Chapter Seventeen
Pagkalabas ng mag-asawang sina Uncle Celso at Auntie Veron sa sala, iniwan nilang mag-usap sina Argon at Sheena. Tahimik ang paligid habang pareho silang nagpipigil ng emosyon. Si Sheena, bagama't kalmado sa panlabas, ay hindi mapigilan ang pagkulo ng damdamin. Si Argon naman, lutang pa rin mula sa nangyari at hindi alam kung paano magsisimula.
"Sheena," panimula ni Argon, ngunit pinigilan siya ng mahinhing kilos ng babae—isang pagtaas ng kamay na sinasabing huwag muna siyang magsalita, or else, baka mabigwasan siya nito.
"Argon," panimula ni Sheena, na mahigpit ang hawak sa strap ng kanyang bag. "Ano ba talagang iniisip mo? Alam kong sinabi natin noon na tutulungan natin ang isa't isa, pero bakit mo sinabi sa kanila na magpapakasal tayo nang hindi mo man lang ako kinausap nang personal? Tapos tinawagan mo pa ako nang lasing ka!"
Napayuko si Argon. Alam niyang may punto si Sheena, pero hindi niya maiwasang maipit sa kanyang sariling emosyon. "Pasensiya na, Sheena. Hindi ko rin alam kung bakit ko nasabi agad. Siguro, dahil... gusto kong may patunayan sa pamilya ko. Gusto kong ipakita sa kanila na kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa. At gusto kong tulungan ka rin."
Bahagyang nagtaas ng kilay si Sheena. "So you simply want to move out? Gaano ba sila ka-controling sa'yo? Alam mo bang para kang nagdeklara ng giyera nang wala kang armas?"
Sa halip na ipakita ang masidhing galit, napatanga na lang si Sheena nang maaninag ang lungkot sa mga mata ni Argon. Naging harsh siguro siya sa kanyang mga sinabi.
Umiling si Argon, parang hindi alam kung paano ipapaliwanag ang nararamdaman. "Basta gusto kitang tulungan, kailangan ko pa bang mag-explain?"
"Of course Argon! Sabagay, may hints na binigay si Auntie Veron kanina. Kailangan mo ng tutulong sa requirements mo. Pero bakit 'di ka na lang mangutang? Are you going to treat me as a sugar mom?"
"Sige uutangan na lang kita, at sarili ko na lang ang kolateral." Argon felt uncomfortable. The thought of using Sheena never even crossed his mind. He would never treat any woman like that—turning her into a source of money. It was just that he couldn't put into words the flame igniting in his heart, a flame that could cause a wildfire.
Natahimik si Sheena sa mga sinabi nito. Totoo rin namang may bahagi sa kanya na natutuwa sa ideya ng kasal, pero alam niyang hindi iyon sapat na dahilan para ituloy ang lahat. A handsome guy like Argon, who's more than just a pretty face despite not having what they called a stable job, could easily attract a better woman and certainly wouldn't risk his marital status. She feels that there's more to it than just moving out of his uncle's house or him, being vocal to use her financial freedom as a ladder to reach his dreams. Ramdam niya na hindi ito gano'ng klase ng lalaki. She witnessed Argon's hardwork several times and he's quite intelligent while talking. Medyo mahina lang ang kumpiyansa nito sa ibang pagkakataon pero madali lang naman 'yong i-work out.
"Alam mo," sabi ni Sheena matapos ang ilang sandali, "kung gusto nating panindigan ang palabas na 'to, kailangan natin ng plano. At kailangan nating maging malinaw kung hanggang saan lang ang gagawin natin. Hindi 'yung basta ka na lang magdedesisyon nang wala akong alam."
"Kung ayaw mo namang magpakasal, okay lang. But I hope, at the very least, maging magkaibigan pa rin tayo," labas sa ilong na sagot ni Argon. It hurts to feel that he will be rejected like this; kahit na deserved niyang ma-reject.
"Magpapakasal tayo."
Nabigla si Argon sa sagot ni Sheena. Hindi niya inaasahan ang pagpayag nito, kaya't ilang segundo siyang speechless. Inisip niya kung seryoso ba ito o nagbibiro lang. Pero nang makita ang matibay na expression sa mukha ni Sheena, napagtanto niyang seryoso nga ito. He pretended that he's not affected at all, but deep inside, the joy and excitement were almost bursting out.
"Okay," sagot ni Argon, kahit na may nakabuntot na nerbiyos. Pinilit niyang maging kalmado, ngunit ramdam pa rin niya ang kilig na parang hindi siya makapaniwala sa nangyayari. Hindi na rin niya alam kung anong susunod na hakbang, pero sa kabila ng lahat ng kalituhan, masaya siya sa pagpayag ni Sheena.
Walang gaanong salita, ngunit sa mga mata nilang pareho, may mga damdaming hindi na kailangang ipaliwanag. Pagkatapos ng kanilang pag-uusap, hindi sila agad nagpasya kung anong gagawin nila susunod.
Pagbalik sa townhouse, hindi pa rin mapakali si Sheena. Habang nakahiga sa kama, patuloy na binabalikan sa isip ang usapan nila ni Argon. The sudden idea of getting married, a step that felt both daunting and thrilling, brought an unexpected sense of excitement. In a blink of an eye, si Argon lang pala ang makakagiba ng prinsipyo niya. Yes, it's Argon. Hindi niya pwedeng gawing excuse ang dream career niya dahil handa na talaga siyang mag-give up kung hindi lang ito tumawag sa kanya kagabi.
Si Argon naman, nakatambay pa rin sa sala, nagmuni-muni siya tungkol sa kanilang desisyon at kung paano ito magbabago sa kanilang buhay. He knew he had acted impulsively, and maybe a little reckless, but he couldn't help it. He had to prove something, not just to his family but to himself. He wanted to be someone who could stand on his own, who could provide for himself and others, even if that meant using the very last option available to him—Sheena.
His thoughts were interrupted by the sound of his phone vibrating on the table. It was a message from Sheena. Isang maliit na ngiti ang sumulpot sa mga labi niya. Sa kabila ng lahat, may isang pakiramdam ng kapayapaan sa mensahe nito na kailangan niya.
"Good night. I'm glad we talked. Let's figure this out, step by step. No more surprises. Nakaka-stress kang i-handle."
Both of their hearts echoed the same thought: "How do we even begin? This was unexpected, but I feel like something beautiful is happening."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro