Chapter Twenty One
Pagkatapos ng kaunting salo-salo sa isang hotel & restaurant, pinaubaya na ng mga panauhin kina Sheena at Argon ang oras para sa kanilang honeymoon. Nakakahiya naman na tanggihan ang regalo ng mag-asawang Costales na package deal para sa kanila at good for one week pa ang kanilang pag-stay doon. Kahit tinanggihan na nila ang regalo, nag-insist pa rin ang mag-asawa kaya wala silang nagawa kundi simulan nang sulitin iyon para mag-unwind.
Nagdesisyon din sila na pag-usapan ang iilang problema sa una nilang gabi. Sheena insisted on drinking with her 'handsome husband' so she could rant confidently.
"Masama ba akong anak dahil sa ginawa ko kanina? Sinigawan ko si mama sa harap ng maraming tao," unang tanong ni Sheena at ininom agad ang alak na isinalin niya sa baso.
"Pero nanay mo naman ang nag-umpisa," mahinahong sagot pa ni Argon na sinimulan din ang pag-inom ng alak at pinakatitigan ang malungkot na mukha ni Sheena. Sa palagay niya, hindi maiibsan ng alak ang samá ng loob nito sa sariling magulang. He's not in the position to say that she also did wrong.
"Alam mo? Ngayon ko lang siya nakitang nag-alala para sa'kin," pakli naman ni Sheena.
"Parang apektado siya sa naging desisyon ko. Siguro kahit gano'n siya kagaga dati, may natitira pa rin pala siyang pagmamahal para sa'min na anak niya. She even presented herself to take care of Sally. Palibhasa, wala na siyang boyfriend ngayon. Pero sure ako, kapag nagkaroon na naman 'yon ng bago, kakaligtaan na naman niya kami ng kapatid ko."
"What if talaga ngang mahal niya kayo? Na talagang totoo ang concern niya? Kasi ang mga magulang naman, kahit hindi perfect, hindi naman nababali ang pagmamahal nila sa mga anak nila," sentimyento ni Argon na parang sinasaksak sa mga sandaling iyon—because it's not what he really believes in. He was raised alone by his mother.
"Kung mahal niya kami, hindi siya aalis at sasama sa kalaguyo niya. Hindi niya ipapasa sa'kin ang responsibilidad niya bilang ina." Kusang tumulo ang luha sa mga mata ni Sheena.
"I'm sorry Argon. Sorry kung nakikita mo akong madrama."
"No need to apologize, mas gusto ko nga na nakikita ka nang ganito. So I will have my own ways to comfort you as a friend. Para mas maunawaan ko ang pinanggagalingan mo." Pagkasabi pa lang ng katagang 'friend', parang mas lalong bumigat ang kalooban ni Argon. Sabi ng puso niya, hindi lang dapat pagiging kaibigan ang maiaalok niya kay Sheena lalo na't kasal na silang dalawa.
"How about you, Argon? Hula ko napakabait ng nanay mo, kabaligtaran sa nanay ko," hula ni Sheena, just to divert the topic. Hangga't maaari, ayaw na niyang pag-usapan ang pangit niyang ugnayan sa nanay niyang si Nora.
"Sobrang swerte ko na siya ang nanay ko. Pero hindi siya swerte sa tatay ko. Kasi to be honest, I'm a product of the infidelity of my parents."
Muling lumagok ng alak si Argon at tila naging teary-eyed ang kanyang mga mata bago ipagpatuloy ang kanyang kwento.
"Hindi alam ng nanay ko na may asawa na ang tatay ko nang may mamagitan sa kanila. Businessman ang tatay ko at mayaman siya, tinago niya kami sa isang bahay at pinapadalhan lang ng sustento. Pero wala na sila ni mama noon at 'yong gago kong tatay, hindi naman masyadong dumadalaw at walang interes na makita ako. The feeling is mutual. Nalaman ng legal wife ni papa ang tungkol sa amin at sinugod kami ni mama sa bahay. Pinahiya pa siya sa neighborhood namin. I was only seven at that time, pero ramdam na ramdam ko ang naramdaman ni mama. Noong sinampal siya ni Mrs. Guillermo, parang doble 'yong sampal sa'kin. Masakit. Doon ko napagtanto na kapag may dalawang taong nagtaksil, whether one or both of them were already married, hindi sila ang makakaranas ng matinding sakit. Ang makakaranas pala no'n ay yung batang magiging bunga ng kasalanan nila."
Sheena's heart broke at what she heard. She couldn't imagine being the one to bear Argon's pain at that moment. She might not be able to endure the experiences he had as a child—a child who's born out of wedlock.
"Kung naiiyak ka, huwag mong pigilan ang sarili mo. Hindi naman kita iju-judge," sambit pa ni Sheena upang iparating kay Argon na handa siyang damayan ito.
"Wala 'to." Umiling si Argon.
Ngunit habang lumalalim ang gabi at mas marami ang naiinom nilang alak, nagbago ang ihip ng hangin. Naging mas malapit ang kanilang usapan, na tungkol sa kanilang mga pangarap, at mga bagay na bihira nilang ipaalam kahit kanino. It could be the only way for them to deepen the connection they always had from the start.
Dahil sa impluwensya ng alak, bumaba ang kanilang mga depensa at tila napalapit pa sa isa't isa. Tumatawa sila nang malakas, sumasabay sa kantang naririnig habang nagtatagpo ang kanilang mga tingin. Sheena felt that she's slowly getting more intoxicated, not because of the alcohol but because of the way her husband stares at her—with a sense of longing in his eyes.
"Sheena, matulog ka na," bulong ni Argon saka binitawan ang hawak na baso. Inalalayan niya si Sheena na halatang matutumba na sa kalasingan. Alam niyang kailangan nilang magtira ng kaunting katinuan papunta sa hotel room. Hindi sila pwedeng malasing dahil alam niyang may hindi magandang kahihinatnan ang tagpong ito.
"Distance, please?" Hindi pagalit ang pagkakasabi ni Sheena, at lalong walang tono ng pakikiusap at pagmamakaawa. She walked alone to the hallway while feeling dizzy. Mabilis lang na nakasunod si Argon at nasalo siya nito bago pa siya bumagsak sa harap ng pinto ng designated room nila.
"Ang bigat mo," bulong ni Argon habang natatawang iniangat si Sheena. Parang napapaso siya kapag magkadikit sila nang ganito kaya dali-daling binitawan niya si Sheena, eksaktong pagkakalapit nila sa king size bed.
At sa isang sandaling puno ng katahimikan at pagtititig, halos maglapat ang kanilang mga labi. Sa isang kisap-mata, hinawakan ni Argon ang kamay ni Sheena, at hindi ito nagprotesta. Ang pag-aalinlangan sa kanilang kasunduan ay tila natunaw sa init ng mga sandali.
Ngunit bago pa sila tuluyang magpadala, biglang kumurap si Sheena at napagtanto ang nangyayari. Bumalik sa kanya ang kanilang kasunduan at mga dahilan kung bakit sila nagpakasal—hindi para sa damdamin, but only for the sake of their conveniences. Bumitiw siya at lumayo nang bahagya. Nakita ni Argon ang gulat sa kanyang mga mata, at bumalik siya sa katinuan. They almost kissed when they knew that they're just staring at each other for a minute.
"Sorry," mahinang bulong ni Sheena. Parang may isang malakas na alon na gumigimbal sa lalamunan niya ang nararamdamang kaba. Para rin siyang nabuhusan ng malamig na tubig dahil na-realize niya na siya ang unang bibigay sa kanilang dalawa. Ayaw niyang isipin ni Argon na nagpapakita siya ng kahit anong motibo.
"Sorry din," sagot ni Argon, pilit na ngumiti kahit may bakas ng panghihinayang sa kanyang mukha.
"Magpapahangin lang ako. Hindi tayo pwedeng maging ganito kalapit, Sheena." Napahawak sa sentido si Argon at umalis sa hotel room. Naisip niyang matulog sa bakanteng cottage na malapit din naman sa resort ng hotel na kinaroroonan nila.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro