Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

37

Huminto ako sa harapan ni Naya.



"Aalis na ako," 



Bakas ang pagkagulat sa kaniyang mukha. "Agad-agad?! E, wala pang sampung minuto nung pumasok ka sa loob, ah. Tulog ba siya?"



"Hindi... baka gusto lang muna mapag-isa..." I nibbled my lips. "Mauuna na ako, Naya. Pasabi na lang kay Callie, sorry sa abala."



I smiled sadly and let myself feel the painful beating of my heart.


 

Hindi ko na hinintay pa ang sunod na sasabihin ni Naya dahil ayaw ko ng humaba pa ang usapan namin. Nang makaalis ako sa lugar na 'yon, tuluyan nang tumulo ang mga luhakong kanina pa nagbabanta sa mga mata.




"Sana pala natulog na lang ako kasama si Ayang," Mahina akong humikbi at mabilis na tinawanan ang sarili. "Lyn, ano ka ba naman....? nangako ka sa sarili mo na hindi ka na iiyak dahil sa kaniya 'di ba?" 




Nag-sayang lang ako ng gas... ng luha... at ng oras. I wish I had listened to my daughter's suggestion to stay away from Callie. Sana nakinig na lang ako sa kaniya... sana niyakap ko na lang siya hanggang sa pareho kaming nakatulog.




Hindi sana ako nasaktan ng ganito. 




Kalmado lang ang pagpapatakbo ko sa sasakyan dahil mahirap na kapag nadisgrasya ako. May anak pa ako... may Ayang pa ako para manitiling buhay. She is too young to lose her mother.



Ipinarada ko ang sasakyan sa harapan ng bahay at agad na pumasok sa loob. The lights were off all over the house except for the living room. Nag-tungo ako roon at agad na nakita si Adonis na nanonood habang kumakain ng pop-corn.



"Pahingi," Sinaluhan ko siya sa pag-kain at umupo sa tabi niya.



Kaagad na lumipad ang tingin niya sa'kin at sinamaan ako ng tingin. "Ang tagal mo naman, Lyn. Buti na lang bukod sa pagiging gwapo, busilak din ang puso ko dahil kahit antok na antok na ako, pero nagawa pa rin kitang hinatayin."



"Matulog ka na roon." Utos ko sa lalaki habang pilit na pinipigilan ang pag-buhos ng nararamdaman. I sadly ate the popcorn next to Adonis. 



"Mamaya na," Adonis took a paused. "Kaya nga ako nag-hintay sa 'yo para maki-sagap din."



His heart suddenly filled with excitement. "So, anong nangyari? Okay na ba si Attorney? Okay na ba kayo?"



Hindi ako nakasagot at ilang minuto bago umiling. "Mas lalo kamong lumala,"



"Huh, bakit?"



"Stay away from him daw, e." 



Hindi ko nakuha ang reaksyon niya dahil wala sa kanya ang mga mata ko. Narinig ko na lang ang pagbuntong-hininga niya.



"Weh? Sinabi niya 'yon?!" Adonis questioned me. "Bakit daw? Ayaw ka nang makita? E, kahit sino, hindi magsasawa sa mukha mo, Lyn, e. Ang ganda mo ba naman tapos siya?! Stay away from him?! Sinabihan ka no'n? Bakit ka naman pumayag?!"



Inis kong inagaw ang plato ng pop-corn sa kaniya at hindi siya pinansin.



Pakiramdam ko ay may kidlat at bagyo sa sikmura ko dahil sa sobrang panlulumo. I didn't expect Calie to talk to me like that. Siguro nasaktan ako dahil ayon ang unang pagkakataon na paalisin niya ako sa harapan niya at sasabihing h'wag na akong magpakita pa ulit sa kaniya.



"Hindi kaya sinaniban si Attorney ng masamang kaluluwa galing sa Hospital?" Mausisang tanong sa'kin ni Adonis. "Kasi hindi naman gano'n sa 'yo si Attorney, e. Kung saamin 'yon maggaganon, tangina, sanay na sanay na kami... pero sa 'yo?"



I rolled my eyes at him. "Bahala ka sa buhay mo, Adonis... aakyat na ako."



"Gago, h'wag ka munang umakyat, mahal ka pa namin!"



"Gago!"



Hindi ko na ito pinansin pa.



Nang makaakyat ako sa taas ay naabutan kong may inaasikaso na mga papel si Amirah. She was sitting at the table next to Ayang who was fast asleep. At sa pagkakaalam ko, passport na ang inaayos niya dahil bukas, lilipad na ulit siya patahak sa Spain.



"Lyn, kamusta si Attorney?" 



I nibbled my lips. "Okay na siya... ikaw, aalis ka na ba ulit?"



"Yes sir, may contract... sayang din 'yon kapg hindi tinanggap," Paliwanag niya. "Ako na maghahatid kay Ayang bukas sa pag-pasok, Lyn... isasabay ko bago ako umalis."



Tumango ako sa babae at nagpaalam na maliligo muna. I took a shower, thinking deeply.



Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang inasal ni Callie. Hindi naman siya gano'n sa'kin noon. Hindi niya nga ako napagtataasan ng boses pero ngayon... halos sigawan niya ako para lumayo sa kaniya. 



I smiled in pain.



Hindi na siya si Callie na nakilala ko. 



Tuluyan akong nilamon nang antok at nagising sa pagyugyog sa'kin ni Ayang. Inayusan ko ang babaeng anak at nang makaalis sila ni Amirah ay bumalik ako sa pagkakatulog. 



Si Adonis at Dion ang sumama sa paghatid kay Amirah patungong Airport. Habang ako ay hindi pwede dahil day-off ni Bernie ngayon. Hindi naman ako pwedeng mag-sarado dahil sayang ang benta... naiintindihan naman iyon ni Amirah.



Nasa shop lang ako buong mag-hapon. At ng oras na ng uwian ni Ayang, sinara ko pansamantala ang tindahan para sunduin ang anak na babae. 



This is what Ayang and I are used to. Pag-kauwi niya galing eskwelahan ay mananatili na siya rito sa shop hanggang sa mag-sarado para samahan ako. Minsan naman ay sinasama siya ng mga Tito at Tita niya sa galaan, Hinahayaan ko na lang siya dahil minsan ko lang payagan at alam kong safe naman si Ayang sa mga kaibigan ko.



Nang makalabas ako mula sa loob ay agad na bumungad saakin ang tunog ng mga transportasyon na nanggagaling sa kalsada at ang magandang panahon.



The gentle breeze carries the scent of blooming flowers, as the sun's warmth fills the air with a sense of peace and tranquility. I can feel the heat radiating off the pavement, warming my skin with its relentless intensity.



Napalingon ako mula sa aking likuran nang maramdaman ang yapak na hindi mawala sa aking pandinig. Nakailang liko na ako pero pakiramdam ko . . . may sumusunod talaga sa akin mula kanina sa shop hanggang sa paglabas ko.



I shook my head and thought that maybe I was just paranoid and continued walking.



Isang hakbang . . .



Mula sa gilid ng aking mata, tiningnan ko ang likuran ko.



Tatlo . . .



A tall man wearing a black jacket.



Lima . . .



Huminto ako sa paglalakad at umaktong may hinahanap mula sa aking likuran. I feel my pulse pounding in my ears, my heart beating so fast that I can hardly catch my breath.



He did the same, he also stopped walking and pretended to type on his cellphone.



Fishy. Who the fuck is him?!



Nagpatuloy ako sa paglalakad at nang may makita akong eskinita, pumasok ako roon upang makumpirma kung totoo nga ba ang hinala ko. And yes, it's true, he does follow me.



Natatakot na ako.



Nilabas ko ang cellphone ko at mabilis na sinubukan tawagan ang taong pinaka-malapit sa active list ko. It was Xion.



Lyn:

Feeling ko, sinusundan ako

Actually sinusundan talaga niya ako

Xi, tulong, Xi

Xion missed your video chat

CALL AGAIN

Xion missed your video chat

CALL AGAIN

Xion missed your video chat

CALL AGAIN



Tinago ko ang cellphone ko pabalik sa bulsa at mabilis na tumakbo. Wala man lang katao-tao ang eskenita na ito at mukhang made-dead end pa ako sa dulo.



Ano ba 'yan?! Maling eskenita pa napuntahan ko!



I ran as fast as I could. I am so nervous that my sweat is dripping, as if my body is trying to release the tension I am feeling.



Dumoble ang kaba ko nang marinig ang tumatakbong yapak at nang lumingin ako sa aking likuran, agad kong nakita ang lalaking humahabol sa akin.



Hindi ko na alam ang gagawin ko.



Muli akong lumiko at nang makakita ng tatlong palapag na hagdan ay bumaba ako doon. Hindi ko alam kung anong nangyari, ngunit ang alam ko na lamang ay stranded na ako. Pader na ang kasunod nito.



Napatitig ako sa katabi ng pader.



At ang tumpok na basura.



You have no choice, Lyn.



I ran to the trash can and didn't hesitate to hide there. Hinayaan kong dumampi sa aking balat ang madudumi at mababahong basura. Ang iba naman ay may diapers pa, pero hindi ko ito pinansin at kinuha ang cellphone.



Xion:

HUH?

Nasaan ka?

Wait, tf

Sa'n ka?

HUY!

LYN

WTF

SINONG KASAMA MO

LYN

You missed a call from Xion
CALL BACK - SCHEDULE

You missed a call from Xion
CALL BACK - SCHEDULE

You missed a call from Xion
CALL BACK - SCHEDULE


Lyn:

EWN K

ANP

DIOMS STREET

TANGINA, HINIHINTAY NA AKO NI AYANG DOON

NASA BASURAHAN AKO HUHUUH

saan ka

bat antagal mo

natatakot ako sobra

bilisan mo

NAIIHI NA AKO SA KABA


Napahinto ako sa pagti-tipa nang masilip mula sa maliit na butas ang grupo ng mga naka-itim na lalaki. Kasama na doon ang kaninang lalaking humahabol sa akin. But my attention was caught by a familiar old man in a suit.



"Nasaan siya?"



"Sorry, boss, nawala sa paningin ko." Napayuko ang lalaki.



"Ka-tanga tanga mo naman!"


As he spoke, I could see the beads of sweat forming on his forehead, and soon they were streaming down his face, evidence of his overwhelming anxiety. "Andito lang 'yon, Boss. Hanapin ko."



Nakita 'ko ang pag-hugot ng baril ng lalaking matanda na mas lalong nagpakaba sa akin. Tinakpan ko ang aking bibig gamit ang aking dalawang palad upang hindi makagawa ng kahit anong ingay.



"Putangina naman, paano natin makukuha yung putanginang abogado na 'yon?!"



Abogado?



Si Callie ba?



"Hanapin niyo, hindi pwedeng wala!"



I could feel the moisture starting to collect under my arms and around my neck. My nervousness was making me sweat so much that I was beginning to feel self-conscious about it.



Siya ba yung tatay ni Sharon?



When I heard a deafening sound, I grit my teeth. Napabuka ako ng bibig nang mangilo ito sa nakakabinging ingay na tila ba may gumagamit ng grinder.



Bahagya kong pinalis ang basura na tumatabon sa paningin ko upang makita kung ano ang bagay na gumagawa ng ingay na 'yon. The realization hit me like a ton of bricks, and my eyes grew wide as saucers. I was speechless, my mouth hanging open in shock.



It was Callie's car.



Kitang kita ko kung paano niya pinagkasya sa maliit na eskenita ang puting Mercedes. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Ang pagaalala ba sa kaniya, o sa kotse niyang halos mapisa na.



Mabilis na huminto ang kotse sa harapan ng mga lalaking naka-itim.



I was so nervous, my body felt like it was in overdrive, and I couldn't seem to calm down.



Si Callie, wala siyang laban sa mga armas nila! At alam kong hindi pa magaling ang braso niya dahil sa pagkakatama.



Mas lalo kong diniin ang hawak sa aking kamay upang hindi makagawa ng kahit anong ingay, pinipigilan ang aking sarili sa gustong gawin. I was so nervous that I felt like my brain had shut down. I couldn't think straight, and I had no idea what my next move should be



Callie exited the car as soon as it opened.



"I told you, Sir Salazar, galawin mo ng lahat 'wag lang si Lemerie . . ." 



As I looked into Callie's eyes, I could see the anger simmering just below the surface. They were like icy blue daggers, piercing straight through me.



^___________________^

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro