Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Thirty Eight - FINALE

Pagdating nila sa Manila pagkatapos ng bakasyon, agad na binuksan ni Sheena ang channel ni Argon. Doon niya nakita ang bagong upload: isang heartfelt acoustic cover ng "Longer" ni Dan Fogelberg. Isa iyon sa ni-request ni Sheena bilang Supportive Soul 101, na sinamahan niya ng short montage ng kanilang mga litrato mula sa kanilang kasal at ilan pang candid moments na kuha niya mula sa kanyang phone.

Sheena couldn't help but cry as she watched the video. Sa huling bahagi nito, isang mensahe ang iniwan ni Argon:

"This is for the person who stood by me when I didn't even believe in myself. My number one fan, my best friend, my wife, and my love—Sheena. Thank you for everything. I promise to come back as the best version of myself for you.

Yeah guys. Lazy Argon wasn't lazy anymore. He needs to double his hard work because he's already married!"

Habang pinupunasan ni Sheena ang kanyang luha, bigla naman siyang tinapik ni Argon sa kanyang likuran.

"Love?" sambit ni Sheena habang nangingiti at naiiyak.

"Yes?" sabi ni Argon. "Napanood mo na ba? Bakit ka umiiyak?"

"Yeah. And it was perfect. Naiiyak lang ako kasi akala ko, you like this being private. And after what happened, akala ko ayaw mo nang ipaalam pa sa iba ang buhay mo."

"They have to know, para hindi na nila ako bigyan ulit ng malalanding messages. Kung may gusto man akong matanggap na gano'ng klaseng messages—gusto ko galing lahat sa'yo." Naging pilyo ang ngiti ni Argon at ginawaran ng mabilis na halik sa pisngi si Sheena, making her to blush in an instant. Nahinto tuloy ang pagluha niya dahil napalitan iyon ng iglap na kilig.

"Hindi pa pala 'yon ang surprise ko," natatawang dagdag ni Argon.

Sheena raised an eyebrow. "May iba pa?"

"Yup," sagot ni Argon. "Dahil simula ngayon, I'll make every moment with you unforgettable."

Dahan-dahan niyang inilabas ang isang folder. Nagtaka tuloy si Sheena.

"Ano 'to?" Hindi makapaniwala si Sheena sa nabasa niyang nilalaman ng folder. Isang business registration kasi iyon ng food business na si Argon ang co-owner. Hindi ito nanghiram ng pera sa kanya para masimulan ang negosyo, ang maliit na restaurant. Sina Uncle Celso at Auntie Veron ang katuwang nito.

"Nag-open na 'yan last week. Kaunti lang ang share ko dyan pero malaking tulong na rin kaya nakapagbukas," pagmamalaki ni Argon. "Gusto ko na maging transparent palagi."

"You also dreamed of being a chef at your own restaurant, love. Sobrang nakaka-proud!" Sheena smiled from ear to ear, at lalo niyang ipinagmamalaki si Argon.

Without giving hints, sunod na inilabas at binuksan ni Argon ang kahon ng singsing na pinag-ipunan niya. "Now, will you be my Mrs. Guillermo for the second time?"

Lumuha si Sheena habang dahan-dahang tinatanggap ang bigat ng mga salitang iyon. Alam niyang nagsimula ang kanilang kasal sa magulo at komplikadong paraan, pero sa mga sandaling iyon, naramdaman niya ang tunay na pagmamahal at dedikasyon na ibinibigay sa kanya ni Argon. Ever since they confessed how much they loved each other, naging totoo naman na ang lahat. But this is the affirmative action that she had always dreamed of.

Huminga nang malalim si Sheena. "Yes, Argon. I'll be your Mrs. Guillermo, walang magf-file ng annulment."

Isang ngiti na punong-puno ng saya ang bumakas sa mukha ni Argon habang inilalagay ang singsing sa daliri ni Sheena. Hndi na lang sila dalawang tao na nagsusumikap na magtulungan para sa convenience. Ngayon, magka-partner sila sa lahat ng aspeto. "I'm proud of you, love."

Hinaplos ni Argon ang buhok ni Sheena, habang mas niyayakap ito nang mahigpit. "I'm proud of us too, love. We'll make everything work—together. Forever."

"By Rick Astley?" Sheena referred to the song titled "Together Forever" from the artist she mentioned. Korni siyang magbiro pero kahit papaano, nage-gets naman ni Argon ang biro niya dahil pareho naman silang nakakaalam ng contexts ng jokes nila sa isa't isa, especially when it comes to music. Some times, they would laugh together about their jokes as if they were the funniest jokes on earth.

"Yup, plus Forever by Mariah Carey, Now and Forever by Air Supply, or Forever For You by Hall & Oates," natatawang sagot ni Argon at muling niyakap ang pinakamamahal niyang asawa.

Their journey as a married couple is still far ahead, but they know that they will face it together, with their united hearts and minds.

Wakas.

— Michielokim

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro