Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Thirty Two

Habang tahimik na natutulog si Sheena, bumangon si Argon mula sa kama.

"I'm sorry, Sheena. Hindi na ako magpapaalam, but I promise, babalik ako." Hinagkan niya ito bago umalis. He seemed unpredictable, but as of now, he can't control it. He can't think properly. The only way he could think to resolve the conflict is to be confrontational, but in a calm and civil manner. Isinuot niya ang kanyang jacket at maingat na lumabas ng bahay. Hindi niya kayang tiisin ang ginawa ni Chezka kay Sheena; kailangang humarap siya sa kanyang half-sister upang wakasan ang lahat ng ito.

He waited for sunrise before he decided to show up in front of the Guillermo mansion. Sinubukan niyang pakiusapan ang mga guwardiya para lang makausap niya si half-sister. Ngunit sa halip na papasukin siya, dumating ang mga pulis matapos tumawag si Chezka.

"Gustong-gusto mo talagang ipasok ang sarili mo sa pamilya namin, hindi ba? Buti na lang may batas laban sa trespassing," malamig na sabi ni Chezka mula sa veranda ng mansyon.

"Hindi kita pinuntahan para manggulo. Gusto kong linawin ang lahat! Huwag mong idamay ang asawa ko sa galit mo sa akin! Huwag mong idamay ang ties n'yo sa pinapasukang trabaho ng asawa ko. Masisira ang lahat ng pinaghirapan niya. Sa'kin mo na lang ibuhos ang galit mo," mahabang pakiusap ni Argon. Kulang na lang ay lumuhod siya para lang pagbigyan sa kanyang hiling. Being humiliated doesn't bother him anymore. What he can't stand is the fact that Sheena would be put on shame because of his past. Wala siyang laban sa pamilyang ito at simula nang matagpuan niya ang pagmamahal mula kay Sheena, gusto na niya ng tahimik na buhay.

"Baka nakakalimutan mo kung sino ang nakakataas sa atin, Argon. You deserved what happened to you and your wife," sagot nito bago siya ipahuli. Tumanggi pa si Argon na magpaaresto, ngunit wala siyang nagawa. Habang kinakaladkad siya ng mga pulis, napanood ng mga staff sa mansyon ang eksena.

***

Nagising si Sheena na hindi niya makita si Argon sa bahay. Last night, he told her he needed her, but it didn't seem genuine at all. If he truly needed her, he wouldn't have left without saying a word. Sinubukan niyang tawagan ito, ngunit hindi naman ito sumagot. Maya-maya, isang viral post ang sumambulat sa social media nang magbakasakaling ma-reach niya si Argon sa Messenger nito. Argon was being photographed while being escorted in jail. May caption na nagsasabing inaresto siya dahil sa trespassing sa Guillermo mansion. May bali-balita pa na sinubukan daw niyang saktan si Chezka.

Naluha si Sheena habang tinitingnan ang litrato. She can no longer understand her husband's feelings; he has been acting completely unreasonable. Kaagad niyang tinawagan si Uncle Celso, para itanong kung nakarating na rito ang balita tungkol kay Argon. At sa kanilang pagkikita, doon na inilahad ni Uncle Celso ang nakaraan ng pamangkin.

"Akala ko ba matagal-tagal na kayong nagdi-date bago kayo magpakasal? Bakit hindi mo alam ang tungkol sa kalagayan niya? Sheena? At lalo na sa sigalot na hatid ng pamilyang 'yon?"

"Hindi ko po maintindihan," sambit ni Sheena habang humihikbi.

Tumikhim si Uncle Celso at tinitigan si Sheena, may kabigatan ang isisiwalat at hindi niya alam kung paano sisimulan.

"Alam mo ba kung paano pinalaki si Argon?" tanong ni Uncle Celso. "Hindi mo ba napansin, minsan parang hirap siyang magpakita ng emosyon? Na parang laging kontrolado ang kilos niya?"

Tumango si Sheena. "Opo, Uncle. Napansin ko 'yon noong bago pa lang kami. Pero akala ko natural lang 'yon sa kanya."

Napabuntong-hininga si Uncle Celso. "Hindi iyon basta natural lang, Sheena. May kondisyon si Argon noong bago pa siya maging teenager. Ang tawag doon ay alexithymia. Hirap siyang iproseso ang sariling emosyon, lalo na kung paano ito ipapakita sa ibang tao. Nagsimula 'yon sa hirap ng kanyang pinagdaanan noong bata pa siya."

Napalunok si Sheena. "Ano pong ibig n'yong sabihin? Anong pinagdaraanan niya?"

"Si Argon ay produkto ng isang pagmamahalan na tinanggihan ng mundo," paliwanag ni Uncle Celso. "Ang nanay niya, ay isang simpleng babae na minahal ng tatay niyang si William Guillermo. Pero hindi alam ng nanay niya, na pinsan ko, na may asawa na pala ang lalaking minahal niya. Ang bawat galaw ni Argon noon ay puno ng pangungutya. Bata pa lang siya, tinuruan na siyang manahimik sa gitna ng kahihiyan. Sa tuwing umiiyak siya, sinasabihan siya ng nanay niya na 'wag na lang ilabas ang galit o lungkot, dahil hindi iyon makakatulong sa buhay nila."

Hindi napigilang mapaluha ni Sheena habang nakikinig. Naalala niya ang mga pagkakataong parang walang pakialam si Argon kapag may mga problema sila, pero ngayon naiintindihan na niya. But there are still parts that made her confused.

"Pero Uncle," tanong ni Sheena habang patuloy sa pagluha. "Kung gano'n, bakit nagbago si Argon? Bakit kahit hirap siya sa emosyon, nararamdaman ko naman na mahal niya ako?"

Ngumiti si Uncle Celso, ngunit puno ng lungkot ang kanyang mga mata. "Ikaw ang dahilan, Sheena. Natutuhan ni Argon na unti-unting pagbutihin ang sarili dahil sa'yo. Sa lahat ng dinanas niya, ikaw lang ang nagbigay ng pakiramdam sa kanya na tanggap siya. Alam mo bang minsan, sinabi niya sa akin na natatakot siyang mawala ka, lalo na't hindi niya kayang ipakita ang totoong sarili niya? Pero ginawa niya ang lahat para matutunang mahalin ka sa paraang kaya niya."

Now it all makes sense to Sheena. Kaya pala parang nonchalant din si Argon nang sabihin niyang magpapakasal ito sa kanya at bumalik din sa alaala niya kung paano nito nagawang itago ang nabubuong attraction nito sa kanya.

"Ikaw ang pinakamahalagang tao sa buhay niya, Sheena," dagdag pa ni Uncle Celso. "Ikaw ang nagsilbing liwanag niya. Pero alam ko rin na gusto ka niyang protektahan sa lahat ng posibleng sakit at gulo na dulot ng pamilyang Guillermo. Alam niya kung paano sila manggipit kapag may lumaban sa kanila. Pero naniniwala ako, hindi kayang maging bayolente ni Argon. Oo, masasabing muntik na siyang maging pariwara noong estudyante pa lang siya pero mula nang magkasakit ang nanay niya, unti-unti niyang sinubukan kung paano ayusin ang sarili niya at hindi siya padalos-dalos sa pagdedesisyon. Kaya noong pakasalan ka niya, alam ko na pinag-isipan niya 'yon nang mabuti at kaya gano'n na lang ang pagkabigla ng Auntie Veron mo dahil alam niyang may bagahe pa si Argon na pwedeng makaapekto sa married life niya, hindi lang basta tungkol sa pinansyal na kapasidad. Mas lalong nagpapakabuti si Argon dahil sa'yo."

Tumango si Sheena habang pinupunasan ang luha. Halo-halo ang damdamin sa kanyang dibdib—galit, awa, pagmamahal. Hindi niya kayang pabayaan si Argon matapos niyang malaman ang lahat. Now, she has to do her part. Kailangan niyang makakalap ng ebidensya para patunayang baseless ang pagpapakulong kay Argon.

But doing everything becomes more stressful. Dito na sinusubok ang katatagan niya sa pagmamahal para sa kanyang asawa. Kasabay ng paglitaw ng balitang naipakulong si Argon, lumalabas ang mapanirang isyu tungkol dito. Lahat ng iyon, hindi niya kayang paniwalaan.

Argon, being a two-timer.

Argon was troubled while working on a cruise ship.

Argon was a heavy drinker and used to engage in fights.

Iilan lang 'yan sa claims ng iilang internet users na unanimous ang identity o nagtatago sa dummy accounts. She contacted Uncle Celso and asked for help. Isa pang inaalala niya ay ang ilang ulit na refusal ni Argon na makita siya nito kapag dumadalaw siya sa kulungan. He's been jailed for a week. Hindi niya maiwasang maiyak kapag nai-imagine ang itsura nito. Maybe he lost weight for not eating a proper meal and didn't have proper sleep. Nasasaktan siya dahil hindi ito nakikipag-cooperate. Uncle Celso carefully asked for her patience. Mas lalo lang nadurog ang puso niya dahil pinasasabi ni Argon na hiwalayan na lang siya nito at pabayaan na lang siya doon.

"Pagod ka na, Sheena. Kailangan mo rin na bantayan ang sarili mo," paalala ni Auntie Veron. Hindi siya nakakakain nang maayos para lang ayusin ang gusot ng kanyang asawa. Nalagay na rin sa alanganin ang career niya dahil sa iskandalo. She was notified that she was relieved until the issue has not been resolved.

"I married Argon. I can't let him down. I can't be weak. He is already my weakness." Sinikap ni Sheena na huwag maiyak at hinarap si Auntie Veron. For the first time, nakita niya ang soft spot ng ginang para sa kanya. Dati kasi inaakala niyang kontrabida lang ito sa buhay ni Argon dahil sa pagiging strikto. Pakiramdam niya, babagsak na siya kaya niyakap na lang niya si Auntie Veron.

"Si Argon lang ang kailangan mong paniwalaan. Hindi 'yong nagkakalat na issues tungkol sa kanya. Kilala namin ang batang 'yon at alam namin kung gaano ka niya kamahal," sincere na tugon ng ginang. "Siguro ang kailangan mong gawin, ay ipa-trace ang accounts na nagpapakalat ng malisyosong balita. Mati-trace natin kung taga saan sila at kung talaga bang kilala nila si Argon. Tapos baka pwede tayong pumunta sa mansyon at ipagtanong sa mga staff kung talagang nakita nila na naging bayolente si Argon kaya pinakulong siya."

Nabuhay ang pag-asa dahil sa suhestiyon ni Auntie Veron. She's right. Gano'n naman dapat ang gagawin niya pero nablangko lang ang kanyang isipan dahil na-overwhelm siya sa nangyari. At dahil na rin sa previous job experience niya, mas makakakuha siya ng tamang paraan at pwede siyang makahingi ng tulong sa iba niyang kakilalang lawyers kahit wala na siya sa law firm.

"Pero sa tingin ko Sheena, huwag nating ipaalam kay Argon 'yong sobrang effort mo. Baka kasi lalo siyang manliit sa sarili niya. Maging distant ka muna sa kanya."

"Hindi pwede, auntie. Baka isipin niya, iniwan ko siya." Sheena displayed a strong disagreement.

"Tama si auntie mo. Ako nang bahala, Sheena. Ibig naming sabihin, hindi ka namin pipigilan sa pagkalap ng ebidensya pero hindi namin ipapaalam kay Argon na ikaw ang may gawa. Siguro kapag ayos na ang lahat, saka natin ipapaalam. O mas maigi, na ikaw na lang ang magsabi."

Kapwa napalingon sila sa pagsulpot ni Uncle Celso.

"Sige po. After all, kayo ang mas nakaka-memorize kay Argon. Susundin ko po 'yan. At maraming salamat po sa lahat." Sheena was beyond grateful. Kahit papaano, panatag na siya dahil sa kanyang mga kakampi. Niyakap niya ang mga ito at naging madamdamin ang kanilang sumunod na eksena.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro