19
19
I was happy. However, as the saying goes, a rainbow appears after a rainstorm. But a storm comes after the rainbow. Yung tipong lahat ng binuo mo ay mawawasak dahil sa klima na hindi ka nais-nais.
Sinagot ko siya at nalagyan ng tuldok ang ligaw serye niya sa'kin na umabot ng halos anim na buwan. Even though he's my boyfriend now, I still get the impression that he's courting with me every day.
Walang nag-bago sa pakikitungo niya sa'kin kahit na mag-dadalawang buwan na kaming nasa relasyon. He is kind, understanding, and patient. Lahat ng ginagawa ko ay pinipilit niyang saluhin upang hindi mabugbog ang katawan ko ng sobra sa trabaho.
Lagi niyang sinisiguradong ayos ako, maganda ang araw ko, nakakakain ako sa tamang oras, at nakakatulog nang maayos. He is always by my side and I feel like he is not my boyfriend, but my bodyguard.
I told him several times that I was no longer a child for him to take care of, pero wala. Ang kulit niya.
I smiled as I peered out of Crafts' large window. Today is Saturday afternoon, and it is already one o'clock. Wala kaming pasok pero kinailangan kong pumunta rito para sa biglaang patawag sa'kin ni Architect Kane.
Wala ang mga kaibigan ko, sadyang ako lamang. Hindi ko rin naman kasi sila sinabihan na kailangan kong pumunta rito sa The Crafts, dahil paniguradong sasamahan nila ako at magagambala ko pa ang pahinga nila.
It didn't take long for Architect Kane to talk to me. May inabot lamang siya sa'kin at sa iilang empleyado ng The Crafts. At nang matapos ay agad akong tumulak palabas ng The Crafts, tatahakin na ang daan pauwi.
"Lyndzey!"
Napahinto ako sa paglalakad at agad na pumihit patalikod nang marinig ang boses na tumawag sa pangalan ko. I immediately saw Reese, running towards me.
Kasalukuyan akong nandito sa waiting shed, naghihintay ng masasakyan. Wala kasi si Callie dahil nasa opisina niya ito. I went to The Crafts today and I didn't inform him because I knew he was busy with his on-going case.
"Kayo na ni Attorney?" Tanong niya sa'kin at tumayo sa gilid ko.
Walang pagaalinlangan akong tumango, ni hindi man lang pumasok sa isipan na itanggi ang nobyo. Yes, Callie is now my boyfriend, and I no longer have to gatekeep that a secret as I did when he was courting me. Sapat na 'yong noon na tinanggi ko siya.
"Break up with him." Malamig niyang dagdag.
I quickly looked at her and licked my bottom lip, giving her a surprised look. Bakit ba siya nagdedesisyon? Wala namang rason para makipag-hiwalay ako kay Callie. And if there is a reason, I know it's because she still wants Callie.
Kawawa naman siya, pinipilit ang sarili sa hindi siya gusto.
I took my eyes off her and took a deep breath. Paniguradong nandito lang siya para pakiusapan ako na makipag-hiwalay kay Callie. She just wanted to get Callie back to her.
"Gusto ka lang n'ya kasi kamukha mo ang kapatid ko,"
Naguguluhan, muli kong binalik ang tingin sa kaniya. Ano ba ang sinasabi niya? Why is she bothering me and begging me to break up with Callie? Ano ba ang balak niya?
I smiled at her. "Hindi naman ganoon si Callie, Reese."
"I'm just spitting facts, Lyndzey. Basta I already warn you," She took a pause. "Gusto ka lang ni Callie kasi kamukhang-kamukha mo si Zvezda, Callie's ex-girlfriend and my dead sister... Kung ayaw mo maniwala, Check out the big painting that is on display in his house,"
Mabilis akong napaisip at naalala ang malaking painting ng babaeng kamukha ko sa sala.
"She's my sister... Zvezda. Kamukhang-kamukha ka niya simula ulo hanggang talampakan," Pinasadahan niyia pa ako ng tingin. "Noong una nga kitang makita, akala ko... you are my long dead sister."
Does that mean... Callie only sees me in her ex-girlfriend who looks like me? Kaya pala noong una naming pagkikita... he didn't think twice to help me and it was as if he was amazed when he saw my face.
Umiling ako kay Reese. "Mauuna na ako. You're just spouting nonsense."
"Whatever."
I rode a jeep without my own sanity. Malalim ang iniisip ko buong byahe at nang tumigil ang jeep sa destinasyon ko ay mabilis akong pumasok sa loob ng bahay ni Callie. I quickly entered the living room of his house and immediately saw the large painting on the wall.
Kamukhang-kamukha ko ang babae at tila ba ako nga talaga iyon.
When I first saw that painting, I wondered why the woman looked like me. Pero hindi dumaan sa isipan ko na kaya nagkagusto sa'kin si Callie dahil kamukha ko siya... at naalala niya sa'kin ang ex-girlfriend niyang namayapa na.
Pero... why did Reese and Callie develop a romantic relationship if Reese's sister is his ex-girlfriend? Hindi ba't ang pangit naman pakinggan no'n kung pinatos mo ang boyfriend ng kapatid mong namayapa na?
It's a mess, and I'm confused.
Pinahinga ko ang mga mata sa pamamagitan ng pag-pikit at nang maramdaman ang pagkagutom, nagtungo ako sa kusina upang mag-luto ng pagkain. The questions that I feel I cannot answer are still on my thoughts.
Pakiramdam ko ay pinagtaksilan ako.
When my phone rang on the table, I instantly took it up and answered the call. It was Deron. Nilagay ko iyon sa aking pandinig at inipit ang bagay na iyon sa aking balikat at tainga.
"Hello? Kumain ka na, Deron?" Tanong ko, ang mga mata ay nasa pinipritong isda. Ilang minuto akong naghintay sa kanyang sagot ngunit wala akong nakuha. "Deron? Nasa klase ka pa ba o sa hospital. Punta ako riyan?"
Kumalabog ang dibdib ko nang marinig ang hikbi niya. Mukhang may nangyaring hindi maganda... kinakabahan ako sa hikbi niya. Hindi naman siya iiyak kapag mababaw ang rason... ano naman kaya 'yon?
Pinatay ko ang apoy sa kalan at naglakad papunta sa itaas upang magpalit ng damit.
"Deron, asan ka? Brendon naman! Bakit hindi ka sumasagot?" Nag-aalalang tanong ko.
"T-Tita k-k... k-kakauwi k-ko lang p-po g-g...galing sa school. K-Kinuha k-ko po yung c...card ko," Humihikbi niyang sagot.
Napalunok ako, hindi maiwasang mag-alala. "Nasaan ka? Bakit ka umiiyak? Mababa ba yung grade mo? Malungkot ka? Ayos lang naman iyon. W-"
"S-Sumuko n-na po si Tatay k-ko. I-Iniwan na a-ako ni T-Tatay k...ko, Tita." Narinig ko ang kaniyang mahinang halakhak, bakas doon ang sakit dahilan upang mapatigil ako.
I slightly moved the cellphone away from my ear in shock at what I heard. Kahapon ng umaga lamang ay nakausap ko pa si Lance, ang tatay ni Deron... at ngayon ay wala na siya. Ang bilis ng buhay, hindi mo mamamalayan kung kailan ka kukuhanin.
"N-Nasaan ka?"
Nagpakawala siya ng hangin mula sa kabilang linya. "N-Nasa morge p-po."
Agad ko iyong pinatay at nagpalit ng damit. Sumakay ako ng jeep at dali-daling pumasok sa loob. Agad na nahagip ng mata ko si Deron.
He was wearing a uniform and standing straight while staring at his father's corpse. His right hand is holding his report card and his left is holding the white handkerchief.
"T-Tita..." Aniya at agad akong niyakap, kasabay nang malakas niyang paghagulgol. Ibinaon niya ang kaniyang mukha sa aking balikat at doon umiyak. "T-Tita... S-Sumuko n-na po si Tatay k-ko. I-Iniwan na a-ako ni T-Tatay, Tita."
I gently patted his back, hoping to soothe him just a little.
I couldn't figure out why he called me first instead of Zafinah. When he has a problem, he calls Zafinah first before me. Si Zafinah naman ay gabi-gabing lasing at kapag nasa opisina siya ay lagi lamang siyang tulala. Did they fight?
"What time did he pass away?" I asked him.
Kulamas siya sa pagkakayakap saakin, muling humarap sa direksyo ng kaniyang tatay at pinalis ang mga luha. "Kanina pa pong alas-dose. Twelve thirty-one,"
I checked my wristwratch right away to see what time it was. It's already three-thirty in the afternoon. What made him call me so late? Ah, I think deron is still on his school when Lance died.
"Tita... wala na po si Papa. Wala na po akong tatay... w-wala na po siya... hindi niya tinupad yung pangako niya sa'kin na sasamahan niya ako sa pagkuha ko ng diploma..."
He sobbed.
"Nangako siya sa'kin na kapag nakapagtapos ako... magaling na siyo no'n... siya ang isasama ko at magsasabit ng medalya sa'kin, Tita... Pero hindi, e... iniwan na niya kami."
Every sob he makes breaks my heart.
"Akala ko, kaya ka umiiyak d-dahil mababa ang grado mo..." Lintanya ko at bumaling din sa direksyon ng kaniyang tatay na si Lance.
Narinig ko ang paghikbi ni Deron sa aking tabi. "Nagmamadali nga po akong pumunta dito para ipakita kay Tatay yung grades pero wala... Akala ko, makikita ko na nakangiti siya dahil tumaas ang grado ko pero... sumuko na siya."
He sobbed and handed me his report card.
Marketing - 98 (1.25), Accounting - 97 (1.25), Economics, Mathematics of Investment, Principles of Finance, and Law and Legal Research - 99 (1.00) and his overall average is 1.11.
Gumuhit ang mapait na ngiti sa aking labi. I can't believe him. He was a student in the morning, a Sweet Treats employee in the afternoon, and in the evening he was in the hospital but despite all that he was still able to be first in class.
Lance was obviously smiling now, wherever he was.
"Ang galing. Nagmana ka nga saakin," Ani ko. Hindi maiwasang mamangha at tumingkayad pa upang guluhin ang kaniyang buhok. "Kumain ka na ba? Kumain ka muna kahit sabihin mong wala kang gana."
Hinila ko ang kaniyang kamay at naglakad palabas. Hinatak ko siya sa gotohan na nasa harap ng ospital at agad na bumili ng dalawang order ng goto.
"Alam na ni Mica? Asawa niya si Lance-"
"Pumunta na po siya, Tita. Umalis lang saglit para ayusin yung papel ni Tatay..." Yumuko siya. Hinalo ang goto gamit ang kaniyang kutsara. "Tita... pwede bang samahan mo muna ako sa bahay nila Mama, doon daw ibuburol, kahit hanggang malibing lang si Tatay, Tita. Gusto ko lang ng lakas. Gusto ko lang makasama ka Tita."
Agad akong tumango at mahinang tinapik ang kaniyang likod. Eto na naman... kapag may magandang nangyayari sa buhay ko ay agad ding napapalitan ng labis na kalungkutan.
Ganon ang nangyari sa mga sumunod na araw.
I attempt to keep my time in check. Sa umaga papasok ako para magtrabaho sa The Crafts. Pag-uwi ko ay didiretso naman ako sa lugar kung saan naka-burol si Lance at kapag umaga na, papasok na ulit ako sa trabaho.
I only slept an hour at night. Pero para saakin ay ayos lang yon para may kapalitan si Deron sa pagbabantay kay Lance at makapagpahinga siya. Alam kong bugbog na bugbog na ang katawan ni Deron dahil sa walang katapusang trabaho.
Asawa ng kapatid ko, si Lance pero hindi daw sapat ang dahilan na iyon para siya ang magbantay sa kaniyang asawa. Nira-rason niya na marami siyang gagawin at kailangan matulog. Minsan pa ay nagagalit siya sa tuwing maingay ang mga nagsusugal dahil hindi daw siya nakakatulog ng maayos.
At ang balita tungkol sa'min ni Callie... minabuti ko munang umiwas hanggang sa ayos na ang lahat at kapag nagkaroon ng lakas ng loob, tatanungin ko siya tungkol sa bagay na iyon.
"Tita, ako muna dito. Magpahinga ka muna,"
Hindi ko siya pinansin at kinagat ang aking pisnge sa loob ng aking bunganga nang makita ang ilang hibla ng buhok na sumama sa aking kamay. Naglalagas na naman ang buhok ko.
"Magpahinga ka muna, Ta. Ilang araw ka ng walang tulog, baka magkasakit ka niyan." Utos niya saakin, patuloy na nagtitimpla ng kape at hindi tinutuon kaniyang magang mata saakin.
"Oo na. Pagkatapos ko, aakyat ako sa itaas para makapagpahinga." Wika ko at binuhat ang tray palabas sa kusina. Isa isa kong binaba ang mga baso na may lamang kape sa ibabaw ng lamesa.
It's already three in the morning. Aaminin ko na pinipigilan ko na lamang na huwag pumikit ang mga mata ko dahil sa antok. Masakit na ang buo kong katawan dahil sa kanina pa palakad lakad para asikasuhin ang mga taong dumadalaw kay Lance.
Ang laking tulong din kasi para saamin ang mga abuloy ng mga tao, malaki man iyon o maliit na halaga.
Just like Deron said, I went upstairs to rest after washing the dishes. Nang pihitin ko ang door knob ng pinto ng kwarto na tinutulugan ko ay nanghina ako sa nakita.
I looked at the ceiling to stop the tears from flowing, but I couldn't take it anymore and all the tears that had accumulated on my eyes poured out in one blink.
"Mica? Anong ginagawa mo rito?" Nakakalat ang mga gamit ko sa lapag at mukhang may hinahanap siya sa loob ng bag ko ng walang hinihinging permiso ko.
Mica stopped in shock and turned her back to where I was standing. Tumayo siya kaya naman agad kong nakita na hawak niya ang ATM card ko. She immediately hid it behind her back and smiled as if nothing had happened.
"Mica, ATM ko po iyan..." I pointed at her back. "Kung gusto niyo po ng pera ay bibigyan ko naman kayo... Hindi niyo naman ako kailangan pagnakawan."
Totoo namang bibigyan ko siya ng pera sa oras na manghingi siya kahit walang-wala na ako. She doesn't need to rob me... binibgay ko naman ang lahat sa kanila kapag mayroon ako. Hindi ako madamot... ni minsan, hindi ako nag-damot sa kanila.
"Hindi naman ako nagnanakaw, Lyndzey. Humihingi lang ako ng kaunting halaga.... at saka, yung hihingiin ko sayo, wala pa sa isang persyento ng kinikita ko," Lintanya niya, looking like she had taken illegal drugs because she was very high.
I was about to speak when she continued.
"Kekerengkeng ka lang sa kano mo, malaki na ang kikitain mo. Si Callie ba 'yon? Yung kano mo? Manang mana ka sa nanay mo no? bubukaka, tutuwad o anumang putanginang posisyon 'yan, magkakapera ka na tapos magdadamot ka pa sakin-"
My anger rose throughout my system.
"Hindi naman ako ganoon kay Callie, Mica,"
Hindi ko ni minsan man hiningian si Callie ng pera. At halos lahat ng mga maliliit na bagay na binibili ko sa sarili ko ay galing iyon sa paghihirap ko sa pagta-trabaho. May mga panahon nga na gusto kong bayaran ang mga natulong sa'kin ni Callie... pero ayaw niya.
"Aba't totoo naman ang mga sinasabi ko, Lyndzey. 'Di ba bubukaka ka lang at may papasok na agad na pera sa bulsa mo o sa ATM mo? Kaya 'wag kang magdamot sa pamimigay mo ng pera,"
Mabilis akong umiling at kmang hahablutin ko ang card sa kaniyang kamay nang hilahin niya ang aking buhok.
"Huwag mo ngang masyadong taasan ang tingin mo sa sarili mo kasi magkapareho lang naman kayo ng trabaho ng nanay mo. Mga pokpok!" She put the blue card and my bank book in her pocket before finally leaving the room.
Nanghina ang aking mga tuhod na ikinadahilan para matumba ako sa sahig. I closed my eyes tightly.
Ayon na lang yung natitira sa'kin...
Huminga ka ng malalim, Lyn. Apat na araw na lang at ililibing narin naman si Lance. Kaunting tiis na lang. Kaunting tiis na lang at malalagpasan ninyong dalawa ni Deron ang problema na ito.
I was so exhausted that it took me a while to realize that I had slept off. Nagising na lamang ako nang hindi namamalayan ang oras. It was already eleven in the evening. Mabuti na lang talaga at nagising ako bago sumapit ang alas-dose.
"Tita, tinabi kita ng sopas... hindi ka pa kasi naghahapunan."
I tucked my little hair blocking my vision behind my ear. Nakangiting bumaba ako sa natitirang tatlong palapag ng hagdan at lumapit sa direksyon ni Deron. He served me porridge and gave me a glass of water before sitting down in front of me.
"Okay ka lang ba, Tita?" He asked me.
Mabilis akong tumango habang hinihigop ang sabaw ng sopas. "Ayos lang ako lagi. Ikaw?... Alam kong mabigat sa 'yo 'to... andito lang ako sa tabi mo, Deron, hah. Hug mo lang si Tita kapag kailangan mo."
Para sa'kin, si Deron ang tumatayong tahanan ko simula pa noon. It hurts when I see him hurt. Kung pwede lang itali siya sa tabi ko, gagawin ko para masigurado ko ang kaligtasan n'ya.
"Tita," He laughed. "Nakipag-break na po ako kay Zafinah..."
Mula sa sopas na kinakain, agad na umangat ang tingin ko sa kaniya. I put the spoon down and immediately watched the tears fall down his cheeks. Pero sa kabila ng mga luha na nagbabagsakan sa mga mata niya, pinilit niya itong punasan gamit ang palad at ngumiti.
"Bakit naman?" He courted Zafinah for a year, tapos ganoon lang niya kadaling tatapusin ang relasyon niya kay Zafinah? Limang buwan lang ang tinagal nila, kung ganoon...
"Kapag lumalabas kasi kami, Tita, nakikita kong nakatingin siya sa mga mamahaling restaurant, e, wala naman po akong pera kaya hindi ko siya madala roon...." He gulped. "Minsan naman, nawawalan na akong oras sa kaniya,"
"Naiinis ako sa sarili ko, Tita, k-kasi... hindi ako naging kasing taas ni Zafinah... hindi ko nabibigay lahat ng gusto niya... pati dirty ice cream sa kalye, hindi ko kayang bilhin kasi pinagaaral ko sarili ko..."
Tuluyan na naglalaglagan ang mga luha mula sa kaniyang pisngi.
"Ang sabi niya, wala lang daw 'yon sa kaniya pero may parte sa'kin na iniisip kung baka minsan, naiisip niya rin na baka hindi kami bagay sa isa't isa..." He sighed. "Baka may ibang lalaki para sa kaniya na matutugunan yung mga kailangan niya..."
Malakas siyang napahagulgol. "Mahal ko si Zafinah, Tita. Mahal na mahal... sa sobrang pagmamahal ko sa kaniya, ayon lang yung kaya kong ibigay, yung mahalin siya. Hindi ko kasi afford yung mga regalo, mamahaling restaurant, mga lugar na gusto niyang puntahan."
"Hindi mo naman kailangan bigyan ng mga materyal na bagay si Zafinah, Deron. Mas gusto niya yung siya yung gumagastos sa sarili niya, at hindi ikaw. Alam mo ba na... mas natutuwa siya sa 'yo kapag nageeffort ka gumawa ng oras kaysa sa mga regalo?"
Zafinah is already content with the fact that Deron made the effort to visit her home. Ayos lang sa kaniya na walang regalo basta kasama niya si Deron, masaya na siya. Hindi niya hinihingi yung mga regalo... hindi niya kailangan no'n. Kailangan niya si Deron.
"Ayon nga po, e, nawawalan ako ng oras sa kaniya... Wala na akong kwenta sa kaniya, Tita. Parang pumasok siya sa isang relasyon kasama ako para lagyan ng tuldok yung pagiging malaya niya,"
"Wala siyang kalayaan makatanggap ng mga regalo katulad nung dati sa mga manliligaw niya. May nobyo nga siya... wala naman palagi sa tabi niya para suportahan siya. Tapos nung gabi... nasigawan ko siya... sabi ko 'wag na niya akong puntahan sa hospital para samahan ako,"
"K-Kasi, ako yung lalaki, Tita. Ako dapat yung gagawa ng paraan para mapuntahan siya kahit gabing-gabi na," Napahilamos siya gamit ang dalawang palad at malakas na humagulgol. "N-Nasaktan ko si Zafinah, Tita... alam ko 'yon kasi, pinipigilan niyang umiyak nung umalis s'ya ng Hospital."
Tumayo ako sa kinauupuan at mabilis siyang niyakap. Yumakap naman siya pabalik at agad na yumuko upang isubsob ang mukha niya sa balikat ko. He cried on my shoulder as I patted his back, thinking it would ease the pain he was feeling.
Sa mga panahon na malungkot ako, hindi ako iniwan ni Deron at nanatili sa tabi ko. And I promise I won't leave him in his heavy days.
^_____________^
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro