15
"Kapal talaga ng mukha,"
Singhal ni Zafinah mula sa likuran ko dahilan upang lingunin ko ito. But I looked back at my hand when she grabbed my cellphone. Pinatay niya ang cellphone ko at mabilis itong binato sa malambot na sofa bago bumaling kay Adonis.
"Send mo sa'kin lahat ng group pic natin, Adonis. May crop lang ako,"
Bumaling si Adonis sa'min, "Sus, ika-crop mo pa kayong dalawa ni Deron—pwede namang picturan ko na lang kayo." He joked.
"Tanga, hindi kami ni Deron ang ika-crop ko,"
Nakita kong umangat ang tingin ni Deron sa direksyon namin at naglakad palapit sa'min nang marinig ang kaniyang pangalan. Hinarap ni Deron si Zafinah na may pagtataka. "E 'di sino?"
"Sila Lyn."
Mbilis na nanlaki ang mga mata ko at sinubukang pigilan sa Zafinah sa binabalak niya ngunit wala akong nagawa. Pinanood kong i-crop nya ang picture namin magkatabi ni Xion mula sa group pic at binukas ang messenger gamit ang account niya.
"Anong gagawin mo?" Puno ng kuryosidad kong tanong nang buksan niya ang groupchat ng The Crafts. That Group Chat is only for important announcements and discussions about tasks. Seryoso ang mga tao roon at isang beses ko pa lamang nakita ang biruan nila kun'di sisimulan ni Adonis.
Walang pagaalinlangan na sinend ni Zafinah ang cropped pictures namin ni Xion. Yung isa ay yung nasa ibabaw ng ulo ko ang kamay ni Xion at ang isa ay yung nagulat si Xion na nakatingin ako sa kaniya kaya napangiti ako.
Zafinah:
You sent a photo.
(🧡💞💕3)
You sent a photo.
(🧡💞💕3)
Ay, sorry na-send
(😥4)
Napindot ng ka-sweet-an nila
(🥰🤗😆5)
I tightly closed my eyes as I saw Amirah, Dion and Adonis reacted it using heart emojis. Nakita ko naman na mabilis na nag-seen si Architect Kane dahilan upang dumoble ang kaba ko na mapagalitan si Zafinah.
There are only announcements and nothing else! Paniguradong mapapagalitan siya dahil matatabunan ang mga anunsyo.
Tuluyan akong napa-sapo sa noo nang makita ang messeges ni Architect Kane.
Architect Kane:
He's familiar... Is that Xion from the TVOT team?
(🥳5)
They look good together. Right, @Callie?
(😂😱😇4)
Let's see who will order me to buy cans of vodka.
(😛😋😆1)
Walang replies, sadyang reacts lamang. But even if they only react with emojis, they can immediately say what they want to say. Alam kong gusto nilang reply-an si Architect Kane pero alam ko rin na takot sila.
"Bakit mo ginawa 'yon?" Takang tanong ni Deron kay Zafinah.
Zafinah shrugged at akmang magsasalita nang pumasok si Adonis sa kusina dala-dala ang mga plato na pinagkainan. Inilapag niya ang mga plato sa lababo bago bumaling sa'min.
"Tatanong mo pa, e obvious naman yung dahilan kaya niya ginawa 'yon!" Adonis answered Deron. "Syempre, para malaman ni Attorney na may kasamang ibang lalaki si Lyndzey at hayaan natin siyang manlupaypay sa selos!"
Napasapo ako sa aking noo. I just found out the reason why they did that and I don't know how to react. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa pinaggagawa nila.
"Bakit naman magseselos si Attorney? E, si Tita lang naman may gusto sa kanilang dalawa?"
Adonis immediately covered his mouth to stop laughing when he heard Deron's statement. Mukhang na-predict na agad ni Adonis ang mangyayari. Agad namang bumaling si Zafinah sa lalaki at pinantaasan ito ng kilay.
"Pagkatapos niyong bigyan ng motibo yung mga babae at nagkagusto sa inyo, sasabihin niyon wala lang 'yon? Mga lalaki nga naman talaga!" Zafinah roared.
"Bakit nadamay kaming mga lalaki rito, Zaf?" Asik ni Adonis.
Nakita ko ang pag-pasok ni Amirah at Dion sa kusina dala-dala ang mga basura.
"Sinong may gusto kay Attorney?"
"Si Lyndzey," Walang pagaalinlangan na sagot ni Adonis kay Dion. And when Adonis realized what he had done, his eyes immediately widened and turned to me. Maging sina Amirah at Dion ay napatingin sa'kin ng puno ng gulat sa mga mata.
That's how they found out about my feelings for Callie. Mapagkakatiwalaan silang lahat katulad nang inaasahan ko. They promptly offered me provide guidance as soon as they found about that.
And yes, this is how chaotic friends of mine are.
"Bar tayo bago bumalik sa trarbaho!" Nakangiting suhestiyon ni Adonis sa'min. Lahat sila ay nagtanguan bilang pag-sangayon sa gusto ng kaibigan. Kaya wala akong nagawa kun'di ang sumama sa kanila.
We went to a BBQ bar near the seashore. Sa pagkakaalam ko ay nirentahan ito ni Xion para sa buong gabi. Nang makarating kami ay nakapwesto na roon si Xion na kasama si Dion. Nagluluto sila ng pagkain para sa lahat at mukhang diring-diri pa sa amoy ng usok na kumakapit sa kanilang damit.
Hindi nakasama si Deron dahil kailangan niyang mag-bantay sa tatay niya sa hospital. Paniguradong magtatampo raw iyon sa kaniya kapag hindi siya nakita nito ngayong gabi. Mahirap pa naman suyuin 'yon.
"Kung ang unang tao sa mundo ay si Eva at Adan, ibigsabihin no'n magkakamag-anak tayo?" biglang tanong ni Adonis sa kabila ng namumuong katahimikan sa pagitan naming lahat.
Zafinah gave him a scathing look. "Mamatay na lang ako, 'wag lang maging kamaganak mo!"
Lahat sila ay napabulyaw dahilan upang matawa ako lalo na nang hindi makaimik si Adonis at tuluyang natutop. Sitting around the hut, eyes on the sky while drinking wine. Matataas pa ang enerhiya nilang lahat at tila ba walang kapaguran.
Kanina pa kami nandito sa kubo kung saan nasa harapan lamang ang kalmadong dagat. Puro asaran lamang at mabuti ay walang nagbubukas ng usapin tungkol sa nararamdaman ko kay Callie.
"Hoy ang duga ni Xion magpa-ikot! Hindi binibigyan ng tagay si Lyndzey!" Sigaw ni Dion nang mapuna ang paglaktaw ni Xion sa pagbigay ng baso ng alak.
Siya ang nagpapaikot ng tagay simula kanina. At nagtataka ako dahil nakaka-lima na silang lahat... habang ako ay dalawa pa lang. Tig-kaunti pa ang binibigay sa'kin, hindi katulad sa kanila na puno!
Xion swallowed. "Baka malasing daw sabi ni Deron."
"Hindi 'yan! Wala naman si Deron, e! Bigyan mo dalawa! Ihabol mo sa tagay natin!" Ani Adonis.
Mabilis akong tumango kay Xion at sinenyasan siya na sundin niya ang sinabi ni Adonis. Unfair naman kasi para kay Amirah na hindi umiinom, but she forced herself to drink the five full glasses even though she was nauseated by the smell and taste of it.
Magkatabi kami ni Xion, kaya mabilis niyang nilalaktaw ang tagay ko ng walang nakakapansin. Sa kaliwang bahagi ko ay nandoon si Amirah na pulang pula na dahil sa alak.
"Isa lang ibigay mo, Xi... Mamaya na lang ulit," Utos ni Amirah kay Xion.
Apparently deaf, Xion ignored Amirah and when I finished the first glass, he poured the second glass again. Wala kaming nagawa ni Amirah at pinanood ako ng lahat tunggain ang pangalawang baso.
Remehistro sa lalamunan ko ang lasa kaya agad akong napangiwi. It doesn't taste like alcohol but it has an effect.
Tinabig ko pabalik kay Xion ang maliit na baso nang matapos tunggain ang likido. He took the glass without hesitation and poured some wine into it for Amirah, who is seated next to me. Kaunti lamang iyon at wala pa sa kalahati dahil alam niyang hindi na kaya ng babae.
I don't know Xion very well but I can say that he is a gentleman in other ways. Mabait siya at makapagkakatiwalaan din. Tahimik nga lang siya at madalang mag-salita kun'di pa kakausapin ng mga kaibigan.
Guwapo, may prinsipyo, at kilala ang pangalan sa buong mundo. I watched his game once, masasabi kong ang galing niya at halos lahat ng kalaban ay napapaiyak niya. Well, not top one global without reason.
"Ngayon pa lang nag-seen si Attorney, e kahapon pa 'yon sinend ni Zaf!" Maya-maya'y pahayag ni Dion sa'min habang ang mga mata ay nasa screen ng kaniyang cellphone. "Seen lang talaga. As in walang reacts at replies. Grabe talaga!"
Umirap si Zafinah. "Sino ba 'yan?"
"Si Attorney Callie?"
Habang nagpapalitan ng usapan ang tatlo, lumipad ang tingin ko sa katabi ko. Amirah is already asleep and looks very drunk. Inayos ko siya sa pagkakahiga at inilagay ang ulo niya sa kandungan ko.
When she was properly laid on my lap, I took off my jacket and put it on her legs. Bahagya ko pang inayos ang bilog niyang salamin bago tuluyang binalik ang atensyon sa tatlong nag-aasaran.
"Ay, wala kaming kilalang Attorney Callie," Sabat ni Adonis sa konbersasyon ng dalawa at nag-apir silang dalawa ni Zafinah. Nagkakasundo lang talaga silang dalawa sa kalokohan. "Feel ko baka props lang siya!"
Napapansin kong kahapon pa sila galit sa lalaki. They act like they don't know Callie. At kulang na lamang ay sumpain nila ang lalaki sa tuwing tatapunan nila ito ng masasamang salita.
And I'll be honest, Isa si Callie sa dahilan kung bakit ako sumama sa mga kaibigan uminom. I know I overacted because my feelings for him had just developed, and then I was immediately hurt like this... o siguro... sobrang lalim nang pagkahulog ko.
Masakit pala talaga makita ang taong gusto mo na may kasamang iba. Lalo na kung iisipin na nasa iisang bahay lamang sila ngayon—I mean, Callie and I were in the same house, but I didn't have feelings for him then. Hindi katulad nila na may namagitan noon.
Is it possible for them to come back?
Malaki ang posibilidad. Just in their eyes, I can tell that they still like each other.
"Hoy! Lumaktaw na naman yung tagay kay Lyn!"
Akala ko ay hindi nila napansin!
Dion was about to speak when Adonis spoke. "Balik yung baso!"
Seryosong umiling si Xion, halata ang tama sa kaniyang mukha.
"Five shots were enough for her."
Tinabig niya ang punong baso pabalik sa dalawang lalaki at inilayo ang tagay sa'kin. I didn't have the courage to look at him and see his reaction. Tanging lunok lamang ang nagawa ko.
It was the first time I heard him speak English. His accent gives goosebumps. Hindi na rin ako magtataka kung bakit maraming babae ang nahuhulog sa kaniya.
"Lakas talaga mang-retri ng mga jungler!" Biro ni Adonis na hindi ko naintindihan.
Ilang beses pang umikot ang tagay sa kanilang apat bago sila tuluyang tumigil dahil hindi na ma-kontrol ang mga sarili. Even I can't walk straight because I'm so drunk. Halos si Xion na lamang ang natitirang kaunti ang tama.
Kaya no choice siya kundi ang mag-alaga sa mga kaibigan na lasing na lasing na.
"Putangina! miss ko na siya!" Pagwawala ni Zafinah at nakita ko ang tuluyang pag-sapo ni Xion sa kaniyang noo. Mukahng nauubusan na siya ng pasensya kaya natawa ako bago ipikit ang mga mata.
Naunang ihatid ni Xion si Amirah at Dion pauwi dahil magkalapit lang naman ang dalawa. Sumunod ay si Adonis at Zafinah na nagwawala na dahil sa epekto ng alak. Kaya hindi ko maiwasang mapakunot dahil bahay ni Deron ang pinakamalapit sa bar... pero ako ang hinuli niyang ihatid.
The two of us were left in the car so I felt like I had to come back to my senses. Pero hindi ko alam kung paano!
It is raining but only lightly because of the low pressure area. Tahimik lamang kaming dalawa dahil hilong hilo na ako at halos magdalawa na sa mata ko ang mga nakikita. I feel like the world is spinning.
Hindi na kami nag-usap ni Xion hanggang sa makarating sa bahay. and I don't even know how I ended up in Deron's bed.
"Tita," Rinig kong boses ni Deron mula sa pinto. "Nandiyan si Callie sa labas, Tita."
Napabalingkwas ako, nananatiling masakit ang ulo at ayaw bumangon. "'Wag mo pagbuksan." Wala sa ulirat kong ani.
"Bakit? Ang lakas kaya ng ulan? Basang basa na 'yon kanina pa, Tita..."
When he said that, my vision suddenly blacked out.
Kinabukasan, nagising ako ng maaga dahil sa matinding pagsakit ng ulo. I can't remember almost everything that happened yesterday. Ang natatandaan ko lang ay nag-inom kami sa BBQ bar at ayon lang... wala akong matandaan na kahit anong detalye sa pangyayari kahapon.
Nagpakulo ako ng tubig sa takure at lumipad ang tingin sa orasan. It's only four in the morning. Tulog pa rin si Deron sa sofa kaya iniiwasan kong hindi makagawa ng kahit anong ingay na ikagigising niya.
When the boiling water heated up, I made some tea to soothe the headache. Dala-dala ang baso, naglakad ako papalapit sa pintuan at binuksan iyon. The cold wind and a few drops of rain immediately embraced me.
Niyakap ko ang aking sarili at humigop sa tsaa na iniinom.
I was ready to shut the door since I was so sick of the scene outside when I heard my name called out.
"L-Lemerie..."
Mabilis na hinanap ng mata ko ang pamilyar na boses ng lalaki. And Callie was quickly spotted. Basang-basa siya katulad noong una kong siyang makita sa tulay. He was wearing a leather jacket, gray t-shirt and pants.
His lips protruded. Kita ko ang paghinga niya nang malalim. I seriously didn't want to talk to him right now... dahil kahit anong tago ko sa nararamdaman, alam kong medyo nagtatampo ako.
Ngunit tila ba kinain ako ng konsensya nang maalala ang sinabi sa'kin ni Deron kagabi. That means he's still here since twelve o'clock last night outside! Hindi nga talaga siya pinagbuksan ng pinto ni Deron!
"Bakit ka nandito?" Takang tanong ko.
He stood up from sitting on the floor and approached me. Mabilis kong nalanghap ang matapang na amoy ng alak galing sa kaniyang bunganga. Is he drunk?
"Sorry, Lemerie..."
Tumawa ako. "Para saan?"
"S-Sorry, Lemerie... Hindi ko kaagad nakita chats mo..." Paulit-ulit siyang umiling. "Hindi ko kaagad na-replyan... I was ten minutes late when I replied..."
I cleared my throat as I averted my gaze somewhere else.
"Okay lang 'yon, Callie. Nandito naman ako kay Deron. At saka, ako ang may kasalanan no'n... naghintay ka pa tuloy ng ilang oras doon," I pressed my lips. "Umuwi ka na, Callie. Basang basa ka—baka magkasakit ka. Tapos... lasing ka pa."
He bowed and shook his head several times.
"Sorry, Lemerie... I'm s-sorry," He hiccuped.
"Okay lang 'yon, Callie. Hindi mo naman kailangan mag-sorry kasi hindi mo naman ako responsebilidad. Kung nakokonsensya ka... hindi ka dapat makonsensya dahil hindi mo naman kasalanan 'yon, Call—"
"Not for that,"
Umarko ang kilay ko at bahagya na namang tumawa. "Para saan naman?"
I wasn't expecting him to lean forward to my face and I held my breath when he did. Mas lalo ko tuloy naamoy ang alak sa kaniyang hininga.
"For liking you... I'm sorry for loving you, Lemerie..."
Hindi ko alam kung bakit parang may sumaksak sa dibdib ko dahil sa sinabi niya. Halu-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Siguro dahil sa alak. Pero sa tingin ko ay wala naman na akong tama.
Mabilis akong umiling nang maalalang lasing siya. I know he can say those things because of alcohol. At kapag nasa ulirat na siya... paniguradong babawiin at pagsisisihan niya ang lahat.
"Umuwi ka na, Callie," I grabbed the doorknob and was about to close the door when he put his hand on it, so I couldn't close it. "Callie, sige na... umalis ka na. Hindi ako nakikipagbiruan."
"I'm not kidding you, Lemerie," He gulped. "Totoong... totoong gusto kita."
Dumagundong ang aking puso at tila ba hindi na ito kasya sa'king katawan. My grip on the doorknob tightened as I bit my lip to stop it from shaking. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig.
"I fucking love you, Lemerie," he lowered his head and gently shakes it. "I love you more than myself, more than anyone, more than everything."
I'm not sure if it's the alcohol that's in my system, but I feel weak all over. I can feel my emotions bubbling up inside of me. Pakiramdam ko ay pinupukpok ng martilyo ang puso ko nang marinig ang basag niyang boses.
"You're drunk..." pumikit ako nang mariin. "Umuwi ka na, please..."
He's drunk... and part of me wishes he was sober.
Ilang beses kong sinabi sa sarili na lasing lang siya. Ayo'kong umasa. Masasaktan na naman ako.
"Hindi, Lemerie. I really like you... and I'm sorry..."
"Gusto kita noong una pa lang, Lemerie. Hindi ko alam kung paano sasabihin kasi natatakot ako... Natatakot ako na baka layuan mo ako kapag umamin ako sa 'yo... I'm afraid of losing you, Lemerie..."
Hindi ako nakapag-salita at tuluyang namuo ang bara sa lalamunan.
"I love everything about you," He took a deep breath. "Gustong gusto ko kapag nakangiti ka... lalo na ang mukha mong kinakabahan dahil akala mo... papagalitan kita. Your presence fills my heart with an overwhelming joy... g-gusto kong palagi kang nasa tabi ko..."
Napabitaw ako sa pagkakahawak sa doorknob at mabilis na pinalis ang mga luha na naipon sa aking mata. I couldn't believe what I was hearing. Gusto kong sampalin at kurutin ang sarili ko... because maybe I'm just dreaming or imagination because I've been drinking.
"Simula nang makilala kita, hindi ko na mapigilang iparamdam sayo ang damdamin kong 'di maipaliwanag. I love you, Lemerie..."Namumula ang gilid ng mata niya, his voice hoarse. "Mahal kita nang walang pagaalinlangan."
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. I can't speak because I'm speechless.
"Umuwi na tayo, Lemerie..."
He snored while leaning his forehead against my head.
"U-Uwi ka na sa'kin..."
^___________^
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro