Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Three

Nakatitig lang si Sheena Tolentino sa email na nagpa-pop up sa kanyang screen.

"Yacht Party: Arriendo Law Firm Annual Gathering."

Napabuntong-hininga siya habang pinagmamasdan ang mga fancy details ng imbitasyon. Isang eleganteng yacht party at formal attire ang required. Sa huling linya siya napairap.

"Plus one encouraged."

Hindi na niya kinailangang isipin kung sino ang dadalhin niya. Wala siyang mabibitbit. Lahat ng kaibigan niyang kasama sa law firm ay engaged, married, o taken. Siya na lang ang napag-iwanan—single at mukhang nananatiling gano'n hanggang sa susunod na taon. Hindi siya worried kung hindi lang required na married dapat ang marriage counselor sa Lifetime Cherish.

"Ang dami na nilang ginagawa na couple themes habang karamihan sa kanila, mga taksil naman," reklamo ni Sheena. Nag-text na lang siya kay Grace at tinanong kung sasama ito. Mabilis naman siyang nakatanggap ng reply.

"Oo, beh. Sagot naman ng company ang transpo allowance saka nando'n ang owner ng Lifetime Cherish, hindi ba't doon ka nag-apply? Kung may problema ka pa rin sa hindi nila pag-consider sa'yo, I suggest na gamitin mo ang opportunidad na 'yon para makalapit sa mismong boss."

Maganda ang ideya ni Grace, pero hindi iyon nagpatigil sa kanya para mag-rant pa rin via sms reply. "Naghahanap yata sila ng mga dahilan para ma-outsource ang mga single katulad ko!"

"Well, baka nga," biro ni Grace.

"Pero Sheena, seryoso. You have to go. It's a chance for you to talk to Ms. Daria. Siya ang owner, kaibigan din pala siya ni Ms. Rhonda saka wala namang problema talaga na lumipat ka do'n, kailangan mo lang talaga ng pretend boyfriend."

Huminga muna nang malalim si Sheena bago mag-reply. Ilang linggo nang kumakalat ang balita tungkol sa pagbabago ng pamunuan at restructuring sa firm. Bukod pa sa natanggap nilang memo tungkol sa mga pagbabawas ng empleyado. Sa HR nga lang niya nalaman na kasama siya sa tatanggalin at hindi pa iyon pinaalam sa kanya ni Mrs. Rhonda Arriendo, na asawa ng owner ng Arriendo Law Firm. Kaya kailangang unahan na niya ang sitwasyong hindi na niya kayang kontrolin. Kailangan na ipakita niya kay Ms. Rhonda na madali siyang makakalipat at hindi siya nagtatampo dahil lang napasama siya sa listahan ng mga empleyadong mate-terminate.

"May alam ka ba na boyfriend for hire company or sort of that thing?" Buti na lang at sa text niya lang ito tinanong. Magtutunog desperada kasi siya kung personal niyang itatanong iyon kay Grace.

"Sa dating apps ka na lang maghanap, beh."

"Huwag do'n. Pugad iyon ng gays, younger guys, at mga lalaking taken na pala pero humaharot. I want to meet a decent guy na kokontratahin ko lang."

"Beh hindi na kita matutulungan d'yan. You have to date an actual man na pwede mong maging bf, for real! Even AI won't solve your problem."

Napahilot na lamang sa sintido si Sheena at inilapag sa desktop table ang kanyang phone.

***

Hindi pa rin tinatangay ng hangin ang overwhelming thoughts ni Sheena habang papalapit. Maging sa pagpasok niya sa venue, ramdam niya ang elegant ambiance ng party. Ang mga kasamahan niya, naka-formal wear, may kani-kaniyang partner na nakangiti at nagtatawanan habang may hawak na wine glasses. Habang siya, walang ibang dala kundi ang kanyang maliit na clutch bag at isang malaking problema.

Bago pa man tuluyang malunod si Sheena sa sobrang nerbyos, narinig niya ang pamilyar na boses mula sa likuran.

"Hi, Sheena!" Enthusiastic ngunit halatang hesitant ang tono ng pagbati sa kanya ni Mrs. Rhonda Arriendo, ang asawa ng may-ari ng law firm na pinapasukan niya, as of now.

Ito lang ang pagkakataon na nagkita silang muli ni Sheena. Tumatanaw ng utang na loob si Sheena kay Mrs. Arriendo dahil nagustuhan ng ginang ang ginagawang trabaho ni Sheena noon bilang part time filing clerk. She was also absorbed as one of the firm's interns because of that exceptional skill. Sa dami ba namang tambak na files noon, kailangan nila ng mabilis na clerk at si Sheena na nga ang pinakamagaling sa lahat. Pushover lang din ang turing nito kay Sheena noon na napagtiisan naman niya hangga't sa makapagtapos siya sa college.

Sa tagal din niyang kakilala si Mrs. Arriendo, alam na agad ni Sheena na hilaw ang ngiting pinapakita nito ngayon.

"I'm sorry if hindi pa sa'kin mismo nakarating ang balita. I've been so busy. Hindi kita na-inform," tila malungkot na sambit ng ginang, as if Sheena will buy that.

"I understand, ma'am. You don't have to apologize. Besides, I already rendered my resignation, a week ago," mapagpakumbabang sagot ni Sheena at saka sinalubong ang tingin ng kanyang magiging ex boss—kung sakaling paaalisin na talaga siya sa law firm.

"I understand that we have to move forward after things won't go our way," dagdag niya.

"Alam kong nagtatampo ka, Sheena. Hindi ko naman gusto na ikaw ang mapasama sa list. Sadyang hindi maganda ang lagay ng firm ngayon at asawa ko ang may kontrol sa lahat," apologetic na pahayag ni Mrs. Arriendo.

"It's very obvious ma'am, naiintindihan ko naman kayo," tugon ni Sheena at parang pinipigilan lang ang mga luha niya na pumatak. Gusto niyang ipamukha na matagal niyang tiniis ang pagpapakilala niya kay Mrs. Arriendo at kahit papaano, deserve pa rin niyang bigyan man lang ng recommendation o mas magandang lilipatan. Ilang taon din niyang ginagawa ang pagpapakaalalay dito nang walang bayad. Kapag may check-up at personal na lakad ang lady boss, si Sheena ang umaasikaso. Mas lamang pa nga ang nagagawa niya sa labas kumpara sa pag-stay niya sa office. Probably, Mrs. Arriendo hired a permanent assistant kaya wala nang halaga ang hard work ni Sheena.

"Sheena, hindi ko talaga ginusto," giit ni Mrs. Arriendo.

"Ma'am, naiintindihan ko nga po. So paano po? I'll excuse myself for a while, kailangan ko lang pong mag-retouch."

Hindi na hinintay ni Sheena ang pagpayag ng soon to be former boss niya, saka niya lang pinakawalan ang mga luha nang makarating siya sa restroom. Doon niya lang din nagawa ang malakas na paghagulhol. Mahalaga ang career na mayro'n siya, at kapag mabakante siya ng ilang buwan, masisira na ang finances niya at magagalaw ang mga pera niyang naipon. If her friends find out that she's not in the law firm anymore, tiyak na marami pa siyang side comments na maririnig. Kaya ang mas mahalaga, ay kung paano siya makakapasok sa Lifetime Cherish para hindi pumangit ang standing ng kanyang karera.

So this is what it feels like to be discarded by the company you've given your loyalty to. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro