34
"Naiwan yung kotse ni Xion sa bahay ng Montelucast?!" Gulat na tanong ni Adonis.
"Ulit-ulit, Adonis, oo nga raw!" Sagot ni Dion.
Tumayo ako sa kinakaupuan at ang mga mata ay nasa relos upang tingnan ang orasan. Labasan na nila Ayang, siguradong hinihintay ako ng anak ko.
"Pinaayos na ni Callie... Ipupunta na lang daw niya rito, nasa kaniya rin yung susi." Paliwanag ko.
Lumiwanag ang mga mukha nila at tinuon ang atensyon sa'kin.
"E 'di ibigsabihin hinatid ka niya rito?!"
Tinakpan ni Dion ang kaniyang bibig, pinipigilan ang ngiti na kumakawala sa kaniyang labi. Ang mga tingin na pinupukol nila sa'kin ay halata namang may iba silang mas malalim na iniisip. At alam kong kalokohan na naman 'yon.
"Wala lang 'yon, mga siraulo," Sita ko sa kanila. "Mauuna na ako, magco-commute na lang ako."
"Sama ako, Lyn," Untag ni Amirah.
"Pwede ka ba?" Ang alam ko kasi, kahit bumalik dito si Amirah sa Pinas, marami siyang gagawin at ayaw kong makaabala sa mga 'yon. She is not on vacation—she is here to work. "Di-deretso rin ako sa shop, half-day lang kasi si Bernie kaya ako ang magsasara ng shop."
I combed my hair with my fingers while looking at Amirah who was checking her schedule on her cellphone. Ilang segundo niyang tinitigan ang punong schedule bago mag-angat ng tingin sa akin.
"I would like to but I can't right now," She shrugged. "Bukas na lang kita samahan, wala akong gagawin."
Tumango ako at lumabas ng bahay. There's nothing new in what I'm doing now, I'm used to it. Gan'to ang buhay ko araw-araw—gigising ng maaga upang ihatid si Ayang at sunduin ito sa uwian . . . tapos mag-bantay sa tindahan hanggang sa isarado ito.
"Ma!"
Agad kong nilingon kung saan galing ang boses ni Ayang at malawak na napangiti nang makita ang bata na nagmamadaling tumakbo palapit sa akin. She was wearing her bag, pink big ribbon on her head and her uniform.
Magulo ang kaniyang buhok at animo'y naligo sa kaniyang pawis. She immediately greeted me with a hug carrying her pink lunch box.
"Perfect po ako sa quiz, Ma!" Anunsyo ng batang babae.
I pinched her reddish cheek proudly. "Naks, anong gusto ni Ayang ko?"
"Blueberry cheesecake po, Ma!" Halos mapunit na ang kaniyang labi sa kakangiti. Tumango tango ako, pinapaulanan ng halik ang kaniyang mukha.
Hindi na ako magtataka kung bakit walang palya ang scores ni Ayang . . . may pinagmanahan e.
"Ma, kanina pa tayo rito, walang masakyan." Reklamo ni Ayang at tila ba nauubusan na ng pasensya.
We've been waiting in this shed for a lot; now that night has fallen, we're still here. Kasi naman, ang hirap sumakay. Marami ngang dumadaan na jeep pero sa ibang direksyon naman patungo iyon. At kung magta-taxi naman kami, ang mahal no'n!
"Kung naglakad po tayo, Ma, we are already at the shop," Natatawang ani Ayang sa gilid ko.
"Oo nga e—kaya mo ba mag-lakad ng ganoon kahaba? Kasi ako, kaya 'ko, e ikaw?" Pag-mamayabang ako sa batang babae.
Bumulaslas ito bago sagutin ang aking tanong. "We can, Ma. Kaso nga lang po, hindi kita hihilutin mamaya kapag sumakit buong katawan mo."
Umakto akong napatigil at bahagyang sinamaan ng tingin si Ayang. Totoo. The last time we walked it, my whole body ached and itched. Sa tingin ko ay sign of aging kaya unti-unti na nanghihina ang mga buto ko.
"Sama ka kasi nang sama kay Daddy tito Adonis mo, Ayang. Tingnan mo, naa-adopt mo na pagiging pilosopo no'n."
She cutely chuckled. "Joke lang, Ma. Love you po."
"Nagugutom ka na ba?" I asked.
Umiling ang babae. "Makita ko lang po kayo, Ma, busog na ako."
Agad akong napa-halakhak. Ito talagang batang 'to, puro kalokohan na lang ang alam. I really should, I'm getting Adonis away from Ayang. Masiyado kasing bad influence ang lalaking iyon sa pagpapalaki ko sa anak ko. Hmp!
"Ma, look, hindi po ba siya yung—" Napahinto ang babae, tinuturo ang sasakyan na nasa kalayuan. "Si . . . Argh! Hindi ko alam anong name niya, Ma, e... pero ayon po yung lawyer din sa birthday ni Ate Naya!'
Mabilis kong nakita ang tinuturo niya. It's really Callie, riding in a white Mercedes car.
Tiningnan ko si Ayang nang mapansing patungo sa direksyon na ito ang sasakyan ni Callie. "Hindi . . . hindi ko makita. Baka kamukha niya lang. Tara dito, nak, baka mas maraming j-jeep na tumitigil doon."
Ani ko sa batang babae ngunit hinila niya ako upang ituro ang direksyon ng kotse ni Callie na palapit sa amin. "That's it, Ma, the white car approaching us po."
"Attorney Sir!" Tawag ni Ayang sa lalaki na may kasamang pagkaway nang mabagal itong dumaan sa harapan namin. Agad namang bumaba ang salamin ng puting kotse at mabilis kong nakita si Callie.
"See, Ma, I told you, si Attorney Sir po 'yon!" She chuckled. Mukhang proud na proud pa siya sa pagtama sa sinabi kong baka namamalikmata lamang siya.
"K-Kanina pa kayo andito?" With his expression blank, Callie questioned us.
"Hindi naman, paalis na rin kami."
"Yes po, thirty minutes thingy. Wala po kaming masakyan, kanina pa."
Napatingin ako sa batang babae, iniisip kung sumapi ba sa kaniya ang kaluluwa ni Adonis
"I'll take you . . ." Callie stopped and looked at me. "Home."
"Uhm, Ma?" Ayang gave me a curious glance. Alam kong gusto at sangayon siya sa ideya ng lalaki, nevertheless, since she needs my consent, all she can do is stare at me with puppy eyes.
Minsan napapaisip ako kung dapat ba akong matakot dahil napapadalas ang pagkikita nilang dalawa. At napapansin ko ang pag-lapit ng loob ni Ayang sa loob ni Callie.
"Hop in," Malalim ang boses na utos ni Callie.
Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko. His word didn't register in my mind right away. Ano bang ginagawa niya rito? Bakit ba kung nasaan ako, nandoon din siya? Bakit ba hindi natatapos ang isang linggo na hindi ko siya nakikita?
Mahigpit na hinawakan ni Ayang ang kamay ko. At wala naman akong nagawa kung hindi ang sundin ang sinabi niya. A few second after I put Ayang in my lap, he sped up.
I cleared my throat nervously, "Sa susunod na terminal na jeep mo kami ibaba."
"Uh? The sky is gloomy and it appears to be raining, so I'll drive you home." Bumaling siya sa'kin, "And you? Your bag looks so heavy." Pagsusungit niya.
"Sanay na ako," I gnashed my teeth. "At saka, dadaan ako sa shop. Ako ang magsasara no'n."
"Main shop?" He frowned.
"Oo-"
"I'll also go there. I'll get the employees of The Crafts some munchies."
Damn him. Damn him and his logical justification.
Humalukipkip ako at bumuntong-hininga. We sat there in silence. As if we were strangers who happen to be sitting on the same car.
I didn't know whether to love or hare the idea.
"Thank you,"
He pressed his lips together. "I'll just park . . . Susunod din ako."
I swallowed hard before facing him. Humigit ako nang malalim na hininga. What else was there to say? I had so many questions but none of the words or courage in me to ask.
Bakit ba ayaw niya akong tantanan? Hindi niya ba nahahalata na hindi ako komportable kapag nasa paligid ko siya? O baka naman sinasadya niyang gawin 'yon para hindi ako maging komportable?
"Uy, Lyn," Boses ni Adonis ang bumungad sa'kin.
My brows furrowed softly, mirroring a confused frown.
"Tumawag sa'kin si Xi, Hintayin daw kita bago ako umalis," Bumaling siya gilid ko upang kawayan at ngitian si Ayang bago ibalik ang tingin sa akin. "Aalis na ako. . . ingat kayo—"
"Hindi na!" Hinarang ko ang lalaki. "Hintayin mo kami—five minutes lang 'to, isasara ko lang!"
Kapag umuulan, mahina ang benta. At saka kalahating oras na lang ay magsa-sara na rin ako. Sasabay na lang ako kay Adonis pauwi para hindi na makaabala sa iba.
"Ah okay—" Adonis stopped ang looked behind me. I heard the glass door open, which was a clue that someone had come in, and I knew who it was right once. Mabilis na gumuhit ang mapanlarong ngiti ni Adonis sa kaniyang labi.
"Hindi pala pwede, Lyn," Glancing at Callie, he smiled at me.
Pinandilatan ko ng mata ang lalaki, pero hindi siya nagpatinag doon.
Damn, Adonis! Bakit ba hindi ka madaan sa tingin?!
"Pero pwede namang ano," Tila nag-iisip, kinuha n'ya ang dalawang paper bag na nakapatong sa lamesa. "Ako na ang magda-dala ng order ni Attorney Callie sa Artlife . . . tapos, siya na maghatid sa inyo." He winked.
I shook my head and breathed deeply.
"Magsa-sara pa ako, tapos lilinisin yung kusina . . ." I glanced at Callie at my back. "Baka mainip ka—"
"Nalinis ko na, Lyn. Ubos na paninda mo, quota ka na. Ila-lock mo na lang 'yang pinto, tapos pwede ka na umuwi. Hindi naman yata aabutin ng isang oras 'yang pagsa-sara mo ng pinto 'no?"
Pwede ba busalan si Adonis?
"Okay, fine," I rolled my eyes at him and he laughed.
"Ingat kayo, Lyn and Callie. Umuulan pa naman," He stopped and walked over to Callie, mumbling something. "Baka madulas kayo pabalik sa isa't isa."
I heard that! Hindi ako bingi para hindi marinig 'yon!
"Huh? Pardon, tito," Ayang asked out of curiosity.
"Wala, bibi," Isang halik sa pisnge ang iniwan ni Adonis sa anak ko at kumaway sa bata nang may malawak at mapanlarong ngiti sa labi bago tuluyang lisanin ang lugar.
Nako, Adonis, lagot ka sa'kin mamaya.
"So. . .?"
Napalunok ako kasabay nang mabilis na pagdapo ng mga mata kay Callie. "So? What?"
"Tulungan na kita,"
"Hindi na,"
"Ang kulit mo."
"Kaya ko naman kasi." Pagmamatigas ko pa.
"Ano pa ba yung mga gagawin?"
I rolled my eyes at him and sighed to signal that I was giving up, "Itataob yung mga upuan sa ibabaw ng mesa." Utos ko sa lalaki, tinuturo ang mga upuan na nakakalat sa paligid.
Sa totoo lang, hindi naman talaga ganoon ang ginagawa namin sa mga upuan kapag nagsa-sara. Ewan ko kung anong pumasok sa isipan ko at pinagawa ang bagay na hindi naman namin ginagawa.
Agad akong napalingon sa direksyon ni Ayang nang marinig ang pagbulaslas niya sa gilid. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya, bumaling siya sa akin at agad na nagkasalubong ang aming mata. She stopped laughing and shook her head to say it was nothing.
I think she was laughing at Callie struggling to lift the steel chair.
Mabigat naman kasi talaga 'yon. Bakit ba kasi gusto niya pang tumulong?
I ignored him and went inside the kitchen. Tumambad agad sa akin ang mga nakataob na kagamitan at ang malinis na kusina. There were no more dishes to wash, and they appeared to have been cleaned by Bernie or Adonis.
Kinuha ko ang papel at ballpen bago lumabas ng kusina. Mamimili ako bukas ng mga gamit na ubos na para isang bilihan na lamang.
"Okay na, Lemerie,"
Sulpot ni Callie sa harapan ko kasabay nang pag-tanday niya ng kaniyang isang palad sa lamesa. In my side eye, I can see his eyeball following mine. Hininto ko ang paglilista upang ituon sa kaniya ang buong atensyon.
"Matatapos na," Ibinalik 'ko ang paningin sa paglilibot sa lagayan ng mga gamit. "Pero kung gusto mo, pwede ka nang mauna."
He shook his head. "Hindi na, ihahatid ko kayo."
I ignored it and continued doing what I was doing. Ilang segundo ay napahugot ako nang malalim na hininga nang umalis si Callie sa harapan ko at bumalik sa labas.
Sa totoo lang, hindi ako makakilos nang maayos kapag alam kong minamata niya ako. Kinakabahan ako na hindi ko maintindihan. Pero alam kong hindi na bago ang nararamdaman ko na 'to. I once had this feeling.
I switched off the light and again checked to see if anything was plugged in before leaving. Agad kong nakita si Callie at Ayang na nakaupo sa lamesa at mukhang tinuturuan ng lalaki ang anak ko.
"You are good at reasoning huh," Dumaan ang pagka-mangha sa tono ni Callie. "What kind of job do you hope to pursue in the future?"
Umangat ang labi ni Ayang at hindi nag-dalawang isip sa pag-sagot sa tanong ng lalaki. "Lawyer . . . as same as my father."
Ilang segundong natigilan si Callie at bahagyang napangiti. "You are aware of what a death threat is, then."
"Yes po, and I'm not afraid of the death threat," Ayang nibbled on her bottom lip. "Ikaw po? You are one of the highest paid lawyers here in the Philippines, right?"
"Like you, I have no fear of those things. . ." He lets out a sigh as he slowly turns to face me.
". . . but I fear that my loved ones will perceive that kind of threat."
^___________________^
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro