Chapter Thirty Six
"Love? Bakit? Hindi ka naman ganyan kung kumilos, ah. Pinapahalata mo tuwing darating ka sa bahay. Now... what's that move?" Hinarap ni Sheena si Argon nang may pagtataka.
"Ako pa nga ang dapat magtanong niyan." Kunwari ay may pagtatampo si Argon.
"What's that move?"
"Hindi kita maintindihan."
"Hindi ko rin maintindihan kung bakit mo ginawa 'yon, love. But I'm beyond grateful, for standing with me during those tough times," masuyong sagot ni Argon. He gently turned himself closer to his wife.
"Ikaw pala si Supportive Soul 101? Bakit hindi man lang ako nagkaroon ng hint na ikaw 'yon? You sounded like a teenage fan, na willing makipagpatayan, just to protect her idol. Paano mo nagawa 'yon?" Argon chuckled.
"That wasn't me, Argon." Hindi nakatingin si Sheena sa labis na kahihiyan. Nakalimutan niyang i-log out ang dummy account na iyon. Nahuli tuloy siya.
"Alter ego ko lang 'yon." Finally, she gave up. "Nag-notify sa'kin na nag-upload ka ng new cover song dati. Para hindi mo mahalata kung gaano ako ka-avid, gumawa ako ng isang account. Ayoko lang na lumaki ang ulo mo."
"I thought, you didn't watch my uploaded videos. Nalungkot ako kasi akala ko, wala ka nang pakialam. Now, I'm so thankful dahil mahal mo pa rin ang artistic side ko." Mas naging malambing ang tinig ni Argon at pinaharap si Sheena.
"Iyong artistry mo ang pinaka-admirable sa'yo, love. Hindi ko kayang i-disregard ang bagay na 'yon," masuyong pag-amin ni Sheena.
"Tell me more about what you did, love. Alam kong hindi lang 'yon ang ginawa mong effort. Kailangan kong bumawi," pakiusap ni Argon at hinigpitan ang paghawak sa mga kamay ni Sheena. Pero hindi ito umimik.
"Love, ikaw din ba ang naghanap ng evidences at humingi ng tulong sa ibang lawyers?"
Sheena nodded slowly. Mas lalong nadurog ang puso ni Argon at niyakap lang siya nito nang mahigpit. Ang akala niya kasi, si Uncle Celso ang kumilos at sinabi nito na hindi na nakialam pa si Sheena, dahil na rin sa kanyang pakiusap. Masyado siyang naging malupit sa asawa niya kung gano'n ang nangyari.
Sheena's eyes began to well up with tears. Ramdam niya ang bigat ng emosyon na matagal na niyang itinatago. Hinayaan lang ni Argon na maramdaman nilang pareho ang sandaling iyon habang magkayakap sila.
"I'm sorry, love," ulit ni Argon, mas hinigpitan pa ang yakap. "Kung alam ko lang na ginawa mo ang lahat para lang maprotektahan ako, bumalik sana ako kaagad para harapin ka."
Hindi na napigilan ni Sheena ang mga luha. Umiling siya, pilit na pinapakalma ang sarili. "Wala kang dapat ihingi ng tawad. Ginawa ko 'yon dahil mahal kita. Kahit nasaktan ako, mas importante sa akin na malampasan natin ang lahat ng pagsubok. Pero aaminin ko..." Sheena paused while catching her breath. "Nasaktan ako. Feeling ko, naging unfair ka sa'kin at napagod na ako. Parang ako na lang ang nagna-navigate ng marriage natin."
"Love..." Argon cupped her face, his own eyes glistening with emotion. "Kahit pa hindi mo sabihin, kahit pa magtago ka ng damdamin, aalamin ko na. Hindi na tayo magtatago ng kahit ano sa isa't isa, okay? Sorry din kung hindi ko nasabi 'yong kondisyon ko, kasi akala ko hindi ko na siya nadadala while growing up. And thank you for being patient, for being my emotional support."
"Ayoko nang maulit 'yong naging sitwasyon natin dati. We lost each other even though we were still together."
Argon nodded, a tear slipped down on his cheek. For the first time in a long while, Sheena felt completely secure again. Mas panatag na siya dahil nakikita niyang natututuhan ulit ni Argon na pakitaan siya ng soft side nito. Hindi gaya dati, mas expressive lang ito sa pagpapakita ng lambing at pag-aalaga sa kanya.
Hinawakan ni Argon ang mga kamay niya at hinalikan ito nang mariin. "Isa pa, love," dagdag nito, may halong lambing at biro. "Sa susunod, huwag ka nang gagamit ng dummy account para lang suportahan ako, okay? Gusto kong ikaw ang number one supporter ko, nang lantaran."
"Kaya nga dummy account para hindi mo malaman! At least, I'm not a hater! Sometimes, even songwriters have to change their style as if they're someone else in order to express their hearts and own perspectives. Iyan ang nabasa ko sa Internet," banggit ni Sheena at natatawang tinapik ang braso ni Argon.
"Hindi ka naman songwriter. Nagpaka-dummy account ka nga," hirit naman ni Argon at nagbitiw ng mahinang halakhak.
"Hindi mo ba alam, puro lalaki ang sumulat sa kantang Superwoman ni Karyn White?" hirit pa ni Sheena.
"Ano namang kinalaman no'n? Do you think it's relatable to you? Tungkol 'yon sa babaeng feeling niya, hindi na siya mahal ng asawa niya at hindi nakikita ang efforts niya. Hindi naman ako gano'n," depensa ni Argon. He found himself missing the way his wife used to talk like this—bringing up random topics that popped into her mind, completely unbothered by timing. Unti-unti niyang nakukuha ang gano'ng pag-uugali ni Sheena kaya mas napa-process na niya ang sarili niyang emosyon.
"Ang ibig kong sabihin, mga lalaki ang sumulat ng kantang iyon kahit hindi sila mga babae. Gumawa sila ng kantang makare-relate ang mga babae. Those men seemed to put themselves in women's positions by releasing that song," paliwanag ni Sheena. "At 'yan ang dahilan kung bakit ako gumawa ng dummy account. Para masuportahan ka at mailagay ang sarili ko sa sitwasyon mo. Dahil noong panahon na iyon, katulad mo rin ako. I can't express my emotions of admiring you."
Napabuntong-hininga si Argon habang nakatitig kay Sheena. Ramdam niya ang bigat ng bawat salitang binitiwan ng kanyang asawa—ang bawat sakripisyo, pagtitiis, at pagmamahal na hindi niya lubos na napansin noon. Ang biglaang lamig sa paligid ay tila binawi ng init na hatid ng kanilang pag-uusap. He gently held Sheena's face, taking in every detail of her features—emotion-filled eyes, slightly trembling lips.
"Love," malambing ngunit seryosong bungad ni Argon. "Gusto kong malaman mo na simula ngayon, hindi ko na hahayaang mapagod kang mag-isa. Hindi mo na kailangang magtago o gumawa ng kahit ano para lang maitago kung ano mang nararamdaman mo. You've always been my Superwoman."
Hindi na napigilan ni Sheena ang mga luha, ngunit sa pagkakataong ito, may halong ginhawa ang bawat patak. Inilapit siya ni Argon at hinalikan sa noo. Mahigpit ang yakap nito, puno ng pangakong hindi na sila muling mawawalay sa isa't isa.
"Paano ka naging ganito ka-cheesy ngayon?" biro ni Sheena, pilit na tinatanggal ang tensyon ngunit ramdam ang kaligayahan.
"Kasi gusto kong makita mo kung gaano kita kamahal, araw araw," sagot ni Argon. "I'll start by being more vocal. Thank you for believing in me, kahit noong panahong hindi ko na kaya ang sarili ko."
Nagkatinginan sila nang matagal, parehong naglalabas ng emosyon na noon pa nila gustong iparamdam sa isa't isa. No words needed.
"I miss being with you, like this." Bumitaw saglit sa pagkakayakap si Argon. "Nandito ako, kasi may pagbabago sa schedules ko. Sulitin muna natin ang araw na magkasama tayo. Pwede ba?"
"Bakit? May mahalagang lakad ka ba?" Nagsimulang ma-curious si Sheena. Nababasa niya rin ang lungkot sa mukha ni Argon.
"May cruise ship na rin na tatanggap sa akin, after trying several times. Pero six months lang 'yong kontrata. Sa tingin ko, okay na rin 'yon para makabalik ako agad," nakangiting balita ni Argon at niyakap si Sheena. "And you made it possible for me to pass the interview, love. Nai-transfer ko na rin sa account mo ang nagastos mo sa mga dokumento at certifications na kailangan. Magti-training daw ako for a month."
"Argon. I mean, love. Ang usapan natin, ibabalik mo lang 'yong gastos kapag hired ka na talaga. Hindi naman kita sinisingil," tugon pa ni Sheena. Kahit masaya siya na nagbunga ng maganda ang career aspirations ni Argon, may bahagi ng puso niya na nalulungkot dahil posibleng matagalan silang magkita ulit. Matagal din ang six months.
"Gusto kong maging fair sa'yo, love. You've done a lot. Hindi pwedeng bare minimum lang ang kaya kong ibigay. Mangongolekta lang ako ng maraming job experience sa barko at kapag stable na ang finances, baka hindi ko na ipu-pursue nang masyado 'yong cruise industry. Para balanced naman ang time ko sa'yo."
"Stop underestimating yourself. Partners tayo, right? What you're doing isn't a bare minimum."
"Patuloy akong nagiging better, okay? It's just that, gusto kong i-assure na kahit anong mangyari, hindi ako magbabago at mas papatunayan kong karapat-dapat pa rin ako sa'yo." May pagsuyo ang mga salita ni Argon at nginitian nang matamis si Sheena habang nagpapalitan sila ng tingin.
"Promise ain't enough? Right? And even touch wasn't," he quoted that from his now viral song cover.
Tinawanan naman siya ni Sheena sa sandaling iyon. "I know."
"I love—" Napatigil sa pagsasalita si Argon nang hagkan siya ni Sheena, without any warning. Then he beamed while returning those kisses as he gently laid her down on the wooden bed. The sound of sea waves outside will harmonize with the love that they're about to make.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro