Chapter Twenty Nine
Lumapit siya nang tahimik at sinuri ang asawa. Halatang pagod ito; may kaunting linya sa noo at mamula-mula ang pisngi. Nang ilapat niya ang likod ng kanyang palad sa noo nito, napagtanto niyang nilalagnat si Argon. Sa sobrang awa, napatigil siya. Naiisip niya ang lahat ng ginawa ni Argon para sa bahay at sa kanya kahit na iniwan niya ito nang walang paalam.
"Sheena, ano bang ginawa mo?" bulong niya sa sarili, pilit na nilalabanan ang mga luhang nagbabadyang bumagsak.
Marahan niyang ginising si Argon at bahagyang hinawakan ang balikat nito. Napamulat ang mata si Argon pagkalipas ng ilang minuto.
"Sheena?" mahina nitong tanong, halatang hirap magsalita dahil sa lagnat na dinaramdam. Alam niyang hindi siya nagdedeliryo. Si Sheena talaga ang nasa harap niya, umiiyak at tila nagmamakaawa para lang magising siya sa mga oras na 'yon. She's whimpering as if she's seeing someone on a verge of death.
Hindi na nakapagsalita si Sheena. Tumulo pa rin ang mga luha niya habang niyayakap si Argon nang mahigpit.
"I'm so sorry, Argon. I'm sorry na iniwan kita nang walang paalam. I shouldn't have done that."
Hindi muna kumibo si Argon, ngunit ramdam ni Sheena ang mahina niyang pagtapik sa likod nito.
"Sheena," mahinang sambit ni Argon, "Hindi mo kailangang mag-sorry. Pero kung sakaling aalis ka ulit, sana... sabihin mo man lang."
Napahagulgol lalo si Sheena. "Hindi na, Argon. Hindi na kita iiwan. Pangako."
***
Habang inaasikaso ni Sheena ang kalagayan ni Argon, napansin niya ang mga bagay na hindi niya pangkaraniwang makita sa bahay; ang ilang tools na nakakalat, mga bagong biniling ilaw, pati na rin ang mga resibo ng mga pinamili nito. Naiisip niyang kahit galit o nasaktan niya si Argon, inuna pa rin nito ang kapakanan niya at ginagawa nito ang makakaya nito para ipakita ang isang lalaki na may provider mindset.
Pagkalipas ng ilang oras, habang nakahiga si Argon sa kama, hindi niya napigilan ang mapangiti kay Sheena, and how he admired her kindness and doing a role of a caring wife.
"Bakit ganyan ka kung ngumiti?" tanong ni Sheena, na bahagyang nahiya.
"Wala lang. Siguro dahil nandito ka ulit," sagot ni Argon na hindi binabali ang tingin.
Hindi sumagot si Sheena. Hinawakan niya ang kamay ni Argon nang mahigpit. "Kung alam mo lang kung gaano kita nami-miss. Sa totoo lang, ikaw ang dahilan kung bakit parang may kulang sa lahat ng ginagawa ko."
Sa kabila ng iniindang karamdaman, tumawa si Argon nang mahina. "Sa totoo lang, nagtampo ako sa ginawa mo. You treated everything happened to us—like a one night stand. Naiintindihan kita, Sheena. Pero, nagsisi ka ba matapos mong isuko ang lahat?"
Mabilis na umiling si Sheena. "Wala akong pinagsisihan, kahit ang pagpapakasal ko sa'yo."
Lalong lumaki ang ngiti sa labi ni Argon at hindi na siya umimik pa. Wala siyang masabi dahil lumalamang ang kilig niya kahit hindi maganda ang kanyang pakiramdam. Marahil, hindi talaga pangkaraniwang lagnat ang dahilan ng kanyang panghihina. Maybe it was what they called 'love sick.' At ngayong nandito na ang lunas sa karamdamang iyon, he couldn't ask for anything.
"Argon, how about you?" untag sa kanya ni Sheena. "Pinagsisihan mo ba ang lahat?"
"Magpapakasal ba ako sa'yo kung may pagsisisi? When I decided to marry you, that's also when I finally realized na mahal na pala kita. But I think, the attraction started when I first saw you on our campus. Naiisip na pala kita noon pa. At kahit marami akong nakilala bago tayo magkita ulit, may feelings pa rin pala na hindi nawala. You left a space, dito." Tinuro ni Argon ang kaliwa niyang dibdib. His words were deep and sincere. Matagal niyang ni-rehearse ang mga katagang gusto niyang iparating kay Sheena. Nawala ang kaba sa kanyang dibdib, because it turns out that they're sharing the same feelings towards each other—that makes their marriage possible. Nawala ang takot niya na ma-reject ni Sheena dahil narinig na niya sa wakas ang gusto niyang marinig.
"Ikaw? Nagkagusto sa'kin during college? Do you still remember how I look like back then? I'm a total loser." Sheena's heart raced upon hearing her husband's confession. Naiiyak pa siya nang husto, hindi dahil sa pagsisisi niya nang takasan niya ang feelings niya kay Argon, kundi sa nag-uumapaw na kaligayahan.
"May loser ba na malakas ang loob at very straightforward?" Argon laughed and leaned himself closer. "Kung hindi ka lang nakakatakot noon o kung hindi lang sana ako tumigil sa pag-aaral, baka itinuloy ko na ang panliligaw na binabalak ko."
"Now I understand. May dahilan pala kung bakit hindi tayo nagkaroon ng pagkakataon na magkalapit noon. I'm starting to believe that it's God's plan so we can pursue our careers first. Kahit nagkaiba tayo ng landas, napabuti pa rin ang mga sitwasyon natin. And then in a blink of an eye, nagkita tayo sa madilim na kalsada at nasundan pa pala 'yon sa yate. Napaka-mind blowing, to think na nangyari lahat sa loob lang ng iisang taon." Walang pagsidlan ang kaligayahan ni Sheena. Hindi niya ginawang iiwas ang sarili kay Argon. There's no need to resist when she finally knew his heart.
"Meeting you was God's blessing from heaven," dagdag ni Argon. "Binigay ka Niya kahit may pagkademonyo ako dati."
"When I met you at the yacht, ramdam ko na sobrang buti mong tao. But still, sorry for being doubtful about your attitude," paumanhin ni Sheena.
"I understand Sheena. You don't have time to fall in love and know different people, kaya cautious ka sa mga nakakasalamuha mo. Now, ia-assume ko na lang na baka kasama ako sa dahilan kung bakit hindi ka nag-boyfriend." Argon meant to be bragging but playful with his words. Pinakitaan pa niya ng nakakalokong ngiti si Sheena.
"Ang yabang agad. Gaya ng sinabi ko, busy lang ako. I met a lot of guys na mas gwapo pa sa'yo." Mas niyabangan ni Sheena ang pagkakasabi, but later on, nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na guilt.
"Sorry. Nagbibiro lang ako." Naging maamo ang mga mata niya.
"Hindi ako na-offend. I have a strong self-awareness," pag-amin ni Argon. "And I'm so proud dahil ako pa rin ang pinili mo. It felt like you really waited for me, not for someone like me."
"Wala kang katulad, Argon." Sheena's ear-to-ear smile made her more lovely to look at. Kahit wala na siyang sabihin pa, it was very evident that she's into her husband. It seemed like since then, she already fell into a deep rabbit hole upon knowing Argon.
"Don't make me smile, Sheena. Bago ko pa makalimutan na may sakit ako ngayon," Argon smiled in a sly way. Even though he can't forget their first night together, he didn't dare to think of something that's beyond oversexualizing. He loved her purely. He admired her thoughts and soul more than anything else. Things are still controllable.
"I didn't want that, Argon," paglilinaw ni Sheena at mas naging pilya ang ngiti sa kanyang kabiyak. "I mean, I still want that. I want more, to be honest. But it's still scary. Ang sakit din ng katawan ko. Gano'n pala ang feeling."
"Sana hindi ka umalis agad, para man lang naalagaan kita at nakabawi man lang ako." Mas lalo siyang nilapitan ni Argon at niyakap na siya nang mahigpit.
"Bigay ni mama." Ipinakita ni Sheena ang kahon na naglalaman ng regalo pagkatapos nilang magyakapan. "Para sa'yo raw. I have no idea what's inside."
"Mabait na anak ka na pala ngayon," biro pa ni Argon. "You did well, Sheena. Kahit alam kong mahirap para sa'yo na makipag-reconcile."
"Kailangan para mas maging maayos na rin tayo, Argon. Plus, I have to build a peaceful environment for Sally."
"Mas lalo akong naf-fall sa'yo dahil d'yan," Argon commended. Pagkabukas niya sa box, isang eleganteng suit ang naroon. May note pang nakatago sa bulsa.
"To Argon: Sana maibalik ko ang time na kinasal kayo ng panganay kong si Sheena, o kaya sana'y maikasal na kayo ulit. Kung sakaling ikakasal kayo ulit, sana isuot mo ito. Bagay na bagay ito sa gwapong manugang na katulad mo. — Nora, your mother-in-law."
Pumalakpak ang tainga ni Argon nang mabasa niya ang message. Isang affirmation ang regalo, na talagang tanggap na siya bilang asawa ni Sheena.
"Gusto ni mama ng next wedding. Ano sa tingin mo?" biglang tanong ni Argon. Nai-imagine pa lang niya na magkakaroon sila ng intimate wedding ni Sheena, hindi na siya mapakali.
"Gusto ko rin 'yon." Sheena leaned herself closer and stole a kiss on her husband's cheeks.
Later on, they talked everything about what happened while they're away from each other. Kasama na rin sa mga pinag-usapan nila ang mga plano na gagawin nila nang magkasama bilang totoong mag-asawa na nagmamahalan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro