Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Twenty Seven

Sheena couldn't get Argon's song cover out of her head. Every line seemed to resonate with her conflicted feelings. Pinaulit-ulit niya lang iyon habang kasalukuyan siyang nagsisimula sa office niya sa Lifetime Cherish. It's been a few weeks since she got hired. Natapos na niya lahat ng dokumento at orientations para lang ma-secure ang posisyon na matagal na niyang pangarap. But after she finally got what her heart desires, parang may kulang pa rin. She knew it was Argon. She reached for her phone and hesitated.

"Should I call him? Apologize for leaving so fast?" Iilan lamang ito sa naging katanungan niya sa kanyang sarili.

"No, Sheena. Hindi pa pwede ngayon," she murmured. "You need to sort out your own feelings first."

But even as she tried to rationalize her actions, the guilt lingered. Sheena wasn't just running away from Argon; she was running away from herself—her fears, her doubts, and the vulnerability that came with truly falling in love.

Kung gaano katagal na lumipas ang kanilang honeymoon, gano'n na rin ang tinagal ng lost communication nilang dalawa. Hindi pa siya umuuwi sa townhouse niya at hindi niya rin alam kung doon pa rin ba umuuwi si Argon. But maybe, because of his slight resentment towards her, baka nga hindi na nito gugustuhing manuluyan doon.

"Tawagan ko kaya si Auntie Veron?" Agad siyang napangiwi sa naisip niya. Anyone but Auntie Veron. Natatakot siyang kausapin ang strict na tiyahin ni Argon kaya si Uncle Celso na lang ang naisip niyang i-reach out.

"Hello po, uncle!" magalang na bungad niya nang masagot ni Uncle Celso ang tawag.

"Hello, Sheena? Napatawag ka? May ginawa bang kalokohan ang pamangkin ko? Sabihin mo agad kung mayro'n at tuturuan ko ng leksyon," nababahalang sagot naman ni Uncle Celso.

"Wala po, uncle."

'Ako po 'yong may nagawang mali.' She didn't say those words.

"Kung gano'n may maitutulong ba kami?"

"Gusto ko lang po sana kayong kumustahin at itatanong ko kung may times po ba na binibisita pa rin kayo ni Argon?"

"Maayos naman kami. Dumaan nga siya nitong nakaraang linggo lang, gusto ba naman dito na matulog. Pinauwi ko, sabi ko, 'Argon, may asawa ka na. Doon ka na dapat sa kung nasaan siya!' Pagkatapos kong pagsabihan, umuwi naman. Bakit? Nag-away ba kayo?"

"Hindi naman po tito, may balak lang po sana kaming bumisita dyan. Kapag hindi na kami busy," Sheena's voice cracked. Bigla siyang nag-alala para kay Argon at iniisip kung saan ito namalagi matapos ang honeymoon.

"Okay. Kapag nag-away kayo, sabihin mo lang."

"Opo. Bye bye po."

Nang eksaktong ibaba niya ang phone, nakatanggap siya ng mahalagang email mula kay Mrs. Costales. Binasa niya iyon sa kanyang laptop. Forwarded email ito mula sa isang event coordinator na humiling ng music feature para sa kanilang paparating na charity event. Request ni Mrs. Costales na si Argon ang isali sa pwedeng mag-perform. May kinalaman din kasi ang charity event para sa libreng kasal na ilulunsad ng ilang kilalang org sa bansa. It was also funded by some top business corporations.

Nanlamig ang kanyang mga kamay habang binabasa ang email. "Coincidence lang ba ito? O parang nagiging malupit lang ang tadhana sa akin? Hindi ko pa pwedeng kausapin si Argon. Hindi ko alam kung paano magso-sorry."

Malalim ang buntong-hiningang kanyang pinakawalan. Hindi niya pwedeng tanggihan ang request ni Mrs. Costales lalo na't kapapasok niya lang sa kompanya. Sheena decided to face it head-on.

***

Nasa kalagitnaan si Argon ng pagkukumpuni ng mga dapat ayusin sa townhouse ni Sheena at narinig niya ang tunog ng email notification sa kanyang cellphone. Bahagyang tumigil siya at kinuha ang device sa ibabaw ng mesa. Isang email ang dumating mula sa isang kilalang music content creations team.

Subject: Collaboration Opportunity

Hi Argon,

We loved your heartfelt rendition of 'Promise Ain't Enough.' We'd like to invite you to collaborate on an acoustic series we're launching for up-and-coming artists. Please let us know if you're interested!

He reread the message, his heart pounding. This could be a turning point for him—a step closer to proving he wasn't just a "has-been," as the trolls liked to say. But more importantly, it was a way to show Sheena that he was serious about pursuing his passion.

With renewed determination, Argon responded to the email. Pero bigla siyang natigilan. Sheena must know this first as his respect to their agreements, kahit pa may nalabag na sila, na pinakaimportante pa talaga sa lahat.

"Yup. She must know it first." Napangiti na lang siya nang ilapag niya ang phone at na-save lang sa draft ang reply na ise-send niya sana.

Mabilis lang din ang mga araw para kay Argon. Bukod sa pag-aasikaso ng kanyang YouTube channel, bumalik siya sa auto shop para ipagpatuloy ang pagiging mekaniko. Kahit kailan, hindi siya nanliit sa kanyang trabaho. Pero minsan, naiisip niyang nakakapagod ang balansehin ang iba't ibang bagay na pinagkakaabalahan niya—ang passion niya sa musika at ang pangangailangan sa pera. But in order to prove himself to Sheena, hindi excuse ang kapaguran para hindi magpatuloy sa pagtatrabaho.

Panandalian niyang itinigil ang pag-aayos ng motor at sinubukang tawagin si Sheena. Unfortunately, she didn't answer. Hindi na lang din siya nag-iwan ng mensahe. Wala rin siyang idea kung nag-umpisa na itong magtrabaho sa Lifetime Cherish. If she wanted space, then he must be patient to wait for her.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro