Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Twenty Six

Habang nakasakay si Sheena sa kotseng minamaneho pabalik ng lungsod, nag-vibrate ang kanyang cellphone. Isang notification mula sa YouTube ang bumungad:

"Lazy_Argon18 uploaded a new video."

Argon's username was derived from a periodic table of elements. It was a chemical gaseous element. Doon din naman halaw ang pangalan nito at ang 'lazy' ay kahulugan ng greek term na argos, kung saan nakuha ang argon. Nasa 18th group of element ng periodic table ang argon kaya iyon ang numerong nilagay nito.

Naalala ni Sheena na ipinaliwanag iyon ni Argon sa isa nitong uploaded videos noon.

Napatigil si Sheena at ipinark saglit sa gilid ng kalsada ang minamanehong sasakyan. Mabilis na binuksan niya ang video. Walang nagbago sa excitement na nararamdaman niya kapag nag-a-upload si Argon ng song covers nito. Parang mas lalo pang tumindi.

Hindi maalis ang ngiti sa labi niya habang pinapanood ang pagkanta ni Argon. Ikinatutuwa niya ang kumpiyansang nanumbalik dito para muling buksan ang sariling channel. But on the other hand, she wondered if Argon searched for her when he woke up? Nalungkot agad siya sa posibleng sagot. Dahil baka nga hindi na siya nito hinanap at hindi man lang siya sinubukang habulin.

She paused the video for a while. Saka niya napagtanto na kasalanan naman niya in the first place.

"Sinabi ko kay Argon na sigurado ako sa nangyari sa amin kagabi. Inamin ko pa nga ang feelings ko. Pero bakit ko siya iniwan? I'm so stupid!" Kulang na lang ay hampasin niya ang manibela ng kotse. Malamang, nagtampo nga si Argon o isinawalang bahala na lang nito ang pag-alis niya at imbis na magmukmok, pinili na lang nitong mag-cover na lang ulit ng kanta. She let out a short sigh and then continued to watch the video.

Natigilan siya habang pinapanood muli ang cover song ng kanyang asawa. Tila nadurog ang kanyang puso nang marinig ang bawat linya ng kinakanta nito at mas naantig pa siya sa nabasa niyang caption sa video. Parang siya kasi ang pinatatamaan nito. Ngunit sa comment section, napansin niya ang ilang masasakit na salita na parang trolls lang ang makakapagbitiw.

— "Walang kwenta naman ang cover na ito. Hindi pa sikat ang kanta. Level up naman kuya, 2024 na marami nang baguhang artist na mas sikat at magandang i-cover. Hindi mo pa rin binabago ang 2013 style mo. Napag-iwanan ka na ng iba mong kasabayan dati."

— "Feeling artist? Tumigil ka na, bro. Wala namang naka-miss sa'yo."

— "Kahit anong kanta, hindi ka sisikat. Cringe."

Biglang sumikip ang dibdib ni Sheena. Ayaw niyang makita si Argon na tinitira ng ganito. Hindi niya matiis na pabayaan lang ang mga hate comments. Kaya, gumawa siya ng isang dummy account para ipagtanggol ito. Naka-log in kasi ang main account niya at pangalan niyang buo ang nakalagay doon. Kung pumatol agad siya sa mean comments, mababasa lang ni Argon at baka mas lalo siyang maging obvious na avid follower, na hindi siya nag-unsubscribe kahit tumigil na itong mag-upload ng video noon.

— "Maganda ang rendition na 'to, ang daming feelings!"

— "Kayo kaya ang sumubok kumanta bago kayo mang-bash!"

— "This artist deserves respect! Kung wala kayong magandang sasabihin, tumahimik na lang kayo. By the way, welcome back to Lazy Argon! Ang tagal n'yo pong nawala, ah. Buti at mukhang okay naman kayo. God bless po!"

Habang sinusulat ang comments na ito, napansin niya ang kakaibang saya sa kanyang dibdib. Alam niyang ginagawa niya ito dahil gusto niyang protektahan si Argon, hindi lang bilang kaibigan, kundi bilang isang taong unti-unti na niyang pinapahalagahan sa mas malalim na paraan. Ilang saglit pa, muli niyang pinagpatuloy ang panonood sa cover song ni Argon. May kakaibang lungkot at saya na nararamdaman siya tuwing naririnig ang boses nito, lalo na sa bawat linyang tila may ibang ibig sabihin.

"If a promise ain't enough,

Then a touch says everything..."

"Touch..." Napatanga siya at muling nag-flashback ang namagitan sa kanilang dalawa kagabi. Those touches were enough for her as an assurance. Gusto niyang maulit pa ang kaganapang iyon pero hangga't maaga pa, kailangan niyang tikisin ang sariling damdamin. Hindi pa niya kilala si Argon. Hindi pa klaro ang setup nila. Hindi pa okay ang careers nilang pareho. Kumbaga, there's no room for love as of now.

Isinantabi muna niya ang pag-iisip at napahawak siya sa balikat niyang nangangalay. Pero hindi lang naman iyon ang bahaging sumasakit sa kanya. Last night was a blast. Ginusto naman niya iyon. Hindi naman siya nagsisi. Ganitong sakit ng katawan na lang siguro ang kaya niyang i-tolerate. Ganito rin pala ang feeling ng hindi napagod sa trabaho lang.

"Intense," she giggled once more.

***

Matapos na i-upload ni Argon ang kanyang video, nagtungo siya sa veranda at tumingin sa malawak na tanawin sa labas. Malayo man ang tingin, pero isang tao lang ang iniisip niya—si Sheena.

Sinubukan niyang libangin ang sarili sa pamamagitan ng pagbabasa ng comments, ngunit hindi maiwasang mabasa pati ang mga pamba-bash. Hindi siya masyadong nasasaktan dahil nasanay na rin siya sa online world, pero nagulat siya nang makita ang kaisa-isang nagtatanggol sa kanya, comments mula sa account na may username na "Supportive_Soul101."

"Wow, hindi ko alam na may ganito palang supporter," bulong niya sa sarili. Napangiti siya, at hindi niya alam kung bakit bigla niyang naisip si Sheena. Maybe she's the one behind that account, pero malabong mangyari. Sinabi ni Sheena sa kanya na hindi na ito madalas mag-social media. Besides, hindi lang naman si Sheena ang avid followers niya.

"Wala nga siyang pakialam nang iwan na lang niya ako rito tapos ie-expect ko pa na may paki siya kung mag-upload ako ng bagong video?"

Sa halip na magpatuloy sa pagmamaktol, nireply-an na lamang niya ang supportive comments ng user na nag-defend sa kanya.

"Thank you for your support. If you're my long-time fan, it means I owe you five songs. Name them, and I will cover them. Thank you for waiting. Love lots!"

Sheena had left abruptly, and from her note, it seemed like she wanted space. Still, Argon couldn't shake the feeling that somehow, in her own way, Sheena was watching over him.

He scrolled back through the comments again, lingering on the one from "Supportive_Soul101." Something about the tone felt familiar. Warm. Encouraging. Protective. Ganito ang paraan ni Sheena magsalita sa kanya tuwing nagkakaroon sila ng mahabang pag-uusap tungkol sa kanyang mga pangarap, though the tone sounded like it came from a teenage fan. Isang bahagyang ngiti tuloy ang sumilay sa kanyang mga labi.

"Kung ikaw nga 'to, Sheena... thanks," he muttered softly.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro