Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Thirty

Matapos ang ilang buwan na preparasyon, dumating ang pagkakataon na maganap ang isang charity gala sa Lifetime Cherish. Ang marriage counselors at mga kilalang tao sa industriya ng counseling ay magtitipon para sa iisang layunin— mag-organize ng libreng kasal para sa mga couple. It was also affiliated with the government. Isang malaking event ito para kay Sheena at sa kanyang mga kasamahan.

Habang ang mga bisita ay abala sa pakikinig sa mga pananalita ng mga eksperto at mga pagsasalita ng mga tagasuporta ng programa, si Argon, na nakaupo sa isang gilid ng hall, ay naghahanda sa kanyang partisipasyon bilang performer.

Ang iba pang mga bisita ay hindi inaasahang nakatingin habang umakyat siya sa maliit na entablado, hawak ang kanyang acoustic guitar. Sa kanyang mga mata, makikita ang determinasyon—ang kagustuhan niyang ipakita ang kanyang pagmamahal sa kanyang asawa at ipagmalaki ito sa lahat ng taong naroon.

Agad na nagsimula ang pag-strum niya sa kanyang gitara, at isang malambot na himig ang nagbigay buhay sa buong lugar. Habang umaawit, naramdaman niyang hindi lang ang musika ang nagkokonekta sa kanila ng kabiyak niyang si Sheena, kundi pati na rin ang mga salita ng awit—mga salitang hindi kayang ipahayag sa simpleng usapan. As usual, he sang his semi viral YouTube cover of "Promise Ain't Enough" and he delivered every lines with raw emotions, sealing his promise that no matter what happens, he won't leave his wife.

Habang tumutok si Sheena sa kanyang asawa mula sa isang mesa malapit sa entablado, nagulat siya sa malalim na epekto ng awit na iyon. Ang mga mata niya ay puno ng luha, ngunit hindi na siya nag-alinlangan.

Si Argon, na nakatingin kay Sheena habang umaawit, ay hindi na makapaghintay na tapusin ang kanyang pagtatanghal. Mas gusto niyang makausap nang matagal si Sheena kaysa umawit nang matagal sa stage. Nagawa na rin niya ang goal niya na pakitaan si Sheena ng isang live performance.

"Sheena," ang simpleng sambit ni Argon. "Sana naramdaman mo kung gaano kita kamahal."

Walang imik si Sheena, kundi ang malalim na buntong-hininga at ang init ng kanyang mga mata. Hindi niya kailangang magsalita. Her heart answered for her—that the love she felt for Argon was beyond any words.

"Hindi mo ba gusto ang performance ko? Pumiyok ba ako?" Naging conscious siya bigla sa pananahimik ni Sheena. Buti na lang at ngumiti rin ito kalaunan.

"Speechless lang ako. Kasi dati, pinapangarap ko lang na haranahin mo ako. I took a video of you while singing," sabi pa ni Sheena at hinawakan ang mga kamay ni Argon na nanlalamig dahil sa nerbyos na humarap sa crowd.

Magpapatuloy pa sana ang kanilang pag-uusap kung hindi lang tinawag ng emcee si Argon. May nagre-request daw kasi na ilang panauhin na umawit muli siya ng isa pang love song. Nahihiya man, tinanggap ni Argon ang request na iyon. Tumungtong siya sa stage at inawit ang kantang unang pumasok sa isip niya nang sulyapan si Sheena.

"Perfect Combination by Johnny Gill and Stacy Lattisaw."

Ramdam na ramdam ang tamis ng kanyang boses na bumabalot sa buong venue. All eyes were on him, and the applause of the guests could be heard, with the faces of business partners and influencers present to show their support.

Ngunit, ang hindi inaasahan ay ang biglaang pagpasok ni Chezka Guillermo, isang prominenteng VIP guest at isa sa mga sponsor ng event.

Si Chezka Guillermo ang half-sister ni Argon. Mayaman ito at kilalang personalidad sa industriya dahil ito ay isa sa top fashion influencers ng bansa, at may malalim din na galit kay Argon. Agad itong lumapit sa stage, at hindi alintana ang paligid. Nang tumigil ang music, tumayo si Chezka at nagsalita nang malakas.

"Magaling na singer, pero hindi ba't nakakahiya, Argon? Isa kang anak ng isang kabit. Walang kredibilidad ang mga tulad mo. Hindi mo kayang magtago sa katotohanan. You really came here para ipagsiksikan ang sarili mo sa pamilya namin," malupit na tinuran ni Chezka, ang kanyang boses ay puno ng poot.

The people around were surprised, and the atmosphere of the event suddenly shifted. Some guests whispered among themselves, but there were also sympathetic eyes directed at Argon.

Naguluhan si Sheena sa narinig. Hindi siya nakagalaw sa kinauupuan hangga't hindi niya naproseso ang lahat. Argon being related to someone like Chezka Guillermo didn't cross her mind. Kung alam niya lang sana na blood related ang dalawa, sana siya na lang ang tumanggi sa request ni Mrs. Costales na mag-perform si Argon sa event na ito. Ayaw niyang isipin ni Argon na sinet-up niya ito sa sitwasyong hindi nito gugustuhin kahit kailan. And now as a wife, she has to do what's right. She has to stand for her husband!

Ang mga mata ni Sheena ay sumabog sa galit, at hindi niya kayang itago ang galit sa ginawang pagpapahiya ni Chezka kay Argon. Tumayo siya agad at mabilis na nagtungo sa stage, humarap kay Chezka.

"Hindi mo na kailangan pang magsalita ng ganyan. Wala kang karapatan para sirain siya. Huwag mong gawing issue ang nakaraan niya para lang sirain ang gabing ito!"

Ang pagtatalo sa harap ng mga panauhin ay nagbigay ng matinding tensyon sa event. Walang nagbigay ng reaksyon, tanging ang malalim na katahimikan ang nagpatuloy. Sheena's words didn't stop Chezka from saying what she wants to say.

"And who are you?" mapagmataas na tanong ni Chezka.

"Asawa niya!"

"It's a family matter!" bwelta ni Chezka.

"And I'm his only family, Ms. Guillermo!" Hindi nagpatinag si Sheena.

"Ang nanay ni Argon ang matinding dahilan kung bakit nawasak ang pamilya namin! Hindi ko kayang magbigay ng support sa isang event na pinapalakas ang pangalan ng isang tulad niyang anak ng walang kwentang babae. We don't want to become a part of your stupidity!"

Mabilis na kumuyom ang mga palad ni Sheena dahil sa mas malalang insulto kay Argon. Alam niyang sasabog na siya sa galit pero kailangan niyang mag-maintain ng kaunting dignidad. But, this is too much. Hindi pwedeng palampasin lang ang ganoong bagay.

"I'm not going to sponsor this event anymore! Nagto-tolerate kayo ng mga anak ng kabit!" Chezka announced with mic on. Sina Mr. at Mrs. Costales ang pinakanabahala sa anunsyo. Nilapitan pa nila si Chezka para mag-apologize pero hindi ito nakinig. Tinulak pa nga ni Chezka si Mrs. Costales bago niya nilisan ang event hall, kaya mas lalong tumindi ang galit ni Sheena.

Mabilis na sumunod si Sheena at hinablot ang buhok ni Chezka. Nagsabunutan silang dalawa at walang nakapigil agad sa kanilang rambulan.

Nagmadali naman si Argon na akapin ang sitwasyon at pigilan ang kaguluhan. It was hard for him to stop the fight, but he knew it was the right thing to do. He could feel the tension in the air, and he didn't want it to escalate further, especially not in front of so many people.

"Sheena, enough," he whispered softly, his hand gently gripping her arm. "Please, let's go."

Hindi makapaniwala si Sheena sa narinig. She's confused on how Argon reacted. Nonchalant. Pero naramdaman niya ang bigat ng kanyang nararamdaman at naisip na hindi ito ang lugar para magtalo pa. Lumingon siya kay Chezka, at kahit may galit na sumabog mula sa kanyang puso, pinili niyang hindi na ito patulan pa.

"Fine," sagot ni Sheena. Tumalikod sila at naglakad papalabas ng event hall. Ang mga mata ng mga bisita ay nakatutok sa kanilang pag-alis, at narinig pa nilang nag-uusap ang ilang tao tungkol sa nangyaring gulo.

Hanggang sa pag-uwi, hindi pa rin sila nag-usap habang pareho nilang pinoproseso ang nangyari. The atmosphere in the car was heavy, filled with emotions neither of them could explain. Argon never imagined something like this would happen, and he couldn't bear the anger that Sheena had just displayed for him. On the other hand, Sheena couldn't understand why Argon wasn't saying anything. He had just been publicly humiliated by his half sister, and yet he remained silent.

Habang nagmamaneho si Argon, pinilit niyang kalmahin ang sarili. He wasn't angry at Sheena, but his feelings were a mix of shame and embarrassment. He was grateful to her for standing up for him, but at the same time, he couldn't shake the feeling that he was dragging her into his family's mess. His upbringing was a constant source of pain, and it only made him feel more inadequate.

Sheena, on the other hand, couldn't help but feel confused. She had stood up for him because it was the right thing to do, but part of her felt guilty. Ang pamilya ni Argon, lalo na ang half-sister niyang si Chezka—was a burden they both had to carry. She couldn't imagine how difficult it must be for him to deal with someone like that in his life.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro