03
So he's a lawyer...
Hindi ko man lang namalayan na abogado pala ang nasa harapan ko nung mga araw na iyon.
"Wala akong pera pang-bayad sa 'yo," Ayan agad ang unang lumabas sa aking bunganga. It's true that I don't have money to pay a lawyer. I would rather go to jail than go into debt.
"Free for you."
"Okay lang ako, Callie... you don't have to help me..." I swallowed hard.
Muli siyang napabuntong-hininga, mukhang pagod na makipag-usap sa akin. "Tell me the truth... kaya ba gusto mong tumalon sa ilog kahapon because you killed your father?"
Bigla akong na-blanko.
My chest heaved on my deep inhale. It's bewildering.
Halos lahat ngayon ay kilala ako bilang mamamatay tao at ang taong pinatay ko pa ay ang sarili kong tatay. But the truth is, no. Hindi ko kayang pumatay ng hayop... paano pa kaya ng tao? And I will never do that because It was a crime!... and a sin!
God knows I didn't kill my father. And I can't kill someone even if it's not my father!
Pero sa oras na sabihin ko ang totoo... madidiin ang pangalan ni Mama. She hurts me but I can't keep her in jail. Kaya kong saluhin ang lahat ng parusa ni Mama basta... mapunta sa kaniya ang kapayapaan na hinahanap ko.
I slowly nodded. "Pinatay ko si Papa."
"Tatalon ako sa ilog para takasan ang ginawa kong krimen," The pain envelope my veins. "Natatakot kasi akong makulong, Callie. Natatakot akong tapunan na naman ng malagkit na tingin ng mga tao sa oras na malaman na pinatay ko ang tatay ko."
What a lie.
"Can you explain why you made that decision?"
Nilaro ko ang mga daliri kong hanggang ngayon ay nanginginig. Kinakabahan ako, nalulungkot at may parte rin sa'kin na masaya dahil sa kabila ng pangaabuso sa'kin ng nanay ko, mas pipiliin ko pa rin ang buhay niya.
Tiningnan ko sa mata ang lalaki. "Galit ako sa tatay ko."
Sumandal siya sa lingkuranan ng upuan. "In what way did you get angry with him?"
Ang totoo niyan, hindi ako kailanman nag-tanim ng galit sa tatay ko. Siya lang ang kakampi ko sa lahat ng oras na kalaban ko ang lahat. Siya lang ang tumayo para sa akin noong mga oras na kaaway ko ang lahat.
Siya lang... kaya hindi ko magagawa iyon.
He's the best dad I've ever known. "Lagi niya akong sinasaktan."
Mas lalo lang naging matalim ang tingin na pinukol niya sa akin. Halos manghina tuloy ang tuhod ko. "Nabanggit mo kagabi na hindi ka nagawang saktan ng tatay mo simula dati, so don't make up a story, Lemerie..."
I suddenly stopped when he called me by my second name... Lemerie. It sounded so good because the way he pronounced my name was beautiful. Kung pwede lamang i-record ito ay ni-record ko na at paulit ulit kong pakikinggan.
"Kinakausap kita, Lemerie..." To get my attention, he said and twice snapped his fingers.
"Pagod ka na ba?"
Hindi ako nakasagot. Actually, I'm very tired. Hinahanap na ng likod ko ang malambot na kutson at mga unan sa kwarto ko. I badly want to sleep, but I can't because the jail is hot and crowded with all the remanded custody that we also have there.
"Sleep here. Babantayan kita." Suhestiyon ni Callie.
Para na namang may sumaksak sa dibdib ko. Naging mabigat ang pag-hinga ko at hindi maiwasang mag-layo ng tingin matapos ang malalim na pag-hugot ng hininga.
"Just take a nap. I can't talk to you properly because you are so absent-minded. Mag-pahinga ka muna rito, mamaya na lang ulit kita kakausapin."
I took a deep breath and did as he said. Ginawa kong unan ang aking braso at doon isinubsob ang aking mukha.
Dahil sa sobrang pagod at pagkakulang sa tulog, agad akong sinalakay ng antok. Naging komportable naman ang naging posisyon ko at hindi namalayang makakatulog ng mahimbing.
I woke up without realizing it was morning. Mabilis na hinanap ng mata ko ang orasan at napasapo sa sariling noo nang makita ang oras. It's one in the afternoon. And I have managed to sleep eight hours due to fatigue.
Pero pakiramdam ko, kulang pa ito para sa'kin.
Tuwid akong umupo sa upuan nang makita ang inuupuan ni Callie. He isn't there, but his belongings are still on the table, so I assume he just went outside for some fresh air or perhaps to use the restroom.
Agad na nahulog ang coat sa lapag kaya naman mabilis ko itong dinampot. I quickly smelled Callie's perfume so I immediately knew whose it was.
Hindi ko maiwasang mapatanong, bakit niya ginagawa ito?
We don't even know each other.
I waited a few minutes before he came back.
"Sorry... I can't bring food inside." Panimula niya nang makitang hawak ko ang aking tiyan. "Pinatabi ko ang pagkain mo... nasa loob. You should eat a lot."
Naiilang akong tumango. "Salamat... aalis ka na?"
"I will go to the crime scene to investigate."
"Callie, 'wag ka nang mag-sayang ng oras... I'm guilty," I gulped. "Hindi mo naman mababago ang katotohanan... Let's just accept that I deserve to go to jail because I committed this crime."
Umiling siya at kinuha ang mga gamit. "Alis na ako."
"Para saan pa? E-Eh, sinabi ko naman na yung totoo na ako ang may gawa no'n."
"I'll be lying," Tumayo siya dahilan upang iangat ko ang mata ko sa kaniya. "If you're saying you're guilty, then... I will then lie."
"You don't need to,"
"Lawyers are going to create evidence in order to win a case and spare their client from jail." Inayos niya ang kaniyang neck tie. "Babalikan kita, I'll just do what I have to do."
I couldn't stop him, and I watched him walk away from me. Masiyado siyang desidido na ipanalo ang kaso na ito. He wants me to stay out of jail and is even willing to lie so we can win.
Tulad ng sinabi niya, he investigated and returned to the query room at four o'clock in the afternoon. Mabilis ko naman siyang pinuntahan at umupo sa harapan n'ya. I watched him as he fixed the paper in the envelope.
He looks good in his suit.
Sobrang matipuno niyang tingnan sa trabaho niya.
Umayos si Callie mula sa pagkakaupo kaya doon lamang ako bumalik sa wisyo. Bago pa man bumuka ang bibig niya ay nag-salita na ako.
"I'll plea guilty,"
I didn't hesitate to say that which made him stop what he was doing and look at me full of surprise.
He leaned against me and looked at me seriously. "Why?"
"Obviously... I killed him, my father."
Wala naman yatang masama kung papanindigan ko ang bagay na ito.
I am determined to defend my mother.
"Let me ask you again..." His jaw clenched. "Can you describe your relationship with your father?"
"Sinasaktan niya ako at inaabuso," Sunod sunod akong napalunok nang mapagtantong hindi ako nautal. "Nung gabing 'yon, he was about to punch me so I didn't think twice about killing him to defend myself."
He smiled. "What were you doing just before and after the incident occurred?"
"Before the incident, I was in my room, hiding. At nang mangyari naman 'yong insidente... I immediately left the house because I was afraid... alam mo 'yon, Callie. Nakita mo akong tatalon sa ilog para tapusin ang buhay ko kasi ayaw kong makulong."
"You didn't visit your mother's room before leaving, did you?"
Agad akong tumango bilang sagot sa kaniyang tanong.
"Can you explain how your father was killed?"
"I stabbed him,"
"Using what?"
"Knife,"
Doon siya mahinang natawa, mukhang mali ang nasagot ko dahilan upang mapahalukipkip ako.
"Left hand or right hand?" Pag-klaro niya sa tanong.
Agad na naging malikot ang aking mata. Sa pagkakaalam ko, kanang kamay ang gamit ng mama ko sa lahat ng bagay. Habang ako ay kaliwete dahil sa nangyaring aksidente at nagkaroon ako ng pilay ang kanang kamay ko.
"R-Right hand,"
"Hmmmn?" Arko ang kilay niyang paninigurado.
Hindi ako sigurado... kung tama ba ang sinabi ko.
"Oo, sigurado ako na kanan ang ginamit ko. My left hand was injured... dahil sa pagkahulog ko sa hagdan."
I lied. It was my right hand, not the left one.
Nagkaroon ng ngisi ang labi niya at may nilabas na papel. "I found your fingerprint on the knife,"
Agad na nanlaki ang aking mga mata. I immediately asked myself how that happened? At natutop nang maalalang tinanggal ko ang kutsilyo sa pagkakatanim sa katawan ni Papa.
"But the fingerprint is from your left hand, not the right hand."
Tila nag-loading ang utak ko. Heat quickly rose to my cheeks after the realization. I swallowed an obnoxious lump in my throat.
"And when I look at your past medical history, it says that your right hand is the one that was injured, not the left."
Just this time, I knew he knew I was lying.
Napalunok ako ng mariin, nag-iisip sa ilang kadahilanan. "My right hand was wearing gloves at that time, and I also used my right hand to stab him! I'm angry, and I want to get revenge for Papa hurting me!"
"Gloves?"
"I was painting while cooking... ayaw kong madumihan ang pagkain kaya nag-suot ako ng gloves."
Kahit anong pilit kong itanggi, parang lahat ay mahahanapan niya ng butas.
"Suot mo na ba ang bagay na 'yon bago mangyari ang trahedya?"
I nodded and he pouted. "Didn't you take off those gloves when the tragedy happened?"
"Hindi. Suot suot ko lang 'yon hanggang sa marating ko yung tulay. I threw it in the river so there would be no evidence."
His jaw clenched. "Are you sure you didn't remove that when you were at home?"
"Oo nga... pwede bang hayaan mo na akong ikulong nila? Pagod na ako—"
"Given that your right hand was wearing gloves both before and after the incident, how do you explain the fingerprints from that hand that we found on the tiles and door of your home?"
Para akong natinik at nahirapan huminga.
Ubos na ako. Ubos na ang mga dahilan na pwede kong sabihin para takpan si Mama.
Fuck.
"I noticed there are discrepancies between your initial statement and the evidence. Can you explain these inconsistencies?"
Binalandra niya ang ilang papel sa akin na hindi ko masiyadon maaninag dahil sa pag-ikot ng mundo ko. Hilong-hilo na ako at parang kahit anong oras ay sasabog na ang ulo.
"Sabi mo ngayon, inaabuso ka ng tatay mo. Pero ang sabi mo sa'kin kagabi, he hasn't been able to hurt you since you were a child. Second, you said you used your right hand to stabbed your father, however, there is only your left hand's fingerprint."
He stopped, leaned his body against the chair and crossed his arms. "Do you love your mother?" Maya maya'y tanong niya.
Natutop naman ako. I always ask myself that question but the answer is only one, Yes. May parte sa'kin na gusto magalit at talikuran siya pero mas nananaig ang parte na gustong intindihin ang babae.
She always abuses me. But I was blinded by love.
"Obviously, yes." I honestly answer.
"What will you do to prove that you love your mother?"
I bit my upper lip and hesitated to answer. "L-Lahat. Gagawin ko lahat para sa kaniya."
"All? Even to blame yourself for the crime she committed?"
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Silence enveloped us. I read the incomprehensible emotion in his eyes. It is like fire and gasoline that is burning in the middle.
"Nice try, Lemerie," Inayos niya ang papel at nilagay sa suitcase. Pinasadahan niya rin ang neck tie niyang bahagyang tumagilid at tumuwid sa pagkakaupo.
Tuluyan akong napayuko. Why is he so good?
"Based on my investigation, your mother killed your father because of a woman. Hindi inabot ng CCTV footage ang pangyayari, but the CCTV recording sound, did it," He explained. "All events can be heard there..."
Hindi ko magawang mag-angat ng tingin sa kaniya dahil sa kahihiyan.
"And it says that you didn't kill your father; your mother did."
He stood up. "Tomorrow is the trial... just prepare yourself and I will do the rest."
How? How can I prepare myself?
Pagod akong bumalik sa likod ng mga rehas.
Lumipas ang gabi at sumapit ang umaga, wala akong nabuong oras sa aking tulog. I was just thinking, thinking and thinking about what could happen tomorrow in the court. Hindi ako natatakot na matalo... but I'm afraid that Mama will lose.
Knowing Callie, he is so competitive.
Lahat ng butas na maaring lusutan, natatakpan niya at sinisiguradong walang makakalusot. I can tell he's smart... and he's a great lawyer.
Or... I'm just bad at lying?
Hindi rin naman nag-tagal ay sumapit ang oras na haharap kami sa korte. Kinuha ako ng mga pulis sa loob ng seda at inalalayan sa pag-lalakad, ang mga kamay ay naka-posas.
I immediately looked down to hide myself from the cameras.
"Siya ba yung pumatay sa tatay niya?"
As I walk by, it seems that everyone recognizes me. The whispers and murmurs of their gossip surround me, penetrating my consciousness. Though they may believe their words go unheard, I cannot help but catch every bitter syllable.
Lahat ng bulungan nila ay tila ba bumabaon sa akin.
It's their words...
Sa ngayon, mayroong hindi mapawi na uhaw sa loob ko para sa lasa ng hustisya, minsan lang, sa buong buhay ko. I yearn for the day when the court, the embodiment of impartiality and fairness, will recognize the truth and grant me the restitution I so desperately seek.
My throat tightened as I stepped through the courthouse doors, the atmosphere heavy with a mixture of anticipation and unease. Lahat ng tao ay nakatingin sa'kin, nandidiri at puno ng galit ang mga mata... na para bang alam ang buong pangyayari.
Muling nag-tama ang mga mata namin ni Mica at ni Mama. They resemble wild animals that are extremely agitated and hungry. Isang ismid ang ginawad ni Mica, naka-kibit ang balikat bago mag-alis ng tingin.
Ano bang ginawa ko para ayawan nila ako ng husto?
"All rise," the bailiff ordered, and everyone stood up.
Agad na hinanap ng mga mata ko si Callie, natagpuan ko rin naman ito kaagad. Tuwid siyang nakatayo sa counsel table.
He looks so professional in his suit.
Walang bahid ng kaba ang kaniyang mukha at tila ba madali lang sa kaniya ang bagay na ito.
Lumipad ang tingin niya sa akin nang maaninag na nakatingin ako sa kaniya. Napalunok ako kaagad at sinubukang mag-alis ng tingin sa kaniya ngunit huli na.
Slowly, his lips lit up, as if cheering up my whole being.
^___________^
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro