28
You cannot force yourself to let go, no matter how much you know you want to. However, you cannot force something out of your brain space, no matter how much you don't want it to be there.
Instead of accepting the ways we think likfe did not word out, we have to be able to see what was at the core of our desire and figurse out a way to still give ourselves that experience now.
When I wake up in the morning, something is different. I sense the warmth of someone beside me. But when my hand moves across the sheets to find her, no one is there.
I rub my eyes until the walls of my bedroom comes into focus. Streaks of light glimmer across the ceiling like sunlight of water. If it wasn't for the thin window curtain, I wouldn't know it was daylight out.
It's one of those mornings where you don't know how much time has passed since you fell asleep. Hours or days, I'm not sure. I have to check the clock on my phone to orient myself for the day.
It's saturday.
I sit up on the bed, and glance around the room. Ganito ang nakasanayan ko araw araw sa loob ng anim na taon. Pagkamulat pa lamang ng aking mga mata, kusa na itong iikot sa bawat sulok ng kwarto at hahanapin ang aking anak.
That is my preferred daily routine.
I was about to stand up when I caught sight of myself in the mirror.
I can sense that my former weight is coming back. Hindi na busog na busog ang eyebags ko katulad dati. Hindi na rin ako laging sinusugod sa hospital katulad noon. At ang isa pa, nakakatulog na ako ng mahimbing na walang iniisip na problema. I take better care of myself now than before.
A lot of positive things happened when I gave birth to Calliah.
But as many years passed, Hindi maiwasang dumaan sa isip si Callie. Naririnig ko sa kung saan na sobrang matagumpay niyang abugado. Ngunit hindi ko maiwasang tanungin ang sarili kung nasaan na siya ngayon?
Ano kayang ginagawa niya ngayon? Kamusta na kaya siya
I haven't seen him in years . . . And I don't want to see him either.
Humugot ako nang malalim na hininga at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri. Eight years is more than enough time to move on and forget about him. Dapat hindi ko na siya iniisip pa . . . at binabaon na sa limot ang nakaraan.
I slipped into my slippers and walked downstairs.
Mabilis na naglaro sa aking ilong ang amoy nang niluluto ni Xion sa kusina nang makababa. I entered the living room and easily spotted Ayang and Adonis, who didn't even notice my presence because they were both preoccupied with what they were doing.
Gumagawa ng asignatura ang aking anak sa maliit na lamesa habang si Adonis ay tutok ang mga mata sa screen ng cellphone, may malawak na ngiti sa labi na tila ba kakatakas lamang sa mental.
Ang aga-aga, grabe na agad ang ngiti niya sa harap ng cellphone?!
I stepped behind him to see what he was up to.
Adonis: I lIk3 y0u
When my daughter noticed me behind Adonis, I turned my head to her and indicated her not to make any noise before returning my attention to Adonis' phone. Agad na nanliit ang aking mga mata nang makitang mag-reply ang babaeng kausap.
Zen: I don't care. I like someone else, dude
Napasapo ako sa aking noo, pinipigilan ang pagbungisngis at akmang magsasalita ngunit napatikhim nang makita ang sunod na ginawa ng lalaki. He went to the nickname and typed in the name of the lady he was speaking with.
"You set your nickname to Someone else."
Tuluyan akong napabungisngis nang makita ang paggulantang ni Adonis at mabilis na pinatay ang kaniyang cellphone ng marinig ang aking boses mula sa likuran.
"Nako, Adonis, iba na 'yan." Tukso ko sa lalaki.
Mabilis siyang tumawa, nagpapatay malisya. "Joke lang 'yon, binibiro ko lang naman yung anak ni Mayor."
Inilingan ko ang lalaki habang patuloy na tumatawa. I approached my daughter and watched what she was doing while waiting for Xion who was cooking breakfast. Inayos ko ang kaniyang buhok nang mapansing hinaharangan nito ang kaniyang mata.
Ayang has grown up quickly. Parang noon lang ay karga-karga ko pa siya, ngunit ngayon, matatangkaran na niya ako. It was not easy for me to raise her, kung mahahati ko nga ang katawan ko sa apat, gagawin ko para lang mabigyan siya nang maayos na buhay.
Sobrang hirap maging isang ina, ngunit para sa isang responsableng ina, walang kaming hindi kayang gawin para sa aming mga anak.
Nang matapos si Xion sa pagluluto, sabay sabay namin itong pinagsaluhan. It's routine for us to eat together.
Hindi ko alam kung bakit . . . pero hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng hiya sa tuwing kasama ko sila kumain sa mamahaling kainan. Sobrang taas na nila kung ikukumpara sa akin. Except for me, they are all successful.
Xion is still a pro-gamer, mas lalo nga lamang tumunog ang kan'yang pangalan dahil sa kaniyang banda. Amirah is now a well-known artist, and she is currently in Spain. Dion is now Nadara Crafts' CEO. Adonis continues to work there in artlife as a manager.
Sobrang taas na nang lipad nila, wala akong magawa kung hindi ang tingalain sila.
Habang ako . . . wala pang napapatunayan sa sarili. Pero ang mapalaki ko nang maayos ang sarili kong anak, pakiramdam ko ay lahat na ng pangarap ko ay nakamit ko na.
I can't ask for anything more because my daughter and I live happily together.
At isa pa, may pinagkukuhanan naman ako ng pera. It was a sweet treat that Xion franchised to me.
Ang tindahan na ito ay ang tumulong sa akin para mabuhay at mapa-aral si Ayang. Pinasok ko rin ang pagko-call center dahil hindi sapat ang kinikita ko para matugunan lahat ng pangangailangan ng anak ko.
Lahat yata ay gagawin ko para kumita ng pera.
Hindi naman kasi gaanong malakas ang kita ng sweet treats. May mga araw na mahina ang benta, at may ibang araw din na malakas. My store, like life, appears to be a wheel. Minsan nasa ibaba, at minsan din ay nasa itaas. Ngunit kadalasan, ito ay nasa gitna, at masasabi kong kuntento na ako roon.
"Ma,"
I immediately turned to Ayang by my side with a broad smile when she called me. Basang basa ito sa sariling pawis at sa tingin ko, pwede ko nang pigain ang kaniyang damit. I quickly pulled the towel from my bag and wiped her back.
"Maligo ka na mamaya, Anak, ang asim mo na." I chuckled as I kissed her neck.
Kakauwi lamang namin galing sa pag-iikot sa mga rentahan ng mga dress. Knowing Ayang, sobrang nasasabik siya sa pag-sali sa mga pageants at hindi papayag na hindi manalo, so, I made all the necessary preparations.
Bumili na rin ako ng mga palamuti na ilalagay sa kaniyang buhok. Zafinah also bought new sandals for Ayang. Maging si Amirah ay sinagot ang iba niya pang kakailanganin sa pag-sali sa paligsahan.
They spoiled Ayang so much.
"Ma . . ." Ayang called me again.
I raised my brow at her. Kanina pa siya may gusto sabihin ngunit halata namang hindi niya ito masabi. I was ready to speak but immediately shut my lips as she continued.
"Pang-limang beses na po akong tinatanong ng mga kaklase ko kung bakit daw ikaw lang po ang nakikita nila," She pouted. "Kahit daw po sa family day, ikaw lang ang pumunta... They kept asking me about my Dad... Nasaan po ba siya, Ma?"
Tuluyan akong napalunok at hindi na nakaiwas sa tanong ng anak.
In the eight years of her existence, she asked me several times about her father but I could not answer. Lagi akong nabablanko kaya para makaiwas sa usapan na 'yan, hindi ko na siya sinasagot.
"Ano pong pangalan niya? I want to know him, Ma. Para kahit sa form, maisusulat ko ang name niya, even though I haven't seen him since I was born."
Ni kailan man, hindi ko nakwento sa kaniya ang tatay n'ya. Maski ang banggitin sa kaniya ang pangalan ng lalaki, hindi ko ginawa. I was afraid for some reasons.
But I can't help feeling sorry for Ayang. Wala ang tatay niya sa tuwing may kaganapan sa paaralan niya na kailangan ng pamilya. Ako lang din ang nalalagay n'ya sa family tree niya. At wala siyang naisasagot sa mga kaklase niyang nagtatanong tungkol sa tatay niya.
I know she is jealous of others who have a father.
"Callie,"
"Callie?"
Tumango ako. "Callie Zyphr Geisses."
She quickly grabbed my hand, jumping a little in joy with her mouth open. Malaki ang ngiti sa kaniyang labi at tila ba mangha sa narinig. She shook my arm while pouting.
"Ang ganda ng pangalan niya. I bet sa kan'ya mo nakuha ang pangalan ko,"
She's right. Ang Calliah na first name niya ay galing sa pangalan ni Callie. At ang Yvette ay galing sa'kin. They used to call me Yvette when I was young.
"Tell me more about him, Ma,"
Gumuhit ang kunot sa aking noo at agad na umiling bilang pag-tanggi sa gusto ng bata. I already told her Callie's name. Sapat na siguro 'yan na kaalaman tungkol sa tatay niya.
"Sige na, Ma. Please," Nananatili ang pag-talon niya sa katamtamang taas habang ang dalawang kamay ay nasa braso ko, pinipilit ako sa kagustuhan niya. "How about his profession, Ma? Ano po ang trabaho niya?"
Bahagya kong ginulo ang kaniyang buhok na basa sa pawis. "He's a lawyer, Nak."
"Laywer? like the one who is defending his client in courtroom?"
Tinango ko ang ulo ko at pinanood ang pagkamangha na dumaan sa kaniyang mukha. She nodded a few more times, biting her bottom lip.
"Nakita niyo na po ba siya sa korte, Ma?" Mabilis akong tumango na mas lalong nagpamangha sa kaniya. "How's his looks, Ma? Kamukha ko po ba siya?"
Hindi ko alam kung anong isasagot ko kaya tumango na lamang ako. Totoo naman ang sinabi niya. She looks like Callie and I'm jealous because of that. Biruin mo, ako ang kasama ni Ayang simula nung lumaki siya, pero si Callie ang naging kamukha.
"May picture ka po ba niya, Ma? I'm sure he is pogi po! Kasi look, oh, I'm maganda kaya," She flipped her hair and giggled. Napahalakhak naman ako at kinurot ang namumula niyang pisngi.
May parte talaga sa'kin na nagsisisi kung bakit hindi ko nilayo ang anak ko kina Adonis. Look, she grow up with that attitude.
"Mabait po ba siya sa 'yo, Ma?" She pouted.
Walang pag-aalinlangan, mabilis akong tumango. Callie is kind. So kind. Wala akong masasabi sa kaniya simula una pa lamang. Everyone says he has an ugly attitude but when you get to know him, he is kind.
"Buhay pa po siya 'di ba? E, bakit po kayo nag-hiwalay?"
That stopped me. Siyam na taon na noong mag-pasya akong makipag-hiwalay sa kaniya at tapusin ang relasyon na namamagitan sa'min. Hindi naging madali para sa'kin ang bagay na 'yon... pero... kinaya ko kahit ilang beses na gustong sumuko.
Hindi lang naman kasi dahil sa iisang rason 'yon. I was lost too, pagod din ako dahil sa ibang bagay kaya mas pinili kong sundan ang daan na gusto ng nanay ni Callie. And I can say that I have no regrets but I have a lot of what ifs.
What if hindi ako nakipaghiwalay? Mabubuo kaya ang pamilya namin? Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang may anak kami?
I smiled at Ayang. "We decided to separate for our own good, Ayang. And also, mabait si Callie. He hasn't hurt me since I met him. Lahat nga, gagawin niya para sa'kin kahit ikakapahamak niya basta ayos ako..."
"I bet he is different from other men, Ma," She smiled proudly. "Nasaan na po kaya siya ngayon, Ma?"
That's the question I keep asking myself. Kung nasaan na ba si Callie ngayon... may pamilya na kaya siya? Ano na kaya ang kalagayan niya? Masaya na kaya siya sa ibang babae?
Ouch.
I laughed to myself and sighed. Naka-move on na ako. Matagal na. There is no reason to go back to the past.
Ginulo ko ang buhok niya. "Matulog ka na, Ayang. Bukas na ang pageant.. You should take beautyrest."
"Okay po, Ma. Goodnight!" She kissed me on the cheek and went upstairs.
Nang mawala sa paningin ko ang rebulto ni Ayang ay binalik ko ang tingin sa ginagawa. I was doing her hair dress. Nasira kasi kanina kaya pinilit ko na lamang ayusin. Mabuti na lang at naayos ko.
Kinabuksan ng tanghali, Amirah arrived here to the Philippines from Spain. Sinikap niya talagang maka-uwi rito sa Pilipinas upang ma-suportahan si Ayang. Ang sabi ko nga ay 'wag na siyang umuwi dahil nagtatrabaho siya sa Spain, pero wala. Mas ginusto niyang makita si Ayang.
She bought Ayang many chocolates. Sinubukan pa nga nilang itago iyon sa'kin dahil pinagbabawalan ko ang anak ko na kumain ng matatamis para maalagaan ang kaniyang ngipin. Pero nadulas si Adonis, e.
"Ayaw kasi ako bigyan!"
Amirah rolled her eyes. "Ano ka ba naman, Adonis! CEO ka na lahat-lahat, nanghihingi ka pa rin sa'kin!"
We are now on the dressing room of the backstage. Hinihintay na lang namin ang oras para bihisan si Ayang. At katulad ng nakasanayan, sila lamang ang maingay sa lugar kaya nasa amin ang atensyon ng mga taong dumadaan.
"Iba pa rin daw kasi kapag galing sa 'yo, Amirah! Iba raw yung tamis ng chocolates kapag sa 'yo galing!"
Kaagad naming tinawanan ni Zafinah ang biro ni Dion.
"Shit! Parehong single! Baka kayo talaga!"
Sa nagdaang panahon, nanatiling single ang dalawa. Simula nung makipag-divorce si Amirah sa pinakasalan na lalaki, hindi na ulit siya humanap pa ng lalaki. At si Adonis namin, wala talaga. Tatanda yatang binata si Adonis.
Habang si Dion, may sarili ng pamilya. Nakakasama na lang siya sa'min kapag pinapayagan ng misis niya. At si Zafinah, si Deron pa rin. Wala raw siyang makitang lalaki na katulad ni Deron. At hindi na raw siya makakahanap dahil nagiisa lang si Deron sa mundo.
Inismiran ni Adonis si Amirah at tila ba diring-diri. "Mamatay na lang 'no!"
"Bakit hindi pa ngayon, Adonis?!" Pabalik na biro ni Amirah sa lalaki.
"Ang harsh mo naman! Mukha na ngang bangkay, papatayin mo pa!" Singit ni Zafinah sa tatlo at agad na binalot ng malalakas na halakhakan ang buong lugar.
We just wait until the show started. Si Zafinah ang nag-make up kay Ayang habang si Amirah naman ang nag-ayos ng buhay niya. Wala kaming ginawang tatlo nila Dion at Adonis kundi ang umalalay sa mga kailangan na bagay.
"Ang ganda mo, mana ka sa'kin!"
Inismiran ni Amirah si Adonis. "Hoy, Adonis, tumingin ka nga sa salamin! Para makita mo na kung gaano kalayo mukha mo sa mukha ni Ayang! Mukha ka lang niyang talampakan!"
"May sama ka ba ng loob sa'kin?" Inis na tanong ni Adonis kay Amirah at umamba pa ang lalaki ng suntok.
"Oo, masama ang loob ko sa 'yo."
Malanding ngumiti si Adonis. "Crush mo lang ako, e."
"Shit, AdoRah layag! Asan si Boots?" Dion joked.
"Leche, Aliw!" Halos mamula na sa katatawa si Zafinah. "Kung ako kasi si Adonis, igagalaw ko na yung baso. Masiyado kasing mahina, dinaig pa pagong sa bagal, e!"
"Ulul!"
After that, we fell silent because the pageant had started. Tahimik lamang kami habang pinapanood ang ibang kandidato at saka lamang mag-iingay kapag sasalpak na si Ayang sa gitna.
In addition to my friends and I, Ayang has a lot of friends, so she did the question-and-answer session.
Kabado kaming lahat pero hindi ko maiwasang hindi matuwa.
Ang laki na niya. Worth it yung pagod.
"If you could invite any two people, real or fictional, to a tea party, who would they be and why?"
Adonis booed. "Gago, english. Taob na tayo neto!"
"Ikaw lang, Adonis. Si Ayang 'yan o! Anak ni ano!" Zafinah looked at me at hindi tinuloy ang binabalak na banggitin ang pangalan ni Callie.
Hindi ko na pinansina ng mga kaibigan na nagkakatuwaan at binaling ang tingin sa harapan. Ayang took a deep sighed and smile widely as she looked at me before opening her mouth.
"If I could invite any two people to a tea party, I would choose my dad, whom I've never seen since I was born, and my mom, who raised me well,"
That caused me to battle with my reaction. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o malungkot.
"Having my dad at the tea party would be an incredible opportunity to finally meet him, connect with him, and learn about his life. I've always wondered about the other half of my family, and this would be a chance to build a relationship with him, share stories, and understand our shared history,"
Lahat ng bata, gusto ang kumpleto na pamilya. They are all eager to have a complete family. At ayon ang hindi ko kayang ibigay kay Ayang. Because my relationship with Callie didn't end well. Ni hindi niya nga alam na may anak kami.
"As for my mom, she has been my rock, my support, and my guiding light throughout my life. I would love to have her at the tea party as a way to express my gratitude for all the love, care, and sacrifices she made to raise me. It would be a beautiful moment to share with her, filled with love, appreciation, and cherished memories,"
Kaagad na nanubig ang mga mata ko.
"Having both of my parents at the tea party would be a dream come true—a chance to unite the family I've always longed for and create new memories together. It would be a special occasion filled with emotions, love, and the hope of a bright future as a complete family. Tahnk you."
Mabilis akong sumabay sa pagpalakpak ng mga tao na nanonood. At halos mabingi na nga ako sa mga kaibigan na katabi na ngayon ay tumatalon at sinasamahan pa ng tili upang suportahan ang anak ko.
"Galing ni Ayang, nag-mana sa tatay!" Nilingon ko si Adonis at agad na dumaan ang takot sa kaniyang mukha. "I mean, sa nanay!"
We observed how other kids responded to the question, and as soon as everyone had finished, the judges announced their choice. Tumayo ang lalaki na halos nasa 30's na at nag-lakad patungo sa gitna ng stage.
But he kept looking at me. O assuming lang ako?
"Crush ka yata?" Bulong sa'kin ni Zafinah nang mapansin din ang napansin ko.
Magsasalita na sana ako nang may biglang may kumalabit sa likuran ko. I immediately looked at it and immediately saw Sharon. Siya ang kaibigan ko simula bata pa at ngayon, pinagtapo muli ang landas namin dahil sa parehong paaralan pumapasok ang mga anak namin.
"For sure mananalo ang anak ko. Ang ganda ng sagot niya," Wika niya.
Nginitian ko lang ang babae at muling binalik ang tingin sa harapan. I waved at Ayang to cheer her up, because it was obvious to her that she was nervous. Kanina pa niya pinaglalaruan ang kuko niya at tila ba naiihi dahil sa pag-galaw niya sa kaniyang binti.
The judge announced the first to third place. At mas lalong dumoble ang kaba namin dahil hindi tinawag si Ayang doon.
"And the little miss princess 2024 crown will go to little miss princess number..."
"Magdadabog ako kapag hindi number two 'yan!" Sigaw ni Adonis at halos lumabas na ang ngala-ngala. "Number two nga! Desisyon ako, oh! I mean, ako na 'to, e!"
Natawa naman ako sa sinisigaw niya.
"...number two!" The judge announced.
Ayang won. Ayang won!
Mabilis kaming pumunta sa backstage upang salubungin doon si Ayang. But because of the nervousness, I went to the cr first with Zafinah. Pinauna na namin ang tatlo dahil hindi ko na talaga kaya. Puputok na yata ang pantog ko.
"Nilandi lang naman nung nanay yung judge," I heard it from the other door. "Tingnan mo, nanalo yung anak niya. E pati nga gown at sagot nung anak niya, walang-wala sa sagot ng anak ko."
Hindi ko sila pinansin at ni-lock ang pinto ng restroom na pinasukan.
"Oo nga, napansin ko ngang tingin nang tingin yung judge sa mama ni Ayang."
I quickly looked up when I heard Sharon's voice saying my daughter's name. Nilunok ko ang bara sa aking lalamunan, iniisip na baka kapangalan lang ni Ayang ang binanggit ni Sharon.
"Malandi na talaga 'yon si Lyndzey simula nung nasa highschool kam-"
I heard the door slammed from the next door. "Excuse me? Hindi malandi si Lyndzey. At isa pa, kaya nanalo ang anak niya kasi mukha namang prinsesa ang anak niya. Hindi katulad mo, mukha kang palaka."
It was Zafinah's voice.
"Bitawan mo nga ako! Hindi nga kita kilala!"
"Hindi rin kita kilala para pagsalitaan mo yung kaibigan ko ng malandi,"
Mabilis akong lumabas at agad na nakita si Zafinah na hawak-hawak ang buhok ni Sharon. Agad ko itong nilapitan at sinubukang awatin pero hindi siya nagpa-awat. Maging si Sharon ay hindi rin nag-paawat.
Nilabanan niya pabalik si Zafinah nang pag-hila sa buhok dahilan upang manginig sa galit si Zafinah. Bumwelo si Zafinah at walang pag-aalinlangan na pinadausdos si Sharon sa lapag at pinailaliman, kasabay ng pag-bitaw ng sampal sa pisngi ni Sharon.
They're making a scene!
Nasa kanila ang sentro ng mga atensyon ng mga kababaihan ngayon. At ni isa ay walang nag-tangkang umawat.
"Zafinah, ano ka ba!" I shouted. Hinila ko siya paalis sa babae at mabilis na nakita ang pag-habol niya ng hininga. Hindi ko ito pinansin at nilapitan si Sharon. "Pasensya na—"
Sarili kong pinutol ang sasabihin ng hinila ako ni Zafinah at pinigilan ang paghingi ng pasensya kay Sharon.
I turned to Zafinah after watching Sharon and her friend Bea leave the restroom.
Biglang dumagundong ang puso ko.
I know sharon so well. Kilala ko na siya simula high school kami... hindi siya lumalaban ng patas sa oras na madampian mo ang balat niya. Her father was a syndicate. Kaya niyang pumatay ng mga taong nanakit sa kaniya...
And now I'm nervous for Zafinah.
^__________________^
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro