Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Twenty Five

Pagmulat ng mga mata ni Sheena, unang bumungad sa kanya ang liwanag na sumisilip mula sa kurtina ng hotel room. Kasabay nito ang bigat sa kanyang dibdib. Napatingin siya sa tabi niya at nakita si Argon, mahimbing pang natutulog. Ang mga alaala ng nagdaang gabi ay bumalik sa kanya—ang bawat yakap, halik, at ang katotohanang hindi na nila kayang itago ang kanilang nararamdaman.

Ngunit kasabay ng alaala ay ang biglaang bugso ng hiya. Para bang ang lahat ng nangyari ay isang pagkakamali.

"Bakit ko hinayaan na mangyari ito?" tanong niya sa sarili, kahit malinaw pa sa mineral water na siya ang mas nag-enjoy sa namagitan sa kanila ni Argon. The innocence was gone, but it's the sweetest feeling she had.

Mabilis siyang tumayo at nagbihis. Nakita pa niya ang undergarments nila na nagkalat sa sahig, including that—used protection. Bahagya siyang natawa at umiiling. Tahimik ang kanyang mga galaw, parang natatakot na magising si Argon. Nagsimula siyang mag-impake ng kanyang gamit, pilit na nilalabanan ang sariling damdamin na bumalik sa kama at yakapin muli ang lalaking mahal niya.

"My principles are now broken, at ako mismo ang may kagagawan..."

Pagkatapos mag-ayos, umupo siya sa maliit na mesa at nagsulat ng isang maikling mensahe sa papel.

To Argon:

Biglang nagbago ang schedule ng orientation ko bilang marriage counselor. Kailangan ko nang umalis agad. Pasensya na kung hindi na kita ginising. Salamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin nitong mga nakaraang araw. I left a pocket money for your transpo back to Manila. Ingat ka.

— Sheena

Iniwan niya ang papel sa bedside table at tumalikod, pilit na pinapakalma ang sarili habang nilalakad ang pintuan ng kwarto. Bago siya tuluyang lumabas, saglit siyang lumingon at pinanood si Argon sa huling pagkakataon.

***

Nagising si Argon makalipas ang ilang oras, ramdam ang kakaibang lungkot sa silid. Agad niyang napansin ang kawalan ni Sheena. Napatingin siya sa bedside table at nabasa ang iniwang mensahe nito.

"Orientation?" bulong niya sa sarili habang hawak ang papel. Alam niyang hindi totoo ang sinulat ni Sheena. Alam niyang sinabi ni Mrs. Costales na walang magbabago sa schedule ni Sheena at patatapusin lang muna ang honeymoon bago ito sumalang sa orientation. He felt sad at that moment. Hindi niya akalaing sa kabila ng nangyari sa kanila kagabi, magagawa pa nitong umalis na parang walang kahulugan ang lahat.

"Trust issues? Bahala ka na nga," may hinanakit niyang sabi sa sarili at sa halip na magmukmok, nagbihis na lang siya ng damit at inayos ang sarili.

"Tapos nag-iwan pa talaga ng pera. Anong tingin niya sa'kin? Call boy?" patuloy niyang pagmamaktol. Iniayos niya ang bedsheet at napansing naiwan ang hibla ng buhok ni Sheena. There's also a trace of her lipstick and a scent of her perfume. Kahit may kaunting tampo, bigla na lang siyang napangiti at naalala ang mga nangyari sa kanilang dalawa. It was indeed unforgettable.

Sa halip na sundan si Sheena o kwestyunin ito, napagdesisyunan ni Argon na manatili na lang sa hotel. Gusto niyang bigyan si Sheena ng espasyo, ngunit kailangan din niyang harapin ang sariling damdamin.

"Sabagay. Hindi ko kailangang magmadali. Maghihintay ako sa tamang panahon," sabi niya sa sarili na biglang naging determinado.

Lumabas siya ng kwarto at may magandang bagay na namang pumasok sa isip niya, bukod pa sa alaala nila ni Sheena. It would be a best time to do something to distract himself. Bumalik siya sa beach at hinanap ang band member na naka-interact niya sa party kagabi sa couple games.

"Bro, pwede bang makaistorbo saglit? Pwede ko bang maarkila ang gitara mo? Magre-record lang ako ng song cover habang nandito pa ako," sabi niya sa kanyang pakay na agad naman siyang pinagbigyan.

Habang nakatingin sa dagat, naisip niya ang mga panahong ginagamit niya ang musika upang maipahayag ang kanyang nararamdaman. This is still the perfect time. Nag-flashback pa nga sa isip niya ang sinabi ni Sheena noong muli silang magkita sa yacht party.

"Walang age limit sa pag-abot ng pangarap."

Iilang awit din ang nai-cover niya sa loob ng ilang oras. Habang kumakanta, isinama niya ang damdamin ng nagdaang gabi. Ang bawat liriko, ay nagbigay-linaw pa sa kanyang nararamdaman.

Binuksan niya ang kanyang YouTube channel, na matagal nang nakalimutan nang makabalik siya sa hotel room. Pinanood niya rin ang mga luma niyang cover videos, at muling naramdaman ang pagkasabik na umawit at magbahagi ng talento sa internet.

"Ang bata ko pa rito. And mama was still with me." He got a bittersweet moment while reminiscing. Pero sa halip na magpatalo sa lungkot, ibinaling na lang niya ang atensyon sa pag-e-edit ng video na gusto niyang i-upload.

"This is for those who can't express how they feel. And even when they do, it seems like the people they care about don't trust them. But you can't blame them, just prove your heart and show them how sincere you are. Be patient," isinulat niya sa caption.

He uploaded his own rendition of "Promise Ain't Enough" by Daryl Hall & John Oates, a 1997 classic.

"Magno-notif kaya sa kanya ang uploaded video ko? Naka-sub pa kaya siya?" He shrugged and smiled for a while. Sunod namang gagawin niya ay ang pagba-backread ng necessary requirements sa job posting sa isang cruise. Gaya ng gustong mangyari ni Sheena, hindi sila pwedeng magkita at kailangan na nilang i-pursue ang kani-kanilang career.

"If I know, baka ito lang din ang way mo para umiwas," sambit niya at bagot na nagpakawala ng malalim na buntonghininga.

Hindi pa rin niya alam kung kailan babalik si Sheena, o kung babalikan pa siya nito sa kanilang honeymoon. Sa bawat linya ng kantang kanyang inaawit, naroon ang pangako niya sa sarili—hindi siya susuko sa kanilang dalawa. Kung may paraan upang muli nilang mahanap ang isa't isa, gagawin niya iyon, ngunit alam niyang hindi pa ito ang right timing.

Sa ngayon, sapat nang buuin muli niya ang kanyang sarili, habang hinahayaan si Sheena na harapin ang sarili nitong damdamin.  

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro