Chapter Twenty
Few weeks later...
Naiayos na nila Sheena at Argon ang kanilang kasal. Isang simpleng seremonya na magaganap sa isang maliit na wedding hall sa labas ng lungsod. Kaunti lamang ang mga bisita, tulad ng napagkasunduan nila dahil palabas lang naman ito kung maituturing.
Nandoon si Grace, na isa sa mga unang naniwala sa kanilang plano at ang tanging nakakaalam ng tunay na setup nila ni Argon. Nakaupo rin sa unahan sina Auntie Veron at Uncle Celso na parehong seryoso at nagmamasid. Sa kabilang banda naman, tahimik na nakaupo si Sally, ang kapatid ni Sheena, na patuloy pa rin ang recovery sa mental illness nito. Nagulat man sa biglang desisyon ng kanyang ate, wala siyang ginawang pagtutol at matagal na rin naman niyang pinangarap na maikasal ito. Ang mga mata niya ay puno ng pag-asa, at halatang pinipilit nitong maging matatag para sa kapatid.
Ang mga ninong at ninang sa kasal, ay sina Mr. at Mrs. Costales. Maaliwalas ang kanilang mga ngiti at mayroong kumpyansa na ang pag-iisang dibdib nina Argon at Sheena ay may patutunguhan.
Nang magsimula na ang seremonya, lumakad si Sheena sa gitna ng aisle, suot ang isang simple ngunit eleganteng puting bestida.
Nakatingin si Argon sa kanyang bride, habang bitbit sa puso ang magkahalong kaba at kasiyahan. Ang mga mata nilang nagtagpo ay tila nagsasalita ng mga lihim na hindi kailanman mabibigkas sa harap ng mga saksi sa kasal na ito.
Nag-umpisa na ang judge na mag-o-officiate ng kasal sa mga pangungusap na, "If anyone here has objections to this marriage, speak now or forever hold your peace."
Out of the blue, biglang nagkaroon ng kaunting tunog ng mga yabag sa entrance ng wedding hall. Lumingon ang lahat, at doon nakita nila si Nora, na parang kasingbilis ng kidlat na sumugod sa harapan.
"Huwag! Hindi pwedeng ituloy ang kasalang ito!" sigaw ni Nora na puno ng galit at pangamba. Ang lahat ay napatingin sa kanya, lubhang nabigla sa kanyang biglaang pagdating.
"Ma, ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ni Sheena, na agad namang lumamig ang pakiramdam. Ramdam niya ang tensyon sa paligid at ang pagpintig ng kanyang puso na parang babasag na sa kaba.
"Anong ginagawa ko? Nililigtas kita sa maling desisyon na ito! Isang musikero? Walang matinong trabaho? Hindi ka niya mapapakain, Sheena!" sigaw ni Nora habang lumalapit sa altar.
"Ma, please. Huwag mong gawin ito. Kailangan ko ito, kailangan namin ito," pakiusap ni Sheena, na pilit pinipigilan ang pagpatak ng kanyang luha. Tumayo si Argon nang matatag, hawak niya ang kamay ni Sheena para iparamdam na naroon siya, na handa siyang ipaglaban ang araw na iyon, gaano man ito kakomplikado.
"Hindi mo naiintindihan, Sheena! Ang buhay ay hindi basta-basta. Isang malaking pagkakamali ito, at ayokong makita kang magdusa!" umiiyak na sabi ni Nora, na tila humuhugot ng lakas mula sa bawat alaala ng kanyang sariling pagkakamali noon.
Nagsimulang magbulungan ang mga bisita, at halata ang gulat sa mukha nina Grace, Auntie Veron, at Uncle Celso. Si Sally naman, na tahimik na nakaupo, ay hindi malaman kung paano magre-react sa nagaganap. Lumapit siya sa kanyang ina, hawak ang mga kamay nito para pigilan ito sa pagsugod pa sa altar.
"Ma, tama na please. I-consider naman natin ang kaligayahan ni ate kahit ngayong araw lang," pagmamakaawa ni Sally.
"Ma, hindi mo na kami mapipigilan," mariing sabi ni Sheena. Humarap siya kay Nora, at sa kauna-unahang pagkakataon, nakita ng lahat ang tapang sa kanyang mga mata. "Hindi mo na kontrolado ang mga desisyon ko. Wala ka naman noong mga sandaling kinailangan kita."
Saglit na natigilan si Nora, nakita sa mga mata niya ang pagkalito at bahagyang pagdurog ng puso. Ramdam ng lahat ang bigat ng mga salitang binitawan ni Sheena.
Sa wakas, si Argon ay nagkaroon ng kumpiyansa para sumabat. Ipinakita ang tunay na pagkatao sa mga mata ng kanyang magiging byenan. Sigurado siyang hindi mapipigilan ang kasal na ito.
"Ma'am, alam kong wala akong pinagmamalaking karangyaan. Pero ipapangako ko sa inyo, hindi ko pababayaan si Sheena. Hindi naman po ako perpekto pero tunay ang pagmamahal ko para sa kanya."
Natigilan si Nora sa kanyang mga sinabi. Wala siyang ibang nagawa maliban sa pag-alis, bitbit ang samá ng loob. Tumahimik ang paligid, at sa isang iglap, tila nagbago ang timpla ng eksena. Ngunit bago pa man maipagpatuloy ang seremonya, alam ni Sheena sa puso niya na kailangan nilang harapin ang mga susunod na hamon, kahit na hindi pa tuluyang nakuha ang basbas ng kanyang ina.
Ilang minuto ang ginugol ng judge para itanong nang maigi kina Sheena at Argon kung itutuloy pa ba ang kasal. Gustuhin mang sabihin nina Uncle Celso at Auntie Veron na huwag nang ituloy, wala naman sila sa posisyon na panghawakan ang sariling kaligayahan ng kanilang pamangkin na si Argon, kahit pa naaawa sila dahil napakinggan nila kung paano ito tapunan ng insulto ng mismong nanay pa ng mapapangasawa nito.
"Itutuloy po namin ang kasal," matatag na sambit ni Sheena saka pinunasan ang kanyang luha.
"Desidido na po kami rito," dagdag pa ni Argon. At nagpatuloy na nga ang seremonya na parang walang nangyari.
"You may now kiss the bride..."
Nagpalitan ng tingin sina Sheena at Argon, tila nag-aalangan kung gagawin ba nila ang kiss o hindi na lang. Inulit pa nga ng judge ang katagang iyon kaya natauhan silang dalawa. Argon leaned himself lower to kiss the woman he admired secretly. Marahang paghalik man, pero ramdam ni Sheena ang init ng labi ng kanyang asawa. She responded to those kisses as if she really loved him.
Ganap silang ikinasal sa harap ng batas at sa harap ng Diyos. Lahat ng panauhin ay kumbinsido na tunay ang nararamdaman nilang pagmamahal sa mga sandaling iyon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro