Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

01

No one can see the darkness inside me the way I do.

Napunta ang buong atensyon ko sa likod ng malapad na puting kurtina. Kung saan nag-aagawan ang liwanag at kadiliman sa malungkot na kalangitan. At hindi rin nag-tagal, tuluyang natalo ang liwanag kasabay nang pag-dilim ng buong kapaligiran. 

I'm the one who messed everything up.

I'm the one who caused it.

I folded my knees over my chest and rested my face on my palm above my knees.

Mariin kong pinikit ang dalawa kong mata at tinakpan ang magkabilang tainga, nagbabakasakaling hindi ko na muling maririnig ang batuhan ng sigaw ng mag-asawa sa ibaba.

But I wasn't lucky; I could hear Mama and Papa fighting and cursing at each other.

Nanatiling nakadikit ang tuhod ko sa aking dibdib. Hindi ko magawang kumilos ng maayos dahil sa matinding pagod at pananakit ng aking katawan. My lips slowly parted as I saw the girl infront of me.

I bitterly smiled at her, and she smiled back.

Maputla ang kaniyang kutis at mas lalong nag-bigay tingkad sa pumutok at dumudugo niyang labi. Mabigat ang mga mata niya at magulo ang mahaba niyang itim na buhok. Nang suriin ko ang kaniyang buong katawan ay agad akong nakaramdam ng matinding awa.

Bagsak ang buong katawan niya. Ang kaniyang mata ay mabigat, bakas ang pagkakulang niya sa tulog. At ang kaniyang balat ay puno ng malalaking pasa, tanda nang pagmamalupit at pangaabuso sa kaniya ng sarili niyang mga magulang.

And that girl is my own reflection.

"Michaella! Naririnig mo ba 'yang mga sinasabi mo? Anak rin natin si Lyn! Kung ganito lang din naman palagi ang nangyayari sa atin, aalis kami rito ni Lyn at walang makikielam!"

Ayan na naman sila...

I can't blame anyone but myself... because of my foolishness, they end up fighting with each other. Gusto ko silang sigawan. Gusto ko silang harapin at ipamukha sa kanila kung gaano ako nasasaktan. 

Gusto kong itanong sa kanila kung bakit lagi nilang kinukwestyon ang pagkabuhay ko.

"Si Lyn? Yung anak mong bobo at palamunin rito? Ni kailanman hindi ko tinuring na anak 'yon dahil wala akong anak na bobo at ampon-"

I immediately hid my face on my knees when I heard a loud slap. Napahawak ako sa aking tainga ng mas madiin nang kumulog ng malakas. Tila mabibingi na ako.

"P-Parang awa niyo na..." My words broke up, and all I could say were stuttering sounds. Hot tears streamed down my face, and I squeezed my eyelids shut in the hope that my tears would stop.

"B-Bakit hindi pa kayo umalis ngayon?!" Sigaw ni mama mula sa ibaba. Kasabay no'n ang naghahabulang tunog ng yapak nila sa hagdan kaya mabilis kong niyakap nang mahigpit ang sarili. 

"Umalis na kayo at 'wag na kayong babalik pa!"

Pagod na ako... pagod na pagod na. 

"Michaella ano ba? Aalis kami rito basta 'wag mong sasaktan ang bata-"

"Manahimik ka, Zaprien!" Mukhang hindi naindak ang babae sa asawa. " Lyndzey!"

I was stunned when Mama violently kicked the door of my room. It's locked. I know she can't open it... as if she destroys it and opens it with the key.

Bawat pag-sipa niya sa pintuan ay unti unti akong humahakbang palayo. 

I am very scared. Nanginginig ako sa takot. Natatakot ako na baka kung ano na namang gawin niyang pananakit sa'kin. 

Sa oras na mabuksan n'ya ang pinto, paniguradong magugulpi na naman ako...

I want to do something so that she can't open the door. 

I want to protect myself from the devil. 

Sa isang iglap, tuluyan niyang nasira ang doorknob ng kwarto at niluwal ang nanggagalaiti kong ina. I could see the rage on her face as I took a step back. Bago pa man ako makalayo, she aggressively grabbed my hair and dragged me out of the room like I was a dog.

"M-Ma, tama na. N-Nasasaktan na po ako, M-Ma." I pleaded using my breath. 

It's exhausting, and sometimes I feel like I can't take it anymore.

Napalunok ako ng mariin nang hindi makita si Papa na sumunod saamin pababa ng hagdan. Parang wala na akong maramdaman dahil sa sobrang sakit ng paraan nang paghila ni Mama sa buhok ko.

My heart has a massive aches, I feel pity for myself. Nanghihina na ako, punong-puno ako ng pasa at sugat sa buong katawan na pakiramdam ko ay hindi na mawawala sa katawan ko. Hanggang ngayon ay damang-dama ko parin ang hapdi sa sampal ni Mama saaking pisngi at ang malakas na pagpalo niya sa tuhod ko gamit ang marupok na kahoy.

I grone again from the pain. It was electrifying.

"M-Ma, t-tama na please-"

A blood-curdling scream came from my mouth when my mother slapped me. Umupo siya upang mapantayan ang laki ko. Namumula ang kaniyang buong mukha dahil sa galit at ang mabilis, mabigat at malalim niyang hininga ay nagpapatunay na hindi niya kayang kumalma sa sobrang pagkagalit.

"Michaella!"

My breath is practically out of my body. I turned my gaze to the back and saw my father, who was clutching a gun. Ang dalawa niyang kamay ay mahigpit na nakahawak sa baril na nakatutok sa ulo ng aking nanay habang pauti-unting humahakbang sa pwesto namin.

Ano bang nangyayari sa kanila?!

Kailan ba sila titigil?

"P-Pa, ibaba mo yan pa. H-Hindi naman makakatulong sa pagkakaayos n-niyo ang baril na 'yan," I begged, sobbing uncontrollably. But all he did was give me a short glance. His eyes were devilish, and he appeared to have no idea what he was doing. 

"P-Pa ibaba mo na yan!"

Hindi sila nakikinig.

I understand that his emotions are valid, but not his behavior.

"Ano, Zaprien? Papatayin mo a-ako?!" Ang tinig ng aking nanay ay napalitan ng kaba at ng matinding takot. Binitawan niya ako at tumayo upang harapin ang lalaki may hawak ng armas at saka ibinuka ang kaniyang dalawang kamay. 

"Papatayin mo na ak-"

"Manahimik ka, Michaella!" He sobbed. "Wala kang ginawa kung 'di ang sirain nang sirain ang buhay ko!"

Doon lang ako nakalayo mula sa kamay ni Mama. Sinandal ko ang likuran ko sa gilid ng pader at doon humangos ng iyak. Hindi ako makatayo dahil sa matinding panghihina ngunit parang mas piniga ako sa nakikita ko ngayon.

Nakakapanghinang panoorin ang mga magulang kong nagtututukan ng mga armas. 

Bakas sa mukha nila ang matinding galit na may halong kaba.

"P-Parang awa niyo na..." My voice cracked when I whispered using my choppy breath. 

Their curses to each other make me tremble in fear. Kahit anong pilit kong awat sa kanila ay hindi ko magagawa dahil pareho silang ma-pride.

"Hindi ka ba nandidiri sa sarili mo? May asawa't anak ka na nung oras na yon pero mas pinili mong tikman ang ibang babae sa kama. Nakakadiri ka, Zaprien!" Bumuhos ang luha ng babae nang masabi niya iyon, "Mamatay ka na, Zaprien. Mamatay na kayo ng kabet mo at isama mo na si Lyn na anak niyo!"

"Manahimik ka, Michaella. Lagi mo na lang idinadamay yung bata na wala namang ginawa sa'yo!" Kaunti na lang ay makakalabit na ni Papa ang trigger. "At kahit sabihin ko naman sa'yo na hindi ko gusto ang nangyare, hindi ka maniniwala!"

"Paniwalang-paniwala na ako kasi nakita ng dalawang mata ko na pinapasok mo ang ari mo sa kuweba ng babaeng yon!" 

Nakita ko kung paano bumaba ang isang daliri ni Papa sa trigger ng baril at kaunting kalabit laman niya doon ay mapapatay niya ang babae.

"Diring diri na ako sa'yo, Zaprien pero wala akong nagawa kasi nagmatigas kang bumalik saakin. Nakakadiri ka!"

"Nakakapagsisi rin kung bakit pa ako pumatol sa bayaran na katulad mo?! Bakit ba tayo nagka-anak?! Baka nga hindi saakin yang mga anak mo kasi 'di ba kung sino-sinong lalaki ang kasama mo sa kama?!"

Nang dahil sa mga salitang iyon ay mas lalong naging agresibo ang babae. Tila isa siyang tigre na galit at handang makapatay upang mapaghiganti.

She roamed her eyes all over the kitchen. And the Devilish smirk formed into her eyes when she saw the knife. Walang alinlangan niyang kinuha iyon at bago pa man ako makatayo upang pigilan ang ninanais ng babaeng gawin ay nangyari na.

Sa isang iglap mariin akong napalunok nang makita ang tatay ko nanghihinang nakahandusay sa kaniyang dugo, nakahawak ang kamay niya kung saan banda siya sinaksak habang ang isang kamay ay nananatiling hawak ang armas.

Parang nahulog ang puso ko.

"Malas ka, Zaprien! Wala kang ginawang dulot sa buhay ko kung 'di ang malaking kamalasan!" Sigaw niya at kinuha ang kutsilyo na puro dugo na nakatanim sa katawan ni Papa. Akmang ibabalik niya ito sa katawan ni Papa nang kuhanin ko ang baril.

Fuck. Kaagad ko itong tinutok sa dalawa. "Ano ba?! Hindi na ba talaga kayo titigil?!"

Hindi ko na alam ang nangyayari. Hindi ko na alam ang ginagawa ko.

Walang-wala na ako sa katinuan dahil sa nakikita. 

Napahinto naman ang dalawa. Umatras si Mama sa kinatatayuan habang si Papa naman ay hawak-hawak ang gilid ng tiyan niyang may saksak. He was dying and at any moment he would run out of blood.

"Ma, tumawag ka na ng ambulansya!" Paos kong sigaw sa babae. 

Umiling ito. "Hindi na! Mamatay na siya!" 

Naramdaman ko ang pagsubok ni Papa sa pagtayo at akmang susugurin si Mama nang itutok ko sa kaniya ang baril.

Gusto ko silang pahintuin at patigilin... kasi maaari nilang mapatay ang isa't isa!

"Pa, tama na!" Nababaliw akong umiling. "H-Hindi ba kayo nananawa sa pagtatalo niyo? Mapapatay niyo na ang isa't isa! Hindi pa rin ba kayo titigil?!"

Inilayo ko ang bunganga ng baril sa tatay at itinapat ito sa kisame.

"Tama na! Tangina... t-tama na! Mahirap bang intindihin 'yon?!"

In my horror, I didn't see that I had pushed the gun's trigger.

Gulat kong nabitawan ang baril at napakurap.

I saw my father's dead body lying in his own blood. 

Anong ginawa ko?

Nanghihina kong nilapitan si Papa sa gawi niya. Naliligo siya sa sarili niyang dugo dahilan upang mapatingin ako sa babaeng asawa nakatulala at tila hindi makapaniwala sa mga nangyayari. 

Ano na naman 'to... Ano na naman ba 'to?

Pagod na ako. Pagod. Na. Pagod.

Why is the world so cruel to me? 

Hindi ko binigyang pansin ang puti kong damit na namamantsahan na sa dugo ng sarili kong tatay at mahigipit na niyakap ang walang buhay na katawan ng lalaking nakahiga sa sarili niyang dugo.

"Pa!" I cried. 

I took the knife planted in his chest and threw it away. 

"Oh my god, Lyn!"

Nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Mica, ang kapatid ko, mabilis akong napalingon sa kaniya. My heart skipped a beat, Bakas ang pagkagulat at ang matinding pagkatakot sa kanilang mga mukha.

"A-Anong nangyari kay papa, Lyn?!" Ibinato niya ang mga paperbags at saka nagmamadaling lumapit saakin. She hugged our father's dead body tightly at maya-maya pa ay bumaling saakin ng may matalim na tingin.

"M-Mica..." Tawag ng ina sa anak.

Mabilis naman akong umiling. "Hindi ako ang may gawa niyan..."

Tanging pag-sapo ng noo ang nagawa ni Mica habang si Mama naman sa isang gilid ay nagpakawala ng malalim na hininga. 

"L-Lyn?! Ano ba naman 'to? T-Tangina!" She wiped away her own tears. "Wala ka man lang ginawa para man l-lang maawat sila?! Ikaw na naman ang dahilan nito?!"

Right, kasalanan ko ulit. Ako lagi ang dahilan.

Ramdam ko ang pagtitimpi niya sa sarili na wag akong masaktan sa sobrang pagkagalit. Alam ko namang ako parin ang sisisihin sa pangyayaring ito. At... mas gugustuhin ko na lang makulong kahit hindi ako ang nagkasala.

"Lumayas ka rito! Mamatay ka na! Lagi ka na lang nagdadala ng problema rito saamin! Mamatay ka na! Magpakamatay ka na! Hindi ka namin kailangan rito!" Ramdam ko ang sakit sa mga salita na binibitawan niya saakin samantalang ako ay para akong piniga ng paulit-ulit.

Sandali akong napatulala bago nanghihinang tumayo. Kahit na may takot saaking puso ay minabuti kong lumabas ng bahay at naglakad sa kung saan. 

Kahit na malamig at malaki ang bawat patak ng ulan ar ramdam ko parin ang init ng luha ko na rumaragasang sa aking mukha.

I don't even know what's wrong with me anymore.

Hindi ko namalayan ang paglalim ng gabi. Bumalik na lamang ako sa katinuan nang mapahinto ako sa paglalakad dahil sa malakas na kidlat.

Dinala ako rito ng aking paa sa madilim, liblib at tahimik na lugar. Tanging maririnig mo lamang ay ang malalakas na kidlat, ang bawat malalaking patak na dumadapo sa bubong ng mga bahay at ang tunog ng rumaragasang na tubig sa ilog.

Something enters my mind; I bit my lower lip as I walk to the bridge where the river was. Mahigpit kong hinawakan ang rehas ng tulay upang silipin sa ibaba ang rumaragasang na ilog.

"I don't want to die, but I don't want to live like this forever..."

Tila sinabayan ng ulan ang kalungkutan ko. Sa bawat patak ng luha ko ay siya ring bagsak ng ulan na tila ba sinasabayan akong umiyak.

I removed my slippers and gently stood on the bridge's strong rails.

Why the world is so unfair to me? 

I sobbed with smiles on my lips as I looked down at the rushing river. Yung pakiramdam na matatagpuan na lamang nila ang katawan kong namumutla, matigas at malamig na.

Kung tatanungin ako kung ano ang pangarap ko...

I'll answer: to die in my sleep.

After all, no one cares about me. Wala akong kakampi sa buhay, so it's probably best if I died. At kapag nangyari iyon ay wala na akong problema at isipin dahil wala narin ako sa mundong ito. 

Is there any other reason for me to stay in this world, despite the fact that I'm exhausted from these tears?

I want to sleep indefinitely.

Tumingala ako sa malinaw na kalangitan at hinayaan ang luhang lumandas sa aking pisnge. Masakit isipin ngunit iyon ang totoo. Malawak akong ngumiti nang maisip na huling sandali na ito ng paghihirap ko. I'm already experiencing the tranquility I've yearned for.

I was ready to jump, but I came to a halt and looked behind me when I sensed the presence of someone.

Napaatras ako sa kinatatayuan. At tila ba nabura sa aking isipan ang planong pagtalon sa ilog nang makita ang lalaki.

As our eyes met, I felt like my legs were going to collapse. 

Nakataas ang kanyang kilay, walang emosyon ang mukha at nakasandal ang katawan sa kaniyang kotse habang nakapamulsa.

"What a relief."

^_________^

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro