Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Twenty Eight

Abala si Sheena sa pag-aayos ng bagong bahay ng kapatid niyang si Sally na hanggang ngayon ay hindi pa niya nababayaran nang buo. Isang simpleng lugar lang ito, pero sapat para maging panibagong simula para sa kanila.

"Huwag mo nang isipin 'yong mga nangyari noon," sabi ni Sheena habang pinupunasan ang bintana. "Ang mahalaga, nandito ka na, at kaya mo nang magsimula ulit. At nandito si mama."

"Salamat, Ate," mahinang sagot ni Sally. "Pero paano ka naman? Hindi mo rin naman kayang itago 'yan. Kita ko na may bumabagabag sa'yo. Nag-away ba kayo ni Kuya Argon? Kung oo, away agad? Hindi man lang kayo nag-enjoy sa honeymoon?"

"Nag-enjoy naman." Napatingin si Sheena sa kapatid. Sa totoo lang, mas gusto niyang takasan ang sariling emosyon kaysa harapin ito.

"Okay lang ako, Sally. Hindi ito tungkol sa akin," sagot niya, pilit na ngumiti. "This is about your new start, or sige about us. Dahil makikipag-ayos na ako kay mama."

"Dahil ba sinabi ni Kuya Argon na makipag-ayos ka na lang? Hmmm... Nakakatuwa ka ate, nabago ka ng pag-ibig. Lumambot na talaga ang puso mo," pambubuyo pa ni Sally.

"Para namang pinamumukha mo sa'kin na may pusong bato ako noon," nakasimangot na tugon ni Sheena.

"Oo kaya. Strong na strong ka pero noong nakikita ko kung paano ka alalayan ni Kuya Argon habang hinahanda n'yo ang pagpapakasal, parang naging soft ka," sagot naman ni Sally na may mapanudyong halakhak.

"Soft? Like a Disney Princess? Mahinhin?" Umiling si Sheena at itinago ang ngiti sa labi. She didn't expect that Sally remained observant of her actions.

"Si Kuya Argon ang idol mo 'di ba? Tapos siya rin ang nakatuluyan mo. Pinag-pray mo ba na mapunta siya sa'yo? At saka, bakit itinago mo sa'min na nagde-date na pala kayo dati?" Sally's playful grin was enough to pressure Sheena from answering those intriguing questions.

"Kailan lang naman kami nagkita," kibit-balikat ni Sheena. Kailan nga lang, pero tila hindi na mabubuwag ang koneksyong nabuo nila sa maikling panahon. At napakarami nang nangyari na hindi niya inaasahan. All of those memories were for keeps. Ramdam niya ang bigat sa kaunting sagot.

"Ah, kasi LDR. Pero ate, ano nga? Pinagdasal mo ba na sana magkatuluyan kayo?" untag pa ni Sally.

"Not really." Dahil hindi naman talaga. She also didn't expect to meet him after so many years. Maybe it was God's plan because loving Argon really changed her. Then, her hands hovered over a stack of photo frames. Naipaling niya ang tingin sa nakababatang kapatid.

“Honestly, Sally, hindi ko siya naisip ipagdasal noon kasi... akala ko, imposible. Pero siguro, God has a way of showing us na kahit hindi natin hinihingi, binibigay Niya ang mga taong kakailanganin natin, kahit hindi natin alam sa simula na kailangan pala natin sila—so that we can feel His love through them.”

Sally tilted her head, smiling knowingly. "Ang lalim naman. Ate, halata naman sa'yo na mahal na mahal mo talaga si Kuya. Huwag ka nang mag-deny. Kung ang away n'yo ay dahil kay mama, hindi ko naman siya masisi kung may samá siya ng loob. Pero ang maganda ngayon, ikaw na ang nagpapakumbaba. Hindi kita nakitang ganyan noon, ate."

Napabuntong-hininga si Sheena at tila napagtanto na tama nga ang mga sinabi ng younger sister niya. "Oo na, mahal ko siya. Pero—" Hindi niya natapos ang sasabihin nang biglang bumukas ang pinto.

"Mga anak..."

Nanlaki ang mga mata ni Sheena at Sally nang makita ang kanilang ina, si Nora, na nakatayo sa pintuan at halatang kabado. Agad silang napatigil sa ginagawa.

"Ma?" bulong ni Sally, ang boses puno ng pag-aalinlangan.

Sheena felt her heart drop. Tila dekada na ang tinagal mula nang huling magkita sila ng ina kahit mahigit na isang buwan pa lang ang ginawa nitong pagpigil sa kasal nila ni Argon. Kahit pa noong mga panahong bumagsak ang buhay nila, ramdam niyang hindi gano'n kadaling maghilom ang sugat ng kanilang ugnayan bilang mag-ina. Pero ngayong nagkaharap na sila, para bang kahit naaalala niya lahat ng hinanakit, nakalimutan naman niya ang pakiramdam ng mga ito. She finally realized that love really changed her heart.

"S-sheena, Sally..." Humakbang si Nora papasok at nanginginig pa ang boses. "Alam kong hindi ko ito magagawa noon, pero— gusto kong humingi ng tawad. Sa lahat."

Agad na tumulo ang luha ni Sally. "Ma..."

Si Sheena, na kanina'y pigil ang damdamin, ay di na rin napigilan ang sarili.

"Ma, iniwan mo kami. Paano mo nagawang talikuran kami noong kailangan ka namin?"

Napasapo si Nora sa kanyang mukha. "Alam ko, anak. Wala akong valid na dahilan para sa mga pagkukulang ko, dahil nagkamali ako."

Tumulo ang luha ni Sheena habang nakatingin sa kanyang ina. Ilang saglit ng katahimikan ang lumipas bago siya nagsalita.

"Ma, masakit. Masakit lahat ng nangyari. Pero kung sincere ka..." Tumigil siya upang punasan ang luha sa kanyang pisngi. "Handa akong magpatawad. Dahil kahit papaano, nanay pa rin kita."

Hindi na napigilan ni Nora ang humikbi. Lumapit siya sa dalawa niyang anak at niyakap ang mga ito nang mahigpit. They both cried as they were embraced in their mother's arms.

"Ipinagmamalaki ko kayong dalawa," madamdaming wika ni Nora.

"Sheena, alam kong hindi ko pa nasasabi ito, pero proud ako sa lahat ng narating mo. At kahit hindi ko lubos na naintindihan ang mga desisyon mo, kasama na ang biglaan mong pagpapakasal kay Argon, tandaan mo na lagi kitang pinagdarasal." Tumigil ito saglit at ngumiti nang tipid.

"Sorry kung ikaw ang gumawa ng tungkulin na dapat ako ang gumawa," emosyonal na dagdag pa nito.

Tumango lamang si Sheena at muling niyakap si Nora. "May kailangan ka pang ihingi ng sorry sa'kin."

"Ano?"

"Mag-sorry ka dahil sinabi mo one time na naiinis ka dahil hindi ko naging kamukha si Sheena Easton, 'yong idol mo na singer. Pinaglihi mo ako sa kanya 'di ba? You also named me after her." Natatawa si Sheena nang bitawan ang salitang iyon.

"Anak naman, nagbibiro lang ako no'n," hagikhik ni Nora. "Malabong maging kamukha mo ang puti dahil hindi naman 'yon ang lahi natin."

"Mag-sorry ka rin sa'kin ma," hirit pa ni Sally.

"Para saan? Nauna pa akong mag-sorry sa'yo, ah." Labis naman ang pagtataka sa boses ni Nora.

"Mag-sorry ka kasi pinapatay mo ang TV tuwing 5pm para makatipid tayo ng kuryente, kahit sinasabi ko na airing na ng paborito kong palabas sa mga oras na 'yon," pabirong hirit ni Sally.

Nagtawanan silang lahat. Gumaan ang sitwasyon at ilang saglit pa, muling nagsalita si Nora nang balingan niya si Sheena.

"Alam kong mahal ka ng asawa mo, at alam kong ginusto mo rin iyon. Kaya gusto ko lang magpasalamat na ginawa niya ang papel ko bilang tagapagtanggol mo."

"Ma..." Napayakap ulit si Sheena sa kanyang ina.

"Bago ako umalis," dagdag ni Nora habang pinupunasan ang luha sa mga mata. "Gusto kong iwan ito."

"Para ito sa kasal ninyo," aniya habang iniabot ang unang kahon kay Sheena. "Hindi ko man naipakita noon, pero ito lang ang paraan ko para ipakita na tinatanggap ko na ang naging kasal ninyo."

Binuksan ni Sheena ang kahon at nakita ang isang intricately designed na photo album na may nakaukit na mga salitang: "A New Beginning."

"Puwede ninyong punuin ito ng lahat ng magagandang alaala ninyo. Para maalala ninyo kung paano kayo nagsimula. Sorry kung iyan lang ang nakayanan kong ibigay."

Ang pangalawang kahon ay mas malaki at may magandang pagkakabalot. "At ito para kay Argon. Pakiabot na lang. Sana magustuhan niya."

Hindi na pinilit ni Sheena na buksan ang kahon, pero alam niyang sincere ang intensyon ng ina.

***

Matapos ang ilang linggong pag-iwas at pagkalito at pag-aasikaso kay Sally, napagdesisyunan ni Sheena na umuwi sa townhouse. Naging mahirap man ang mga nagdaan para sa kanya, tila gumaan ang bigat sa kanyang dibdib. Matagal din niyang tinakasan at itinanggi ang mga tampo sa kanyang pamilya, at sa wakas, nabigyan na nila ng linaw ang kanilang mga di pagkakaunawaan. This is the only effective way to do her job as a marriage counselor. She had to let go the resentment so she can give good and rational advices to her clients. This is also good to live a harmonious married life.

Married life. Muling na-instill sa utak niya na iba na nga pala ang kanyang sitwasyon at kailangan niyang makausap si Argon. The out of communication with him bothered her. Hindi niya nagawang mag-return call kahit tinatawagan siya nito. He might think that she's upset about what happened during their honeymoon, kahit ginusto naman niya talaga.

Pagdating niya sa sariling bahay, napansin agad ni Sheena ang ilang pagbabago. Ang dating magulong bakuran ay maayos nang naputulan ng damo, at ang mga pundidong ilaw sa labas ng bahay ay napalitan na ng bago. Binuksan niya ang pinto, at mas lalo siyang nagulat nang makita ang loob. All were neat and organized.

Sa sala, napansin niya ang isang lalaking nakahiga sa couch. It's Argon, obviously. Natutulog nang mahimbing, hawak pa ang kanyang cellphone at isang notebook na mukhang puno ng listed plans. Napansin din niya ang ilang papeles sa tabi nito—mga dokumento na tila nauugnay sa pending applications nito bilang cruise crew.  

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro