Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

29

"Congrats, baby!" Niyakap ni Zafinah si Ayang nang mahigpit.

We just came back from the restroom. Ngayon ay may nakapaskil na ulit na ngiti sa mukha ni Zafinah at tila ba walang nangyari kanina sa restroom. 

Sinubukan kong hagilapin si Sharon upang manghingi ng pasensya tungkol sa nangyari pero hindi ko na siya nakita pa. I think she has left. Napahiya rin kasi ang isa na 'yon kanina 

"Bakit po gulo-gulo buhok ni Tita Zafinah, Ma?" Bulong sa'kin ni Ayang. 

Mabilis akong nag-peke ng tawa. "Wala 'yan. Ang harot kasi kanina habang chini-cheer ka. Ayan tuloy, gulo-gulo buhok."

Ayang just laughed at me. Mukhang ang saya-saya niya suot-suot ang korona at ang sash na nakasabit sa kaniyang katawan. Ang ganda niya rin. Kanina, para siyang bituin na nagniningning habang katabi ang iba pang contestant.

"Saan gusto mo kumain?" Tanong ni Amirah kay Ayang.

Ayang smiled widely. "KFC!"

Amirah invited and freed us for dinner bilang selebrasyon sa pagkapanalo ni Ayang. We just laughed and laughed until we finished eating.

Kung sa tutuusin, halos isang dekada ko ng kaibigan sila. They are no longer my friends because they are my siblings as well. Noong mga panahon na walang-wala ako at ubos na ubos, andoon lamang sila sa tabi ko. 

They never left me. Sinamahan nila ako sa lahat ng pag-subok na natamasa ko. 

"Lyn, ipapaalam ko si Ayang hah. Gusto kasi sumama... gagala raw kami."

Nilingon ko si Ayang. "Sasama ka?"

"Opo, Ma. Kasama naman po namin sina Tito Adonis." 

I nodded and let Ayang join Amirah. Inaya rin nila akong sumama ngunit hindi ako pumayag dahil kailangan kong buksan ang pwesto ko. Ilang araw ko na rin hindi nabubuksan ang pwesto ko dahil sa sunod-sunod na lakad namin magkakaibigan. 

"Bakit pala hindi nakasama si Xion kahapon?" Tanong ni Dion sa'kin.

"Hindi pinayagan ng manager niya. Malapit na kasi laban nila, worldwide." 

Tumango naman siya.

We both stopped walking when my cellphone beeped inside my sling bag. Maging siya ay napahinto sa pagsasalita at napatingin sa akin. "May tumatawag, Lyn."



Sharon is calling.



Huh? Bakit kaya?



"Hello," I said as I answered the call.



"Ah Lyndzey... free ka mamayang gabi? Bar tayo... gusto ko lang mag-sorry. Send ko location. 8 p.m. huh." And then the call ended.



Napabuntong hininga ako. Paano naman ako makakatanggi kung hindi naman niya ako pinagsalita at binabaan kaagad ng tawag.



"Sino 'yon, Lyn?" Ani Dion.


"Elementary friend ko, nagaaya mamayang gabi."



Bahagya siyang natawa. "Mauuna na ako, Lyn! Hindi pala ako makakasabay! Hinahanap na ako ng misis ko, e." Nahihiya niyang ani at may pakagat pa sa kaniyang labi.

"Sige, may pupuntahan din kasi ako. Ingat kayo!" I waved back.



Mabilis akong naghanap ng masasakyan papunta sa lokasyon ng bar na sinabi ni Sharon. Saktong eight ng gabi ang usapan namin, ngunit eight thirty ang labas ko.



It took me a few minutes to find a jeep to ride. Binanggit ko ang lokasyon na binigay ni Sharon at nag-abot ng bayad.



I took my cellphone from the sling bag and typed a chat for Zafina.

Lyn:
Zaf, baka nine or ten pa ako makakauwi.
May pupuntahan lang ako.
'Wag niyo na akong hintayin, kumain na kayo ng hapunan.
Sasama raw ba si Ayang kay Amirah? Kapag oo, bihisan nang maayos hah. Tnx.


Tinago ko pabalik ang cellphone sa bag at buong byahe, ang mga mata ko ay nakatutok lamang sa labas ng bintana hanggang sa marating ang destinasyon. Bumaba ako ng jeep at sinabihan si Sharon na nandito na ako sa labas.


Wala naman akong alam sa lugar na 'to, kaya mag maganda kung magpapasundo na lamang ako.


As soon as Sharon saw me, she immediately greeted me with a hug, causing my forehead to furrow.


"Tara pasok tayo sa loob." Aniya at mabilis akong tumango.


I'm just confused. Bakit sa bar? Ang dami namang resto diyan sa tabi tabi.



Baka trip niya lang.



Umupo ako sa couch kung saan nasa harap ko siya at mabilis na pinasadahan ang table na nasa gitna namin na may mga alak na hindi pa bukas. Mga bowl na may pulutan at ang mga disposable cups.



"Sorry sa nangyari kahapon, Lyn... Sinasabayan ko lang naman kasi si Bea."



Kumibot ang aking labi. Hindi ko inaasahang ganoon agad ang ibubungad niya. Mabilis akong umiling at tumuwid ng upo. "Baliw, kami dapat ang mag-sorry kasi... sinugod ka ni Zafinah."




Bumuntong hininga siya at kinuha ang mataas na patong patong na disposable cups, ang pinakadulo lamang na cup ang hinawakan niya at inalok sa akin. Kumuha ako ng isang baso at mabilis niya itong sinalinan ng alak.



"Congrats nga rin pala sa pagkapanalo ni Ayang! Deserve niya 'yon!"


Tumango ako at ngumiti. "Salamat... okay na rin ang first place, hah." 


First place ang nakuha ng anak niya, pero para sa'kin, ayos na rin 'yon. 


"Lagi namang ganoon, Lyn. Lagi akong nasa pangalawa mo simula highschool tayo," She laughed sarcastically. "Yung crush ko nga, nagka-crush pa sa 'yo kasi ang ganda mo."




Tinitigan ko ang baso na may lamang likido at binuka ang bibig ngunit kinalaunan ay sinara rin ito. What she said was true, she was always second to me. At hindi ako pinanganak kahapon para hindi mapansin ang tinatagong inggit niya sa'kin.


But that was a long time ago. We both forgot about it. Malalaki na kami hindi katulad ng dati para mainggit sa isa't isa. 

"Cheers!" Aniya at tinaas sa ere ang kaniyang baso.



Nagdadalawang isip ko itong tiningnan at ilang minuto pa ay inangat din sa ere ang aking baso. Pinanood kong tunggain ni Sharon ang baso ng alak at nang matapos ay tiningnan ako, pinapainom sa akin ang likido na nasa loob.



Paniguradong mapapagalitan ako ng mga kaibigan ko nito. At lalo na si Ayang. 



"Lyn, ano?" Wika Sharon nang mainip sa kahihintay sa akin kung iinom ba ako o hindi. 


Ngunit sa huli ay wala akong nagawa. Tinungga ko ang baso ng alak at halos makalahati ko iyon. Mabilis na nangasim ang aking mukha at halos maduwal sa pangit ng lasa ng likido. Ang init nito sa tiyan.




I used to drink frequently, but I haven't gotten acclimated to the taste of alcohol yet.



"Kumusta ka naman, Lyn? Kasi 'di ba, wala naman tayong masiyadong communication... kaya mangangamusta ako."



Ah.



"Okay naman ako. Ikaw ba?"



Our talk was so awkward, I don't know why.



"Hindi masiyado. Natanggal ako sa trabaho... hindi ko alam kung bakit."



Nahulog ang aking panga at mabilis na tiningnan siya sa mata.



Kung ganoon ay wala siyang trabaho ngayon. Kaya pala ang dami niyang libreng oras. Dahil noon, kapag ganitong oras ay nasa flight na siya, pero ngayon... wala siyang ginagawa.



We both talked about something else. Napagusapan din namin kung ano ang nangyari sa kanila ni Attorney James, ngunit parang ayaw niyang pag-usapan ang tungkol doon dahil iniiba niya ang usapan.



Niyaya niya akong mag-sayaw sa dance floor, ngunit dahil nahihilo ako ay hindi na ako sumama sa kaniya. At kahit naman hindi ako nahihilo, hindi talaga ako sasama sa kaniya upang sumayaw sa dance floor.



I looked at my wrist watch and immediately saw that it was already 11 pm.



Masiyado akong nalibang ni Sharon at hindi na namalayan ang oras. Naka-tatlong bote rin kami ng alak ngunit sa tingin ko, mas marami akong nainom doon kaysa sa kaniya.



"Anong ginagawa mo, Lyn?" Tanong ni Sharon.



Kinuha ko ang mga disposable cups na nakakalat sa lamesa at pinagpatong-patong ito. Akmang kukuhanin ko ang baso ni Sharon ng mabilis niya itong hablutin sa aking kamay.



Hindi ko na ito pinansin at mabilis na tumayo. "Itatapon ko lang ang mga 'to."



"Huh?! No!... I mean... 'wag na, may mga staff naman dito. Baka mapaano ka pa. Mukhang ang lakas pa naman na ng tama mo."



Sandali akong natulala at bumalik sa pagkakaupo. Hilong hilo na ako, at sa sobrang pagkahilo, nagdadalawa na ang mga tao at bagay sa aking paningin. At pakiramdam ko ay umiikot ako.



"Lyn, CR lang ako. Akin na 'yan, ilagay mo rito sa loob ng plastics, ako na ang magtatapon. Madadaanan ko naman ang basurahan doon." Tugon ni Sharon at binuka ang plastic bag.



Mabilis akong tumango at nilagay ang dugtong-dugtong na cups sa loob ng plastics. I watched as Sharon hung her sling bag on her arm and stood up with the plastic bag containing the contents that I grabbed.

Ganoon ba talaga siya kaarte kaya maging ang mga hinawakan ko lamang ang kinuha niya? At ang mga hinawakan at ginamit niya ay tinira niya rito?



Naglakad siya palayo, ang mga hakbang ay malalaki at mukhang nagmamadali ang babae. Napapikit ako at napasandal sa malambot na likuran ng couch nang maramdaman ang matinding pagsakit ng aking ulo dahil sa likidong ininom.

After that, everything went black.


Nagising na lamang ako nang gisingin ako ng staff. I immediately returned to my senses and quickly looked for my cellphone. It was already one in the morning, at hindi ko alam kung nakauwi na ba sila Ayang.


I quickly open the conversation with Amirah. 


Amirah:
Lyn, dito ko muna inuwi si Ayang sa condo
Inabutan kami ng curfew
safe naman siya, don't worry
Pinakain ko na rin

Nag-tipa ako ng reply.

Lyn:
Okie, thsnk


As soon as I clicked the back button, I immediately saw the flood messages from Zafinah. Natataranta kong binuksan iyon at agad na napahawak sa bibig, unti-unting natatanggal ang tama sa katawan. 

8:35 p.m.

Zafinah:

Okay, ingat ka, Lyn! Nasaan ka ba?

Potek, nagluto ako tapos ako lang din naman kakain

Kasama nila Amirah si Ayang. 'di nga ako sinama e, tampo na ako

Ako lang mag-isa sa bahay mo, Lyn. Pero ayos lang, titingnan ko na lamang mga old photos niyo ni Deron. #Pakielamera_Mumints

9:22 p.m.

Zafinah:

Plehse hwhafg kang umuiwi

wsg cung uosi

whg cuyong umuwi nina Xin

chut mo sula adonis

wag sila uuwi

wag kau umuwi please

nutatakost ako lyn

wsg k uwi pls

nsa cbinet lng aq


Tila nawala ang tama sa aking katawan.


Cabinet? How is she even there? Why do all of her chats have typos? How come she's afraid? What happened?


Mabilis na dinaga ang dibdib ko. Hinubad ko ang aking sandals at tumakbo palabas sa exit ng bitbit bitbit ito.


I looked around, catching my breath.


Paanong hindi ako kakabahan sa mga chats ni Zafina?


I held my head and quickly massaged it.



Umalis ako sa bar, hindi na hinanap pa si Sharon at ilang minuto bago ako makahanap ng jeep. Dali dali akong sumakay doon at nagabot ng bayad. I ignored the individuals in front of me and swiftly launched the conversation on my cell phone.



Zafinah:

su tngen ko megskitkita ns kami ni dsron

hinshsbol ndile ako lyhn

haha pdota

sa tingsion ko kisdlla ko sna sile

Lyn:

anyare Zaf

papunta na ako diyan

diyan ka lang

It took me fifteen minutes to get home. Nahulog ang sandals ko sa loob ng jeep ngunit hindi ko na ito binalikan upang kuhanin nang matanaw ang bahay ko. Tumakbo ako dala dala ang mga gamit.

I opened the door right away despite the fact that it was closed but not locked.


Agad na nanghina ang aking mga tuhod nang makakita ng kutsilyo sa lapag na may dugo. I was quickly overcome with fear. Pabagsak kong binaba ang aking mga gamit sa couch at mabilis na hinahanap si Zafinah.



N-No... Please, no... Tell me I'm just having a drinking-related hallucination.



"Zafinah!" I shouted. "Zafinah, hindi ako nakikipag-biruan!"



Pag-hakbang ko sa itaas, mabilis akong nag-tungo sa mga kwarto, hinahalughog ang bawat cabinet. My house has only three rooms. Tapos na ako sa dalawag kwarto... sa kwarto ko na lang ang hindi ko nakikita.


When I stepped into my room, I quickly saw the blood, which made me completely weak.


Hindi... mali itong nakikita ko...



May tama ako kaya paranoid. Baka nanaginip lang ako... a bad dream...



Hindi pwede!


Zafinah is lying in her own blood... Ang kaniyang buhok ay magulo at ang isang kamay niya ay may hawak pang ballpen. Napatingin ako sa kaniyang tabi, may isa pang kutsilyo roon na puno ng dugo, may ilang laman pa ang kasama doon.



Napahawak ako sa aking labi, ang mga luha ay sunod sunod na nagbagsakan sa aking pisnge, hindi na alam kung anong gagawin.



I closed my eyes... it was getting harder and harder to breath.



I looked at my back when I heard the police siren. There were many cars present, all of which were cop cars, and the cops all stepped out from it. Pumalibot silang lahat sa akin at tinutok ang baril sa akin.



"Put your hands up in the air!" one police said. "You are under arrest!"



My eyes widened.



Anong nangyayari?



Nilapitan ako ng dalawang pulis at mabilis na pinosasan ang kamay. Tinulak nila ako palabas ng aking bahay papunta sa direksyon ng kanilang mga sasakyan.



"You have the right to remain silent," The police said. "You have the right to remain silent. Anything you say can and will be used against you in a court of law. You have the right to an attorney. If you cannot afford an attorney, one will be provided for you. If you decide to answers question now without a lawyer present, you have the right to stop answering at any time. Do you understand?"



Wala akong alam sa sinasabi nila.



The next thing I recall about the incident is that they arrested me after forcing me into their car.



I tried to defend myself but everyone was judging me. Hindi sila naniniwala dahil hindi malinis ang pangalan ko.



Hindi ko alam kung anong gagawin ko.



"Hoy, Lyndzey, may bisita ka!"



Nagising ako matapos marinig ang sigaw ng pulis. Binuksan niya ang kulungan at mabilis din itong kinandado nang makalabas ako.



I was followed by a police officer to the waiting room where I soon spotted Zafina's mother. Nang magtama ang mga mata namin, dali dali kong napansin ang pag-akyat ng matinding galit sa kaniyang mukha.



"Walang hiya ka! Pinatay mo ang anak ko! Mamamatay tao ka!"



Hindi pa man ako nakakalapit, naririnig ko ana agad ang kaniyang sigaw. Nakita kong nilapitan siya ng dalawang pulis upang awatin sa pagsugod na gagawin.



I sat in front of her.



Wala akong lakas. Naiwan pa rin kasi ang aking isipan at sarili sa kagabing pangyayari.



When I felt someone slap me in the face, tears started to fall into my eyes one after the other and quickly reached for my hurting cheek.



"Hayop ka! Pinagkatiwalaan ka ng anak ko! Maging ako, pinagkatiwala ko siya sa 'yo pero mamamatay tao ka! Pinatay mo ang anak ko! Hayop ka! Hindi ako papayag na hindi ka mabubulok sa kulungan!"



She let go of that line, controlled her emotions, turned around, and walked away.



Napayuko ako at napahagulgol.



Muli akong bumalik sa loob ng kulungan at nagising nang gisingin ng pulis. "May dalaw ka, Lyndzey." Ani Pulis.

Napabuntong hininga ako at agad na naglakad papunta sa visiting area.



Mula kalayuaan, natanaw ko si Xion at si Adonis. Naghihintay sila at mukhang malalim ang iniisip. Sa bandang kalayuan naman ay tanaw ko si Amirah na mugto ang mata kasama si Dion na may dalang mineral water.



"Lyn-"



Mabilis kong pinutol si Xion at umupo sa kanilang harap. "Nasaan si Ayang?"


"Nasa condo ko, Lyn. Hindi ko muna siya pinauwi sa bahay niyo kasi may investigation pa na ginagawa roon, pero 'wag kang mag-alala. Pinapunta ko roon si Tita para mag-alaga sa kaniya."


Tumango ako. "Alam niya na?"


It was traumatazing for Ayang. 


"Oo, e, nabasa niya convo namin ni Xion."


Katahimikan ang bumalot sa'min hanggang sa magdesisyon akong basagin ito. "Naniniwala ba kayo na pinatay ko si Zafina?"



Lahat sila ay mabilis na umiling.



"A-Ano bang nangyari, Lyn?" Tanong ni Amirah sa akin.



I immediately felt tears running down my cheeks. "Hindi ko alam, ma-masiyadong mabilis yung pangyayari... Pagkauwi ko ng bahay, nakita ko si Zafinah na n-nakahandusay sa sarili niyang dugo.. tapos..."



Hirap na hirap kong ani.


"Nagpo-proseso pa sa utak ko lahat," Bakas ang lungkot sa halakhak ni Adonis. "Hindi pa patay si Zafinah sa utak ko... at sana h'wag nang mag-proseso sa utak ko ang nangyari para buhay pa si Zafinah."


Lahat kami ay nagluluksa.


"Miss ko na yung gaga na 'yon..." Dion swallowed. "Hindi tayo pwedeng pumunta sa burol niya at sa libing, k-kasi, galit sa'tin yung nanay niya.

Pinanood ko ang pagyuko si Xion, humugot siya nang malalim an hininga at muling nag-angat ng tingin. "Sinampahan ka ng kaso ng nanay ni Zafinah..."



Adonis and Dion groaned. 



"Hahanapan kita ng abogado, Lyn."



Ganoon nga ang nangyari. Makalipas ang dalawang araw na pananatili ko sa loob ng bilangguan, nahanapan nila ako ng abogado.



I'm represented by attorney Luxeuil Grey Sandoval, a doctor's brother named Laurent Kyl Sandoval.



We discussed what had occurred that evening.



"Inaya ako sa Del Mundo bar ni Sharon-"



"Ano? Del Mundo? Wait... parang familiar... Oo! That bar run by Cid's friend's mum!" Ani Xion at mabilis na kinuha ang kaniyang cellphone. "Hihingin ko ang CCTV's footage."



Kita ko ang pagtango ng abugado sa kaibigang lalaki.


"'di ba, ganitong ganito yung sasakyan na nahagip sa sa CCTV sa Sampaguita street? Tapos kitang kita naman na ito ang sinakyan ni Sharon."



I feel betrayed.



Bago matapos ang araw na 'yon, sinabi ko sa aking abugado lahat lahat.



Attorney Grey knows someone else involved in the case.


And that's Sharon.


May pinapakita pa sa akin Atty. Grey na piraso ng papel na natagpuan sa phone case ni Zafinah. Handwritten iyon ni Zafinah, ngunit hindi ko maintindihan dahil nakasulat iyon sa code.


The investigation began and immediately ended. 


Ilang araw akong namalagi sa loob ng kulungan hanggang sa sumapit ang araw at isasalpak na ako sa korte. To prove whether I am innocent or guilty.


"I have no doubt that we will win."


Attorney Grey spoke as if he was aware of every development that would occur in court. He is adamant that we will prevail. Mukhang hindi siya kinakabahan, nananatili lamang itong kalmado na tila ba walang nararamdaman na takot.


I was soon handcuffed and taken into the courtroom by the cops. Hindi nagtagal ay dumating na ang kabilang panig.


Sharon is dressed in trousers and a fitted long sleeve. Nakaayos ang kaniyang buhok at may kakapalang kolorete sa mukha. May malawak na ngiti sa kaniyang labi na tila ba kampante siya na magwawagi ang kanilang panig.





Nagiwas ako ng tingin sa babae at agad na lumipad ang aking atensyon sa pamilyar na lalaki. He wears a Traje de boda and appears to be a royal.







I am stuck on my spot, not moving an inch, with my mouth parted wide wile staring at him, the man who shattered my heart eight years ago.





The moment our eyes met, every memory I had immediately rushed back to me.




That was eight years ago...



Ang hirap sabihin na nakaahon na ako mula sa pagkakalunod. Paulit ulit kong niloloko ang sarili ko, na halos magmukha na akong tanga para lang makalimutan siya, pero gabi gabi, walang araw na hindi ako nangulila sa kaniya.


The good times I had with him are still engraved in my brain, making it swell with residues of the little things that reminds me of him.


But it's all just a memory now. different feelings than before. Ganoon naman talaga, maiiwan ang mga ala-ala ngunit ang nararamdaman ay magbabago.



I am no longer going to dwell on the agony I once felt since I have grown over it.Isa sa pinakamagaling na abogado rito sa pilipinas ang abogado ng kabilang panig, I shouldn't be surprised that I'm feeling extremely anxious. He was my ex-boyfriend, at bukod roon...



May kumirot sa aking puso.


"Eight years na simula nung huli ko siyang makita. At ngayon, nag-kita muli kami sa Korte," Garalgal ang boses ko. "Siya ang abogado ng kabilang panig na pinaratangan ako ng krimen na hindi ko naman ginawa..."

^_______________^

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro