Chapter Thirteen
"Sheena, tumigil ka nga," sabi ni Argon na may halong pag-aalala. Hindi niya matiis ang nakikitang paghihirap nito at agad niyang inalalayan si Sheena papunta sa sofa. Sa kabila ng pagpupumilit ni Sheena na bumitaw, mas lalong hinigpitan ni Argon ang paghawak niya sa mga braso nito para matiyak na hindi ito bibigay.
"Bakit ka ba ganyan? Kailangan mong magpahinga," he said with his firm yet gentle voice.
Huminga nang malalim si Sheena, nakikita niya ang 'di matitinag na determinasyon sa mga mata ni Argon. Pinilit niyang ngumiti kahit parang dinudurog ang kanyang loob. "Hindi mo naman kailangang mag-stay, kaya ko na 'to."
Pero hindi siya pinakinggan ni Argon. Kinuha nito ang isang unan at inilagay sa likod niya upang mas kumportable siya sa pagkakahiga. Pinainom na rin niya ito ng gamot na alam niyang para talaga sa menstrual cramps.
"Hindi kita iiwan sa ganitong kalagayan," mahina nitong sagot.
Sa isang iglap, nakita ni Sheena ang ibang mukha ng lalaki—hindi lang ito isang taong tila nanghihimasok sa personal niyang buhay, kundi isang taong tunay na nagmamalasakit sa kanya. Argon seemed to empathize more than any of her friends and acquaintances. Hindi na staged ang kinikilos nito.
Tila nawala ang mga pader na itinayo ni Sheena sa pagitan nilang dalawa. Bigla niyang naramdaman ang init sa kanyang pisngi habang tinititigan siya ni Argon.
"Hindi mo kailangang gawin ito, Argon. This... isn't part of our agreement," mahinang sabi ni Sheena habang umiiwas ng tingin ngunit ang puso niya ay sumisigaw naman ng pasasalamat. If Argon didn't help her, worst things might happen.
Argon sighed and leaned back, rubbing his temples. "Sheena, hindi lang ito tungkol sa mga kasinungalingan natin kay Mrs. Costales. Hindi mo pa ba naiintindihan? I care about you, bilang kapwa tao. Hindi ko kayang mabalitaan na mamamatay ka bigla. Seryoso, walang halong biro. Kasi parang dini-disregard mo na ang sarili mo para sa career mo, eh."
"As if you've been with me for a long time. Hindi nga kita colleague, eh," aburidong sagot ni Sheena, trying to be defensive. Na-amaze naman siya sa pagiging observant ni Argon, at tama naman talaga ang sermon nito sa kanya.
"Hindi mo ba alam na may side effects ang melatonin?" Tinutukoy ni Argon ang nakita niyang sleeping tablets sa lagayan ng mga gamot kanina. That's how he knew that Sheena had been experiencing sleeping problems.
"Alam ko. Hindi ko naman 'yan aabusuhin gaya ng ibang napapabalita. I only take them during my free time," paglilinaw ni Sheena.
"At kailan ka naman nagkakaroon ng free time?"
Nablangko agad ang isip niya. She couldn't remember those times, parang hindi naman talaga siya nakakapag-rest day nang maayos dahil kahit weekends, inaabala pa rin siya ng boss niyang si Mrs. Arriendo.
Saglit na namang namayani ang katahimikan sa pagitan nila. Para bang nagkaroon ng bigat ang bawat salita ni Argon sa hangin. He's a hundred percent sure that he offended Sheena with his questions as if he's her boyfriend.
Sa wakas, huminga si Sheena nang malalim at binitiwan ang bigat na kanina pa niya pinapasan.
"Salamat, Argon," aniya, sabay tingin sa kanya na may konting ngiti, na nagbigay-buhay sa kanyang pagod na mukha. "Honestly, may insomnia ako at hindi ako nagkakaroon ng time na ma-enjoy ang rest day ko."
"Hindi ka pa capable for a new job, Sheena. Kailangan matatag ang physical at mental aspects mo para maging counselor dahil puro problema ang maririnig mo kapag nag-umpisa ka na," may panenermon ang pakli ni Argon saka umiling nang ilang beses.
"Thank you sa pagsampal mo sa'kin sa katotohanan," malungkot na tugon ni Sheena. Ilang saglit pa, napabalikwas siya nang marinig ang malakas na patak ng ulan mula sa labas.
"Umuulan?" bigla niyang tanong at tumango lamang si Argon.
"Baka may bagyong paparating."
"Paano ka uuwi? Dito ka na matulog." Hindi na inisip ni Sheena ang posibilidad na tatanggihan siya ni Argon. May kalayuan ang public transpo area sa bahay niya at mas iniisip niya lang na hindi dapat magkasakit si Argon.
"Hindi pwede," pagtanggi ni Argon. Even if that's convenient for him, it's inappropriate for a man to sleep in a house of a woman that has no companion.
"May extra room ako, doon ka na sa kwarto ko at ako naman, sa kwarto na lang ng sister ko," alok ni Sheena. The truth is, ayaw naman niya talagang umalis si Argon. Parang naramdaman niya ang comfort sa tabi nito. Parang nagkaroon siya ng assurance na ligtas siya at magiging maayos din ang lahat ng problemang kinakaharap niya. This kind of feeling is strange but she loved how he made her feel important.
"I'm not seeing it as inappropriate at all. Saka tinulungan mo naman ako, I should also do the same," depensa ni Sheena sa kanyang naging desisyon.
Argon nodded twice as an indication of giving in to her request. "Okay, Sheena."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro