Chapter Nine
Abala si Argon sa trabaho sa maliit na repair shop. Nakaupo siya sa isang gilid habang nagre-revise ng mga invoice at tinitignan ang mga piyesa ng motor na kailangang i-order. Hindi maalis sa isip niya ang mukha ni Sheena noong gabi sa yacht—ang mga mata nitong tila laging nagtatanong at naghahanap ng kasagutan. But he wasn't sure how to explain his situation.
"Boss, ayos na po ang overhaul ng sasakyan ni Mang Ben," tawag ng isa sa kanyang kasamahan, na pumukaw sa kanyang atensyon.
"Ayos. Kung gano'n, pasabi na lang sa kanya na pwede na niyang kunin bukas," sagot ni Argon at nagpakita ng ngiti na hindi umabot sa kanyang mga mata.
Nang mapag-isa siyang muli, napabuntong-hininga siya at ilang beses na umiling.
"Kung iba lang sana ang sitwasyon," bulong niya sa sarili, marahil bilang isang hiling na hindi niya alam kung paano tuparin.
Habang mas lumalim ang kanyang pagmumuni-muni, biglang tumunog ang kanyang cellphone. Isang hindi kilalang numero ang nag-flash sa screen, but it became familiar to him upon reading. Agad siyang nagdalawang-isip kung sasagutin ito, pero sa huli ay pinindot niya ang answer button.
"Hello?"
"Argon?" Ang boses na iyon ang nagpabilis ng tibok sa kanyang puso. Hindi siya handa para sa tawag na ito. He didn't expect her to reach out. But for what reason?
"Sheena?" Hindi niya napigilang itaas ang tono ng kanyang boses sa gulat.
"Galit ka ba?"
"H-hindi." Halos magkandaumid ang dila niya.
"Argon, kailangan nating mag-usap," seryosong sabi ni Sheena. "Puwede ba tayong magkita? Kahit saglit lang."
Nabigla siya at hindi alam kung anong isasagot. Alam niyang dapat niyang tanggihan ito, pero naramdaman niya ang kabig ng damdamin niya na gusto rin niya itong makita.
"Saan mo gustong magkita?" tanong niya, kahit labag sa kanyang plano na umiwas.
"Kung saan mas convenient sa'yo."
Pinipilit ni Argon na kontrolin ang kanyang boses. "Busy pala ako, sorry. Kung may nagawa man akong mali, pwedeng sabihin mo na?"
"Ayaw mo ba akong makita?"
"Pero bakit ka nga muna makikipagkita?"
Narinig niya ang pagbuntong hininga ni Sheena sa kabilang line bago muling umimik. "Isasauli ko ang panyo at coat."
"Kahit huwag na."
"May tinatago ka ba sa'kin? Like, may asawa? Anak? Kung oo, okay. Wala naman tayong ginawang masama that time. Pero sana ituring mo pa rin akong kaibigan."
"Wala—"
Natigilan si Argon nang ma-realize na tinapos na ni Sheena ang tawag. Alam niyang hindi na ito simpleng usapan lang. May bigat sa boses ni Sheena na nagpaalala sa kanya kung gaano ito kahalaga.
"Wala akong asawa't anak. Pero mabuti na lang din siguro kung gano'n ang iisipin mo."
***
Halos sasabog na sa inis si Sheena pagkatapos niyang kausapin si Argon. Nakuha na niya ang sagot, hideous nga ito at maaaring tama ang hinala niyang may pamilya na ito. Hindi siya desperada para manira ng pamilya dahil alam niya ang pakiramdam na mamuhay nang hindi magkasama ang mga magulang dahil sa infidelity issue. But still, she felt betrayed by Argon and she was hurt by the idea that he might have an attitude of using someone for personal interests.
Muling nag-vibrate ang kanyang telepono. Tumingin siya sa screen at napangiwi nang makitang notification lamang ito ng isang app at hindi mula kay Argon. Napabuntong-hininga siya bago muling itinuon ang pansin sa pending tasks na ginagawa pa rin niya sa bahay.
"Bakit kaya gano'n?" tanong niya sa sarili. Hindi ito ang unang beses na nagkaroon siya ng ganitong kuryosidad sa isang tao, ngunit iba ang kay Argon. Para bang may misteryo sa pagitan nila na kailangang masagot. She wanted him to explain his side, pero hindi niya ito pinatapos man lang. What if he says that he's free and single?
Huminga na lang siya nang malalim at binalikan niya sa isip ang mga eksenang nagparamdam sa kanya ng kilig. It was still about Argon. Maya-maya pa, isang email notification ang lumitaw sa kanyang screen mula kay Mrs. Costales.
"Sheena, you deserve praise for your participation at the yacht party. Your fiancé also makes us have a good time. We'll talk about your part in more detail soon. Next week, get ready to give a brief overview of your thoughts. Additionally, I want to invite you and your fiancé to dinner. If you say yes, then we can go for a final interview."
Nang basahin niya ito, napangiti si Sheena. Kahit papaano, nagkaroon ng magandang bunga ang kanilang pagpapanggap. Pero hindi iyon sapat para mapawi ang mga tanong sa kanyang isipan. But because of her behavior, mukhang hindi na niya makakausap pa si Argon. Tapos na ang kanilang pagpapanggap pero may bahagi sa puso niya na may pangangailangan na marinig ang maayos nitong paliwanag, kahit gaano kasakit.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro