21
Trigger warning: This chapter contains thoughts of suicide, and violence, which some audiences may find disturbing.
The clock is ticking while I'm still in the middle of starting again. I'm back to zero. I am exhausted. It's like a snap when my dream suddenly get blurry. Everything I had before wasn't in my hands now- I mean... we're so close, yet so distant.
I tug my face on the pillow while pouring out because of devastation.
Dalawang araw na akong nananatili dito sa kwarto. Today is the last day of my day off, but I feel like I want to take another day off tomorrow. Gusto ko lang humilata magdamag at matulog. I have no appetite at all.
Kung hindi lang ako inutusan ni Deron i-xerox ang project niya ay hindi ako tatayo mula sa mahabang pagkakahilata. I opened the printer and immediately xeroxed the paper Deron had given me.
Pinihit ko ang doorknob ng pinto ng kwarto ni Deron at agad na tumambad ang loob ng kaniyang kwarto. His bedroom light was turned off and the only light that served was the Fairy Light.
Inilapag ko na lamang ang bond paper sa table niya na magulo dahil natutulog ito. This is my first time to enter Deron's room. Ang dingding ng kaniyang kwarto ay puro pictures namin na magkasama.
I went through the images on his room's wall one by one. Halos lahat ng mga larawan namin ay nakangiti at tumatawa. All of the photos of Deron and myself in his room are 20% neat and 80% blurred.
Paano ba naman kasi, pasmado ang kamay ni Deron ngunit siya ang may pinakamahabang braso saamin kaya siya ang naghahawak ng camera at kumukuha ng litrato.
He has a gummy smile, which I miss.
Hindi ako nagtagal sa kwarto niya at bumalik sa kwarto ko. It's already eleven in the evening. I was about to go to sleep when my cellphone snoozed, a sign that I had received a message.
I immediately opened it and saw the message from Callie.
Callie:
Let's have lunch together tomorrow
I'll be waiting for you in the Art Life lobby.
Goodnight. Sleepwell. ;)
Agad akong nagtipa ng reply. I no longer smile when I read his chats or find joy when I see his name in my notification. Pakiramdam ko ay naglaho lahat saakin nang dahil sa isang larawan.
Lyndzey:
Oh okay
See you then
Likewise ^_^
Adonis is right; sa una lang masaya.
I turned off my phone and brushed my teeth before returning to my bed. I prayed, and my tears streamed down my cheeks like rain. I prayed that I would overcome this pain and problem. I prayed for Deron, and despite my rage, I included Callie in my prayers.
The next morning, I awoke to the sound of my alarm clock. Bumaba ako sa ibaba, nagluto ng umagahan at agad na tinawag si Deron. May pasok rin kasi ito at baka ako ang sisihin kapag na-late sa klase dahil hindi ko ginising.
"Good morning, ta!"
Boses ni Deron. Agad akong nagangat ng tingin mula sa tinitimpla kong kape papunta kay Deron na pababa sa hagdan. Agad na nangunot ang noo ko matapos bumungad ang rebulto ng pamangkin ko na nakasuot ng jacket.
Anong trip niya? Ang init init na nga sa Pinas, naka-jacket pa siya.
"Ang init init na nga, ang haba pa ng suot mo-" Akmang hahablutin ko ang jacket na suot niya nang yakapin niya ang kaniyang sarili, tanda ng ayaw niya ito alisin sa kaniyang katawan. Nginitian niya ako at nginusuan.
Inismiran ko ang lalaki, "Kailan poem recit niyo?" Tanong ko ay umupo sa harap niya.
We talked a little and left the house together. Hinatid ko siya sa gate ng shool nito at umalis din agad. Nang makapasok sa Artlife ay agad kong narinig ang ingay ni Adonis at Dion sa loob. I just shook my head and continued walking.
"Ano? pwede na ba 'tong resume ko, Zafina?... Ikaw Amirah? Anong opinion mo?" Tanong ni Adonis sa dalawang abala at tutok ang mata sa ginagawa, ibinabalandra niya ang kaniyang resume sa dalawa.
"Si Lyn, bro!" Anunsyo ni Dion kay Adonis nang mapansin ang presensya ko.
Agad akong nilapitan ni Adonis. Hinarang niya ako dahilan para mapatigil ako sa paglalakad at agad na ibinalandra sa harapan ko ang nasabing resume niya. Kinuha ko iyon para matapos na at mahinang binasa sa aking isipan.
Name: Adonis De Adios (Sexbomb dancer)
Contact: 09*********
Skills: Teleportation. Telekinesis. Reality warping. Spell casting. Mind controlling. Flight.
About me: I can live, I can love, I can reach the heavens above, I can right what is wrong, I can sing just any song, I can dance, I can fly, And touch the rainbow in the sky, I can be your good friend, I can love you until the end.
Education: Well-manered. Kalog. Clingy. God's prince. Tinotoyo. Respectful. Hinihila pababa pero patuloy parin ang glow.
Job experience: Well, my job experience is so important b'coz it was the wa- it, it was the one which's very... (Laughs), Ugh... oh I'm sorry, aahmm. My job experience is... My job experience is... Oh my god... I'm ok... Ugh... I'm sorry. I told you that I'm... Confident... Ahmm eto... Wait (laughs), Ugh... sorry guys b'coz this was really my first job ever but I said that my job experience is the most important thing in my life. Thank you.
Umangat ang tingin ko sa litrato niya. Nakanguso siya doon, ang mga kamay ay nasa likod ng tainga, katulad sa dating uso na postura ng 'dalagang pilipina'.
Tangina.
Pabalik kong binigay sa kaniya ang papel at umupo sa gitna ni Amirah at Zafina. I turned on my computer and leaned back in the swivel chair while waiting for it to open.
"Nakita mo yung facebook post?" Tanong ni Zafina saakin.
"Nakita ko. Tangina ni Reese. Pakyu siya mga trillion kasi akala niya syota niya yung syota ng aports ko. May halik halik pa e di pa nga nakaka-one point yung aports ko!" Adonis was pissed.
I'm sure all the employees in artlife saw that too. It's been four days since that photo was posted on Facebook and a well-known page posted it.
Tumango tango ako kay Zafina kaya naman tumango rin siya bilang kapalit. "Asan si Deron?"
"Pumasok. Bakit?"
"Wala."
Kane walked into the office, hindi siya nagtatapon ng tingin saamin at nakababa lamang ito sa kaniyang nilalakaran. We immediately went back to sitting and fell silent. We began sketching the chandelier that would be positioned near the entrance to the big hotel.
We stopped sketching at twelve o'clock.
"Gusto niyo?" Tanong ni Dion, nakaupo ito sa lamesa at ang mga paa ay nasa upuan niya. He slowly opened the tupperware. Agad kong naamoy ang amoy na mabilis na kumalat sa loob ng office galing sa pagkain na 'yon.
"Ang baho, Dion. Amoy bulok!" Reklamo ni Amirah na may kasamang pagtakip pa sa kaniyang ilong.
We all looked at Amirah who was seriously typing on her keyboard, "Huh? Ang bango kaya!" We said in chorus.
Mas lalo niyang inipit ang kaniyang matangos na ilong, sa bibig humihinga at akmang magsasalita ng bigla na lamang itong maduwal. Agad niyang kinuha ang kaniyang bag at naglakad paalis.
But she dropped something.
Agad iyon kinuha ni Adonis. Lahat kami ay nahulog ang panga at napatikham nang ibinalandra ni Adonis ang bagay na iyon saamin. It is a pregnancy test and has two red stripes.
"Adonis!" Sinubukan kuhanin ni Amirah ang bagay mula sa kamay ni Adonis. "Akin na, Adonis... ibalik mo na sa'kin."
Umiling si Adonis, bakas ang sakit sa mukha. "Sa 'yo 'to?"
"O-Oo... ibigay mo na sa'kin..."
"Sinong tatay?"
Umiling si Amirah kasabay nang pagbagsak ng mga luha sa pisngi. "Hindi ko alam... Hindi siya si Bogart kasi ibang babae yung kasama niya sa room ko... Hindi si Bogart..."
"Sino?" Taka kong tanong.
"Si Kane,"
Kaagad na nanlaki ang mga mata namin, hindi inaasahan ang balita. Kaya pala lahat ng pagkain na mabango ang amoy ay sinasabi niyang mabaho... kaya pala lagi siyang walang sa sarili at parang laging takot dahil... buntis siya.
The five of us promised to keep it to ourselves. Walang ibang pagsasabihan at walang ibang makakaalam bukod sa'min.
Lumapit si Adonis saakin, "Nandiyan si Attorney Callie sa lobby, hinihintay ka yata." Aniya at naglakad paalis.
Immediately the intense nervousness rose in my veins.
Sinabit ko ang bag ko sa likod ko at bumaling sa kanila. "Mauuna na ako-"
"Kagaling. Hayaan mong maghintay siya ng kahit five minutes doon sa labas!" Hinila ni Zafinah ang braso ko dahilan para mapaupo ako pabalik sa swivil chair.
"Oh ba't trigger ka? Ikaw ba yung syota?" Adonis mocked Zafinah. Inirapan siya ni Zafinah at pinakyu.
"Sige na nga. Mauna ka na nga." Pinakawalan ako ni Zafina mula sa pagkakahawak. Nginitian ko silang tatlo at bahagyang inayos ang sarili.
"Ang duya. Magda-dalawang buwan na yung bagong restaurant na bago diyan sa harap ng The Crafts pero hindi parin tayo nalilibre ni Lyndzey." Pagtatampo ni Dion. Nakita ko naman na agad sumangayon si Adonis sa kaniya.
"Sa susunod na. Masikip pa schedule natin ngayon, kapag lumuwag na," Seryoso kong ani. Nakita kong sabay sabay na nagtawanan ang tatlo at nagpaluan ng mga folder. "May nasabi ba akong hindi maganda?"
Dion looked at me and shook his head a few times. "Wala namang mali sa sinabi mo. Green minded lang talaga sila."
I just shook my head and walked away. Ilang beses akong bumuga ng hangin nang makita si Attorney Callie na seryosong nakatingin sa screen ng kaniyang cellphone at nakaupo sa couch.
"Saan tayo?" Tanong ko nang makalapit.
Nakita ko ang pagyuko niya dahilan para mapakunot ang noo ko. "About the facebook post ... we looked like we were kissing there because of the angle,"
Parang may humimas sa puso ko. Mariin kong pinaglapat ang mga labi upang pigilan ang pagngiti. "You don't need to explain, Callie. Alam mo sa sarili mo kung gumagawa ka ng mali... may tiwala ako sayo, pero kay Reese, wala."
"Lyn, I'm sorry if what Reese does concerns you; please let me know if it affects you so that I may avoid her or even stop talking to her," his tone was weak but sincere.
Can he really do that? Paano iyon e they work in a company. Ayoko namang bumaba ang rates ng company dahil sa akin.
"Just tell her about us-"
"The whole world knows that you're my girl... Everyone's knows about us, babe."
Tila kakapusin ako ng hininga ng tawagin niya akong 'babe'. I nodded, and lightly slapped Attorney Callie on his arm. Kasabay ng pagtulo ng luha ko ay kusang gumuhit ang malawak na ngiti saaking labi.
Nababaliw na nga ako.
"Tangina angrupok! Ang rupok, rupok, rupok ng couch na 'to... tangina talaga. Sayang mga advice kasi ang rupok! Ang rupok, rupok, rupok!" Ani Adonis na nanggaling sa likuran namin at nilagpasan din kami agad.
I rolled my eyes at Adonis and looked at Callie, "Tara sa Gerry's grill tayo." Anyaya ko sa kaniya bago pa sumabog ang emosyon ko.
We exited Artlife and noticed Zafina's pink car right away.its mirror in the back seat slowly opened, and I immediately saw Dion and Adonis. Ang mga mukha nilang dalawa ay nangaasar at mukhang sinusumpa na ako sa kanilang isipan.
Napatingin ako sa harap nang bumukas ang bintana nito at agad na bumungad saakin si Zafina na nakasilip. "Saan kayo?"
"Gerry's grill-"
Nahagip ng mata ko si Adonis na nagsalita dahilan para mapahinto si Zafina. "What a coincidence! Doon din kami ih!"
"Hah? Akala ko ba magtitipid ka kaya sa Rice in a box tayo?" Giit ni Dion. Nakita kong kinurot siya ni Adonis sa tagiliran na nagpasangayon sa lalaki. "Ah o-oo. Doon din kami! Kitakits na lang!"
Tumaas ang bintana ng kotse ni Zafinah at umandar. Maya maya'y huminto sa harapan ko ang kotse ni Attorney Callie. Mukhang bagong car wash lang iyon dahil ang kintab at ang linis. Bumukas ang pinto kaya naman pumasok ako at umupo sa shotgun.
"My mother would like to meet you... pinakilala kita sa kaniya,"
The corners of my mouth turned up. "Huh? A-Ano... okay lang naman." Kinakabahang tumawa ako. "Kailan daw ba?"
"Kung kailan free schedule mo," Aniya at inikot ang manibela. "Saka na natin pagusapan 'yon kapag hindi ka na galit saakin."
I looked at him in surprise. Ano pa bang aasahan ko, mukhang kilalang kilala niya na ako. He seemed to have memorized the expressions on my face.
Tumango ako sa kaniya at tahimik nang makarating sa restaurant. Agad kong nakita ang kotse ni Zafinah katabi ang pamilyar na kotse... kay Xion ata iyon. I got out of the car and waited for Callie, then we both went inside.
My gaze was drawn to the other table. On the other table, there are three chairs where Zafinah, Dion, and Adonis are seated, on the other table there are two chairs where Amirah and Xion are.
Is it a reunion?
"Doon po, Sir." Kinikilig na tinuro ng babaeng staff ang lamesa na may dalawang upuan kung saan napapagitnaan ng lamesa nina Adonis at Amirah. Agad na tumango ang lalaki sa babaeng kinikilig.
Unti-unting napunta ang kaniyang kamay sa aking baywang dahilan para mapatikom ang babaeng staff at tinuro na lamang ang table. Nag-angat ako ng tingin at agad na nagkasalubong ang mata namin ni Callie.
I was slowly losing sanity. Gad this boy!
"Amirah, palit tayo. Ayokong makita mukha ni Lyndzey. Nananawa na ako," natatawang ani Xion at tunay ngang nakipagpalit ng upuan kay Amirah. Nasa likod ko kasi siya at ngayon ay si Amirah na ang nandoon.
Ayon ang mahirap na kapag may kaibigan kang lalaki at nagkaroon ka ng nobyo ay kusa silang iiwas para hindi masaktan ang damdamin ng kasintahan ng isang babae. They are creating distance and delegating responsibilities to the woman's boyfriend.
"What do you want?" Napatingin ako kay Callie na kasalukuyang tumitingin sa menu ng restaurant. "Lechon kawali? chicken barbeque? sizzling sisig?"
"Mag-family na lang kayo. Tapos isama niyo ako kasi kapamilya naman ako-" Bulong ni Adonis mula sa kabillang table.
"Hala... oo nga, gagi... may namana ka kay Attorney Callie!" Sabi ni Dion dahilan para mapapikit si Adonis sa tuwa. "Namana mo nga ingrown niya... tingnan mo... mukha kang ingrown." Mahinang bulong ni Dion na narinig namin.
"Ang kaso wala siyang ingrown kaya hindi ka nila anak." Singit ni Zafinah.
I shook my head and turned back to Callie. "Chicken barbeque na lang."
He nodded and when he chose his order he called the staff. Binigkas niya ang mga order namin na agad namang nililista ng babae sa maliit na pirasong papel. Umalis rin agad ito sa harapan namin nang makuha niya ang lahat.
I retrieved my smartphone from my backpack and promptly dialed Deron's number. I composed a message and even photographed the man sitting in front of me.
Lyn:
You sent a photo
Nasa Gery's kami. Kain ka narin. Anong gusto mo?
Order-an kita ta's take out ko na lang
"Si Deron 'yan? Nasa school pa daw siya? Sabihin mo kapag kalabas niya ng school e umuwi agad siya. Kinakabahan ako e." Sabi ni Zafinah na nakikitingin sa screen ng cellphone ko. Nasa gildi ko siya at kaunti lang ang distansya namin kaya nakikita niya ang ginagawa ko.
Sa tono niya ay agad akong nakaramdam nang matinding kaba. "Bakit?"
"Wala. Nanaginip kasi ako kagabi. Basta pauwiin mo na lang siya agad, hindi ko kasi masabi... kasi alam mo na." Dugtong niya pa, kinakagat ang straw ng kaniyang inumin. Tumango tango ako at nagtipa pa sa aking cellphone.
Lyn:
Dumiretso ka kaagad sa bahay 'pag kalabas mo sa school ah?
Maaga lang uwi ko. Wala akong OT
Samahan mo 'ko sa bahay ah.
Bibili ako ng tapes tapos movie marathon tayo mamaya
Binaba ko ang cellphone ko sa ibabaw ng lamesa nang dumating ang aming order. Naramdaman ko sa aking likuran ang pagaagawan ni Xion at Amirah sa puti ng itlog ngunit sa huli ay si Amirah ang nagwagi.
"Ano palang ginagawa niyo sa hospital?" Tanong ko kay Callie na tinititigan lamang ako habang patuloy na ngumunguya. "Hindi naman kita pinaghihinalaan. Nagtatanong lang ako."
"There was an emergency. You? Why were you at the hospital on that particular day?" He asked me back.
Nakita niya pala kami pero hindi niya man lang ako nilapitan. Bahagya akong natawa. "Ewan ko kung bakit nila ako dinala sa hospital. Mga ba-"
"Why? What happened?" Bakas ang pag-aalala sa kaniyang tono.
Umiling ako at patuloy na kumain. Ayoko kasing masayang yung pagkain dahil sampung minuto na lamang at matatapos na ang lunch namin. "Nag overact lang sila kaya ayun."
After that, Callie and I fell silent and just ate.
Nakita kong tumayo si Adonis sa kinauupuan niya at lumapit saamin dala ang papel na kanina niya pa pinapakita sa opisina. "Attorney, makakapasok ba ako sa Nadara crafts kapag etong resume binigay ko?"
Callie frowned and he picked up the paper Adonis was holding. Kita kong napalunok si Callie dahilan para matawa ako ng bahagya. "Sa picture mo pa lang, baka sipain ka na ng interviewee palabas ng building."
Napahawak si Adonis sa kaniyang dibdib. "Ang harsh niyo naman." Aniya at agad ding natawa bago bumalik sa kaniyang kinauupuan.
Nang matapos kumain ay tinawag ni Callie ang staff at binayaran ang bill namin. Dalawa lamang kami kaya maliit lamang iyon. Tumayo ako at tumayo rin si Callie.
"Una na kami." Paalam ko sa dalawang table. Tumango silang lahat at kumaway saamin. Hindi pa sila tapos dahil mas inuna pa nila ang pakikipag-chismisan kesa sa pagnguya ng pagkain.
Tahimik kami habang nasa biyahe. Nagsasalita lamang kaming dalawa kapag may nais sabihin o tanungin at tatahimik din agad kapag nakakuha na ng sagot. Binaba ako ni Attorney Callie sa harap ng The Crafts.
Nandoon na si Amirah, nakatutok ang kaniyang mata sa screen ng computer. Nagpagas pa kasi kami kaya medyo natagalan. Umupo ako sa kaniyang tabi at binaba ang gamit ko.
"Oh," Binigay ko sa kaniya ang shawarma na paborito naming dalawa. Nagkasalubong ang kaniyang kilay at agad na tinakpan ang kaniyang ilong gamit ang kamay, mukhang diring diri sa amoy. "Paborito mo 'to di'ba?"
Akmang magsasalita siya nang maduwal kaya naman tumayo ito at naglakad palabas. Kakaiba ang kinikilos niya ngayon. Hindi ko malaman kung ano pero kinakabahan ako.
Tinuon ko ang paningin ko sa ginagawang pags-sketch hanggang sa matapos ay nakayuko lamang ako doon. I stood up to stretch. I turned off my computer and immediately set up my desk.
"Cr lang ako-" Napahinto si Amirah nang umikot si Adonis paharap sa direksyon niya at umaktong nalulungkot.
"No bib, don't say that. You're more than just a cr, everytime na maiisip mo na "cr lang ako" no. You're a wonderful person and we appreciate you so much. Hindi biro maging cr. It must've been tough pero you did it, You're so strong kaya sobrang proud kami sayo."
"Mama mo, Adonis." Giit ni Amirah at naglakad palayo.
"Uwi na ako, Zafinah, Dion, Adonis," Paalam ko sa tatlo at sinuot ang bag ko. Tumango ang tatlo saakin at kumaway pa bago bumalik sa kanilang ginagawa. I picked up my cellphone as it snoozed.
Callie:
Hatid kita?
Agad akong nagtipa ng reply.
Lyndzey:
'Wag na, Nakasakay na ako sa jeep
Goodluck na lang sa hearing mo bukas!
fighting! ^_^
Agad kong nilagay ang cellphone ko pabalik sa bag ko at sinandal ang likod sa jeep. Malakas ang tugtog sa loob ng jeep, siksikan ang mga tao kaya naman kitang kita ko ang conversation ng lalaki sa screen ng cellphone.
Wala pa silang conversation at hindi pa sila friend sa facebook.
Hara Amari Martinez
faceboook
You aren't friends on facebook
He typed 'Mahal' and seemed hesitant to send it. Nang mapansin niya akong nakatingin sa screen ng phone ay mas lalo siyang yumuko. Matangkad siya kaya kailangan niyang yumuko para hindi mauntog.
"Send ko ba?" Tanong niya gamit ang malalim niyang boses. Bahagya akong natawa at nag-shrug. I saw him press the send button and later the woman saw.
Hara Sloane Martinez:
?
Lumawak ang ngiti ng lalaki at nagtipa ng reply.
Zagreus Reagan Mckinley:
Mahal ka ng mama mo.
I-send mo ito sa bente katao para mahalin din sila ng nanay nila.
Bahagya akong natawa at makiki-usyoso pa sana nang huminto ang jeep sa kanto. Bumaba ako at agad na pumasok sa loob. Binaba ko ang plastic na may lamang tapes sa upuan at hinubad ang aking sandals.
"Deron?!" Sigaw ko sa kaniyang pangalan. Paniguradong nasa kwarto siya. "Brendon Sevilla! Open mo na yung DVD! Manonood tayo ng wrong turn!" Sigaw ko pa ngunit walang sumagot.
Sinilip ko ang kaniyang rubber shoes sa labas ng pinto at nandoon nga. Pero bakit hindi siya sumasagot? I gasped and went up stairs, I don't know but I was nervous. Sa bawat hakbang ko sa palapag ng hagdan, parang may gustong pumigil saakin.
"Deron?" The door of his room is locked. Patakbo akong bumaba upang hanapin ang susi ng kaniyang kwarto. Anong trip ng pamangkin ko at tinatakot niya ako? Nang makita ko ang susi, nagmamadali kong binuksan ang pinto ng kwarto.
When I saw Deron, my leg bones quickly weakened and I dropped to the floor. Ilang ulit akong umiling, hindi maiproseso ng aking utak ang nakikita. I clenched my fist and slowly approached Deron's body hanging from the ceiling.
Hindi. Hindi ko ito nakikita. Hindi. Namamalikmata lang ako. Tangina. Bakit?!
I moved my head from side to side hastily. Tears flowed on my cheeks without interruptions except for the sound of my sudden inhale and exhale of breath. My mouth opens as my breath shakes along my shoulder.
My phone rang. Ilang beses pa iyong nag-ring bago ko sinagot.
"Lyndzey, anong email 'tong pinadala saakin ni Deron? Asaan siya?"
I exhaled what was left of my sanity. My hart sank to my feet. The weight of my heart could bring me to my knees. As I stared at Don's body dangling from the ceiling, tears welled up in my eyes. His hands were rigid and his skin was violet.
"Z-Zafinah... Si... S-Si D-Deron ko... W-Wala na s-si D-Deron ko, Z-Zafinah..."
^_____________^
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro