Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Sixteen

Kinabukasan, sa kabila ng linaw ng umaga, bumabalik pa rin ang tensyon sa dibdib ni Argon habang inaalala ang drunk call na nagawa niya. He shouldn't have let his inner thoughts drive him last night. Ngayon, parang wala na siyang mukhang maiharap kay Sheena. Inaalala pa niya kung may nasabi pa siyang ibang bagay. Mas lamang pa rin ang sakit ng ulo niya dahil sa hangover.

"Argon!"

Ipinagtaka niya ang pagtawag ni Auntie Veron sa labas ng silid. Halata ang pagmamadali sa boses nito, na parang may kakaibang nangyari sa labas. It's very unusual to hear her yell in that manner, kahit pa lagi siyang natatalakan nito. At dahil alam niyang hindi dapat isawalang bahala ang pagsigaw ng ginang, lumabas siya habang sapó ang ulo na parang binibiyak pa rin sa sakit.

"Auntie? Pasensiya ka na..." bulong niya nang harapin si Auntie Veron na hindi maipinta ang mukha.

"Nandito ang girlfriend mo." Bakas ang pagkairita sa boses ni Auntie Veron pero naroon pa rin ang pagiging civil nito dahil may panauhin sa kanilang bahay.

"Girlfriend?" May pagtataka sa boses ni Argon. Hindi pa talaga niya napoproseso ang lahat, na para siyang newly opened computer.

Kinusot kusot niya ang mga mata nang matunghayan kung sino ang kanilang bisita. Para siyang nananaginip nang makita ang pamilyar na babae, na matiyagang naghihintay sa kanya sa mga sandaling iyon.

"Sheena?" Pinamulahan siya ng pisngi. He also realized what he looked like while they were looking at each other. Wala siyang suot na pantaas!

"Sandali lang!" Nagmadali siyang pumasok sa silid para magbihis ng T shirt. Masyadong mabilis ang mga pangyayari, pero masyadong malakas din ang urge niya na ipaalam kay Sheena ang plano, kahit parang weird ang naging atake niya sa pagsiwalat ng gagawin niyang hakbang para makasama ito.

Lumabas si Argon na bitbit pa rin ang pag-aalinlangan. Hindi niya matingnan nang diretso sa mga mata si Sheena.

"Mag-uusap lang po kami nang masinsinan," mahinahong sabi ni Argon sa tiyahin at saka bumaling sa asawa nitong si Uncle Celso.

"Bakit? Pinapaalis mo kami?" bwelta naman ni Auntie Veron at nagpamaywang na pinagmasdan ang inaakala niyang totoong magkasintahan.

"Tutal nandito na ang papakasalan mo, heto na rin ang magandang timing para ipakilala siya sa amin at i-discuss ang kasal."

"Tama nga naman," pagsang-ayon ni Uncle Celso.

Nagsalubong ang tingin nina Sheena at Argon at tila nagpapakiramdaman pa kung sino sa kanila ang mauunang magsalita.

"Seryoso po ang plano namin," biglang sambit ni Argon na ipinagtaka rin ni Sheena. Hindi niya kasi alam kung paano ito sasabayan sa pagsisinungaling. Kung hindi lang siya kinulit ni Auntie Veron, hindi talaga siya magpupunta.

"Anong trabaho mo, Sheena? Alam mo ba na hindi pa regular sa barko si Argon? Hindi siya makakuha ng slot sa barko dahil hindi niya natapos ang college. Ikaw ba? Anong natapos mo? May stable job ka na ba?" prangkang pag-uusisa ni Auntie Veron.

"Kaka-resign ko lang po bilang legal assistant sa isang law firm at lilipat po ako sa isang marriage counseling firm bilang counselor naman po," kabadong paglalahad naman ni Sheena.

"Lilipat ka pa lang pala, eh. Eh 'di huwag muna kayong magpakasal. Mas mahalaga ang trabaho," mungkahi ni Auntie Veron. "Hindi ka mapapakain nitong pamangkin namin. Kita mo nga, dito pa minsan nakikitulog. Wala pa 'yang sariling bahay. Stay in 'yan sa talyer at motor repair shop kapag walang schedule sa barko."

"Alam ko naman po, pero tita... Kailangan ko po talagang maikasal," hesitant na pagdadahilan ni Sheena.

"Bakit? Buntis ka? Saan mo nakilala si Argon? Saan n'yo ginawa ang milagro?" Tila umakyat ang dugo sa sentido ni Auntie Veron. Palibhasa, conservative ito at hindi nabali ang prinsipyo't paniniwala tungkol sa celibacy hangga't hindi pa naikakasal.

"Magkakilala na po kami during college," sabad naman ni Argon.

"Hindi ikaw ang kausap ko, huwag kang sabat nang sabat."

Napayuko tuloy si Argon nang maramdaman ang hostility ni Auntie Veron sa kanya.

"Hindi mo ba alam na may iba pang naging girlfriend si Argon? Bago ikaw? Hindi mo ba naiisip na baka may anak na pala ito sa ibang babae? Kung kailan lang kayo nagkakilala, hindi sapat 'yon para magpakasal agad. Naiintindihan mo ba ako?"

"Auntie, ginagawa mo akong kontrabida at playboy sa claim mong 'yan." Talagang sumabad na naman si Argon. This time, he needs to defend himself. Kahit papaano naman, ayaw niyang maging masama siya sa paningin ni Sheena at alam naman niya kung anong totoo sa relationship timeline niya sa mga naging ex-girlfriend niya noon.

"Three years ko na po siyang boyfriend at hindi po ako buntis. Sadyang busy lang po sa career at ngayong nakapag-resign na ako, naisip ko na ito na rin po ang perfect timing para magpakasal," paliwanag naman ni Sheena. Reference niya ang nagawa nilang kasinungalingan noong pinakikilala pa lang niya si Argon sa yacht party.

"Pero hija," sa wakas, nakakuha na ng tiyempo si Uncle Celso na makisali sa usapan, sa halip na maging tagapakinig lang sa isang tabi.

"May punto ang asawa ko. Kasi, kung si Argon lang, alam ko namang wala pa itong budget sa pagpapakasal. Binabayaran pa niya 'yong utang niya sa gamutan ng nanay niya at doon sa pagpapalibing nang mamatay ito," paliwanag nito na labis namang ikinagulat ni Sheena.

Hindi pa naman nila napag-uusapan ang family background nila at hindi sumagi sa isip niya na isa sa magulang ni Argon ang namayapa na, katulad niya na nawalan naman ng ama. Her heart seemed to empathize with him easily. Na-disregard na niya ang katotohanang baka totoo nga ang paratang ni Auntie Veron na posibleng may naanakan si Argon na ibang babae, kaya malakas ang pagtutol nila sa balak na pagpapakasal nito.

"Aminin n'yo na. Ano ba talagang pinakamalalim na dahilan para magpakasal kayo?" mapang-usig na tanong ni Auntie Veron na talagang nagpakaba kina Argon at Sheena.

Nagkatinginan na naman sila na parang sinusubok na basahin ang kanilang isipan.

"Kasi po, kailangan na married ang status ko bago ako ma-hire sa company," napilitang pag-amin ni Sheena. Then, she carefully explained everything to them without telling the real score between her and Argon. Mas in-emphasize niya lang ang estado ng kanyang karera at kung gaano ito kahalaga para sa kanya.

Unti-unting naging malinaw sa kanila ang lahat. Si Auntie Veron pa rin ang maraming gustong iparating.

"Kung gano'n pala na gusto mo lang na pakasalan ang pamangkin ko para sa marital status, dapat may gagawin ka rin na kaya mong itapat dahil isasakripisyo niya rin ang marital status niya para sa'yo. Okay lang ba sa'yo na maging house husband siya? Hindi ba magiging maliit ang tingin mo sa kanya? Dahil kahit wala ka pang binabanggit na numero, alam na agad namin na mas malaki ang sinasahod mo at mataas ang pinag-aralan mo, Sheena," mahabang paliwanag ni Auntie Veron.

Those really made sense, kahit hindi maganda ang pagkakasabi nito. Tama nga naman, equality na ang pinapairal sa modernong panahon na ginagalawan nila.

"Okay na okay po ako. Kung okay lang din sa inyo at kay Argon, tutulong na rin ako sa pag-aasikaso ng requirements niya para makakuha ng ibang certification na kailangan niya para maging cook sa barko. Ako na ang bahala sa gagastusin," sagot naman ni Sheena at talagang sincere siya sa bahagi ng pagtulong. Magiging fair din naman 'yon para kay Argon. He will sacrifice his time and marital status in order for her to get her desired job.

"Hindi mo ba isusumbat sa kanya 'yan pagdating ng panahon? Given na sige, mahal n'yo nga ang isa't isa pero hindi naman 'yon talagang assurance para hindi magbago ang direksyon ng barko— este, ng damdamin n'yo bilang magkasintahan," sentimyento naman ni Uncle Celso.

"Partnership naman po ang pag-aasawa. Kapag nakasampa na sa barko si Argon, maibabalik naman niya 'yong gastos," pakli naman ni Sheena. Ramdam pa rin niya ang tensyon sa buong paligid. Mas nangingibabaw lang ang pagnanais niya na sana nga, talagang magpapakasal si Argon. There were possibilities that Argon might abuse her kindness in the future, pwede rin na orchestrated na ang sinasabi ni Auntie Veron para mag-benefit din sila sa bagay na nai-suggest nito na pumapabor kay Argon. Pero kahit gano'n, hindi niya maramdaman ang pagdududa. Mas lamang ang pagtitiwala niya sa lalaki at bokal din sa kalooban niya ang pagtulong kung kinakailangan.

"Okay. Bahala kayo, buhay n'yo naman 'yan." Umismid lang si Auntie Veron at nagpakawala ng mabigat na buntonghininga.

"Pero Sheena, paano ang magiging kasal? Panigurado naman na simple lang dapat. Saka wala namang pera itong pamangkin ko, ang maibibigay niya lang sa'yo ay singsing na gawa sa pwet ng baso. Kailangan din naming makausap ang nanay at tatay mo. Kahit simple ang kasal, kailangan maging pormal ang pamamanhikan namin," mahinahong tugon ni Uncle Celso. Sa pagkakataong iyon, parang nakakuha ng matibay na suporta sina Argon at Sheena dahil sa paliwanag nito. Parang nagkaroon sila ng matibay na kakampi.

"Tama. Wala rin namang aasahan si Argon sa tatay niya. Hindi naman siya kinikilala bilang Guillermo," dagdag pa ni Auntie Veron na hindi na naman alam ni Sheena.

"Huwag nang isali sa usapan ang hindi dapat isali," saway ni Uncle Celso at sumeryoso ang mukha. But between him and Argon, mukhang mas matindi ang disgust ni Argon nang marinig ang tungkol sa bagay na 'yon. Mas nadagdagan tuloy ang simpatya ni Sheena para sa kanyang fake fiancé.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro