Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

33


I was rended speechless. My feet were cemented on the floor as my lips parted upon hearing those words from him. Ang tagal na no'ng huling nakaramdam ako ng atensyon . . . dahil sa kaniya.



"Ano bang sinasabi mo, C-Callie?" I gulped at awkward na ngumiti. "Paano mo naman magiging anak ang anak ko, e matagal na tayong tapos..."



"Tama ka. But at Ayang's age, there is a possibility that I am the father."




Ngumiwi ako at isinabit sa likod ng tainga ang mga takas na buhok. I'm not prepared for Callie to find out that Ayang is his child. Hindi pa ako handa sa mga maaring mangyari. 




"Noong nakipag-hiwalay ako sa 'yo, may kinikita akong ibang l-lalaki no'n, Callie. So don't expect things... dahil hindi ka magiging tatay ni Ayang." Pagsisinungaling ko. 




Kumibot naman ang kaniyang labi kasabay nang pagdaan ng sakit sa kaniyang mata. He shook his head several times as his jaw tensed. Bakas ang galit sa kaniyang madilim na mata habang patuloy na umiiling.




"Hindi ako naniniwala, Lemerie," 




I smiled and looked up at the sky. "Alam mo, naaawa nga ako sa 'yo noon. Kasi hindi mo man lang alam na may kinikita akong ibang lalaki. Even when I broke up with you, you were unaware that I was pregnan—"




Mabilis akong napa-hakbang paatras nang ilapit ni Callie ang mukha ko sa mukha niya. He held my wrist tightly and looked me straight in the eyes. 




"Then who is Callie Zyphr that your daughter is referring to? 'Di ba ako?!" His jaw clenched. "Stop lying to me again, Lemerie! You are not good at lying."




Dumagundong ang puso ko. I swallowed hard.




"N-Nasasaktan ako, Callie..." Angal ko gamit ang mababang tono, pinipilit alisin ang malamig na kamay ni Callie sa pulso ko. 




Mabilis siyang napabitaw mula sa pagkakahawak sa'kin.




"Sorry," He apologized and he step back away from me. "I'm sorry for hurting you."




Ngayon ko lang siyang nakitang ganito kagalit sa'kin... He even hurt me.




Tuluyan akong napayuko nang maramdaman ang katas ng aking mata. I sighed and puckered my lips, looking at my wrist, which was now red due to Callie's firm hold.




Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa'ming dalawa bago ko napag-desisyunan na umalis sa harapan niya at tumakbo pabalik sa pinag-paradahan ni Xion. 




"Bakit ang tagal mo?" Tanong sa'kin ni Xion.




Humugot ulit ako ng hangin mula sa ere at binuka ang bibig. "Natagalan ako sa paghahanap... buti nakita ko rin."




Buong byahe ay tahimik lamang ako. At hanggang sa pag-uwi ay hindi ko nagawang kausapin ang mga kaibigan. They were teasing me because they overheard Ayang and Callie's conversation earlier. Hindi ko naman sila pinansin at hinayaan na lamang ako batuhin ng mga pangaasar. 




Kinabukasan, maaga akong nagising para simulan ang panibagong araw. 



"Thank you for choosing, Alorica. My name is Lyndzey. How can I make you a very satisfied customer today?" Masigla kong bati nang maisagot ang tawag. Tiningnan ko ang information niya habang hinihintay ang kaniyang sagot.




I'll be off work in a few minutes. Pero sinagot ko na rin 'to dahil sayang.




"Ah ano kasi," Ramdam ko ang kaba sa kaniyang tono. "Nahihirapan kasi ako pumili ng engagement ring. Gusto ko sana yung magugustuhan ng girlfriend ko . . . pero wala rin akong pang-bili sa mahal. At saka, may napili na ako. Hindi ko lang alam kung ano ang mas maganda."




"Don't worry, I'm here to help you out. Let me see what I could do for you . . ."




Saglit pa kaming nag-usap tungkol sa plano niyang pag-propose sa girlfriend niya habang tinutulungan ko siya sa pag-send ng link sa gmail account ko.




"Okay na," Aniya kasabay nang pag-pop up ng notification sa gmail ko. Mabilis ko iyong binuksan at halos mahulog ang panga nang mapagtantong maling link ang sinend ni Sir Andres sa'kin.




It was a CCTV footage kung saan tumigil ang mamahaling sasakyan sa harap ng mga armadong lalaki at mabilis itong pinagbubugbog gamit ang sarili nilang kamay. Wala itong laban at hindi ko rin makita kung anong itsura ng mukha niya dahil madilim at malabo ang footage.




Napakurap ako nang biglang mamatay ang video at hindi na ito available. But I saved it. At tanda ko rin ang plaka ng kotse kung saan bumaba ang lalaki na mabilis na inambahan ng suntok.




RN0612




Sinubukan kong mag-salita ngunit tuluyang namatay ang tawag at hindi ko na ito matawagan ulit. This is my last client before I resign as a call center agent. Inaasahan ko na magiging maganda ang tawag... pero hindi. 




"Good afternoon, Sir, what's you order po?" Magalang na tanong ni Ayang sa lalaking nasa harapan niya. When Ayang pouted at him, I smiled a bit at the man's reaction. Mula kay Ayang, tumingin siya sa menu sa itaas at bahagyang binasa 'yon.





"Chocolate chip cookie..." He trailed off. "Frosty milkshake."




Ngumiti si Ayang bago marahang tumango sa lalaki. I immediately took care of his orders and returned to him. Ganito ang nakasayanan namin araw araw. Maya't maya ang pasok ng costumers kahit kakabukas pa lamang, kaya kahit ngalay na kaming dalawa ni Ayang sa kakangiti, ay ngumingiti pa rin kami.






My employee, Bernie, is in the kitchen. Siya na ang pinagtuloy ko ng hindi ko natapos na ginagawa ko. Design na lang naman ang gagawin niya dahil natapos ko na ang tatlong layer na 'yon. Binigyan ko lamang siya ng instructions kung paanong design ang gusto ng costumer at kapag natapos na iyon, ide-deliver ko kaagad.





I'll provide delivery since I want to seek a location to rent and establish a branch there. Sakto at katabi ang subdivision na 'yon ng eskwelahan, paniguradong hindi balik-puhunan ang mangyayari.



"Ma," Maya maya'y tawag sa akin ni Ayang.



I took off my apron and approached her. Abala ito sa pagtapos ng kaniyang asignatura na naaabala kapag may papasok na costumer.



Ayang is already dressed in her uniform. Hinihintay na lang namin ang cake matapos at aalis na kami. I'll deliver the cake once I've driven her to school. Isang direksyon lang naman ang dadaanan at hindi naman kakain ng oras 'yon para matunaw ang icing.




"Alam niyo po, Ma, ang unfair ni Ma'am. She only focuses on those students na matatalino, o kaya active sa klase. I mean, I have her attention naman po, but still, it's unfair for those students na hindi masiyadong aktibo sa klase,"





Seryosong kwento ng babae habang ang tingin ay nasa test paper.





"Kanina po, yung dalawang active sa class namin, nakakuha ng 18 over 30. Tapos si Ma'am, hindi siya makapaniwala, bakit daw po ganoon e matalino yung dalawang 'yon. And sabi niya pa, Yung mga hindi magagaling, sila pa nakakuha ng mataas kaya takang taka raw siya."






Kalmado lamang ito ngunit halata ang inis sa kaniyang mukha.






"Kapag hindi nakakakuha ng matataas na marka yung mga classmates ko na di masiyadong active sa klase, sasabihan na hindi kasi nila siniseryoso yung test. And kapag nakakuha naman sila ng mataas na marka, masasabihan pa rin silang hindi magagaling. It's complicated, Ma."






I sat down in front of Ayang and smiled at her. It's been a year since she started studying at her new school. Alam kong una pa lang, hindi mahihirapan si Ayang sa eskwelahan niya, well knowing her, she won't change to fit in with the group.





Sa totoo lang, nakuha niya ang ugali ni Callie. She doesn't give a damn about what other people think since she knows she is who she is. Hindi niya pinapansin ang mga nakapaligid sa kaniya, kaya nagtataka ako kung bakit nagkaroon siya bigla ng pakielam sa kaniyang mga kaklase, which is good.






We talked about what was going on with her at school, I gave her some suggestions regarding what she was discussing. And after Bernie finished decorating the cake, our conversation was cut abruptly.




"Babye po, Ma!" Nagtanim ito ng halik sa magkabilang pisngi ko at nagmamadaling tumakbo papasok sa loob ng kaniyang eskwelahan. She hurried inside since she knew she was going to be late, and as soon as she was away, I rapidly turned on the car.




Binuksan ko ang Waze app at nilagay ang address na pagde-deliver-an ko. Mahigpit kong hinawakan ang manibela at pinatakbo ang sasakyan sa katamtamang bilis.




I got my driving license last month. I believe I can utilize it, so And I was correct; it greatly helped me. Nagagamit ko ito panghatid-sundo kay Ayang at sa pagde-deliver, ayun nga lang, I don't own a car, and the one I use is not mine.




Kay Xion ito, pinapahiram lamang sa'kin. At kung makakaluwag luwag man, I am planning to buy a car.


I stopped in front of the guard house of the subdivision. Sobrang pribado at tahimik ng lugar na ito kahit malapit lamang ang eskwelahan dito.




"Delivery." Ani ko sa guwardiya at binigay ang house number. I also informed them that I had arrived. Wala pa man limang minuto ay dumating na ito at pumunta sa direksyon kung nasaan ako.


The maid smiled at me after and opened her mouth, "Ang haba ng binyahe mo, Hija! Sabi ni Madam, mas maganda pa raw na dito ka na rin maghapunan!" Masigla niyang ani.



Naiilang akong umiling bilang pagtanggi sa kanilang alok. "Hindi na ho, busog pa naman ako, mauuna na ho ako-"



Nagaalala itong tumango sa akin nang makumbinsi ko sa aking gusto. Tinulungan ko siya na dalhin sa loob ang tatlong palapag na cake.



Sinukbit ko ang takas na buhok sa likod ng aking tainga at nilibot ang mata sa buong lugar. It's a Spiderman-themed seventh birthday party. Napangiwi ako nang makita ang mga bata na halos lahat ay may kanya kanyang yaya.



This was the most spectacular kids' birthday party I've ever seen. Sa venue pa lang, alam mo na agad na nasa kalahating milyon ang nagastos nito.



Since I began delivering cakes, I have seen several birthday-themed. Tinkerbell? Moana? Cinderella? Spiderman? Avatar? Snow white? Name it. At sa pagkakaalam ko, lima hanggang tatlong party ang napupuntahan ko kada araw.



"Oh, Lyndzey right?" As I heard someone speaking behind me, I turned around and spotted the well-known elderly woman.



Napahinto ako.



Kasabay nang pag-agos ng mga ala-ala sa aking isipan.



Eight years have passed since I last saw her. Ang rason kung bakit ang relasyon namin ay natapos kahit wala naman balak tumapos.



I forced a smile while looking at Callie's mother.



Nagkatitigan kami. Napansin ko agad ang pagbabago ng emosyon na nakapaskil sa kaniyang mukha. Hindi ko ito mabasa kung anong emosyon ang pinapakita niya, ngunit panigurado akong pagkagulat ang nanalatay sa kaniyang kabuuhan.



Kahit ako rin naman ay nagulat, I didn't expect that the world is really so small.



"It's been a while," Gumuhit ang pekeng ngiti sa kaniyang labi, "Come have lunch with us." Suhestiyon ng babae na agad na nagpailing sa akin.



Akmang magsasalita ako ngunit napatikham nang makita ang pagtabi sa kaniya ni Naya kaya halos mahulog ang puso ko sa gulat.



"OMG! Lyn!"



Bumeso sa akin si Naya habang ang bibig ay may malawak na ngiti.



Nginitian ko si Naya at muling binaling ang paningin sa matandang babae na nasa harapan. "Hindi na po, M-Ma'am, mauuna na po ako-"



"Tita is right, Lyn, Come and eat with us." Masigasig na ani Naya, hawak hawak ang kamay ko at tila ba bata na pinipilit ang kaniyang nanay na pumunta sa paborito niyang lugar.



Masama ang loob ko habang naglalakad kasunod ng nanay ni Callie papuntang hapag-kainan. We stopped in front of the long dining table. Hindi ko maiwasang hindi mamangha. This home's inside resembles a mansion, or perhaps I should say that this property actually is a mansion.



Ang hapag ay punong puno ng mga nakahelerang putahe at mga prutas. The area is illuminated by a huge chandelier that hangs from the ceiling above it. The table has 14 seats, sa sobrang haba nito ay pwede mo nang tulugan.



Umupo ako sa tabi ni Naya.



"Hintayin natin yung magkapatid, tita, nasa guard house na sila. so that we can dine together," Ani Naya na nagpakalabog ng todo sa aking dibdib.



Was she referring to Kane and Callie?



Ilang minuto kaming tahimik habang hinihintay ang dalawa. Hindi ako mapakali. Gusto ko nang umuwi. Ayaw ko nang makita kung sino man ang hinihintay namin. I know it will be awkward.



"Hello, Mom!"



Right, it was Architect Kane.



With Callie.



Diretsong naglakad si Architect Kane sa direksyon ng kaniyang nanay upang salubungin ito ng yakap. Habang si Callie naman ay agad na umupo sa tabi ni Naya, mukhang hindi napansin ang presensya ko.



"Oh! Is that you, Lyn?" Maya maya'y sigaw ni Architect Kane na ikinadahilan upang mapaangat ng tingin si Callie at tumingin sa direksyon ko.



I looked at Architect Kane and smiled at him. Napansin ko agad ang pagbabago niya. Mas lalo itong pumuti at mas lalong lumakas ang dating niya. Ang tagal na rin naming hindi nagkita, at ni isang kamustahan ay wala.



I'll be honest—I miss working at The Crafts. Sa pagkakarinig ko nga, mas lalong dumami ang oportunidad na natanggap ng Artlife noong mga nagdaang taon. At hanggang ngayon ay matatag pa rin itong napapatakbo ni Kane.



Architect Kane sat next to me. "Long time no see, huh, so how's life?"



"Okay lang."



Sandaling kamustahan ang bumalot sa hapag-kainan at natahimik din nang maihanda ang mga pagkain sa gitna. Sa pagkakarinig ko, hanggang ngayon ay nagsa-suffer sa sakit si Sir Kane, hindi ko lang malaman kung ano ang sakit na 'yon.



"I was informed that you two broken up eight years ago..."



Pagbasag ng matandang babae sa katahimikan matapos uminom ng wine mula sa kaniyang wine glass. Naya almost choked on what she heard, as I stopped and turned to face them.



Naramdaman ko ang pagiinit ng aking pisngi sa hiya at pekeng ngumiti sa harap ng matandang babae. Gusto ko na lamang magpakain sa kinauupuan ko at mawala sa lugar kung nasaan ako ngayon.



"And right now, your relationships with others are keeping you both happy," She glanced at me. "I've heard you're a mom now. While Callie is dating Naya-"



Naya awkwardly laughed. "You misinterpreted it, Tita Callie is not dating me."



"Right, but you guys are planning to-"



"Magkaibigan lang po kami, Tita..."



Naya looked down at her food and I saw her secretly roll her eyes. Sumimsim ang matandang babae sa likidong iniinom bago ibuka ang bibig, "Whatever the case may be, I am aware of your relationship; you guys are just simply shy." She chuckled.



Napabuntong-hininga ako habang nilalaro ang mga daliri sa ilalim ng lamesa.



"Gusto kong marinig ang kwento mo, Lyn. How did things end with my son and you?"




She sweetly smile at me.



As if she weren't the reason Callie and I had to break up.



As if she hadn't said that Callie and I ought to break up because I am not worth it for his daughter.



As if she didn't know what happened.



"Umh—"



"Let's just move on, Ma," Callie interrupt what I'm saying and glanced at me. Ang mga mata niya ay madilim, nababasa ko rito ang pagtitimpi ng galit at inis. Ngunit hindi ko alam kung para saan.



He heave a sigh. "As you said, we are both content with what we are doing with our lives. So don't open up about the past, Ma. . You're wasting your time by trying to figure out what happened in the past when we've both moved on,"



He stopped and looked straightly at my eyes. Sa mga sandaling iyon, hindi ko mabasa ang emosyon niya dahil sa tensyon na nanalakay sa buong lugar.



"Right, Lyndzey?" He then asked.



I faked a smile and nodded right away. "Y-Yep,"



I said "yes," yet deep inside, my heart and mind are screaming "no."



Tahimik lamang ako na inuubos ang pagkain na nasa plato. Gusto ko na kasing makaalis sa lugar na 'to dahil naiilang talaga ako. 



"Mauuna na po ako. thank you po ulit sa lunch, I enjoy it." I said, smiling. But to be honest, hindi ko talaga na-enjoy ang pagkain. Sino ba naman kasi ang makakakain nang maayos kung grabe ang tensyon na bumabalot sa hapag-kainan?



"Oh, thank you for joining us... I hope to see you again." Nakangiting ani ng babae habang ang kamay ay magka-krus.



Tumango ako kay Mrs. Cecil, at kumaway kay Architect Kane at Naya bago umalis. Ayaw ko naman na magtagal pa roon dahil baka humaba na naman ang usapan. I went to my car and hopped in, but as soon as I felt the tire pop, I frowned.



Bumaba ako upang tingnan iyon.



Argh! Totoo nga, putok yung gulong ng kotse!



Napasapo ako sa aking noo.



Ang layo pa ng alam kong malapit na vulcanizing dito!



I took my bag inside the car and immediately took out the cell phone. Tatawagan ko na lang si Adonis upang sunduin ako rito.



But when I noticed the icon on my cellphone's screen indicating that it needed to be charged since it was dead, I chuckled sarcastically and put it back in my bag. "Ang malas naman talaga oh!"



Paano ko tatawagan nito sila Adonis?



Napasabunot ako sa aking sarili at agad din napahinto nang makita si Callie na naglalakad sa BMW na kotse. Nasa likod ng kotse ko ang kotse niya. At kailangan ko pa munang makaalis bago siya makaalis. 



I gazed at the empty street, the cold wind blew-crawling in my body that brought in shivers down on my spine.



My mind was on how to get home while my hair was a complete mess. I bent my head down, slowly losing hope.



Nagulantang ako ng tatlong beses na bumusina ang sasakyan na nasa likuran. Napatingin ako sa direksyon ni Callie at agad na nag-tama ang mga mata namin. 



"Is there a problem?" 



Umiling ako ngunit ilang segundo nang bawiin ang sinagot. I nodded and swallowed hard. Bumaba naman siya mula sa pagkakasakay sa kotse niya upang tingnan ang gulong kong may problema.



"I'll bring you home," His jaw moved and his eyes very dark.



Umangat ang tingin ko sa kaniya. "Hindi na,"



"You have no choice, Lemerie." 



Wala akong nagawa kung hindi ang tumango na lamang. Maingat na nagmaneho si Callie habang tinuturo ko ang daan patungo sa bahay.



"D'yan na lang sa kanto,"



Walang imik siyang sumunod. Dahan dahan siyang huminto sa gilid ng kalsada at pumarada sa ilalim ng puno. 



"Sa l-loob ka pa?" Maya maya'y tanong niya na nagpakaba nang matindi sa akin.



Tumango ako at bahagyang ngumiti. "Malapit lang."



Indecisiveness appeared in his eyes, "Sure?"



"Yep, thank you," Ani ko nang tuluyang makababa sa kotse ng lalaki. Kinuha ko ang gamit ko at bahagyang inayos ang gulong buhok. "Ingat ka."


Ilang segundong katahimikan ang bumalot sa amin. I think he won't leave until I leave, or am I just assuming? I laughed on my mind.



"Are you okay?" Callie asked after a long period of silence.



I was stumped for an answer, but the need to be honest with him was so strong that I eventually just laughed it off.



"Bakit naman hindi?"



He shrugged, still no emotions on his face. "You've been very down . . . and it looks like you've got a lot in mind."



Bahagya akong napangiwi. "Nag-aalala ka?"



"I'm just asking, Woman. 'Wag mong sagutin kung ayaw mo."



Sarkastiko akong natawa, nilalagay ang takas na buhok sa likod ng aking tainga. "Okay lang ako," Kinagat ko ang ibabang bahagi ng aking labi. "Mauuna na ako, salamat ulit."



I didn't think twice and turned my back to him. Maya maya ay narinig ko na ang tunog ng makina ng kaniyang kotse, tanda nang umalis na ito. May mapait na ngiti ang labi ko nang pumihit paharap.



Pinanood ang kotse niya makalayo habang ang tingin ay naka-pokus sa kaniyang plaka.




RN0612




Napabuntong-hininga ako. 



Alam kong magtatagpo ulit ang landas namin sa mga susunod na araw. . . and I knew I had to brace myself.



^_________________^

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro