Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

25

This is the hardest decision I will ever make in my entire life. Alam kong sobrang lakas ng magiging epekto nito saakin.

Callie:

Okay.

I can't wait to see you.

Have a good night and sweet dreams.

I struggled to dry my tears by repeatedly brushing them off gently using my palms. My tears came out like waterfalls. His responses to my chats were obviously happy, despite not knowing what would happen if we saw each other.

It was quarter to nine when I decided to go to a 7/11 near my house to get some drinks. Hindi naman umuwi si Callie dahil may inaasikaso siyang kaso at naiintindihan ko 'yon.

The drizzle tumbling from the sky starts to lightly touch my head and my skin.

It was a long and tiring day for me. 




I breathed out sharply, closing my eyes for a moment and opening it after a seconds. Mabigat na ang mga talukap ko at sa tingin ko ay kaunti na lang ay babagsak na ako sa sahig.



Pumasok ako sa loob ng convenience store at mabilis na dumiretso sa big bite lane. I'm dressed in a pink jacket, black three-quarter shorts, and a black hat. Pinilit kong itago ang namamaga kong mata sa sumbrero na suot ko.



I think a big bite and a gatorade will satisfy my hunger.



"Here's your order, Ma'am."



"Thank you." Nakangiting saad ko at mabilis na inabot ang bayad. Kinuha ko ang paper bag na may laman na mga pinamili ko at mabilis na naglakad palabas.



The cold air quickly embraced me when I opened the glass door. Inilibot ko ang mga mata ko sa buong lugar at nagsimulang humakbang patungo sa direksyon ng bahay ko.



Maaliwalas ang hangin, tahimik ang buong paligid at ang tanging maririnig mo lamang ay ang ingay galing sa mga dumadaang sasakyan.



I stopped walking when the signal light turned red, watching the cars pass in front of me, and quickly took a deep breath when I saw that there were 104 seconds left before the green light. Pinasok ko ang isang kamay ko sa bulsa habang ang tingin ay nasa stoplight.



"Lemerie..."



Awtomatikong umangat ang tingin ko ng may tumawag sa aking pangalan. I felt a pang of pain in my chest when our eyes met. Hindi ako agad nakagalaw... Pakiramdam ko ay nagyelo ako sa kinatatayuan ko.



"Late na, bakit nasa labas ka pa?" He inquired, his tone tinged with concern and rage, which made my heart race faster.



My lips parted, not knowing what to answer.



Hindi ko alam ang gagawin ko. Inalis ko ang mga mata sa kaniya at mabilis na nakita ang 94 second sa countdown timer. It's still a while before the green light!



I tried to calm myself from panicking.



"Lemer-"



I cut him off, "A-Ah... bumili ako ng pagkain... diyan sa se-seven eleven." Napalunok ako. "Ikaw? Anong ginagawa mo dito?"


I am nervous for three reasons.


Una, hindi ko siya masagot ng maayos dahil sa pagkakatutop. Pangalawa, nararamdaman kong galit siya saakin dahil mag-isa lang ako sa labas ng ganitong oras. Pangatlo... sinasabi ng isip ko na ngayon makipaghiwalay sa kaniya.


"Sabay na tayong umuwi."


Three words: Only three words, but they brought tears to my eyes. I'm not sure why, but those three words had a huge impact on me. I felt a lump in my throat. My chest suddenly became heavy.


Tinanggal ko mula sa pagkakabulsa ang kamay ko at mabilis na pinunasan ang aking pisnge.



"Sa bahay muna ako ni Deron uuwi," Lintanya ko. "May kukuhanin kasi akong mga gamit doon."



"Samaha—"



"Hindi na." Mabilis ko siyang pinutol. 



Tumango naman siya. "Ihahatid na lang kita.... okay ka lang ba?"



I panicked and feigned that I had dust in my eyes. Nilunok ko ang bara sa aking lalamunan, pinapanalangin na huwag mautal. "Okay lang ako... napuwing lang."




I let out a sigh of relief when he nodded before straightening up. I suppose he believed what I told him.


Oh god. Pakiramdam ko ay matutumba ako anumang oras dahil sa panghihina ng mga tuhod ko.


I looked up at the stop sign when I noticed the light change out of the corner of my eye. Kami lamang dalawa ang tao sa buong tahimik at mapayapang lugar. The red light was replaced with a green light.

Akmang hahakbang nang maramdaman ko ang kamay ni Callie sa ibabaw ng aking balikat. I look at him and his gaze was on the busy road. Napalunok na lamang ako sa sunod niyang ginawa, nananatiling tutok ang atensyon sa kalsada.


He slowly and carefully moved me, changing our places. Napunta siya sa kanina kong posisyon kung nasaan nandoon nakahinto ang mga sasakyang naghihintay na mag-green ang traffic light.


I'm not sure why, but when he's there, I feel like nothing awful will happen to me... I feel safe because of him.


We crossed the highway. Tila bata, inalalayan akong makatawid ni Callie at agad ding inalis ang kaniyang kamay sa ibabaw ng aking balikat nang mapagtagumpayan ang pagtawid.




Tahimik lamang kami habang naglalakad, ang mga mata ay nakatutok sa dinadaan, at dinadama ang malamig na hangin na yumayakap sa aming katawan.


I stopped in front of Deron's house and quickly faced him.

Binuka ko ang bibig ko, nananatiling hindi makatingin sa mata ng lalaki, at kinalaunan ay sinara rin nang maunahan akong magsalita ni Callie.


"Ano... yung gusto mong sabihin?" He asked. There was something in his voice. There's a thin layer of hope but he also sounded helpless at the same time.



Akmang magsasalita ako ng walang lumabas na kahit anong salita sa aking bunganga. I froze on my spot, unsure how to respond to his query. Pakiramdam ko, ayon na ang pinakamahirap na tanong na narinig ko.


I mean, he's asking a simple question, but answering it is the most difficult part.


"I think I know what this means..."


Kasabay nang pagbalot ng matinding katahimikan matapos bitawan ng lalaki ang mga katagang iyan, ay siya ring pag-usbong ng kalungkutan at pangangamba sa buong sistema naming dalawa.



"Did I mess this up?" His eyes immediately got teary.



Nanginginig ang mga labi nang umiling ako bilang sagot sa kaniyang tanong, ang pisnge ay basa dahil sa mga luha. "W-Walang dapat sisihin, C-Callie..."


"Are you breaking up with me?" Pahina nang pahina ang kaniyang tono na halos hindi ko na marinig. Sinubukan niyang hawakan ang kamay ko ngunit agad ko iyong tinabig.


Nagbaba ako ng tingin, sunod sunod ang hikbi na pinakawalan. "Hindi ko alam... pero, k-kaya pa ba natin, Callie?"



"Yeah. You're just tired. Why don't we discuss it another time?" Mabilis niyang sagot, sinusubukang ngumiti saakin.



Why does it hurt so bad?!



Umiling ako at marahan na nag-angat ng tingin. "I want us to stop feeling sorry to each other... You and I both mean a lot to each other, but I want to end this."



Silence enveloped us for a moment, but it ended immediately when Callie opened his mouth.



"P-Pagod ka na ba saakin?" His voice cracked. "Fuck! Lyn! You already know my answer. I don't want to cut ties with you! Gusto pa kitang makasama... kaya pwede bang pagusapan natin 'to?"



Mabilis akong umiling. "We should not be reasonable and hold on to an illusion, Callie." Humugot ako nang malalim na hininga, kasabay nang pagkawala ng mga hikbi ko. "Hindi ko na kaya. L-Let's stop this, Callie... please?"




Napatigil ako nang marinig ko ang paghikbi niya na may kasamang mahihinang pagmura. Tumalikod siya saglit at tumingala, pinupunasan ang kaniyang pisnge gamit ang likod ng kaniyang kamay. He took a deep breath and faced me again as if nothing had happened.


Unti unting bumaba ang tingin ko sa kaniya. He slowly landed on the ground and knelt down. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko, pinipigilan ang emosyon na nararamdaman.


He then mouthed. "Why do you make decisions alone? Our relationship works with the two of us, Lyn. You can't make decisions alone-"


I cut him off. "Gusto ko ng tapusin 'to. Sobrang bigat na e... Sobrang dami nang nangyari." Basag na basag na ang boses ko. "The few weeks we spent together... were the happiest times of my life. S-Salamat."


Napuno nang hagulgol ang buong lugar, ngunit parang wala kaming pake sa maaring makarinig saamin. Sinabit ko sa likod ng aking tainga ang buhok na humaharang sa aking mata at nanghihinang tumalikod.


Cutting ties is the greatest option, but it will be painful.


Nang masarado ko ang gate ay tuluyang nanghina ang aking mga tuhod. Natumba ako sa lapag, walang pakealam kung madumihan ang damit ko. Diniin ko ang mukha ko sa aking braso at doon humagulgol.


Ang sakit sakit.


But hopefully, this decision will be worth it.


Ilang araw rin ang lumipas bago ko nakayanang lumabas ng kwarto ni Deron. Pakiramdam ko ay ubos na ang mga likido sa aking sistema, maging ang enerhiya at gana ko sa lahat ng bagay ay biglang nawala na para bang bula.


I had mental breakdowns and each day, I'm forcing myself to wake up and live. Bawal akong huminto at sumuko dahil ang pagtigil at pagsuko ay para lamang sa mga pribilehiyo.


Nilunod ko ang sarili ko sa alak. I make sure I get drunk to forget. Ngunit kahit ilang bote ng alak ang ipasok ko sa aking katawan, kinabukasan o pagkagising ko ay muli lamang manunumbalik ang sakit.

"Lyn, sabay ka saakin? Pupunta rin akong National bookstore."

Mula sa nilalarong kamay, lumipad ang tingin ko kay Zafinah na nasa kusina. She was washing her hand and when she was done, she quickly turned to me.

Adonis, Zafinah, Dion, Amirah, and Xion are always available to join me for a drink at my house. Lagi silang nasa paligid ko ng panahong pagod na pagod ako. And I don't know how to repay their kindness.

"Okay. Magbibihis lang ako saglit." Kumento ko at mabilis na tumayo mula sa pagkakaupo.



It's been three days since I broke up with Callie, ngunit habang tumatagal, mas lalo ko lamang nararamdaman ang sakit. Na sa sobrang sakit ay halos mamanhid na ang buo kong sistema.



After showering, I quickly got dressed. I wore a simple black t-shirt and a pants. Nakalugay ang buhok kong hanggang siko dahil basa parin ito, wala naman na akong sapat na oras para gumamit pa ng blower.



I got into Zafinah's car.



"What if magpa-salon tayo ngayong linggo?" Maya maya'y untag ng babae, ang mga mata ay abala sa ginagawang pagmamaneho.



Hindi ko ito binigyan ng pansin at hindi inalis ang paningin sa labas. Tirik na tirik ang araw, masakit ito at mahapdi sa tuwing tatama sa aking balat, kahit na mayroon ng salamin.



"Ay nag-eemote," Bulong ni Zafinah, na nagpalingon saakin. Mahina lamang iyon ngunit masiyadong tahimik ang loob ng kaniyang kotse para marinig ko.


"Alam mo, Lyn, kung kayo talaga ang tinadhana sa isa't isa, pagtatagpuin ulit kayo ng tadhana. Pero yung lovelife ko... hilingin ko man ulit e hindi na talaga babalik." Bahagya siyang natawa. "Tsaka nakakatakot naman kung balikan niya ako."



Napayuko ako, kasabay nang namuong bara saaking lalamunan. Silence enveloped us until we got out of Zafinha's car. Nagtungo kami sa National bookstore at agad ding naghiwalay upang puntahan ang linya ng mga nais bilhin.


Paniguradong mga ballpen ang bibihlhin ni Zafina. While I was looking at the books. Nakahiligan kong magbasa simula ng mabasa ko ang book na pinahiram saakin ni Amirah.



Nagtungo ako sa counter, dala-dala ang librong babayaran at agad na hinanap si Zafina. Nagtama ang mga mata namin at agad niya akong nilapitan.



"Shuta, nakalimutan ko yung wallet ko sa kotse," Aniya at sunod sunod na bumuntong-hininga.


Tiningnan ko ang hawak niya, at nang makitang limang ballpen lang ang hawak niya ay binuka ko ang aking bibig. "Ako na muna magbabayad." Kumento ko.


"Huh? Sure ka?" Paninigurado niya pa. Tinanguhan ko siya, kasabay nang pag-abot niya saakin sa mga ballpen sa hawak. "Mamaya ko na lang bayaran sa 'yo, Lyn. Kukuhanin ko lang yung wallet ko sa kotse."



Mabilis akong tumango at sinundan ng tingin ang rebulto nitong naglalakad palayo. I looked at the five ballpens and immediately saw its brand. Parker Jotter, huh. Ngayon ko pa lamang narinig ang ballpen na ito.



Nilapag ko ang pinamili sa counter at mabilis na kinuha ang wallet sa loob ng sling bag.





"4718 po lahat, Ma'am." Ani ng babae na agad na nagpakunot saaking noo. Tiningnan ko ang resibo at halos mapasapo sa noo nang makitang 850 ang isa ng ballpen ni Zafina.




Ballpen lang 'yon?




Tiningnan ko ang laman ng wallet ko at mabilis na nanlumo nang makitang dalawang libo lamang ang laman no'n. Inilagay ng babae sa harap ko ang paper bag, may ngiti sa labi na hinihintay ako.



"Uhm..."



"May problema po ba, Ma'am?" Tanong niya.



How can I tell that I don't have enough money? Oh Lord.



I bit my lower lip, closing my eyes for a second and opening it again when I felt someone's presence beside me. He was wearing a black hoodie paired with black pants and his hair was messy.


"Pakisama na lang yung sa kaniya." Malamig niyang ani at nilapag ang black card sa ibabaw ng counter.



Shit! How can I look straight into his eyes after what happened?!




"Thank you, Ma'am and Sir." Inabot ng babae kay Callie at saakin ang brown paper bag ng may ngiti sa labi. She smiled at me too, but the smile she gave Callie was different.




Naglakad ako palabas sa lugar na iyon, inaasahang hindi susundan ng lalaki ngunit sinundan niya parin ako. Hindi ko siya nilingon kahit na alam kong nasa likuran ko lamang siya.




"Are you sure of your decision?" I heard him gulped. "Breaking up, I mean."



Those words led me to stop walking and turn to face him.



"We we're already in the middle of it, Callie." I smiled painfully and took a deep breath. "Sobrang bigat na ng relasyon na 'to... at kung ipagpapatuloy pa natin 'to, mas lalo lang tayong mahihirapan."


Pumungay ang kaniyang mata. "Bakit hindi mo sinabing pagod ka na?"


"Hindi pa ba sapat na kalimutan ko ang mga monthsarry natin, iwasan kita, at wag sagutin ang mga tawag mo bilang ebidensya na nawawalan na ako ng interes sa 'yo?!" Tanong ko, hinahayaang umagos ang luha sa mga mata.



What I said was a lie. Hindi ako mawawalan ng interes sa kaniya... But our relationship must come to an end. Pero paano? Should I have to use harsh words at him to have him raise the white flag?



"Pagod din ako, Lyndzey, pero hindi kita sinukuan." Namula ang gilid ng mga mata niya. His hoarse voice reveals how tired he was. "Both of us were exhausted, but I decided to stay by your side rather than give up on you.. kasi,"


"...Kasi... papakasalan pa kita e-eh."



Those words broke my heart into a million pieces.



Pakiramdam ko ay kakapusin ako sa hangin sa sobrang panghihina. Pinunasan ko ang pingi ko gamit ang likod ng aking kamay at humugot nang malalim na hininga bago muling tumingin sa kaniyang mata.



"Pareho tayong pagod...pero hindi ibig sabihin na nanatili ka sa tabi ko kaysa sukuan ako e, dapat ko rin 'yun gawin. I want to rest from everything..." I gulped, closing my eyes tightly. "You need to let me go to end this pain, Callie."



This was too much for me. Pagod na ako. Pagod na rin siya. Everything was just to tiring. Hindi ko alam kung paano kami magtatagpo sa gitna - when both of us are in the verge of giving up.



Napayuko siya, walang tunog ang pagiyak at ang mga luha ay walang awat sa pagtulo. "I'll let you go because I don't want to be selfish... but I want to hear that you don't love me. And if you do that, I'll let you."



Hurt was evident to his face.



The lumped on my throat only gets bigger. My sobbing gets more loud as I try to express how I really feel. Napatingin ako kay Callie. Never before have I seen him so desperate, ngayon ko lang siya nakitang halos magmakaawa na.



"I don't love you."



Natigilan siya, he looked at me with widened eyes. He exasperatedly sighed. Ilang minuto siyang natigilan, tila hindi maiproseso ang apat na salitang binitawan ko. Yumuko siya at pinunasan ang mga luha sa pinge bago muling nag-angat ng tingin saakin.



"If I wasn't the perfect boyfriend for you, please accept my apology. Though I'm making an effort, I keep failing to be that kind of person..."



He stopped and blinked three times.


"I think it's better if we end it. We'll end it not because I'm tired of you. Pagod din naman ako, pero pinili kong manatili sa 'yo... ikaw ang pahinga ko. Pero yung pahinga ko e pagod narin pala saakin."



He sounds like he was betrayed.



Silence enveloped us and at the same time, tears welled up in both of our eyes.



I think we both know what's the best for the both of us. We're both hurting. We're both trying to avoid this. We're both exhausted. We should probably take a break from each other.



"Let's do that... Let's just do the things that we wanted to do." Aniya, patuloy na humihikbi.



Pinunasan ko ang mga lumandas na luha sa aking mata. My heart was pounding so hard against my chest. Sa sobrang sakit ay halos hilingin ko na sana ay wala na akong puso - so I don't have to suffer this excruciating pain.


I squeezed my eyes shut, mariin na hinahawakan ang brown paper bag. Minulat ko ang mga mata ko at mabilis na tiningnan siiya sa mata.


"Goodbye, Callie."



He tried to smile, and In a low tone, he said. "No love after you... Goodbye, Lyndzey."



^____________^

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro