13
"Happy birthday, Lemerie."
Araw-araw kong naririnig ang mga pagbati ni Callie sa'kin. Wala itong palya at kahit gabing-gabi na ay gagawa siya ng paraan upang makabati sa'kin. And because of that, my feelings for him deepened even more, which I thought would not be that deep.
Mas lalo ko siyang nakilala at palihim na kinikilala.
Masikreto, matangkad, gwapo, matalino, at may prinsipyo—he had all the recipes that would bring his subjects to their knees. He graduated from college with the Bachelor of Science in Architecture course and is a highest paid lawyer in the Philippines.
Hindi na ako magtataka kung bakit maraming nag-kakagusto sa kaniya. He has everything.
At aaminin kong habang tumatagal ay mas lalo akong nahuhulog.
Sinasabi ko sa sarili ko na dapat lagyan ko na ng tuldok ang nararamdaman ko sa kaniya. But I know it's not that easy to let go of feelings with someone. Alam kong aabutin ito ng buwan o taon lalo na kapag attached ka ng sobra sa isang tao.
Hindi naman kasi kadaling lilisan ang nararamdaman mo sa isang tao kapag ayaw mo na. You can't let go of feelings with someone in just one day. Na kahit isipin mo na kaya mo—isip mo lamang ang nagsasabi na ayaw mo na at hindi ang puso mo. You are just forcing yourself to let go, mas lalo ka lang mahihirapan bumitaw.
I washed my face with water in the sink and turned to Zafinah.
"Gaano kadali mo nagustuhan si Deron?" I just want to ask out of curiosity.
Kumunot ang kaniyang noo at mula sa repleksyon ng salamin, sinulyapan niya ako at tinuloy ang paglalagay ng kolorete sa mukha. I watched her pressed her lips together to spread the lipstick she had put on and opened her mouth.
"Mga isang taon o lagpas?"
Sumandal ako sa sink. "How did you say that your feelings are more than a crush?"
"Ano... umh..." She put her make-ups in the pouch and faced me, still thinking. "Hindi ko rin alam. Basta, he just always appears in my mind even in my dreams. Tapos, laging gusto ng mga mata ko na makita siya, ayun... na-realized ko na gusto ko na pamangks mo."
I swallowed when I realized that I had experienced almost all of that.
"Bakit ka ba nag-tatanong?" Tinaasan niya ako ng kilay at ilang segundo pa bago sumilay ang mapangasar na ngisi sa kaniyang labi. "Umamin ka nga sa'kin, Lyn... may nagugustuhan ka ba?"
Tungkol sa nararamdaman ko, sarili ko lang ang may alam. Kahit si Deron ay hindi ko pa nasasabihan. I want to be sure about my true feelings first.
"Nag-tanong lang ako, Zafinah," Depensa ko sa sarili.
She looked at me in disbelief. "Kailan ka pa naging interesado sa mga bagay na 'yan?"
"Wala nga. Nagtatanong lang ako tungkol sa inyong dalawa kung ano nang namamagitan sa inyo..." Alam ko naman na ang namamagitan sa kanilang dalawa, kailangan ko lang talaga ng irarason para hindi mahuli.
"E 'di dapat ang tanong mo ay kayo na ba? hindi yung, paano mo nasabing more than crush na ang feelings mo?" Pinantaasan niya ako ng kilay at tila ba hindi naniniwala sa mga pinagsasabi ko.
As I feel my cheeks flushed, I looked away. "Wala nga. Kung magkakagusto naman ako, sasabihan kaagad kita... Nag-tanong lang talaga ako tungkol sa inyo ni Deron. Sa inyo lang, hindi connected sa'kin."
"Defensive mo, hah," Mas lalong lumawak ang ngisi sa kaniyang labi at nagpamaywang sa harapan ko. "Sige na, tayo lang naman dalawa dito."
As she had mentioned, Zafinah and I were the only people using the toilet at The Crafts right now. Walang tao ngunit hindi ako kampate mag-sabi sa kaniya sa lugar na ito. Mamaya, may makarinig pa sa'min at kumalat ang balita sa buong kompanya.
"Sige, gan'to na lang," She gulped. "Love has 5 stage. First, yung denial. Pangalawa, Avoidance. Pangatlo, Minimization. Pang-apat, Rationalization At ang panghuli, Surrender or Acceptance. At huhulaan ko... nasa first stage ka ngayon."
I just swallowed, causing her to roll her eyes. "Ubos na laway ko kasasalita rito, Lyndzey... okay, Gan'to na lang... oo at hindi pa rin ang isasagot mo, Lyn, hah,"
"You find yourself thinking about the person frequent?" Una pa lamang ay hindi ako nakasagot at nanatili sa pagkatutop. Nanliit ang mga mata ni Zafinah sa'kin, kinakagat ang kaniyang ibabang bahagi ng labi. "Hindi ba talaga? As in hindi?"
Tumango ako. "Hindi ko naman naiisip si Callie—"
Nahulog ang panga ko nang malakas siyang tumili, tila ba nakakita ng multo at nagtatalon-talon pa habang hinahampas ang sink. "Wala naman tayong pinag-uusapan na lalaki, Lyn... bakit si Callie agad sinabi mo?"
Nanglaki ang mga mata ko. She was making a scene!
"Shh 'wag ka ngang maingay, baka may makarinig sa 'yo," Suway ko sa babae na tila ba uod na nilagyan ng asin.
"Ano nga? Sabihin mo na kasi... invested na ako, oh?" Nag-laro ang tinis ng kaniyang boses sa tainga ko. "Kung magugustuhan mo siya, Anong nagustuhan mo sa kaniya?"
I shook my head, keeping my mouth shut.
"Alam mo, Lyn... huling-huli ka na sa akto. You should tell me na or else..." Hindi niya ipinagpatuloy ang nais sabihin. "Ano nga? Gusto mo? Attached ka? Crush? Inlove? Ano ba?"
Kilala ko si Zafinah. Alam kong hindi n'ya ako tatantanan hanggang sa hindi niya ako napapaamin. Amirah and Zafinah is my most trusted friends lalo na pag-dating sa mga sikreto. I mean, Adonis and Dion can also be trusted—kaso pass. Masiyadong madaldal at 'di namamalayang nadudulas na sila sa sinasabi nila.
"Oo?" I pouted. "Ewan... hindi ko alam, Zafinah."
In what I said, her mouth went 'O'. Impit siyang napatili dahilan upang mapatakip ako sa tainga.
"So, gusto mo nga? O denial ka lang talaga?"
Hindi ako nakasagot.
"Crush mo?" Pangungulit niya pa. "Gusto mo si Callie?"
Napapikit ako ng tuluyang mairita sa pangungulit ng babae. "I do."
Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa sink at nagtatatalon-talon. Sinubukan ko siyang pigilan pero hindi siya nagpatinag sa'kin kaya nag-desisyon akong lumabas ng restroom. But as soon as I opened the big door, someone suddenly blocked my path, causing me to stop.
"Crush pala, huh?"
Nanglaki ang mga mata ko, hinihiling na sana may kapangyarihan akong makabura ng mga memorya sa isipan. Gusto kong magkaroon ng delete button sa pagitan ng ulo ni Adonis para matanggal sa kaniya ang narinig niya. Oo, I'm sure he heard that!
"Bakit ka nandito?!" Natataranta at kabado kong tanong.
"Nag-restroom ako, Lyn. Aalis na nga sana ako kaso may narinig akong sumisigaw... akala ko nga nanganganak na si Zafinah—kinikilig lang pala," Huminto siya, ang mga kamay ay nasa likod at abot tainga ang ngiti. "Mauuna na ako. Bye!"
He was about to take a step when Zafinah spoke from behind me, which is why he faced us again. "Ano?" Tila inosente niyang tanong.
"Akin na yung Cellphone mo, Adonis!"
"Bakit naman?" Inilabas niya ang cellphone niya na limang minuto nang nagre-record. "Nandito yung ebidensya kaya bakit ko ibabagay sa inyo?" Aniya pa at matulin na tumakbo palabas ng pasilyo.
Shit.
"Adonis, saan ka ba pupunta?!" Sigaw ko sa lalaki. Kanina pa namin siya hinahabol dahil kanina parin siya tumatakbo papunta sa lugar kung nasaan sina Callie.
"What the fuck ka ba, Adonis? Bakit ka pupunta doon?!" Si Zafinah, pawisan na ang kaniyang noo kakatakbo. Adonis chose to go by the fire exit rather than the elevator and escalator so he could run about freely.
Adonis glanced at his back, where we was. Mukhang nag-eenjoy siya sa pag-takbo habang kami ni Zafinah ay nanghihina na ang mga tuhod.
"Maghahanap ng mga chupapi, walang pumapatol sa aking chikana e." Pabiro niyang sagot.
"Siraulo! Ano ngang gagawin mo don!" Asik ko kay Adonis na nakataas sa ere ang kamay at hawak ang cellphone.
Madrama siyang pumikit. "Magpapahangin. Titingnan at sunset at... magpapaka-sadboy!"
Zafinah raise her middle finger on him. "Tangina mo! Ano ngang gagawin mo doon!"
"Tatanong ka pa. Malamang pupunta doon para ipagkalat na crush ni Lyndzey si Attorney!" Mas lalong tumulin ang kaniyang pagtakbo at nagsimulang isigaw ang pangalan ni Callie sa hallway. "Attorney!"
It seemed like a zombie was chasing us because of the speed we ran down the fire exit. Mabuti nga ay walang natapilok sa'min o nahulog sa hagdan kakatakbo. We were already sweating when we reached the first floor.
Akala ko ay tatakbo pa si Adonis upang magpahabol sa'min pero huminto siya sa pintuan ng fire exit.
"Teka! Preno mga, pre. May kalaban!" Aniya at hinarang ang katawan niya sa pinto upang huminto kami mula sa pagkakatakbo. He quickly signaled us not to make noise while looking from a far.
Hinawakan ko si Zafinah sa balikat at napapikit habang hinahabol ang hininga. The day has just started but I am very tired because of what Adonis has done. Maging si Zafinah at napahawak sa kaniyang tuhod at nakapikit na hinabol ang kaniyang hininga.
"Si Reese ba 'yon? Gago?" I opened my eyes when I heard the curious voice of Adonis.
Umayos kami sa pagkakatayo at tinanaw ang tinatanaw ni Adonis.
"Saan—Gago? Oo nga, si Reese... Kailan pa siya nakauwi galing Canada?" Maging si Zafinah ay nagtataka.
I looked around and immediately dropped my shoulders when I saw Callie and the girl they were referring to together. Hindi ko alam kung bakit may parte sa puso ko ang kumirot. Callie's eyes sparkled as he looked down at her.
Maganda siya, maputi, at mukhang ka-estado ni Callie.
"Shet!" Adonis and I looked at each other when we heard Zafinah cursing from the side. "Kung kailan mo naging crush, t'saka umuwi yung ex-flings galing sa Canada." Pahayag ni Zafinah.
Ex-flings... ang ibig-sabihin ay may namatigan sa kanila.
"Ano naman?!" Pinantaasan ni Adonis ng kilay si Zafinah. "Ex-flings lang 'yang si Reese, manok natin si Lyndzey!"
I didn't pay attention to the two arguing and my gaze just drifted to the two outside. Nakita ko ang pag-lapit ni Callie sa tainga ng babaeng si Reese at may ibinulong na kung ano. Reese smiled and seemed to agree with what Callie said.
Pinanood ko silang pumasok sa sasakyan hanggang sa malakayo ang sinasakyan nila sa direksyon namin.
I shouldn't be hurt. And... I should stop what I feel.
I sighed.
There is nothing that I can do to win someone or something that is not meant to be mine.
Hinihingal, bumalik kami sa opisina. Maingay sina Adonis at mabilis na ibinahagi kay Amirah at kay Dion ang balitang nakita. Habang ako ay tahimik lamang sa gilid, pinipilit maging ayos ang araw—but I don't think I can.
From their mouths, I hear about the girl. Katulad ni Callie, matagumpay si Reese. The two of them were in the same class in the architecture course in college and graduated at the same time.
She and Callie were ex flings but they chose to focus on their dreams first. At ngayong kauuwi lamang ni Reese galing sa Canada—they are both successful—Masasabi kong may tyansang magkabalikan sila.
"Okay ka lang, Lyn?" Amirah asked me with a worried face.
Kanina niya pa ako napapansin na hindi mapakali mula sa table ko at nang mapansin na may problema, mabilis niyang tinigil ang ginagawa niyang pagtitipa sa cellphone upang kamustahin ako.
Well, I think I dropped the house key somewhere. Halos hindi na ako mapakali kakahanap ng susi ng bahay. I don't have a double key anymore! At kapag nawala iyon, hindi ako makakapasok sa bahay ni Callie.
Kanina pa nila ako hinihintay dito sa loob, mga sampung minuto na ang lumipas. We were just off duty but they couldn't leave because they were waiting for me.
"Hindi ko makita yung susi ng bahay, Amirah... hinanap ko na sa lahat ih." nervously, I bite my nails. Totoo 'yon, hinanap ko na sa lahat ng lugar na pinagtunguhan ko ngunit hindi ko makita. Bumaba na rin kami ni Dion sa fire exit upang maghanap pero wala... hindi ko alam kung saan ko nahulog...
They started to help me in the search. Si Adonis at si Amirah ay naka-ilang baba na sa fire exit pero sa tuwing babalik sila ay wala silang dalang susi. We searched for the key throughout the Crafts. Nagtanong-tanong din sila Zafinah sa mga iilang empleyado na natira sa loob ngunit wala raw.
"Mauna na kaya kayo? kaya ko naman ih—"
"'Wag niyong pansinin 'yang sinasabi ni Lyndzey. 'Di natin iiwan 'yan hangga't wala siyang susi." Suhestiyon ni Dion at pinagpatuloy ang paghahanap mula sa ilalim ng mga lamesa.
Lumapit sa'kin si Amirah. "Try mo i-chat si Attorney... baka andoon na 'yon?"
I already chat him... pero hindi siya nag-reply kahit seen man lang sa chats ko.
"Late uuwi 'yon, o baka nga hindi, e. Kasama ba naman si Reese."
I painfully laughed so hard in my mind.
"Okay na 'yan, kay Deron muna ako makikitulog. Umuwi na tayo, eleven na, oh." Anyaya ko sa kanila.
"Sure ka?" Zafinah asked habang ang mata ay naghahanap pa rin sa susi.
Tumango ako bilang pag-sangayon. "Malapit lang naman 'yon sa Sweet treats. Kaya ko na 'to... umuwi na tayo."
Amirah shook her head. "Hatid ka na namin."
"'Wag na, baka hinahanap ka na rin ng tita mo, Amirah."
Sa huli ay wala silang nagawa at nanaig pa rin ang gusto ko. Pinanood ko sila na isa isang maka-alis bago ako nag-lakad patungo sa terminal ng jeep. I felt very heavy when I stopped at the waiting shed.
Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bag at mabilis na tiningnan kung nag-reply ba si Callie. Pero hindi, maging seen ay hindi niya nagawa. Maybe he's busy with reese.
Lyndzey:
Diyan ako tutulog sa bagong upa na bahay mo
Otw na ako riyan... 'wag mo na ako sunduin
kasakay na ako jeep, e
Tipa ko sa conversation namin ni Deron. Nakita kong mabilis itong nag-seen.
Deron:
Sure ka?
Sunduin ka na lang namin sa kanto
Ingat!
Sa totoo lang, hindi pa ako nakakasakay ng jeep dahil maraming tao kaya mabilis mapuno ang loob ng sasakyan. Ayo'ko lang talaga na bumyahe pa si Deron patungo rito para sunduin ako. I'm not young anymore.
It was a bit of a struggle so I sat in the waiting shed first. Habang naghihintay sa maluwag na jeep, kaagad kong napansin ang pamilyar na sasakyan na huminto sa harap ng restaurant.
As he exited his car, I saw that the man resembled the person who had just smashed my heart. Mabilis na bumaba mula sa kabilang bahagi si Reese at naglakad palapit sa lalaki, tila ba may sinasabi.
I zoomed in on their faces and saw that they really did look good together. Sandali silang nag-usap bago tuluyang pumasok sa loob.
Nahulog ang tingin ko. Para akong pinagtaksilan kahit alam kong wala akong karapatan.
Minsan na nga lang magkagusto, sa taong alam kong malabo pang maging akin. I was too stupid to like him knowing that I don't have anything. I don't have looks, I don't have money, I don't have diploma, I don't have any talents and I don't have what others have. Kaya hindi na ako aasa na magustuhan ako pabalik ng lalaki.
While waiting, I sat there, crying, questioning myself different whys. But I know the answer to all those whys. Walang wala ako sa kalingkingan niya... walang wala ako sa talampakan ni Reese. Malabo ang gusto kong mangyari.
Bumaba ang tingin ko sa daliri at mapait na napangiti nang makitang lampas alas-dose na.
Akala ko pa naman ay bago matapos ang gabi na 'to, makakahabol siya sa pagbati sa'kin ng maligayang kaarawan. Hinihintay ko pa naman 'yon simula kaninang umaga... nagbabakasali.. Pero hindi... He forgot my birthday because of Reese.
^___________^
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro