08
Next to him?
May katabi ba siya sa kabila? Is that a ghost?
Pinagbalik-balik ko ang tingin mula kay Callie at sa kaliwang bahagi niya upang siguraduhin kung may iba pang tao maliban sa'min. At nang mahuling nakatingin sa'kin ang lalaki, mabilis akong napalunok.
"Bakit ako?" I asked out of curiosity, and I removed my hand from his arms, gulping.
Iniwas ko ang mga mata sa kaniya at binalik ang tingin sa makulay na kalangitan.
"Why not?"
Tanging lunok ang nagawa ko.
Binilisan ko ang lakad ko at nilakihan ang bawat hakbang. I swallowed hard three times, mentally reminding myself not to get distracted. Ngunit pakiramdam ko ay na-traydor ako ng sarili nang kusa na lamang gumuhit ang ngiti sa aking labi.
I'll be honest, I was too soft for that.
Napangiti ako sa sinabi n'ya.
He sucked at words but whenever it involves me, para bang palagi n'yang alam ang mga tamang sasabihin para gumaan ang pakiramdam ko.
Hindi kaya ng puso ko na hindi maging mamon sa tuwing makakarinig ng mga salita na katulad no'n. I thought that seeing a shooting star was unusual, but hindi siya nagdalawang isip na humiling tungkol sa'kin.
After a few minutes of walking, we found where Papa was buried. Kaagad akong umupo sa tuyong damo kung nasaan nandoon ang lapida niya.
It's been almost a week since he was poisoned to death. Sariwa pa rin ang lahat para sa'kin.
My brain still hasn't processed it.
Hindi ko naman ginusto na kalimutan ito kaagad, dahil alam ko ang proseso. Pero may parte sa'kin na gusto nang makalimot dahil... ako rin ang nahihirapan.
"Pa," I called to him as I held his tombstone.
Simula noong bata ako, hindi ko nakita o ni pumasok sa emahinasyon ko ang lapida ni Papa. I mean, I know that everyone who lives in the world will grow old and die.
Pero siya, hindi ko maisip na mawawala siya sa tabi ko.
Hindi ko kaya, pero araw-araw, masasabi kong kinakaya ko para sa ibang tao na nagmamahal sa'kin.
"Miss na kita." I whispered as tears rolled down my cheeks. I
told him what really happened when he died. Alam kong nakikinig siya sa pagkukwento ko sa kaniya... kahit na hindi ko siya nasisilayan.
Nang tuluyang lumubog ang araw, nag-desisyon akong mag-paalam na kay Papa. Ayaw ko pa sanang umalis kaso... baka naiinip na si Callie kahihintay sa'kin.
He just listens, listens, and listens to what I say at Papa's grave.
The next day, I woke up early. Wala namang mahalagang pangyayari na magaganap ngayong araw pero nagising ako dahil sa galak na nararadaman.
And I don't know why I'm excited.
Lyndzey:
Papasok ka ba ngayon sa work?
Deron:
Opo, Ta. Bakit?
Lyndzey:
Sige, daan ako riyan
Punta ako SM
May gusto ka ba? Ililibre kita
I smiled as replied. Nakakataba talaga ng puso sa tuwing manlilibre ako. Today is my first salary at The crafts and I planned to buy things. Mukhang matatagalan pa kasi ako sa paghahanap ng bahay na mauupahan.
Kaya... bibili muna ako ng gamit para sa kwarto na walang kalaman laman.
I'll also buy some clothes. Sa mga araw na lumipas, ang mga damit na sinusuot ko sa tuwing papasok sa The Crafts ay puro hiram lamang galing kay Amirah at Zafinah. And I don't know how to thank them.
Deron:
Naks, first sahod ba 'yan?
hahahhaha nice, deserve mo mag-shopping
gusto mo ba samahan kita? Mag-hahalfday lang ako today hehe
Ano pala bibilhin mo?
Lyndzey:
Damit at saka...
unan.
See you mamaya!!
I turned off my cell phone while glancing at the clock and realized that it was twenty minutes after lunch. Hindi ko namalayan ang oras.
I leaned my back on the swivel chair and took a deep breath. Isang gabi na ang nakalipas simula ng tanggapin namin ang proyekto at aaminin kong halos hindi na kami makahinga nang maayos dahil kailangan itong tapusin agad.
I saved the file that I'm working on before shutting off my computer. Sunod kong inayos ang mga nakakalat na papel at inilagay ang tamang papeles sa kani-kanilang folder.
Kinuha ko ang bag na nakapatong sa maliit na sofa bago lumabas ng office. Zafina, Amirah, Dion and Adonis was obviously waiting for me to come out. Ume-echo ang ingay nila sa buong paligid.
"Sana all, gusto ko rin sumama kaso wala ng ticket!" Naiinis na sigaw ni Zafinah.
"Ang mahal naman kasi ng isang ticket. Kalahating milyon!" Naiinggit na usal ni Adonis habang ang mga tingin ay nasa dalawang ticket na hawak ni Amirah. "Akin na lang isa, Amirah!"
Amirah adjusted her round glasses and laughed. "Isang taon kong pinagpagudan yung pera para makabili ng dalawang ticket tapos hihingiin mo lang?"
Inirapan siya ni Adonis at umakbay sa kaibigang si Dion. "Para kanino ba yung isang ticket?"
"Kay Bogart." Napangiti si Amirah, halata ang kilig doon.
"Huh?!" We asked in disbelief.
Lahat sila ay napamura, ang mga mata ay naging bilog dahil sa gulat. Napakamot si Adonis sa kaniyang ulo bago ibuka ang bibig para mag-salita.
"Pang apat na chance na 'yun, Amirah! Alam mo bang isang atay ko na ang isang ticket na yan tapos ibibigay mo lang sa gagong yun?"
Amirah giggled. "Mahal ko, e."
"Mahal ampota, pa-birthday mo na lang sana 'yan kay Dion. O kaya ibigay mo kay Lyndzey o saamin. Mas deserve namin yan kesa sa gagong yun!"
Napailing ako sa kawalan. Ilang beses na siyang niloko ng harap harapan pero ilang beses na din niyang binibigyan ng chance ang lalaki. Mukhang pineperahan na nga lang siya nito.
"Wala tayong magagawa, choice ni Amirah 'yan. Kunin ko lang yung kotse," Usal ni Dion.
"Kuhanin ka narin sana ni Lord," Bulong ni Adonis kay Dion at bumaling kay Amirah nang makalayo si Dion para kuhanin ang kotse. "'Pag nakita mo doon si Architect Kane, pakisabing hello para saakin hah!"
Kumunot ang noo ni Amirah at ngumuso. "Paano naman mapupunta 'yon do'n?"
"Montelucast cruise 'yun. Posibleng andoon si Kane o posible ring wala." Natawa si Zafina.
"Ang ibig kong sabihin, e ano namang gagawin niya sa New york? e, nandito yung trabaho niya?"
Sinipat ni Zafina ang buong paligid upang tingnan kung may tao ba bukod saamin at lumapit saamin. "Magp-propose sa girlfriend niya-"
"Na naman?" I asked out of curiosity.
Tumango tango si Zafina. "Ilang beses na kasi dapat magp-propose 'yon si Kane kay Chin, kaso hindi naman siya sinisipot."
"Busy rin naman kasi si Chin. Nung nakaraan nga lumaban 'yun ng ballet dance competition worldwide, hah." Paliwanag ni Adonis.
"Ano naman? Kung ako 'yun, kahit galing pa sa ibang planeta yung mga kalaban e sisiputin ko si Kane. Hindi ka na lugi sa kaniya hah, pogi na siya, matalino, architect, loyal, mayaman, mabait na may pagka-high blood- ah basta. Swerte ka na pag-napangasawa mo ang isang Kane 'no!"
Dion pulled over in front of us. The three of us were in the back seat while Adonis rode in the gunshot.
"Paano pala kayo nagkabalikan?" Si Dion kay Amirah at nagsimulang magmaneho.
"Sa ticket."
Lahat kami ay nasamid sa kaniyang sinabi. I shook my head and sighed. We are all tired of scolding and telling Amirah to leave that man because he is just cheating on her. Harap-harapan nakikita ang pang-gagago sa kaniya ni Bogart pero hindi man lang siya nadala.
We were quiet in the car until we reached our destination. Dahil sa pagkakakulong sa bahay at walang kamuang-muang sa mga bagay, kinailangan pa akong tulungan ni Amirah sa pag-kuha ng sahod.
"'Yun oh, manlilibre si Lyn—"
Nagulat ako nang dakutin ni Zafina ang bunganga ni Adonis at gigil itong kinurot. "Hindi manlilibre si Lyn at hindi tayo mag-papalibre. Iipunin niya 'yan, maghahanap siya ng upahan 'di ba?"
Deron nodded, looking proud of Zafinah.
Pumasok kami sa supermarket at aaminin kong hindi ko maiwang makaramdam ng hiya dahil sobrang ingay nila at kahit saan nagtatalo, hindi tuloy maiwasan ng mga nakakasalubong na mapatingin sa kanila.
Pero mas maayos naman silang makitang gan'yan kaysa sa pagod at tahimik dahil sa trabaho.
"Para saan 'yang mga unan? Wala bang unan si Attorney Callie sa bahay n'ya?"
Tanong ni Amirah nang mapansin ang unan sa loob ng cart ko. I just shrugged and smiled at her before continuing to look for clothes.
Bumili ako ng unan dahil hindi pa rin nakakabili si Callie. He is so busy at work that he doesn't have time to buy things for his house. At sa pagkakarinig ko, hindi naman daw talaga tinutulugan ni Callie ang bahay niya na 'yan at sa Condo siya natutulog.
Kaya nga nagtataka ako kung bakit kahit madaling araw na siya natatapos sa trarbaho niya, umuuwi pa rin siya sa bahay niya na may isang oras ang byahe mula sa Law firm, despite the fact that his condo is only a five-minute drive from his firm.
"Lyn, bagay sa 'yo 'to!" I heard Zafina's voice from far away calling my name. Mabilis ko itong nilingon at nakita ang malalaking hakbang niya patungo saakin habang dala-dala ang blouse na itim.
Adonis gave Zafina a thumbs up, agreeing with what she said. "Tangina, lalo ka ng gaganda kapag nag-suot ka pa ng mga gan'yang blouse."
Kaagad akong natawa nang makitang lumingon ang matandang babae mula sa likuran namin at bumulong ng kung ano nang marining ang pag-mumura ni Adonis.
They are always like that, boosting my confidence.
"Maganda naman si Lyn kahit anong suotin," Paliwanag ni Dion. "Pero para kanino muna 'yang unan?"
"Sa kwarto nga. Saan ba nilalagay ang unan, Dion? Inaneto, 'di nag-iisip." Zafina rolled her eyes at Dion and we high-fived. Inayos niya pa ang apat na unan sa cart na tinutulak ko bago kumindat sa'kin.
At nang maiwan kaming dalawa, t'saka siya bumanat nang pang-aasar. "Taray, live-in partners ang peg!"
"Anong live-in? Sira, nakikitira lang ako," Protekta ko sa sarili dahil totoo naman, nakikitira lamang ako sa bahay ni Callie.
And nothing more than that.
She gave me that look. "Bagay kayo, Lyn. Cute niyo tingnan." She giggled.
Mabilis na dumagundong ang puso ko at nag-iwas ng tingin sa babae. I bit my lips as I felt something tickling on my stomach. Hindi ko na tuloy alam kung ano ang nararamdaman ko, kung ilang ba ito o iba na?
"Dito ka na lang, Tita?" Tanong sa'kin ni Deron nang itinuro ko ang bahay ni Callie at mabilis siyang tumigil sa harap nito. I nodded and got out of Dion's car. Tinulungan ako ni Adonis sa pag-bitbit ng mga pinamili hanggang sa makapasok sa gate.
"Asan asawa mo?" Dion asked, making me frown.
Luminga ako sa likuran at wala naman nakita na tao. So who is he talking to?
"Ikaw kinakausap ko, Lyn. Tinatanong kita kung nasaan ang asawa mo."
"Wala akong asawa, Dion,"
"Weh? e, anong mayroon sa inyo ni Callie? Bakit nasa iisang bahay kayo?"
Wala silang ideya na nandito ako nakikituloy kay Callie. Tanging si Zafinah at Deron lamang ang nakakaalam kaya kung ano ano ang mga sinasabi nilang hindi naman mangyayari.
Simula noong makilala ko sila, ang tawag na nila sa akin ay asawa ni Callie.
Hindi ko rin alam kung bakit ganoon ang tawag nila sa akin. Ngunit mas hindi ko maintindihan kung bakit hindi iyon tinanggi ni Callie sa tuwing maririnig niya ang mga kaibigan ko.
"Umuwi na nga kayo, Dion. Kung ano ano na naman mga sinasabi niyo—hindi nga kami mag-asawa. We're just friends... nakikitira lang ako hangga't sa makahanap ako ng bahay na mauupahan."
He raised an eyebrow. "May alam ako! Try kong tingnan bukas kung for rent pa. Malapit lang 'yon sa The Crafts, tricycle lang ang layo."
Sa ideya na 'yon, nalungkot ako sa hindi malaman na dahilan. I know that I should be pleased that I can move apartments, but no... I have a part of me that wants to stay at Callie's place forever.
"Ingat kayo!" I waved to them and watched their car leave.
Nang mawala sa paningin ko ang kotse nila, agad kong sinarado ang malaking gate ng bahay ni Callie. I turned around. My body immediately felt energized when I saw Callie's car, a sign that he was inside.
Pumasok ako sa loob dala-dala ang mga biniling gamit at agad na tumambad ang loob ng bahay na walang tao. I don't know why my eyes are looking for Callie, but I know he's in the room right now.
I went straight to the bathroom and took a shower before going to the bedroom to arrange the clothes I bought. Medyo marami rin ang blouse dahil sale ang store na pinagbilhan namin.
I only bought two pants, I will just add more in my next salary.
Nang matapos sa pag-aayos, kumatok ako sa kwarto ni Callie. As I had already used the previous one, I made the decision to give him the new four pillows and keep the old one for myself.
Pinalobo ko ang loob ng bunganga habang nag-hihintay na bumukas ang pintuan. But I've been standing for several minutes, and still no one opens the door.
Sigurado ako na nandito si Callie dahil andito ang gamit niya.
What if I go inside? Ibaba ko lang naman ang apat na unan na 'to at aalis na.
Before entering, I gave a quick nod to myself.
Nakapasok naman ako kaagad dahil hindi ito nakasarado. I glanced over and noticed Callie dozing out in his California king bed, which is furnished with a black cover and two black pillows.
I felt guilty. Mukhang hindi siya komportable sa unan na galing sa sala.
Ibinaba ko ang apat na unan sa espasyo ng kama niya at napanguso, nililibot ang paningin sa buong kwarto. Kung malaki ang kwarto na tinutuluyan ko, mas malaki ang sa kaniya at mas malawak.
The sizable table adjacent to his bed soon drew my attention. Hindi ko naman sana ito papansinin nang mahagip ng mata ko ang isang piraso ng papel.
I think it is a letter written in his own handwriting.
Kaagad ko itong nilapitan at bumungad ang mga dokumento at ang isang sandamakmak ng mga papeles. There are numerous, and it appears that each one is important.
I looked down at the paper with the pen next to it.
Fuck it! She's bothering me and I can't get rid of her from my mind. She shouldn't be so damn pretty!
My mouth snapped shut as I read the text written on the piece of paper. Nanatiling nakatuon ang atensyon ko sa magandang sulat kamay ni Callie habang iniisip kung sino ang maaaring babae na tinutukoy niya roon.
I'm not sure why, but all of a sudden, I lost energy, and my shoulders dropped.
Itinungkod ko ang kamay sa lamesa at kaagad na napalingon sa likuran nang maramdaman ang likido na natapon sa aking kamay. My mouth began to spew curses as my eyes widened. Mabilis kong itinayo ang baso na natumba.
But the coffee spilt on the documents!
Kaagad akong napatayo at pinaypayan ang mga dokumento gamit ang kamay.
Anong gagawin ko? Magagalit sa'kin si Callie nito!
^_____________^
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro