Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Two

Matapos ang makabuluhang araw niya na kasama si Sally, nagdesisyon si Sheena na simulan na ang pagmamaneho pabalik sa tinitirahan niyang townhouse, na pinaghirapan niyang mabili sa ilang taon niyang pagtatrabaho.

Habang nasa kalagitnaan ng kalsada, bigla siyang nagulat nang makarinig ng malakas na pagputok mula sa kanyang gulong. Napilitan siyang itabi ang sasakyan sa gilid ng kalsada para suriin ang nasirang gulong.

"Mabuti na lang at may spare tire ako," bagot na sambit ni Sheena at inilabas din ang kanyang toolbox sa compartment. Ngunit sa kasamaang palad, biglang bumuhos naman ang malakas na ulan. Halos mapamura siya sa inis. Ang masama pa nito, hindi siya makakilos nang maayos dahil nakasuot siya ng formal suit na kaparis ang pencil skirt at three-inch heel. But even though it's an inconvenience, hindi pa rin nagpatinag sa pagkilos si Sheena. Hindi niya alintana ang madilim na paligid at mas determined siyang matapos ang pagpapalit sa kanyang gulong na hindi naman niya kayang palitan.

"Miss, kailangan mo ba ng tulong?"

Humigpit ang hawak niya sa tools dahil sa boses ng isang lalaki sa likuran. Napanood na niya ang ganitong modus, na kunwari'y tutulungan ang isang nasiraang driver ng isang concerned citizen, pero kukuha lang pala ito ng pagkakataon na magnakaw at manamantala, lalo na sa isang babae.

Matapang na hinarap ni Sheena ang lalaking iyon na nakasuot ng hoodie jacket, matangkad, at hindi maikakailang gwapo kahit madilim sa mga sandaling iyon. His charm was enough to radiate the entire place. Then, her heart skipped a beat when she recognized the man who's standing in front of her. Kanina nga lang, iniisip niya pa ito.

"Argon?" Hindi nakarating sa pandinig ng binata ang mahinang pagsambit niya sa pangalan nito. Sa dami ba namang lugar na pwede niyang ma-meet nang personal ang dati niyang hinahangaan, dito pa talaga sa madilim na kalsada at sa inconvenient pang sitwasyon.

"Hindi na, Sir. I can handle this," magalang na pakli naman ni Sheena.

"Parang hindi naman."

Napamura na naman tuloy sa isip si Sheena. Mas lalong naging attractive si Argon nang marinig niya itong nagsalita. He sounds expensive and professional enough. Sa pagiging kalmado nito, parang kaya nitong kontrolin ang anumang sitwasyon, kahit between life and death pa. Now, she have to act like she didn't know him. Gusto niya ring sampalin ang sarili dahil tila walang nagbago sa paghanga niya para rito. Parang mas lalo pang tumindi.

"Experienced mechanic naman ako, miss," sabi pa ng lalaki na pinasilong pa si Sheena sa hawak niyang payong.

Sa tinuran ni Argon, nagkaroon na agad ng hint si Sheena sa kung ano na bang pinagkakaabalahan nito. Talaga ngang hindi na nito tinuloy ang sariling pangarap. Sabagay, kung family man na nga si Argon, karapat-dapat lang na unahin nito ang stable income kaysa mag-risk ng oras para sumikat.

"Ang lapit mo naman masyado, pwedeng dumistansya ka?" Pinahalata ni Sheena ang pagkaaburido sa kanyang boses. "Saka kahit hindi ako mekaniko, marunong naman akong magpalit ng gulong. Basic knowledge lang dapat sa isang may-ari ng sasakyan kung paano magpalit ng gulong."

"Okay. Hindi na kita pipilitin. Drive safe." Tipid na ngumiti ang lalaki at mabilis na nawala sa harapan ni Sheena. Sinundan lamang ni Sheena ng tingin si Argon at ikinagulat niya na minamaneho pala nito ang high-end sports car na naka-park lang din sa 'di kalayuang bahagi ng kalsada.

Medyo napahiya siya sa part na inisip niyang magti-take advantage si Argon, ngayong mukhang mas mayaman pa yata ito sa kanya. Kaya ang ending, tiis-ganda niyang pinalitan ang gulong ng kanyang kotse sa loob ng mahigit sampung minuto.

'Gosh. Gwapo pa rin siya. Parang kailan lang, sumisilip pa ako sa university kung saan siya nag-aaral.'

Naiiling siya habang inaayos ang dapat ayusin. Nawawala siya sa focus dahil kahit papaano, may regret sa kanyang puso dahil malamig ang pakikitungo niya kay Argon. Hindi man lang niya ito pinakitaan ng soft and feminine side niya.

***

Samantala naman, tahimik na sinusulyapan ni Argon si Sheena habang nasa gilid pa rin ng kalsada at abala sa pagpapalit ng gulong. Halata namang hindi nito kayang i-manage ang inconvenience sa daan pero dahil sa trust issues nito, kahit katiting na tiwala sa kapwa, hindi nito kayang ibigay. But still, naging vigilant pa rin siya sa sandaling iyon. Pinaandar niya ang sasakyan nang masigurong natapos na ni Sheena ang pag-aayos ng sasakyan.

"Mas maganda na siya ngayon," aniya. He grinned upon reminiscing his college days. Magkalapit lang ang university na pinapasukan nila ni Sheena. He was taking a bachelor of culinary arts, habang si Sheena ay nagti-take ng office administration course sa kabilang university. Nakilala niya si Sheena dahil avid event goer ito kapag may battle of the bands malapit sa lugar kung saan sila nag-aaral. Kilala rin si Sheena bilang man hater at wala man lang nakapanligaw dito noon. Palibhasa, subsob ito sa trabaho at pag-aaral. Nabalitaan niya rin mula sa kaklase nito na working student si Sheena kaya wala itong time na makipag-date. But then, curiosity lang naman ang naglaro sa kanyang utak para alamin ang background nito. Hindi rin sumagi sa isip niya na mag-first move. The thought of having a crush on her didn't cross his mind. Kung may paghanga man, maaring sa personality aspects lang—o hindi niya lang natiyak kung crush ba. Maaaring naaawa lang siya noon para sa dalaga kaya siya na-curious sa katauhan nito.

Sa kabilang banda, natuloy na si Sheena sa kanyang pagmamaneho patungo sa kanyang town house, ngunit hindi niya maiwasang isipin si Argon. May bahid ng pag-aalinlangan sa kanyang isip, ngunit kinailangan niyang magpatuloy at maging alerto.

"Kung pumayag akong tulungan niya ako, baka maningil pa siya. So okay na rin na tumanggi ako," aniya, para i-justify na lang na tama ang kanyang inasal sa harapan nito.

***

Pagkatapos maligo at magpalit ng damit, naupo si Sheena sa kanyang sofa, hawak ang isang tasa ng mainit na kape. Sa katahimikan ng kanyang sala, bumalik sa kanyang isipan ang mukha ni Argon. Ang huli nilang pagtatagpo ay parang eksena sa pelikula—unexpected at may kakaibang impact na idinulot ito sa kanyang damdamin.

Napabuntong-hininga siya. "Ano na bang nangyari sa kanya?"

Hindi niya maiwasang mag-isip ng posibilidad. Mukhang maayos ang estado nito sa buhay. Pero bakit hindi na ito naging active sa social media o sa YouTube kung saan niya ito unang hinangaan?

Still, there were moments when she allowed herself to dream. What if Argon wasn't as troubled as the rumors claimed? But as years passed, she rarely thought of Argon anymore. Walang puwang sa kanya ang mahumaling sa isang celebrity, bukod sa gastos lang ang pagsuporta, maaagaw pa nito ang oras niya para gumawa ng pera. She liked the idea of being a fangirl, but that wasn't meant for her. At isa pa, wala siyang energy na makipagbakbakan aa internet para lang ipagtanggol ang sinumang iidolohin niya.

"Pagkakaisahan lang ako ng mga tao kung halimbawa, sumikat nga si Argon tapos naungkat ang pasts niya. They will surely hold a strong prejudice against me for supporting him," she laughed.

Life had taught her that infatuation, while intoxicating, rarely led to something meaningful. She realized that her admiration for Argon wasn't just about him; it was a symbol of her longing for something bright and carefree in a life that often felt burdened by responsibility.

Habang binabalikan ang mga alaala ng college days nila, natagpuan niya ang sarili niyang nagse-search sa internet at YouTube. Sinubukan niyang i-type ang pangalan ni Argon, ngunit wala siyang gaanong nakitang impormasyon. Pero hindi siya nakuntento nang basta. Binuksan niya ang Facebook at sinubukang hanapin ang account nito. Sa wakas, natagpuan niya ang isang profile na tila pagmamay-ari ni Argon. May iilang public posts, pero ang karamihan ay mga memes at random photos ng mga lugar, na parang nasa cruise ship. Hindi ito mukhang active sa pagbabahagi ng personal nitong buhay. Parang napakalayo na nito sa Argon na nili-label bilang red flag ng iilan.

Napansin niya ang profile picture nito—isang candid shot habang nakaupo ito sa isang music studio, na may hawak na libro at nakangiti nang bahagya. He's still handsome. Glow up kung glow up ang atake nito. Pero, may kung anong lungkot sa mga mata nito na agad namamg napansin ni Sheena.

"Wala kang mapapala, Sheena. Pinangako mo sa sarili mo na hindi ka maku-curious sa sinumang lalaki dyan," paalala niya sa sarili, ngunit hindi niya napigilang i-click ang Add Friend button.

"Shoot! No! Bakit mo in-add!" Halos mabatukan na niya ang sarili nang bawiin ang friend request sa profile ni Argon. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro