Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

11

"Galit ka pa rin ba sa'kin?" I bit my bottom lip. 

I gulped to remove the building lump in my throat. I drew my gaze to the water, not wanting him to look me in the eyes.

Tila ba pati dibdib ko ay inaalon dahil sa kaba na nararamdaman. I don't know why he is so angry with me. Sa pagkakarinig ko naman ay natapos kaagad niya ang mga dokumento dahil kopya na lang naman ang kailangan. 

O baka galit siya sa'kin dahil kinailangan niya ulit itong ulitin?

I can't stop thinking about it.

I don't like it when someone is angry with me. Pakiramdam ko ay hindi ako sapat at may kagalit-galit na bagay tungkol sa'kin—kasi ganoon ang pinaramdam sakin ni Mama at ni Mica.

They are angry with me because they say I am not good enough. 

Hindi ko naman mababago ang nararamdaman nilang galit sa'kin. I'll simply sit back and think why they dislike me and why I am insufficient. 

Kaya hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung bakit siya galit sa'kin.

"Do you have any plans to entertain Aiden?"

Napahinto ako sa pag-lalakad at tuluyang napalunok. I really have no idea why he suddenly mentions Aiden's name. Siguro, nabubulunan na 'yon si Aiden dahil lagi niyang bukambibig kahit hindi naman konektado ang lalaki sa pinag-uusapan.

"Don't assume things. Friends lang kami no'n."

Tumaas ang isang sulok ng kaniyang labi. "Nag-date nga kayo..."

"Huh? Date?"

Ang tagal ko nang humihinga sa mundo na 'to pero ni minsan, hindi ako nakaranas makipag-date sa sinumang lalaki maliban sa pamangkin kong si Deron. I don't remember going on a date with the guy. Kahit kanino. 

I don't do such things. 

Hindi ako naging interesado sa mga bagay na iyan simula pa nung una. Dahil bukod sa wala akong oras, hindi rin ako kumikilala ng mga lalaki. At hindi ko rin makita ang sarili ko na nakikipag-date sa lalaki. 

"Don't deny it. Lumabas kayo nung nakaraang gabi, then he even invited you to eat lunch together. Hindi lang natuloy because of me right?"

Natulala ako sa kaniya. Hindi ako makapaniwala sa nilalabas ng kaniyang bunganga. I've never seen this side of Callie, just now, so it's surprising. 

Napansin ko ang pag-pula ng kaniyang tainga. "Forget it. I don't care who you like. I still won't sign your project."

Tumalikod siya at mabilis na nag-lakad palayo sa'kin. I don't know, but it's wrong to think that Deron's suspicions are correct... because that's not really going to happen. 

Bumalik ako sa bahay ni Architect Kane dala-dala ang ATV. I've been trying to look around for Callie but I haven't seen him. Mukhang may iba siyang pinuntahan bukod dito sa bahay ng kapatid niya.

We stayed in our room, watching a movie on netflix. Nagpapalipas lamang kami ng oras at naghihintay sa pag-sapit ng araw. Wala naman na rin kasing gagawin bukod sa mag-pahinga.

Napaigtad ako nang abutan ako ni Adonis ng bote ng alak. He didn't say anything, and just handed me the bottle with a seductive look that you couldn't refuse. Wala akong nagawa at kinuha iyon, pinapanood siyang abutan ang iba ng bote. 

"Tange ka ba, Adonis? Lagot tayo kay Architect Kane nito kapag nalaman na nag-inom tayo," Sita ni Zafinah sa lalaki at tatlong beses na napalunok, binababa taas ang tingin sa hawak niyang bote ng alak at kay Adonis. "Pero sige na nga, 'wag lang kayo masiyadong mag-pakalasing. Lagot talaga tayo nito kay Architect." 

Before the presentation, it is forbidden to drink alcohol and our brain must rest. Lalo pa sigurong magagalit si Architect Kane dahil nandito kami nag-inom sa bahay niya. 

"Sus, okay na 'yan. Gusto niyo rin naman, 'wag na kayo mag-panggap." Adonis laughed.

Binuksan ni Dion ang bote ng alak at itinaas ito sa ere. "Cheers!"

I processed what Dion did for a few seconds before realizing that I had to raise my bottle like they did. Nang maitaas ng lahat ang bote na hawak, sabay sabay silang tumungga kaya tinungga ko rin ang akin.

I almost vomited from the taste of it. Nakakadiri ang lasa... maging ang amoy nito. 

Nasa kalagitnaan nang pag-iinom ng may kumatok sa pintuan ng kwarto. Kaagad na hinablot ni Adonis ang mga bote ng alak namin at tinago ito sa ilalim ng kama. At nang makasiguradong wala ng ebidensya na nag-iinom kami, saka niya binuksan ang pintuan.

Mukhang expert si Adonis sa mga ganito. Sanay na sanay siya sa mga pag-tago ng alak. 

"Ano 'yon?" Tanong ni Adonis, pinipilit kontrolin ang sarili niyang nanlalambot ng dahil sa alak. 

Kahit ako ay nanlalambot na rin dahil sa epekto ng alak. I only drank a little but I got very drunk right away. Halos mag-dalawa na nga sina Zafinah sa paningin ko dahil sa sobrang pagkahilo. I feel like everything is spinning.

"Pinapatawag ni Attorney Callie si Lyn,"

All of their eyes immediately widened and looked at me. Ramdam ko ang kaba nilang lahat para sa'kin, at ganoon din ako para sa sarili ko. Amoy alak ako, at sobrang lakas na ng tama sa katawan.

Paniguradong malalaman kaagad ni Callie na nag-inom ako. 

Adonis groaned and laughed nervously. "Tulog na si Lyn, e." 

"Naririnig ko pa siya kanina bago ako kumatok, Adonis. 'Wag mo nga akong niloloko."

Patay, hindi naniwala sa sinabi ni Adonis. 

Mariin kong pinikit ang aking mga mata bago ito minulat at pinagsasampal ang aking sarili. I should come back to my senses, because Callie will definitely know I've been drinking. Paniguradong magsusumbong 'yon kay Architect Kane. 

Detention talaga malala. 

"Oo, su-susunod na!" Utal na sigaw ko bilang sagot sa babaeng inutusan ni Callie na tawagin ako. Ilang segundo ay narinig kong sinarado ni Adonis ang pinto at nagmamadaling lumakad palapit sa'kin, punong puno ng pag-aalala ang mukha.

"Tangina, Lyn, pulang pula ka!" Hindi ko alam kung natatawa ba si Adonis o nag-aalala.

"Maligo ka muna kaya para mahimasmasan?" Zafina suggested.

Kaagad na umiling si Adonis bilang hindip pagsang-ayon sa babae. "Tanga, hinahanap na siya. Kapag iyon nagalit si Attorney, pupuntahan talaga niya si Lyn dito!"

"Okay lang naman na madamay tayo! Atleast lahat tayo may detention, masaya pa 'yon." Zafina pouted, mukhang desidido sa tinatakbo ng utak. I quickly shook my head and stood up. Hindi kami pwedeng magkaroon ng detention, paniguradong mawawalan kaming lahat ng bonus. 

"Sure ka ba, Lyn?" Alalang tanong ni Amirah at tiningnan si Dion na inaalalayan ako na makatayo. I just nodded and tried to straighten my walk as I walked down the hallway towards Callie's room.

"B-Bakit?" I hiccuped. 

"I have signed it."

Nilapag n'ya ang bagay sa ibabaw ng lamesa niya. He put his elbow on the table and rested his face on his palm, looking away from me. 

Mabilis akong humakbang palapit sa kaniya kasabay nang pag-dausdos ng kaya ko sa lamesa, tinutungkod ang sarili ng akmang matutumba. Napakurap si Callie at agad na nilagay sa braso ko ang kaniyang kamay, inaalalayan ako sakaling matumba.

"Are you drunk?" He came closer to me and smelled me. Nilinis niya ang kaniyang lalamunan kasabay nang pag-igting ng kaniyang panga. "What makes you drink?"

Sighing, I shut my eyes.

"Are you okay? May nangyari ba?" Naririnig kong tanong niya ngunit hindi ako makasagot dahil pinipilit kong bumalik sa sarili, pero paano? Hinang hina ako at nanlalambot ang buong katawan. 

I feel like I'm going to collapse at any moment. Pero sa kabila ng iyon ay pinilit kong makatayo ng tuwid. 

"Mukha ba akong hindi okay?"

He titled his head. "Little bit. You look so down. Dahil pa rin ba 'yan sa nangyari sa inyo?"

Totoo, hindi pa rin ako ayos mula sa mga nagdaan na pangyayari. I felt like in my favorite scene of the story I read, unable to move to the next page because my heart and mind didn't want to. Pero sa pagkakataon na ito, It's not my favorite, however, it's a nightmare.

Hindi naman kasi kapag gusto kong kalimutan, makakalimutan ko na kaagad. Hindi ganoon ang proseso ng buhay.

We just really have to be patient over other people's capacity to deal with what they're afraid of. Kaya mo? Fine. That's good for you. But never force your ideas to someone who already finds it frustrating just because you compare your capability to theirs.

And until now, I have many fears. Hanggang parami nang parami ang mga taong nakakasalamuha ko, mas tumataas ang takot ko na baka sa huli ay maiwan ulit akong luhaan at sugatan. Because I'm always left behind. 

Basta. Nabubuhay ako sa pangamba. 

I was about to speak when someone knocked on the door. "Callie! I only bought vodka."

Nanlaki ang mata ko, tila nawala ang tama sa buong pagkatao nang marinig ang boses ni Architect Kane mula sa labas ng pinto. I quickly looked at Callie who clenched his jaw and swallowed three times before looking at me. 

"Hide here," Tinuro niya ang ibaba ng lamesa. 

"Huh?" 

He signaled me to keep quiet and pointed to the bottom of his table. "Hide here for a while until he leaves."

"Okay," Sinunod ko ang utos niya. Sinigurado niya na ayos lang ang kalagayan ko sa ilalim ng malaking lamesa bago tuluyang binuksan ang pintuan. As soon as I caught the scent of Kane, I hurriedly covered my mouth and nose, almost sneezing.

Hindi ko alam pero halos maihi na ako sa kinauupuan. It's always like this when I hide, I feel like I'm going to pee at any moment.

"Do you want me to ask Aiden what's between them?" Kane asked.

Callie was speechless and I saw him open his Vodka can, Ignoring his brother who was asking.

Sa pagkakaalam ko, mas matanda si Callie kaysa kay Architect Kane ng isang taon. They both took an architecture course at UST. Pero nag-ibang landas si Callie at tinahak ang daan ng mga politiko. He enrolled in law school because he was determined to become a lawyer.

Alam ko ang kwento tungkol sa kanila dahil sa ingay ng bunganga nina Zafinah. 

"Pakiramdam ko ay walang something between Lyn and Aiden. You are just overthinking, Dude. Mag-iinom ka pa dahil nag-seselos k—"

Kaagad akong napa-angat ng tingin at napansin ko ang pag-pula ng tainga ni Callie. "Can you stop that bullshit?"

Jealousy? Is he really jealous?

O mali ang pagkakarinig ko dahil sa epekto ng alak. Oh my god, kung ganito ang epekto ng alak—lumalalim ang imahinasyon ay gugustuhin ko na lamang tumungga ng isang pitsel ng tubig. I don't want to assume.

"Bullshit what? You're the bullshit here, bro. Mag-seselos ka kay Aiden even though wala kang karapatan kay Lyndzey? ibang klase ka." Architect Kane laughed.

My jaw dropped. 

Sinandal ko ang likuranan sa lamesa at sunod-sunod na napalunok. Hindi ko alam ngunit may parte sa'kin na nakikiliti lalo na sa parte ng aking tiyan. I was stunned for a few seconds, unable to process what I heard.

"Pwede bang manahimik ka? Let's drink quietly, kung ayaw mo, then get out."

Narinig ko na naman ang halakhak ni Architect Kane, halatang inaasar na lamang ang lalaking kapatid. "Chill, bro, mas'yadong mainit ulo mo. May nalaman ka na naman ba na ikina-selos mo?"

"You should buy more Vodka cans, kulang sa'tin ang lima," Nakita ko ang matalim na tingin na pinupukaw ni Callie kay Architect Kane. 

Architect Kane groaned. "Magpabili na lang tayo."

"Let's just go to the nearby Bar." Suhestiyon ni Callie at tumayo kasabay nang pag-senyas n'ya sa'kin mula sa ibaba ng lamesa. 

It's like he doesn't want me to hear their conversation. Pribadong pag-uusap naman kasi 'yon pero hindi ko maiwang magtaka dahil ako at si Aiden ang pinaguusapan nila. And it's about jealous thingy! He is jealous!

Pinakiramdaman ko ang paligid. I hurriedly exited the room and made my way to my room after hearing their voices fade away, which was an indication that they had already left.

"Okay ka lang, Lyn? Bakit ka nakangiti?" Kaagad na tanong ni Zafina sa'kin kaya mabilis kong kinagat ang aking labi. Even me, I don't know why I'm smiling! 

Umiling ako. "Wala, matulog na tayo."

"Huh? Weird mo, hah. Matulog ka na nga, grabe epekto sa 'yo ng alak. Para kang kinikilig na ewan!" Sabat ni Adonis, pinipilit na lamang labanan ang antok at epekto ng alak sa kaniyang katawan. 

Umupo ako sa kama at hindi namalayang napatulala sa kisame. I closed my eyes, took a deep breath, and calmed myself. Para akong nasa sariling mundo ko, mag-isa, umiikot ang lahat ng bagay at hindi ko namamalayang may kurba na ang labi ko.

I know I'm not tipsy anymore, so what's the reason when I smile at nothing?

Kinabukasan, lahat kami ay maagang nagising para sa presentation. Sabay kaming lima na nag-almusal at nag-ayos ng sarili pagkatapos. I had a shower and then went downstairs to look for my cell phone that I had left in the living room.

But instead of seeing my cellphone, I saw Callie. He was wearing a black hoodie and black simple shorts. Mukhang kakaligo niya lang din dahil basa pa ang kaniyang buhok.

Titig na titig ako kay Callie. Paano ko siya i-a-approach kung gan'yan siya? Not that I was afraid, but his confidence made me a little uneasy. I would like to talk to him and thank him because even though he doesn't like what I did, pinirmahan niya pa rin ito. 

Pero siguro, matatawa lang ako dahil hindi maalis sa isip ko ang pang-aasar sa kaniya ni Architect Kane. Isipin mo, tinitingala ka ng lahat tapos aasarin ka lang ng ganoon ng kapatid mo?

I was mentally laughing at my own joke when Callie turned his head toward me.

Napatayo ako nang tuwid. Nagtama ang mga mata namin at nakita ko kung paanong tumaas ang isang kilay niya. My heart pounded in my chest, the same way it pounded the first time he caught me. Tumikhim ako at iniiwas ang tingin sa kanya, umaarte na hindi nakita ang lalaki.

"Lemerie,"

Akala ko ay makakatakas ako. Wala akong nagawa at pumihit paharap sa kaniya. 

"Okay ka lang?" 

Mabilis akong tumango bilang pag-sangayon, nilulunok ang bara sa aking lalamunan. "Medyo nahihilo lang pero okay naman,"

"I'll discuss your presentation. Just rest, please," He pouted. "And forget what you heard last night."

Kumalabog ang dibdib ko at agad na napalunok.

Hindi na ako nagmatigas dahil hilong-hilo pa rin ako hanggang ngayon. Nanatili ako sa kwarto at doon nag-pahinga katulad ng sinabi ni Callie. As I rested, I knew they were presenting in the hotel.

They didn't stay long and came back just as I woke up. Agad akong niyaya nila Adonis na mag-tambay sa ibaba upang panoorin ang pag-lubog ng araw. this is our last night here and we are going back to Manila.

Paniguradong manginginig na naman kami sa gawain sa trarbaho. 

"Hoy baka matunaw!" Impit na sigaw ni Dion kay Adonis. Pinatahimik ni Adonis si Dion at nagpatuloy sa pagtitig sa maamong mukha ni Amirah. Mahimbing itong natutulog, halata naman ang pagod sa kaniyang mata.

Currently on the seaside, watching the sunset. Naglatag kami ng kumot at doon nahiga. Ang sabi namin ay manonood ng paglubog ng araw pero si Amirah ay natulog. 

"Alam mo Adonis, kung ako sayo, e aamin na ako sa nararamdaman ko. Hindi yung kampante ka kasi alam mong hindi siya mamahalin at seseryosohin ni Bogart," Paliwanag ni Zafinah kay Adonis.

Nakita ko ang pag-ikot ng mata ni Zafina habang nilalagyan ng proteksyon ang kaniyang balat mula sa araw. "If you love or like someone... you have to tell them now before your fleeting days become filled with regrets."

Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay tinamaan din ako sa sinabi niya. I don't like anyone right now. Wala akong natitipuhan... at wala akong matitipuhan. I'm certain of that since I know my feelings for Callie are just anxious ones.

Ayon lang 'yon, wala ng higit pa. Kung ano ano lang talaga ang naiisip ng iba at sinasabing may gusto ako sa kaniya—wait—wala pa lang nag-sabi. I just predict it... dahil mauuwi rin naman ang pag-iisip ng mga tao sa kaisipan na 'yon.

Umihip ang malakas na simoy ng hangin at sumabay sa pagsayaw ang sanga ng puno.

"May nobyo na siya at hindi na pwedeng maging akin. Kung seryosohin man siya ni Bogart, e parehong may happy ending ang buhay namin. Pareho kaming masaya. Masaya siya kay Bogart habang ako ay masayang nakikita siyang masaya mula sa malayo."

Lahat kami ay napahinto.

Adonis is the happiest guy I've ever known, yet he's hiding agony behind those smiles and joy. Not everything we desire will be granted to us. As a result, we must be able to embrace the truth even when it is painful. Because that's life.

Adonis had grown to like Amirah since then, but he opted to keep it hidden and pretend he didn't feel it. Dahil daw ayaw niyang masira ang relasyon nilang dalawa at kahit na umamin siya ay alam niyang wala siyang pag-asa.


"Maalaala mo kaya... ang sumpa mo sa akin... na ang pag-ibig mo ay... sadyang di magmamaliw," Pagkanta ni Dion sa likuran. Umaakto siyang umiiyak at pinangpunas pa ang hawak niyang bente sa imahinasyong luha nito.

Zafina and I laughed.

"Ganyan talaga ang buhay parang life, basta ang importante ay mahalaga, at kung saan ka masaya do'n ka happy. 'Wag ka'ng maniniwala sa swerte, malas yun. Kung hindi mo kaya, ipagawa mo sa iba. Minsan ay sometimes Kaya matuto tayong tumanggap ng acceptance," Ani Zafina, akmang magsasalita na si Adonis ngunit hindi pa tapos si Zafinah.

"Halimbawa for example ang baby ay sanggol Kung dimo iintindihin, you don't understand Basta kaibigan lagi mong tatandaan that wherever you go you are there. At the end of the day ay Gabi na. Walang umaga sa Japan kasi lahat sila ay hapon."

Napahalakhak ako.

"Awts, pain, pighati, lumbay, hinagpis, kirot, sakit, cry, sadness, disorder, grief, sting, wrench, sorrow, unhappiness, resentment, grudge, pique, displeasure, anxiety, depression."

"Pakyu kayo isang milyon."

Nang lumubog ang araw ay tuluyan kaming pumasok sa loob upang magpahinga. Zafina  and Amirah and I are in the same room. Habang si Adonis at Dion naman ay nasa katabing kwarto. 

I looked at the table when I noticed the tumbler with a letter on it. Patago ko itong nilapitan at hinawakan ang tumbler. Mainit pa ito at mukhang bagong gawa. I looked at the paper and my chest pounded quickly when I saw Callie's handwriting.

Mabilis kong binasa ang mga letra sa isipan. 

You did well, Lemerie. I made you some chamomile tea, drink it. :>

And my heart raced once again. Parang nakikipaghabulan ako sa sobrang bilis. Sobrang simple lang, wala namang kahulugan pero hulog na hulog na ako. I leaned my head towards the window. Napabungtonghininga ako habang iniisip si Callie.

Why are you affecting me like this, Callie?


^_____________^

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro