Chapter Nineteen
Ramdam ni Sheena ang tibok ng kanyang puso, na mas mabilis kaysa dati. Alam niyang mali ang maramdaman iyon sa sitwasyong kinasasangkutan nila, pero hindi niya mapigilan. May isang bagay na hindi nila mapangalanan, isang damdamin na pilit nilang tinatago sa bawat pagkakataon.
Hindi na rin sila nag-aksaya ng oras na i-discuss ang magiging setup nila kung sakaling ikasal na talaga silang dalawa.
"We need to have an agreement to set our boundaries," panimula ni Sheena. Naka-setup na ang board sa library ng kanyang bahay at doon sila kasalukuyang nagme-meeting ni Argon. Nakalista na rin ang ibang mga bagay na gusto niyang sabihin.
"Walang dapat magbago sa kung anong mayro'n tayo ngayon. Kailangan nating maging professional at mag-focus sa mga responsibilidad natin. Ikaw sa training at requirements mo. At ako sa bago kong trabaho," sabi ni Sheena, pinipilit na gawing malamig ang tono ng kanyang boses.
Tumango lamang si Argon at ngumiti nang bahagya, nagpapahiwatig ng pag-unawa sa mga sinabi ni Sheena. Pero sa loob-loob niya, ramdam niya ang sakit na tila isang kutsilyong tumarak nang biglaan sa kanyang puso. Alam niyang nag-umpisa ito bilang isang kasunduan, isang plano para sa kanilang mga pangarap, ngunit sa bawat araw na magkasama sila, unti-unting lumalalim ang damdamin niya para kay Sheena. Hindi niya gusto ang pagse-set nito ng boundaries pero sino ba siya para hindi sumunod? Ano nga lang ba siya sa buhay nito?
"Walang problema," tugon ni Argon, ngunit sa likod ng mga salitang iyon ay may bahid ng pag-aalinlangan. "Kapag kailangan nating magkita para sa mga dokumento o anumang detalye ng kasal, panandalian lang dapat. Wala nang personal na pag-uusap. At kung may mangyari man, kailangan nating ipaalala sa isa't isa na peke lang ang lahat ng ito, lalo na in public. Fake relationships are equivalent to fake intimacy."
Tumango si Sheena, pinipilit ang sariling huwag ipakita ang katotohanang ayaw niya rin sa itinatag niyang kasunduan. But if she won't do it, baka maging abusado sa kanya si Argon. Hindi pa naman naging maganda ang encounter niya sa extended family na immediate family na rin nito. Naiisip pa lang niya ang terror na si Auntie Veron, parang maiihi na siya sa kaba.
Saglit na namayani ang katahimikan sa pagitan nila, at pareho silang nag-iwasan ng tingin sa hindi malamang dahilan. Sa kabila ng mga sinabi, ramdam nilang parehong nagtatago sa kanilang mga puso ang isang damdamin na hindi nila maamin. Tila may isang pader na unti-unting matitibag at ilalahad nito ang tunay nilang nararamdaman.
"Go ahead. Bakit ka tumigil sa pag-discuss?" untag naman ni Argon. He broke the silence just to ease the tension between them.
"About sa house rules. Dito ka mags-stay. For free na. Basta ba kapag may free time ka, ikaw ang maglilinis dito. As you see, hindi ako organized sa bahay. Kapag may kailangan kang food, kumuha ka lang sa fridge."
"Hindi na ako mangingialam sa pagkain dyan. Kaya ko namang bumili at ipagluto ang sarili ko," sabi pa ni Argon.
"Oo nga pala, kasi kasama ka sa crew ng mga kusinero," kibit-balikat ni Sheena. The thought of knowing Argon knows how to cook made her heart flutter for a while. Sa imahinasyon niya, ipinagluluto raw siya nito bago pumasok sa trabaho.
"Pero pwede kang gumamit ng kahit ano rito."
"Masyado kang generous, huwag gano'n. Treat me as your tenant," pamimilit ni Argon. "Kasi gano'n ang number one example ng totoong boundary."
"Wala ka pa ngang stable income. Mapapagastos ka lang," pagpapaalala naman ni Sheena.
"Sinabi mo na tutulungan mo ako sa financial needs ko para sa mga dokumento. Sapat na 'yon. Plus, sa'yo na rin galing na fallback mo itong trabaho na gusto mo. Kaya unfair na pati pagkain at ibang expenses, makikihati pa ako. Saka may iba pa akong pagkakakitaan. Marami akong raket," proud na katwiran ni Argon. Kahit sa ganitong paraan na lang, maipakita niya kay Sheena na hindi siya nagti-take advantage sa kanilang sitwasyon, despite knowing that this marriage plan seemed beneficial for him.
"Pero kapag walang wala na talaga, pwede naman, eh," hirit ni Sheena.
"Okay Sheena."
"Next. Walang pakialaman ng personal na buhay. Kahit married na tayo, may freedom tayong makipagkita sa kahit sino," pagpapatuloy niya at mukhang hindi sang-ayon si Argon.
"So sinasabi mo na pwede tayong magka-affair inside our marriage? Cheating is non-negotiable. Alam mo naman siguro kung anong kinahinatnan ng parents natin."
"What I mean is..." Hindi nakapagsalita nang tuluyan si Sheena. There's a part of her mind, wanted to be vocal about applauding Argon's take on that kind of issue. Hindi niya inaasahan na ito pa ang magri-raise ng gano'ng concern. Gusto niyang isipin na may puwang na ang pag-ibig sa puso ng binata at ayaw siya nitong lokohin.
"Sheena. While we're married, hindi pwede 'yon dahil registered ang kasal natin. Plus, ikakasira 'yon ng career mo," paliwanag naman ni Argon.
"Tama. Cheating isn't allowed. Pero pwede tayong makipagkita sa mga colleague or friends," pagsang-ayon ni Sheena. "Pero dahil nga magiging mag-asawa na tayo, kailangan din nating mag-update sa isa't isa."
"Oo naman. As it should." Napangiti lang si Argon.
"Magiging maayos din ang lahat, Sheena. Isang sakripisyo lang ito," dagdag niya, ngunit ang mga salita ay parang paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili bilang isang paalala, o marahil isang panlilinlang. Nevertheless, he's doing it maybe not only for himself but for the love that slowly grows on him.
"Yes I know," sagot ni Sheena, at pilit na pinapalakas ang kanyang loob. Pero sa kabilang banda, alam niyang hindi sakripisyo ang pagpapakasal niya kay Argon. More like, she's going to marry him because there's something inside her heart, that only shouts for his name. At ang pagpapakasal niya kay Argon ay hindi charitable case at hindi rin niya maituring na para lang sa kapakanan ng kanyang career.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro