27
"You're four weeks pregnant, Ms. Sevilla. Congratulations!" The gynecologist greeted me cheerfully. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman sa inanunsyo niya. Should I be happy? or be sad?
I know I should be as happy as other mothers when they find out they are pregnant and consider it a blessing. But my situation is not the same as theirs.
And to be honest . . . I can't feel the happiness I was supposed to feel.
I closed my eyes and tears streamed down my cheeks. It's been eight months since I found out I'm pregnant. It was a long time ago, yet those words seem to have stuck with me.
My life was messep up. I tried to fix it, saksi ang mundo kung paano ko sinubukan maging matatag at ayusin ito.
"Isang linggo na lang, due date mo na, Lyn. Anong plano mo?" When Amirah questioned me, I swiftly glanced in her way and gazed at my big womb.
The week I found out I was pregnant, all I wanted was to be a responsible mother. I do not want to have an abortion, and I intend to keep and raise this child. Apart from the sin of abortion, I know that when I do it, my guilt will devour me.
At isa pa, wala namang mabubuo kung hindi ko ito ginusto.
I just can't help but cry when I think of my daughter growing up without a father. Maraming paano na nagsisiksikan sa utak ko. Katulad na lamang ng, paano kapag tinanong ako ng aking anak sa hinaharap kung nasaan at sino ang tatay niya? . . . ano'ng isasagot ko?
I took a deep breath and gently rubbed my stomach. Nag-angat ako ng tingin sa daan na nilalakaran at akmang ibubuka ko ang aking bibig ngunit kinalaunan ay sinara rin ito nang maunahan akong magsalita ng lalaki.
"Iiri malamang, common sense naman, Amirah. Paano lalabas yung bata kung hindi iiri si Lyndzey?" Sarkastikong binalik ni Adonis ang tanong sa babae. He even rolled his eyes and crossed his arms at Amirah.
Pareho kaming natawa ni Xion at sabay na rin na napailing. Xion supports me in every step I take, as if I were a newborn learning to walk. Mukhang sa bawat hakbang na gagawin ko, tila ba iniisip niya na matatapilok ako at makukunan.
Ngumiti lang ako. Pareho sila ni Adonis na palaging observant. Ganito rin si Adonis e, he would notice the slight change in my voice. At kung minsan kahit wala naman talaga akong nararamdamang kakaiba, he would tell me to always tell him if there's someting wrong.
Ako na nga lang ang natatawa dahil mukhang mas takot pa siya sa akin.
Ilang beses akong napailing at sinabit ang takas na buhok sa likod ng aking tainga nang hanginin ito patungo sa aking mukha. I was wearing a black dress with simple white shoes. Habang ang buhok ko ay nakapusod sa katamtamang taas.
"Alam mo, Adonis . . . sa lahat ng pakyu, ikaw ang pinaka-pakyu." Asar na tugon ng babae.
"Diyan nagsimula lolo at lola ko e," Dion laughed.
Adonis make a face. Malayong malayo na ang reaksyon niya sa noon at ngayon sa tuwing aasarin namin siya kay Amirah. "Wala, matagal na akong nag-bounce kay Amirah. Na uncrush ko na nga e-"
"Ano? Crush mo 'ko noon?!"
"Oo. Kaso ngayon lang ako nagising sa katotohanan na hindi mo deserve 'yon. Feeling ko nga, ginayuma mo 'ko. Biruin mo, four years akong lulong na lulong sa 'yo noon . . . Kung hindi mo sana ako ginayuma, eh 'di sana may asawa't anak na ako ngayon." Natatawang sagot ni Adonis sa babae.
I saw Amirah's face turn red. "Kapal mo naman, Adonis. Kung manggagayuma ako, dapat sa pogi na."
Xion, Dion and I booed Adonis. Napuno nang asaran at tawanan ang tahimik na lugar. We are currently leaving the cemetery. Ngayon na lamang ulit ako nakadalaw kayla Zafinah at Deron sa loob ng isang buwan. I was concentrated on other things, and I had already moved, so my house was far away from the cemetery.
"Lyn,"
I came to a halt as I heard a voice calling my name from behind me. Maging ang mga kaibigan ko ay napatigil din sa kanilang mga ginagawa upang tingnan kung sino ang tumawag sa aking pangalan.
It was my sister, Mica.
Matagal ko na rin siyang hindi nakikita at nakakausap. At sa tingin ko, nandito rin siya upang dalawin si Deron.
Nanlilisik ang kaniyang tingin nang pasadahan niya ako mula sa aking mga mata hanggang sa bumaba at huminto ang kaniyang tingin sa aking tiyan. She peered up into my eyes again, as if she was judging me in her head.
"Hindi na ako magtataka kung bakit nabuntis ka,"
Here we go again...
"Sinong nakabuntis sa 'yo? Yung abogado? e, nababalitaan ko ngang may ka-live in partner 'yon ngayon na archi." Ngisi niya at sinuklay ang malambot niyang buhok gamit ang mga daliri.
Don't cry, Lyndzey. Wala namang mali sa sinabi ni Mica, at isa pa, totoo naman ang sinasabi niya. May ka-live in si Callie. Didn't that also come from you?
I closed my eyes and count to ten but my lips were trembling.
"Ilang buwan ka ng buntis? Hulaan ko, 'pag katapos kang tirahin nung abogado na 'yon, iniwan ka kaagad?" Mas lalong lumawak ang ngisi sa kaniyang labi. "Ayan kasi ang hirap sa 'yo, Lyndzey. Kabobohan mo pinapairal mo,"
"Hindi ka man lang nagisip na pabigat ka na nga sa mga kaibigan mo, dadagdag pa yang anak mo." She giggled, pointing my friends at the back.
Mula sa pagtingin sa screen ng cellphone ni Xion, umangat ang tingin ni Amirah sa amin kasabay nang pagangat ng kaniyang kilay. I thought she would control herself, ngunit tila isa siyang bulkan na bigla bigla na lamang sumabog.
"Mawalang galang na ho, pero ni minsan, hindi naging pabigat sa'min si Lyndzey." Kalmadong ani Amirah at umakbay kay Xion na abala sa ginagawa niya sa kaniyang cellphone.
"Mga sinungaling, sinasabi niyo lang 'yan para hindi masaktan si Lyndzey. Pero sa totoo, bigat na bigat na kayo sa babaeng 'yan. Kung ako sa inyo, lalagyan ko ng lason yung ipapakain ko sa kaniya para mamatay na lang."
Adonis and I locked gazes. Nandidilim ang kaniyang paningin habang ang panga ay nakaigting, na tila ba kahit anumang minuto ay magkakaroon ng gyera sa lugar.
I heard Amirah's sarcastic laugh. "Ayun nga eh, hindi naman kami magiging ikaw. At'saka, dapat nga ikaw nga yung nilalason eh, mukha ka namang daga,"
Amirah clenched her teeth in surprise. "Joke lang po, no offense, to be honest, for real."
Mica were in deep red. Nangamatis siya sa sobrang kahihiyan dahil sa sinabi ni Amirah na tinawanan pa ni Dion at Adonis. I was ready to open my mouth when Mica shoved me and immediately yanked Amirah's hair.
Mabilis akong napadausdos at napahawak sa aking binti nang maramdaman ang tubig na dumadaloy sa aking balat pababa sa aking talampakan. I quickly looked at my hand after touching the water on my leg.
Pumutok na ang panubigan ko.
"Xi," Garalgal ang aking boses nang tawagin ang pangalan ng kaibigan. Mabilis niya akong nilingon, iniwan si Adonis at Dion sa pagawat sa dalawang babaeng nagsasabong at mabilis akong pinuntahan.
"Oh?" Nakakunot noong tanong niya sa akin. "Okay ka lang?"
I shook my head in response, "Pumutok na panubigan ko!" I screamed at the top of my lungs.
Every construction came with pain that consumed my entire being. My stomach tightened, and I couldn't stop myself from yelling.
Sobrang sakit. Pakiramdam ko ay pinipiga ako.
"Ayaw ko sa ospital, Xi... wala akong sapat na pera pangbayad." Nagawa kong sabihin sa kabila ng sakit na nararamdaman.
Natigilan ang lalaki.
Naramdaman kong binubuhat ako patungo sa sasakyan ngunit nakapikit na ako. Hindi ko alam kung kaninong kamay ang humahagod sa aking likod hanggang sa tumigil ang sasakyan matapos ang ilang minutong byahe, tanda nang narating na namin ang hospital.
I took deep, lengthy breaths, attempting to alleviate the pain, but it didn't work.
Lumilipas ang oras, at ang iyak ko ay rinig sa bawat haligi ng silid.
Naririnig ko ang pagpapakalma sa akin ng aking mga kaibigan habang patuloy akong tinutulak patungo sa ER, ngunit hindi ko sila pinapakinggan. Ang tanging nananalatay sa buong pagkatao ko ay ang pisikal na sakit.
Napapikit ako at napahugot hininga nang marating ang emergency room. Kahit na nakapikit, naaaninag at naririnig ko ang mga doctor at nurse na pinapalakas ang aking loob, kahit na hindi ko nakikita ang kanilang mga reaksyon.
"Kaunti na lang." said the doctor, and despite the fact that I couldn't do it anymore, I squeezed the last of my power to give birth to the kid.
I gave it all. Iniiyak at isinigaw ko na ang lahat ng makakaya ko. My successes and setbacks. My heartbreak and victory. I give up everything.
And at last, tears welled up in my eyes as I heard my daughter cry.
I attempted to open my eyes to see my baby, but tiredness and a lack of energy forced me to wrap myself in drowsiness and eventually fall asleep.
There was complete silence in the room when I woke up. Masakit ang buong katawan ko at maging ang aking namamagang pagkababae. I had a hard time opening my eyes, at nang mamulat ko ito, nakita ko ang nagkukumpulan na mga kaibigan ko na single bed.
"Nasaan ang anak ko?" Bulong ko, at dahil tahimik ang silid, narinig nila ito at sabay sabay na lumingon sa akin.
They all had big smiles on their lips and a look of pure satisfaction on their features. May ingat na kinuha ni Xion ang anak ko at inihiga ito sa aking tabi, nakabalot ang anak ko sa lampin at puting tela.
I tilt my head as I looked at my child . . . my beautiful daughter.
Calliah Yvette . . .
My eyes are watering.
Calliah Yvette . . . I took a deep breath and slowly open my mouth " . . . Sevilla."
Nagtanim ako nang paulit ulit na halik ang kaniyang noo. She looks like a sleeping doll. Maraming parte niya ang nakuha sa kaniyang tatay, katulad na lamang ng manipis na labi at ang matangos na ilong.
Habang ang nakuha naman niya sa akin, ang hugis ng aking mukha at ang aking mata.
As I stared at my baby, I realized how much different things would be if I had someone with whom I could share the responsibilities.
A new journey. With ups and downs, heartaches and successes, but never the same. I will live and survive with my daughter.
^_____________^
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro