Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Thirty Five

A few months later...

Nagkaroon ng lakas ng loob si Argon na muling magpaka-active sa sarili niyang YouTube channel, kahit katatapos lang niyang maranasan ang kawalan ng suporta dahil sa mga mapanirang isyu. The hate that comes from other people didn't stop him from doing his passion. Sapat na sa kanya ang suporta ng mga tagahanga niya at lalo na ang suporta ng kanyang asawa. Hindi na siya pressured kung ano ang kahihinatnan ng applications niya sa barko. Mas iniisip na lang niya ang mga araw na makakasama niya si Sheena habang hindi pa nito sinusubok na bumalik sa career nito. As of now, pinababalik na si Sheena sa Lifetime Cherish bilang isa sa trusted counselors dahil naayos na ang sigalot, between Chezka Guillermo and the counseling firm.

It wasn't long before the board of the Guillermo group called an emergency meeting. Chezka, once the golden child of the company, was now facing charges of unethical behavior and professional misconduct. Naibalita pa sa media ang bagay na iyon, pero mas na-persecute si Chezka dahil sa paninirang puri nito at kumalat din ang video niya na maayos naman palang nakikiusap sa mansyon, pero pinadakip pa rin sa pulis. Naawa siya para sa kanyang half sister at humingi na rin siya ng paumanhin para lang magkaroon sila ng closure. Even though Chezka didn't accept his apology, at least he had done his part. Ginawa niya ang tama para mag-move forward, kahit siya pa nga ang dapat na hingian nito ng paumanhin dahil sa ginawa nito na muntik pang ikasira ng marriage nila ni Sheena.

Argon also talked to his father, Mr. Guillermo. He knew that this was no longer just about clearing the air. He had to be civil, kahit wala na siyang balak na habulin ang kung anong dapat sa kanya despite knowing that he's still entitled to have some wealth even though he's just an illegitimate child. Pinangako niya sa sarili niya na hindi siya hihingi ng kahit ano, mas mahalaga lang na ipaalam dito na nakapagpatawad na siya, and he will never be a cheater. He won't do what his father did by hurting women and his children by committing infidelity.

He checked on some comments through his channel. Inulan pala siya ng maraming suporta sa organized fandom na pinasimulan ni Supportive_Soul101. He had no solid fan base before. Talagang pinagtipon ni Supportive Soul ang old and new fans niya para mag-unite at i-debunk ang mga fake news na nagkalat, after the incident with Chezka. Currently, his channel continues to grow and has received more engagements.

"Thank you, Argon warriors, especially kay head admin, Supportive Soul! I will open a new channel with different content. Makakakita kayo doon ng recipes at iba't ibang contents kung paano mag-ayos ng bahay, ng appliances, and more! Iba na ito sa music cover channel ko. You will see a different version of me!" That's what he said in a recorded video that he posted on his YouTube channel.

Nag-notify agad iyon sa supporters niya, na hindi nakalampas kay Supportive Soul. And up to this moment, he had no idea about the identity of his number one fan. He messaged the account with an intention to meet him or her in person, with Sheena, of course. Unfortunately, hindi na nagre-response si Supportive Soul. Talagang tinapos lang nito ang pakikipag-away sa mga toxic sa internet at nang humupa na ang issue, naging inactive na ito.

***

Sheena, on the other hand, decided to file a one-month advanced leave, bilang ganti sa nangyaring pag-hold sa status niya sa Lifetime Cherish. That's also her way to rest since she used to work for more than ten years. Kahit hindi pa ito sanay na hindi nagbabakasyon, Argon assured her that she has nothing to worry about while she's away. Siguro, it's their only way to give space for each other while busy with their goals, separately. Magre-resign sana siya, pero hindi na muna niya gagawin. Mas kailangan niya ng stable income matapos ang mga pangyayari na gumimbal sa kanilang pagsasama ni Argon.

Ine-enjoy niya ang solo trip niya sa Zambales. That's one of her goals when she used to be a single career woman—to travel alone. Hinahayaan niya rin muna si Argon na asikasuhin ang channel nito at ang studio room na gagawin nito sa townhouse. Maayos na ang lahat, pati ang pacing ng career nila. Pero hindi na siya katulad ng dati, na magpapaka-pressure at gagawin ang lahat para lang mag-level up. Wala na siyang kailangang patunayan. Kung mayro'n man, siguro ay ang immediate need na patunayan niya kay Argon na matatag ang kanyang pagmamahal at gano'n din ito sa kanya, kahit sila'y magkalayo. Huli na ang ginawa niyang desperate move para sa career, na nagbunga rin naman ng magandang outcome dahil napasakanya ang college crush niya na hindi niya inakalang may pagtingin din pala sa kanya noon pa.

Sheena smiled while reminiscing about how things happened so fast. Malapit na silang mag-celebrate ng wedding anniversary ni Argon at sa mismong anniversary nila, pinagplanuhan na nilang aminin ang lahat ang naging setup nila bago mauwi sa totoo ang kanilang married life. At alam nilang karapatan din namang malaman ng mga mahahalagang tao sa kanilang buhay ang bagay na iyon. They don't have to hide anything.

Habang nag-iisa sa transient house, naisip ni Sheena na i-check kung may bagong uploaded video si Argon. It turns out, may bago itong binuksan na channel at may posted recipes na rin, na posibleng natutuhan nito while working on the cruise industry. Tipikal na pantatay na ang contents doon at ang pinakapaborito niya sa lahat, ay ang failed attempt ni Argon bilang electrician. Nagde-demo ito kung paano ayusin ang linya ng kuryente sa bahay at pagkasaksak nito ng plug, biglang nag-spark ang ilang kable. It wasn't scripted. Iyon ang weakness ni Argon. Paglutuin na siya at pag-ayusin ng sasakyan, huwag lang siyang ipag-handle sa electrical problems. Pagpapalit ng pundidong ilaw pa lang ang kaya nitong gawin.

Walang humpay ang tawa ni Sheena. Natigilan lang siya nang tumawag si Argon. Palagi kasi siya nitong chine-check kung maayos ang kalagayan niya.

"Hello, Argon?" bungad niya sa asawa na halatang excited ang tono.

"Nandito na ako sa Zambales. Kung saan ka nagbabakasyon," sagot ni Argon.

"Bakit? Hindi pa tapos ang bakasyon ko."

"Pero gusto na kitang makita. May problema?"

"Susunduin mo na ako?"

"No. Sasamahan kita hangga't matapos ang bakasyon mo, love. Natapos ko na ang urgent matters pati ang application ko. Hayaan mo munang masulit ko rin ang pagkakataon na 'to habang hindi ka pa bumabalik sa counseling firm. Gusto kitang makasama."

"Love? Kailan pa tayo nagkaroon ng endearment?"

"Every time we make... you know it Sheena. Just call me that way. Alam mo na ang ibig kong sabihin." Natatawa si Argon sa kabilang linya.

"Okay, love?" Nilambingan ni Sheena ang pagkakasabi kaya mas lalong natawa si Argon.

"I can't wait to see you, huwag kang ganyan." Nahihiya pa rin ang tono ni Argon kapag nagpapakita ng kapilyahan ang kanyang asawa. "May good news din akong hatid."

***

Isang mainit na yakap ang sinalubong ni Sheena kay Argon nang magkita sila sa Zambales. Marami silang napagkwentuhan hangga't sa nahiram ni Argon ang phone ni Sheena dahil kailangan niyang mag-check ng email kung may progress na sa ibang job application niya. May good news naman siyang nabasa at talagang sinuri muna niya sa email bago siya maniwala. Sasabihin niya rin iyon kay Sheena, later.

He scrolled through her phone once again and noticed a familiar username on a notifications bar. Sa kabilang banda, pinagtitimpla pa siya ni Sheena ng kape.

"Ikaw si Supportive Soul?" Hindi siya makapaniwalang si Sheena pala ang avid supporter sa likod ng account na 'yon. Hindi niya na-imagine na kaya nitong magpaka-warfreak sa social media, just to defend him. It only means that while they're having a misunderstanding and miscommunication, hindi tumigil si Sheena sa pagsuporta sa kanya, hindi na lang basta asawa, kundi pati number one fan na rin—na walang hinihinging kapalit.

Nilapitan niya si Sheena sa paraang hindi nito mahahalata ang kanyang kilos. Without a word, he hugged her tightly.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro