Tanong ng babae.





I know she knows Callie.


Mabilis akong tumango at binasa ang pangalan niya sa kaniyang kasuotan. "Si C-Callie, lieutenant Averuex. Kailangan niya ng tulong!" Sinikap kong hindi mautal upang maintindihan niya ang mga sinasabi ko.






"Huh?"





Napasabunot ako sa aking sarili, hindi na maintindihan kung ano ang dapat gawin.





Natatakot kasi ako. Natatakot akong mawalan na naman ng mahal sa buhay. Natatakot akong maiwan na naman. Natatakot ako. Sobra.





"Mahabang kwento, Sai! Pero . . . k-kailangan ni Callie ng tulong!"





"Nasaan siya?" Kabaligtaran ng tono ko ang tonong ginagamit niya. She was so calm that it made her even cooler.




Napahawak ako sa aking sintido, pinipilit tanggalin sa isipan ang imahe ni Callie na puno ng dugo ang katawan upang masabi ang lokasyon kung nasaan siya. Alam ko ang lokasyon, pero nanghihina ako at hindi ko masabi nang maayos kung saan ito!






"Lyn, kalma," Inalalayan ako ni Sai. Nakita kong sumenyas siya sa isang sundalong kasama niya upang abutan ako ng tubig maiinom. "Inhale . . . exhale, repeat! Calm yourself, Lyn."





I felt like the weight of the world was on my shoulders, making it difficult for me to articulate my thoughts clearly. Nakita ko ang pag-daan ng pag-aalala sa mukha ni Sai.



She is Sai. Sai was our friend at the orphanage when we were thirteen and fourteen. Ngayon ko na lang ulit siya nakita makalipas ang ilang dekada. And yes, she is successful.



"Sa Abandonadong SM, Sai. Andoon si Callie," The intensity of the situation made it challenging for me to form coherent sentences.





"Okay, then, dito ka lang, Lyn hah-"




Mabilis akong umiling. "Hindi, Sai, sasama ako,"





"'Wag ka nang makulit, Lyn. Maiwan ka rito."





Labag sa loob kong tumango. "Pwede bang . . . pahiram ng cellphone? Tatawagan ko lang ang anak ko?" Pakiusap ko at halos lumuhod na sa sobrang panghihina.





Hindi nag-dalawang isip si Sai sa paglabas ng kaniyang cellphone at agad na inabot sa akin ito. Pinanood kong makaalis ang sinasakyan nina Sai bago tawagan ang numero ni Xion. Mabuti na lamang at sumagot ito agad.





"Xi, okay lang ba kayo? Nasaan si Ayang? Nasaan yung anak ko? Nakauwi na ba kayo?" Sunod sunod kong tanong, walang pake kung maubusan ng hininga. "Xi, naririnig mo ba ako? Bakit hindi ka sumasagot?!"





"Oo, Lyn, naririnig kita."






"Oh bakit hindi ka sumasagot? May nangyari ba? Okay ka lang ba? Nasaan ka? Kasama mo ba anak ko? Nasaan kayo?!" Tuluyan akong napaupo sa gather sa sobrang panghihina.






"Xi! Sagutin mo naman ako, Please lang!" I shouted. Nakita ko ang pag-tingin sa akin ng iilang pulis at ramdam ko ang pag-lapit ng iilan sa akin ngunit hindi ko sila pinansin. "Xion naman!"






"Shh, Lyn . . . Nasaan ka?" His voice was soft.





"Okay lang ako, Xi. Yung anak ko? Nasaan kayo? Kasama mo siya 'di ba? Nasa bahay na kayo 'di ba? . . . bakit ba hindi mo ako sinasagot? Mahirap ba sagutin mga tanong ko, Xi?"






"Hindi ko makita si Ayang, Lyn."





I was so taken aback by what I heard that everything else around me faded into the background, leaving me alone with my thoughts. Sunod sunod ang luhang bumagsak sa pisnge ko. Baliw si Mr. Salazar, kayang kaya niya patayin si Ayang!





"Ilang oras na ako naghihintay sa harap ng school nila, pero wala. Hinanap ko na rin siya sa teachers niya pero . . . wala talaga! I saw the Security footage from the area around their school, may kumuha sa kaniya. Naka-van. Mga lalaking naka-itim."





Sobrang bigat na ng mga tulikap ko. Hindi ko maintindihan kung bakit dapat mangyari sa akin ang mga bagay na 'to. All I want is peace. Mahirap ba 'yon? Bakit ni minsan, hindi ko maranasan 'yon?





"Ikaw, Lyn? Where are you?"





"S-Sunduin mo ko rito, Xi," Binanggit ko ang lokasyon kung nasaan ako. "Alam ko kung nasaan sila." Binaba ko ang linya at sinubsob ang mukha sa aking braso.





Hindi tumagal ang ilang minuto at mabilis kong natanaw ang kotse ni Xion mula sa kalayuan. Nang makahinto sa harap ko ay hindi ako nag-alinlangan sumakay sa shotgun seat. Hindi ako mapakali.



"Sorry, Lyn,"



I looked at Xion and smiled. "Bakit ka nagso-sorry? Wala namang may kasalanan, Xi. Hindi mo kasalanan . . . Ginawa mo naman yung best mo para mahanap siya, pero wala talaga 'di ba? Hindi mo kasalanan, Xi." I said and closed my mouth.





It didn't take long for us to reach the abandoned building. Akmang bubuksan ko ang pinto ng sasakyan nang mapatingin ako sa ginawang pag-harang sa akin ni Xion.





"Dito ka na lang, Lyn,"





Mabilis akong umiling, pinipilit ang gusto kong mangyari. "Hindi, Xi. Sasama ako." Tuluyan kong binuksan ang pinto ng kotse at bumaba. Wala namang nagawa si Xion at sumunod sa akin.





We examined every floor, aminado akong pagod na at masakit na ang katawan ko kakalakad. The building has a 10th floor, malawak pa bawat palapag, pero ayaw kong tumigil. Ginusto ko naman 'to ih.







When Xion and I heard Ayang's voice on the third floor, we rushed there.






Nakita ko ang pag-dapo ng tingin sa akin ni Sai nang maramdaman ang presensya ko mula sa kan'yang likuran. Dumaan ang inis sa kaniyang mukha at nilapitan ako.




"Bakit pa kayo sumunod, Zhav?"




Zhav... ayan ang binigay na nickname sa'kin ni Callie.




 I chose to ignore her.





Lumipad ang mata ko sa likuran at mabilis na hinahanap si Ayang... at si Callie. Half of the guys in black were on their knees, with their palms pressed against their guns. Napapalibutan sila ng mga sundalo.





Pero wala sila roon . . .




Napapikit ako nang marinig ang pagputok ng baril, pinapakiramdaman ko kung nasaan galing ang putok ng baril na 'yon.


And the shot is from the rooftop.





"Zhav, tara na, delikado masiyado rito," Hinawakan ni Sai ang kamay ko ngunit mabilis ko itong tinabig. "Sila na bahala rito, Zhav. Baka mapahamak pa kayo kapag nagtagal kayo rito."





"Alam ko, Sai, pero andoon pa sila sa taas,"




Hindi ako nagpatinag sa babaeng pinipigilan ako. If my daughter is not safe, there is no reason in me continuing to live. Nakita ko ang pagsubok ni Xion na pigilan pa ako pero sa huli, wala siyang nagawa kun'di ang alalayan si Ayang palabas ng gusali.


"Lyn," Tawag sa akin ni Sai. But I didn't pay attention to it. I ran up the stairs to the rooftop.




Punong puno ng tanong ang isipan ko habang tinatahak paakyat ang hagdan.




Gulong gulo na ako! Hindi ko alam kung anong gagawin ko! 




Nang itapak ko ang aking paa sa huling palapag ng hagdan patungo sa rooftop, nagngingitngit ako sa galit.




"Goodbye, Callie, I'll see you in heaven,"





Naririnig ko pa lamang ang kanilang mga boses ay nanghihina na ako sa sobrang takot at galit na umaakyat sa aking kalamnan.



"In heaven?" Nairinig ko ang pagtawa ni Callie. "You will burn in hell!"



Umalingawngaw ang nakakabinging halakhak ng matandang lalaki. "You're still irrational and selfish. Tingnan mo, sa akin din naman ang bagsak mo. You got over your pride and came to me. Eh, kung umpisa pa lang, nakinig ka sa akin, e 'di sana namumuhay ka ng payapa!"



Sarkastikong napatawa si Callie. "Lame. Do you think I'm stupid?"


"Fuck you and the Sandoval brothers!"



Mabilis akong napayuko upang takpan ang aking tainga nang kalabitin ni Mr. Salazar ang trigger ng baril. Mabigat ang tulikap ko nang magmulat ako ng mata.



The moment I saw Callie, the entire universe seemed to stop in its tracks, as if nothing else mattered. Callie's face was a gruesome sight, covered in blood and deep wounds that made it difficult to recognize him.



Puno ng dugo ang kaniyang katawan na tila ba naligo sa pulang likido. He was catching his breath whilst facing Mr. Salazar as he was on his knees.



At mas lalong nadurog ang puso ko nang makita siyang tinatakpan si Ayang gamit ang nakabukas na kamay. Despite his weakness, he tried to cover Ayang with his hands.




"Ma!" Humihikbing tawag sa'kin ni Ayang. Bakas ang takot sa kaniyang mukha. 




The gun that had been aiming in the air was now leveled at Callie's head.




"Callie . . ." I said weakly.



Agad ang pag-aangat niya ng tingin sa akin. The moment our gazes locked, I saw the extreme fear in his eyes. I felt him stiffen as his eyes welled up in tears. Ibinuka niya ang bibig, parang may gustong sabihin, pero walang lumabas na kahit anong salita roon.



I was going to say something when Callie suddenly stood up from him kneeling position and swiftly kicked the gun that was levelled at him. Agad namang tumalsik ang baril patungo sa lapag kasabay nang matinding pagkagulat sa reaksyon ng matandang lalaki.



Halos madapa, pinatakbo ni Callie si Ayang patungo sa'kin.



She immediately hugged me. "M-Ma... uwi na po tayo, Ma... natatakot po ako..."



"Bullshit!" Mr. Salazar shouted and quickly ran towards the gun. At ganoon din ang ginawa ni Callie. Para silang mga daga na naga-agawan at nagpapabilisan makuha ang nahulog na keso sa lapag.



Hindi ko alam ang gagawin ko . . . para akong nag-yelo sa kinatatayuan at hindi magalaw ang buong katawan.




Inilibot ko ang paningin ko at nag-dalawa ang paningin nang makita ang kahoy sa gilid. Natatakot ako na baka anong mangyari kapag sinunod ko ang nasa isip ko, but I took the wood.






Bahala na.



"Dito ka lang, hah." Sinenyasan ko si Ayang at iniwan siyang nakatago sa pagitan ng pader. 



Bago makaharap, narinig ko ang bumubulusong na bala kasabay ng pag-kalabog na animo'y natumbang bagay. 



Fuck.



"Attorney Sir!" Ayang shouted. 



Tila ba tumigil ang pag-ikot ng mundo ako. 



It was Callie, lying in his own blood.



Nanghihina siyang tumingin sa akin, tila ba hinihintay na lamang ang muling pagkalabit ni Mr. Salazar sa trigger ng baril.



Sana panaginip lang . . . sana guni-guni ko lang . . . sana hindi totoo ang mga nangyayari ngayon. . .



. . . pero hindi!



Tangina!



His eye was partially open, and he was holding his wounded chest in one hand.



Inangat ko sa ere ang hawak na kahoy at bumwelo muna bago iyon pinukpok sa ulo ng matandang lalaki. I was aware of the power with which I struck his skull, but I was unconcerned. Nakita kong nabitawan niya ang baril niya at mabilis na natumba sa panghihina.




Mabilis akong tumakbo patungo sa gawi nang naghihingalo na si Callie.



Basang basa na ako gawa ng luha!



"Callie," Hikbi ko, niyuyugyog ang lalaki upang mapanatili siyang humihinga. Sakto sa bandang dibdib ang tama niya . . . at delikado iyon. Posibleng . . .



Bumuhos ang luha ko, hinahawakan ang kamay at ulo ni Callie.



Posibleng mawala na naman siya sa akin.



Pero ngayon . . . hindi ko na ulit siya maaaring makita.



At ayo'ko no'n! Ayaw ko na ulit siyang mawala sa akin. Ayaw ko na ulit mawalan ng mahal sa buhay.



Nakita ko ang sunod sunod na pag-akyat ng mga sundalo bitbit bitbit ang kanilang mga armas. Sai came over to talk to us, but I paid attention to the troops who came over to Mr. Salazar's body to examine it.



"SM abandoned building, sir. Pakibilisan na lang, please." Pagmamakaawa ni Sai nang tumawag ng ambulansya.



"Callie, kapit ka, please," Bulong ko sa lalaki, hinahawakan ang kaniyang tama upang hindi siya maubusan ng dugo. "Marami pa akong iku-kwento sa 'yo . . . ma-marami pa tayong pagu-usapan."



Grabe na ang iyak ko. Pakiramdam ko ay magang maga na ang mata ko.



Mabilis ang kilos ng lahat nang isakay si Callie sa ambulansya. 



"Relatives lang po ang pwede sa loob, Ma'am," Pigil sa'kin ng lalaki nang akmang susunod papasok sa loob ng sasakyan.



Mabilis akong tumango. "I'm his... wife."



Hindi ako nagdalawang isip sumakay sa sasakyan at sumama sa loob.



"You have endured a lot, Callie . . ." Bulong ko, kinakapos ng hininga. "I'm here now, you don't have to carry all that pain alone anymore."





Humigpit ang yakap niya sa akin, para bang anumang oras ay mawawala na siya sa mundo. He was crying, almost stifling his sobs. Ang bigat bigat siguro ng dibdib niya. To shed tears over a question . . . it must have been so heavy.





Para bang hinihintay niya na lang na may taong lumapit sa kaniya upang tanungin kung ano ang nararamdaman niya? kung ayos lang ba siya? At kung kaya niya pa ba?





Unti-unti ko siyang tinulak palayo sa akin. I put my hands on his cheeks and looked directly into his eyes, letting my deepest thoughts and feelings poor out. Kung makita man niya sa mga mata ko na mahal ko pa siya, wala na akong pakielam.




"Malapit na tayo, kumapit ka p-please!" As the ambulance moved too swiftly, I pleaded. Pag-aalala, pangangamba, galit at puot ang bumabalot sa buong sistema naming dalawa.





I feel a sudden wave of anxiety, dread, fury, and loathing coursing through my body, making it difficult to breathe. Pinalis ko ang mga luha sa pisnge niya. Dahan dahan at may ingat.





"You promised . . ." I whispered. "You promised me! You . . ." Hindi ako makahinga sa kakaiyak.




I cried so loudly. I cried my pain out. I scream in pain . . . in agony.




"I still love you," He whispered. "And I will always do. I already went beyond. I could not walk back anymore. I will be forever in infinity, hoping my love will transcend time and space . . . even when I'm gone."




"A-Ano bang sinasabi mo, Callie?!" Tanong ko, sarkastikong tumatawa habang ang hikbi ay palakas nang palakas. "Mabubuhay ka . . . mabubuhay ka pa,"




Nag-angat ako ng tingin.




"I... love you..." Nanginig ang boses ko.



I had this strange feeling . . . that it could be the last . . .



But hopefully, no.



"M-Mahal . . . mo ko?" Puno ng lambing ang tanong niya, nananatiling hinahabol ang hininga.



Pinalis ko ang sariling luha. I rubbed my eyes so that I could see him better. Mapungay ang mga mata niya habang nakatingin sa akin at bahagyang nakaawang ang bibig upang makahinga ng maayos.



"Sumagot ka, Lemerie. . . m-mahal mo . . . ko?"



Dahan dahan akong tumango dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko na kayang magsalita pa. I watched a tear dropped from his eye as a small smile flashed across his lips.



And with a little smile on his lips, his eyes closed shut.




Ama, ngayon lang ako hihiling . . . ibigay mo na lang siya sa 'kin . . . nagmamakaawa ako . . . siya na lang . . . tama na yung . . . yung ilang mahal ko sa buhay yung kinuha mo sa akin . . . masiyado na kasing . . . masakit. Hindi ko na rin kaya . . .



^________________^


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro