Chapter One
"From now on, I'd like to tell you frankly that your name would be put on a list, but being shortlisted doesn't guarantee getting hired."
"Sandali," bigla na lang nabigkas si Sheena sa HR officer. "Nakalimutan kong sabihin sa inyo na may nobyo na pala ako. I'm not closing the doors for the possibilities of getting married."
Napilitan tuloy na mag-imbento ng kwento si Sheena. This situation is still manageable, kung hindi na magtatanong pa ang HR officer.
"Oh? I see... Akala ko talaga wala ka talagang boyfriend, Ms. Tolentino. Good to hear that, pero nasa shortlist ka pa rin namin," prangkang pahayag ng HR na mabilis din na nagbawi ng ngiti saka inabot ang kamay nito sa kanya. That gesture was clearly an indication that the interview was over.
Sheena gave up. "Thank you."
Laylay ang mga balikat niya nang lumabas sa opisina ng kompanyang gusto niyang pasukan. Mabilis siyang sumakay sa kotse at at tiningnan ang notes na nakapatong sa dashboard nito. Since mas maagang natapos ang interview niya sa Lifetime Cherish Counseling Firm, kailangan pa rin niyang magmadali sa susunod niyang lakad. Kung hindi lang siya kasama sa mga male-lay off na empleyado sa Arriendo Law Firm, hindi sana siya magra-rush sa pag-a-apply bilang marriage counselor.
Pinaandar na niya ang kotse ngunit pinatigil niya rin ito dahil sa biglaang tawag ng kanyang colleague na si Grace.
"Sheena, hinahanap ka ni Ms. Rhonda, you need to report to her office today," bungad sa kanya ni Grace na tila naghahabol ng hininga sa kabilang linya ng phone.
"Naka-leave ako, Grace. Alam naman niya 'yon," sagot naman ni Sheena na hindi na ipinahalata ang pagkaaburido. Isa sa kinaiinisan niya ay nagagawa pa siyang abalahin ng kanyang boss, kahit wala naman itong pagpapahalaga sa kanyang work ethic. Ni hindi nga siya sinalba sa nga empleyadong matatanggal.
"Yeah right. Naka-leave ka dahil sa interview mo sa Lifetime Cherish." Bakas ang lungkot sa boses ni Grace.
"Hindi na nila ako kailangan As long as I'm always attentive, and if they only need an extra, that's when I'm only going to report," paliwanag naman ni Sheena. "Kailangan lang ako ng ibang abogado dyan kapag wala nang may gustong tumutok sa iba nilang cases."
"Para sa kanya, maaaring ituring na paglabag sa kontrata ang ginawa mo. Hindi ka pa naman terminated," mariing paalala ni Grace. Mukhang mas takot siya para kay Sheena kaysa sa takot na nararamdaman ni Sheena para sa kanyang sarili.
"Napa-receive ko na ang resignation letter ko last week. Besides, the firm despised me— a lot since then. Sinama pa nga nila ako sa matatanggal," paglalahad naman ni Sheena.
"How's the interview?"
Nagpakawala ng malalim na pagsinghap si Sheena. Ayaw niyang ipaalam kay Grace na hindi maganda ang kinalabasan nito. The counseling firm requires their applicants to be married. Nabalewala lang ang magandang credentials na pinaghirapan niya sa loob ng ilang taon, dahil lang sa marital status.
"Mag-uusap tayo mamaya. Salamat sa pagbigay sa akin ng senyales bago magkaroon ng isang disaster." Kagalang-galang ang tono ni Sheena at mabilis na binaba ang tawag.
Mas dapat niyang unahin ang schedule ng pakikipagkita niya sa kanyang nakababatang kapatid na kasalukuyang nag-undergo ng mental health treatment sa isang facility. Ngayon din ang mahalagang araw sa buhay nito.
"Happy birthday, sissy ko." That was Sheena's prompt greeting to her sister na nakatingin na naman sa kawalan at parang hindi siya narinig kahit nakatayo na siya sa likuran nito.
"Dala ko ang favorite mocha cake mo," masiglang patuloy ni Sheena at saka lamang lumingon sa kanya ang nakababatang kapatid na babae, si Sally.
Nakatingin si Sally kay Sheena, at sa mga mata niya'y muling namutawi ang makahulugang sulyap. Mabigat ang atmosphere sa kuwarto, habang magkasalubong ang kanilang mga tingin.
"Dapat ba akong magpasalamat?" ani Sally, ang kanyang boses ay puno ng hindi malamang damdamin. "Masyado ka nang busy, akala ko kinalimutan mo na ako."
"Hindi mo kailangang magpasalamat, sissy. Regalo ito bilang pagmamahal ko sa'yo. Gusto ko lang naman na masaya ka sa birthday mo," magiliw na sagot naman ni Sheena saka inilapit ang kanyang regalong cake, na tila ba nagpapakita ng pagmamahal at pangungumusta mula sa nakababata at nag-iisang kapatid.
Sheena and Sally's lives changed unexpectedly when they felt the need to grow closer to each other, especially after Sally faced a crisis. She nearly took her own life after her business failed and her boyfriend, who was also her coworker, left her upon discovering she was pregnant.
Hindi lang siya iniwan, tinangay din ng mokong na ex niya ang perang inipon niya na sana'y gagamitin sa pag-revive sa kanyang negosyo at sa planong pagpapakasal. Sally suffered miscarriage that caused her trauma.
"Okay, hindi na ako magtatampo," ngiting sambit ni Sally.
"Inaayos ko na rin ang bahay at bago mong negosyo," pagbubunyag pa ni Sheena at mabilis na namang yakap ang nakuha niyang sagot mula kay kanyang kapatid
"Si mama?" biglang tanong naman ni Sally.
"Busy." Umiling si Sheena saka pinakita ang pekeng ngiti sa kapatid.
"May bago na naman yatang boyfriend 'yon." Halata ang disgust sa tono ni Sally. "Araw ko 'to tapos hindi man lang siya nagpunta. Inobliga ko ba siyang magregalo? Ate, once you get married, 'wag kang tutulad kay mama. Maging faithful ka sa magiging asawa mo."
"Sino nagsabing magpapakasal ako? Mamamatay na lang akong kasama ka at magpapa-insure na lang ako para hindi ka mamroblema sa'kin," totoo ngunit may halong biro na sagot naman ni Sheena. Their mom's infidelity made their home chaotic. Fifteen years old lang si Sheena nang maghiwalay ang kanilang mga magulang. Kinuha siya ng kanyang ama habang si Sally ay isinama ng kanilang ina. Makalipas ang anim na taon, namatay ang kanilang ama sa sakit na liver cancer. That was the darkest part of Sheena's life. Dahil kulang sa financial support mula sa kanyang ina at para maipagamot ang yumaong ama, naging working student siya at nagtrabaho bilang filing clerk sa Arriendo Law Firm bago siya na-absorb bilang regular employee.
"Ate, sa status na mayro'n ka ngayon, wala kang mapu-pull na tambay at walang pangarap. Ang mga maa-attract mo, mga matured gaya mo at financially capable, kaya bakit ka natatakot sa pakikipag-date? NBSB ka. Hindi naman lahat ng lalaki, eh gaya ng demonyo kong ex," sentimyento naman ni Sally.
"Pero majority naman, gaya ng ex mo," deretsahang tugon ni Sheena kasabay ng pagsimangot.
Habang nagiging abala si Sheena sa pag-aalaga kay Sally at sa kanyang trabaho sa Arriendo Law Firm, mas naging malinaw sa kanya kung bakit tila malayo na sa kanyang hinagap ang pag-aasawa. The way their family fell apart, the scars from the past, and their mom's constant struggles in relationships really left a lasting impression on her heart and mind.
Natatandaan pa niya ang mga gabing magulo sa kanilang bahay—ang sigawan ng kanyang mga magulang, at ang lihim na mga tawag sa telepono na naging mitsa ng mga away. Nang maghiwalay ang kanilang mga magulang, bitbit ni Sheena ang galit at kawalang tiwala sa ideya ng pag-ibig na pangmatagalan.
Ngunit hindi lahat ng aspeto ng nakaraan ay nagdulot ng poot sa puso ni Sheena. Sa gitna ng kanyang trabaho bilang legal assistant, natuklasan niya ang isang maitituring niya na "calling" mula sa Diyos— na maaari siyang maging instrumento para mapanatili ang pagkakaisa ng mga pamilya.
At Arriendo Law Firm, she was often assigned for documentation of annulment cases, and as she read through the details of complaints and statements from couples, she consistently noticed a pattern—the root of the problem was not the absence of love but the lack of proper communication. Sa bandang huli, mga bata lang ang naaapektuhan.
Ang insight na ito ang nagtulak sa kanya na mag-enroll ng social work at counseling courses, na mas pinagtibay pa ang goal niyang tulungan ang mga mag-asawa na mapanatili ang kanilang pagsasama, lalo na kung may pagkakataon pa namang maayos ang lahat, as long as there is no occurrence of domestic or sexual abuse, which are valid grounds for annulment.
Ang trauma ng kapatid sa nawalang anak at sa iniwang relasyon nito ay nagturo rin sa kanya ng leksyon na hindi lahat ng pighati ay kailangang tapusin nang tuluyan sa pamamagitan ng pagkitil sa sariling buhay. Nakita niyang unti-unting bumangon si Sally sa tulong ng kanilang suporta at ng counseling sessions nito sa ospital. Kung paanong nakahanap ng liwanag si Sally, naniniwala si Sheena na kaya rin niyang tumulong sa iba.
"Pero ate, nagpunta ka talaga sa interview bago rito? Anong nangyari?"
"Okay lang," kibit balikat ni Sheena.
"Anong okay lang?"
"Wala pa namang result."
"Pero ate, ano nga? Wala ka talagang balak na mag-asawa? Wala ka bang naging crush sa law firm? Wala bang poging lawyer sa inyo? O sa mga circle of friends man lang nila?" Mas lalong nangulit si Sally dahil napansin niya ang pananamlay ni Sheena. Alam na niya agad na hindi maganda ang kinalabasan ng interview.
"Taken at may mga asawa na. Gusto mo pa yata akong gawing kabit," pang-uuyam na sagot ni Sheena.
"Kahit na ba, mayro'n at mayro'n pa rin dyan. Baka crush mo pa rin 'yong nagko-cover ng mga lumang kanta sa YouTube," pambubuyo naman ni Sally.
"Classics 'yon. Saka hindi naluluma ang mga kanta," pagtatama naman ni Sheena. Biglang pumasok sa isip niya ang binatang tinutukoy ng nakababata niyang kapatid. Argon ang pangalan nito. Bukod sa YouTube covers, nagbabanda na rin si Argon at kilala ito ng schoolmates niya. Hindi naman ito gaanong sikat way back 2013, kakaunti nga lang ang subscribers nito kumpara sa mga nakasabayan nito. At isa pa, hindi na naging active pa si Argon. Year 2016 pa ang last upload ng video sa channel nito. Baka nga hindi na nito tinuloy ang pangarap na maging recording artist. Mas malaki rin ang posibilidad na may asawa't anak na rin ito.
'Kumusta na kaya si Argon?'
"Ayie! Naisip niya agad. Crush na crush mo 'yon, eh. Hindi ba?" biglang panunudyo sa kanya ni Sally dahil napansin nito ang bigla niyang pagtahimik. She can't deny that accusation. Hindi rin siya nagkaroon ng phase na mahumaling sa mga sikat na celebrity noon. Tanging si Argon lang ang nagpayanig sa mundo niya.
"Yuck! Kadiri nga na ma-inlove sa mga tulad no'n. It was just a phase," pagsisinungaling ni Sheena. Napangiti siya at itinago niya iyon sa kapatid.
Sheena once experienced being head over heels for Argon, even though she never openly expressed her admiration for him. Every time he performed with his band at the university's battle of the bands concerts, she never missed a single one.
She used to detest some of her suitors and a few annoying male classmates, but when it came to Argon, her usual tough demeanor disappeared. Nawawala ang pagiging tigre niya. At that time, she couldn't even consider having a boyfriend because she was a working student. Distraction pa ang pag-ibig para sa kanya.
At some point, naisip niya ang posibilidad kung gumawa nga siya ng move para mapalapit kay Argon. Baka naging magnobyo sila at masaktan lang din siya sa bandang huli. Besides, Argon was surrounded by admirers, and the thought of competing for his attention was exhausting. Kaya mas mabuti pa pala na mahalin niya ito sa malayo bilang unanimous fan.
There were rumors about Argon being troubled during his time in the band, which raised a red flag for her. So, she was convinced that keeping her feelings hidden was the right decision.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro