Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

17

I'm at a point in my life where I can ask myself if this is what it feels like to fall in love. 



Butterflies in my stomach, smiling widely, like floating in the sky and feeling motivated every day—That is the best way I can sum up the days Callie has been courting me over the last three months.



Sa tatlong buwan na panliligaw niya sa'kin, mas lalo akong nahulog sa kaniya. I know I used to like him but now, it's like I fell into a deep abyss. 



Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko kapag kasama ko siya. Basta ang alam ko, masaya ako. Masaya kami. 



Alam ng lahat kung gaano kasikip ang schedule niya araw-araw, pero sa kabila ng 'yon, hindi siya nabibigo gumawa ng paaran para makasama ako sa pagkain, maihatid at sunduin ako kapag nago-overtime, pag-lutuan ako ng paboritong pagkain at iba pa.



Minsan pa nga ay nahuhuli ko siyang nagpupunta sa bahay ng pamangkin ko para turuan si Deron tungkol sa lesson na hindi niya maintindihan. Pareho naman sila ng kurso kaya maraming alam si Callie sa mga lesson ni Deron. 



"Chicken curry lang ba alam mong lutuin, Attorney?" Tanong ni Adonis kay Callie. "Puro ayan na lang niluluto mo. Hindi ka ba nagsasawa?"


Callie sighed and looked at Adonis. "T'saka na ako mag-sasawa kapag sawa na rin si Lemerie sa paborito niyang pagkain."


"Hah? Si Lemerie? As in si Lyndzey? Ano bang mayroon sa inyo?!"



Callie looked at me and studied my face. "Has eyes, nose, hair, teeth, lips—"



"Ang pilosopo mo naman, Attorney! Gan'yan ka ba sa korte?"



"Depende kapag katulad mo ang abogado ng kabilang panig." Pabalang niyang sagot kay Adonis at humarap sa'kin. Binaba niya ang paper bag sa lamesa ko na may laman na paboritong ulam ko at bumaling sa'kin.





"Happy birthday, Lemerie."





Nginitian ko ang lalaki ngunit agad na nahulog ang ngiti sa labi ko nang mapansin ang pagkagulat sa mukha nila Zafinah. Lahat sila ay gulat at mukhang hindi makapaniwala sa lumabas na mga salita galing sa bunganga ni Callie.





"Birthday mo ngayon?!"







Humaba ang nguso ni Amirah at pinag-krus ang braso, sinasandal ang katawan sa lingkuranan ng malambot na upuan. "Birthday mo pala, Lyn... 'di ka man lang nagsasabi sa'min!"





Sandali akong napapikit habang ang labi ay may nakapaskil pa rin na ngiti. Nakalimutan kong wala pala silang alam tungkol sa bagay na 'yon. Hindi ko sinabi sa kanila ang pagbati sa'kin ni Callie sa araw-araw dahil hindi ko alam ang kaarawan ko. 



Hindi ko naman kasi alam na kailangan kong sabihin ang tungkol doon... At paniguradong matutukso lang naman kami kapag sinabi ko sa kanila ang tungkol doon. Kaya... siguro hindi ko nasabi kaagad.



"Happy birthday, Lyndzey," Pag-bati ni Dion sa'kin. "Mag-celebrate tayo mamaya!"



They all promptly turned to the man who made the remark, smiled and kept nodding as though they approved of their friend's concept. Mukhang gusto nilang lahat 'yon kaya paniguradong hindi kami makakatanggi.



"Sasama kaming lahat, Attorney," Tinapunan ng tingin ni Adonis si Callie. "Sumama ka rin!"



"Kapag kasama si Lemerie." Matipid na sagot ng lalaki at sumulyap sa'kin upang silipin ang reaksyon ko. 



I gasped as I felt my cheeks heat up.



Mabilis silang naghiyawan na ikinadahilan upang matawa ako. Para silang mga oud na nilagyan ng asin lalo na si Adonis na pinagsisipa at pinagsusuntok ang hangin. Halos mapunit ang mukha nila kakangiti sa tuwing tatapunan ako ng mapang-asar na tingin.



This is why I don't want to tell them. Hindi pa nga nila alam, pero gan'yan na agad ang reaksyon nila. Paano pa kaya kapag nalaman nila na totoo na namamagitan sa'min? Baka hindi na sila magkadaungaga sa kanilang mga pwesto.



Callie and I never kept our relationship a secret or made any effort to hide about it. Sadyang ayaw lang namin itong sabihin sa iba. 



"Malamang, sasama 'yan si Lyndzey kasi birthday niya ang icecelebrate natin! Alangan namang mag-celebrate tayo nang wala ang celebrant?!" Pakikipag-talo ni Adonis kay Callie at nang samaan siya ng tingin ng lalaki, agad siyang nag-peace sign. "Joke lang, Attorney hehe."



Natawa naman ako.



I feel like Callie is just trying to extend his patience with them because they are my friends. Ayon kasi sa kinikilos at ekspresyon ng mukha niya, mukhang nauubusan na siya ng pasensya sa mga kaibigan ko. Sino ba naman kasing 'di mauubos ang pasensya?




"Seaside tayo sa Alabang! Andoon ang Four Anchors mamayang gabi!"



We quickly nodded to Zafinah's recommended place. 



Bumalik sila sa ginagawang trarbaho habang ako ay sinundan si Callie na tinatahak ang daan palabas sa The Crafts. 



"Sasama ka?" Tanong ko.



"Don't you like it?"



Mabilis naman akong umiling. "Hindi, ah. Baka lang marami kang ginagaw—"



"You don't want me to go with you because Xion's band is there... am I right?" Parang batang nagmamaktol nang putulin niya ang sinasabi ko. 



"Ano namang kinalaman ni Xion dito?..." I looked at him directly in his eyes. "Nagseselos ka ba?"



He swallowed as his eyes darkened. 



"Even if I say yes, I will not have the right." He answered and his jaw tightened.



Mabilis ko siyang hinampas sa braso at napangiti. "Sira!"



"I'll pick you up later..." 



Tumango ako at kumaway. "Bye!... Ingat!"



Ganoon ang nangyari. When our duty was over, we went out of the craft together. And as usual, they were in the same car while I was in the car with Callie. 



Hindi na rin naman sila kasya sa kotse ni Dion. Hindi rin naman sila papayag kung makikipagpalit ako dahil alam kong takot silang lahat kay Callie. Kaya no choice talaga. 



Mabilis lang ang byahe patungo roon kaya hindi nagtagal ay nakarating agad kami sa sinasabing lugar nila Adonis. Pagkatapak ko pa lamang sa lugar ay agad akong sinalubong ng mga kaibigan. 



"5... 6... 7... 8..." Adonis counted. "Birthday na ni Lyndzey! Birthday na ni Lyndzey! Birthday na ni Lyndzey! Birthday! Na! Ni! Lyndzey! Ngayon! Get get aw! Make a wish, sexbomb Lyndzey." They presented me with a cake and lit candle as a greeting.



Mga siraulo talaga.

I laughed as I closed my eyes to make a wish. 



"Isa pa! Hindi kumanta si Attorney!" Sigaw ni Adonis kaya agad siyang sinamaan ng tingin ni Callie. Callie was about to speak when Adonis spoke again. "Pero dapat sa stage!"



They started cheering Callie on. Bakas ang hiya sa mukha ni Callie at walang nagawa nang tuluyang itulak ng mga kaibigan papunta sa stage. Agad na naagaw ang atenyon ng lahat patungo sa kaniya. 



"Give me your forever ang song, hah! Dedicated 'yan kay birthday girl!" Zafinah requested.



Tuluyan akong napasapo sa noo at hinintay na lamang mag-play ang kanta. 



"I want you to know, I love you the most," While he was singing that, he was looking at me. "'Cause, baby, you're always in my mind, Just give me your forever (give me your forever..."



Mabilis na kumalabog ang puso ko at para bang lilisanin na nito palabas ang katawan ko. 



Ngayon ko lamang narinig ang boses ni Callie na kumakanta. Ang ganda. Ang sarap sa tainga at ang ganda pakinggan nang paulit-ulit.



"I want you to know that you'll be the one, and I'll be the guy who'll be on his knees," He kept singing, looking at me with his eyes glistening. "To say "I love you" and "I need you"And say "I'd die for you", just give me your forever."



He smiled at me, causing me to hardly sip at my juice. Mariin kong kinagat ang straw ng iniinom upang pigilan ang pag-ngiti kaya halos wala na nga akong mainom dahil wala ng butas ang straw. 



Pakiramdam ko ay nangangamatis na ako sa sobrang pagkapula. 



"Oh my god single ka po ba?" Tanong ng isang babae sa crowd nang matapos ang kinakanta ni Callie.



Awtomatikong hinanap ng mga mata ko kung saan ang boses na 'yon nagmula. 



"FB reveal!" Sigaw pa ng isang babae galing sa katabing table namin. 



"Boto raw po si Mama sa 'yo!" 



"Kuya, tumatahol ako! Arf arf!" Napuno nang halakhakan ang lamesa kung saan nandoon ang babaeng sumigaw. 



Halos lahat ay sabik na malaman ang pangalan ni Callie. 



I looked at Callie's reaction. May maliit na ngisi sa kaniyang labi at tila ba gustong-gusto ang mga babaeng nagtatanong kung ano ang pangalan niya. I bit the straw harder and crossed my arms, slowly losing my mood.



"Hi," Mabilis na lumipad ang tingin ko sa stage nang marinig ang babaeng pilit na kinuha ang atensyon ni Callie. She was wearing a black bra and trousers, she had shades but it was only in her hair.



"I'm the DJ here, Joy." Inilahad ng babae ang kaniyang kamay sa pagitan nilang dalawa ni Callie. I gulped as I waited to see if Callie would take the girl's hand for a handshake. Ngunit nang mapansin kong napatingin si Callie sa direksyon ko, agad akong nag-iwas ng tingin. 



Ano? Kukuhanin niya ba o hindi? Nangangalay na yung kamay ng babae oh!



"I'm Callie," Tipid niyang pakilala, hindi pinapansin ang kamay ng babae na halos mangalay na sa ere. 



"Alam mo ba, Joy, miss na kita... uwu!" Adonis joked about DJs name causing to Zafinah and I laughed quickly. May sinabi pa siyang iba tungkol sa pangalan ng babae ngunit hindi ko na ito narinig. 



"Okay lang ba sayo kung tanuning ka namin ng iilang tanong?" Tinago niya ang kamay sa loob ng bulsa nang mapahiya dahil hindi ito pinansin ni Callie. 




"Yes 'yan!" Sigaw ni Zafinah mula sa tabi ko dahilan upang mapatakip ako sa tainga.



The DJ looked at Zafinah and smiled. "Sabi ng kaibigan mo sa table niyo, oo raw." Muli siyang bumaling kay Callie. "Guys like you like hot girls... so may chance ba ako sa'yo?"



My jaw dropped. 



Nahagip ng mata ko ang sabay na pagtakip ni Adonis at Amirah sa kanilang bibig gamit ang mga palad. Katulad ko ay nagulat at hindi rin sila makapaniwala sa tinanong ng babae. Bakit naman kasi ganoon ang tanong niya?



"Shesh 'yon, oh. Minsan na nga lang maging okay mood ni Attorney, sisirain pa. 'Di naman siya hot." Bulong ni Amirah sa gilid ko dahilan upang mapa-ngiwi ako. 



Hindi sumagot si Callie at nandidiring ngisi lamang ang binigay sa babae. 



"I'm just kidding... so ito na nga... in your looks, there's no way na single ka. Single ka or taken?"



"Ano bang klaseng tanong 'yan?" Bulong ni Dion at sumipsip sa straw ng iniinom niya. 



Hindi ko siya pinansin at tiningnan si Callie na walang emosyon an tumingin sa DJ. Callie was about to speak to answer what the DJ asked him when a woman shouted from the other table.



"'Wag mo nang sagutin, please! Masasaktan ako kapag nalaman kong taken ka na!"



Zafinah and Adonis laughed at binalik ang atensyon kay Callie.



Lahat ng tao ay nakatutok ang paningin kay Callie. Maging ang spotlight ng bar ay nasa kanya at para siyang bituin na nagniningning sa gitna. Ang gwapo niya kahit saang anggulo, hindi na ako magtataka kung bakit madaming nahuhulog sa kaniya.



"Neither single nor taken." 



Callie's words left everyone blank.



"What do you mean? Complicated?" 



"No," Callie gritted his teeth. "I'm courting someone."



Kaagad na napatingin sa'kin sina Zafinah, bakas ang pag-aalala sa mukha. 



"Nililigawan niya ba ulit si Reese?" Si Amirah. 



"Tangina! Sabi na nga ba, e. Magkakabalikan 'yan silang dalawa kasi haliparot si Reese."



Dion did a hashtag sign with her fingers. "Hashtag Reese Haliparot."



"Swerte naman niya!" Sigaw ng iilang babae at tila ba nalumbay. 



Callie laughed and looked at me. "I am the lucky one to have her."



The butterflies... again.



"Pwede mo bang sabihin kung anong pangalan niya? O kaya kung andito siya ngayon... why not sabihin mo sa'min?"



"Wala rito si Reese! Naghahanda na sa burol niya bukas!" Zafinah booed.



Napasapo naman ako sa noo at napailing. Binaling ko ang paningin sa harapan kung saan nandoon si Callie, hindi komportableng nakatayo sa harap ng maraming tao. 



"She's Lemerie," Kaagad na sinalakay ng mga paro-paro ang tiyan ko kaya napalunok ako ng sunod-sunod nang banggitin niya ang pangalan ko. "The woman seated at table 5... I am pursuing her.."



The spotlight immediately appeared and focused in my direction, causing everyone to look at me with wide smiles. 



"I am hers."



^______________^

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro