Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Fourteen

Natameme si Sheena nang makitang pumayag si Argon. Ine-expect niya na tatanggihan pa siya nito pero taliwas ang nakuha niyang sagot. Isang maliit na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi na kinailangan niyang itago para hindi nito mahalata na talagang ikinalulugod niya na mananatili ito sa bahay niya for a while.

Habang pinapasok si Argon sa silid, hindi maiwasan ni Sheena na magkatinginan pa silang dalawa. May kung anong kapanatagan ang presensiyang bitbit ni Argon.

"Sige, magpahinga ka na, Sheena. Bukas na natin ulit isipin ang mga problema," pagpaalam ni Argon, na tila may nais pa sanang sabihin. Tumango lang si Sheena bago tuluyang isara ang pinto.

"Goodnight—especially to me," bulong ni Sheena saka ngumiti.

Habang siya ay nakahiga na sa kama, sa kwarto na inilaan niya para kay Sally, hindi niya maiwasan ang pagbalik-balik ng mga tanong sa kanyang isipan. Bakit napakabilis na nagbago ang mga bagay? Bakit biglang may halaga si Argon sa kanya? Kung nagawa na niya itong patuluyin sa bahay niya nang walang hesitation, posible rin kaya na patuluyin niya rin ito sa kanyang puso?

Weird, but those thoughts made her fall asleep. Hindi na niya kinailangang mag-take ng melatonin.

Samantala, si Argon naman ay hindi rin mapakali sa kabilang silid. Kahit na malamig ang simoy ng hangin dulot ng ulan sa labas, mainit ang kanyang pakiramdam. Paulit-ulit niyang iniisip ang mga nangyari at ang mga sinabi niya. Natatakot siyang baka masyado siyang naging prangka. Sheena might see him as a cunning man because of his deep concern. Alam niyang hindi ito basta magtitiwala sa mga lalaki.

Kapwa nila naiiisp na nasa bingit na talaga ng pagbabago ang mga desisyon nila, dahil mas pinaglalapit na sila ng mga pangyayaring hindi naman nila inaasahan.

***

Kinaumagahan, tahimik na bumangon si Argon mula sa kama at dahan-dahang bumaba sa sala. Sa likod ng mga kurtina, sumisilip na ang unang liwanag ng araw at tila sinasalubong ang bagong simula. Finally, the rain has gone.

Dumaan siya sa kusina at nakita si Sheena na abala sa paglalagay ng mainit na kape sa tasa. Napatingin ito sa kanya at agad na ngumiti, isang ngiting may pasasalamat.

"Good morning," bati ni Sheena, pilit na pinapanatili ang normal na tono sa kabila ng hindi pangkaraniwang sitwasyon. Kung pwede nga lang ay sabihin niyang higit pa sa good ang umaga niya dahil nasilayan lang naman niya ang kanyang saviour at former music hero.

"Good morning din," sagot naman ni Argon habang umupo sa tabi ng mesa. Hindi niya mapigilan ang sarili na tingnan si Sheena nang matagal kahit palihim. Ang mga mata nito na kahapon lang ay puno ng pagod, ngayon ay naging energetic. Maybe she had a good sleep.

"Nagkakape ka ba?" tanong ni Sheena kay Argon.

"Oo." Sa pagsagot ni Argon, may nakahanda na palang isang tasa ng kape na maingat na inilapag ni Sheena.

"Ang bilis naman," biro ni Argon at sinalubong ang tingin ni Sheena sa sandaling iyon.

"Feeling ko kasi gising ka na rin kaya nagtimpla na ako at saka ko na lang nilagyan ng tubig," paliwanag niya.

Napatango na lang si Argon. "Salamat, pati na rin sa pagpapatuloy mo sa'kin dito."

Alam niyang kailangan na niyang magpaalam. Ngunit sa puso niya, may kung anong damdamin na gusto niyang manatili na lang dahil hindi pa siya napapanatag sa katotohanang mag-isa si Sheena. He couldn't explain why he cared for her more, but this feeling wasn't accompanied by any sense of obligation. Nagkibit-balikat na lang siya habang tinatpos ang pagkakape.

"Sheena, aalis na rin pala ako. Masyado na akong nakaabala," sabi ni Argon, na may konting pag-aalinlangan sa kanyang boses.

Napatitig si Sheena kay Argon at unti-unti niyang naramdaman ang kakaibang lungkot.

'Gusto ko pa sanang makasama ka nang mas matagal,' naisip niya, ngunit hindi niya ito masabi.

Sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan nila. Tila parehong nag-aalangan kung dapat bang ipagpatuloy ang kanilang usapan o tapusin na lang ito sa simpleng paalam. Sa kabila ng lahat, naroon pa rin ang hindi maipaliwanag na tensyon sa pagitan ng dalawa—isang tensyon na parang isang buhos ng ulan na naghihintay ng tamang oras para bumagsak.

"Aalis ka na talaga?" Bakas ang kalungkutan sa boses niya. Gusto niya itong pigilan pero wala siyang karapatan na gawin iyon. Masyado na niyang nakuha ang oras ni Argon, and she's not used of causing burden to other people. Palibhasa, kinakaya niyang mag-isa.

"Marami pa kasi akong gagawin. Pero kung may kailangan ka, i-text mo na lang ako o tawagan," sagot naman ni Argon.

Bumuntong-hininga si Sheena at sumulyap sa labas ng bintana. Ang mga patak ng ulan na naiwan mula kagabi ay kumikislap sa ilalim ng araw. Sa loob niya, may mga tanong pa na bumabalot sa kanyang isipan—kung bakit biglang nagbago ang lahat sa pagitan nila, kung ano ba talaga ang hinahanap niya, at kung bakit ang presensya ni Argon ay nagdudulot ng kapanatagan sa kanya na hindi niya maipaliwanag?

"Okay. Mag-iingat ka."

Tumango si Argon, sa wakas ay nagpakawala ng isang maliit na ngiti. "Pero tandaan mo, Sheena, kahit kailan, hindi mo kailangang dalhin lahat ng bigat mag-isa. Laging may taong nandito para sa'yo."

Sa muling pagtama ng kanilang mga mata, naunawaan nilang dalawa na bagaman hindi pa klaro kung ano ang kahihinatnan ng kanilang sitwasyon, isang bagay ang sigurado— They were slowly falling for each other without realizing it, both unaware of what they were truly feeling.

***

Inabot ng isa't kalahating oras si Argon bago marating ang simpleng tahanan ni Uncle Celso sa Sta Cruz, Manila. Pagdating niya sa tahanan ng kanyang tiyuhin, agad siyang tinanggap nito ng may malasakit.

"Ilang linggo ka nang hindi umuuwi rito. Akala ko may nangyari na namang masama sa'yo," pag-aalala ni Uncle Celso. Siya ang pinsan ng yumaong ina ni Argon na tumutulong din sa kanya na makapagtrabaho sa barko kahit hindi pa permanente.

"Nakakahiya naman po na dito ako tumuloy palagi, nagagagalit si Auntie Veron." Tinutukoy ni Argon ang asawa ni Uncle Celso na halata namang hindi gusto ang ideya na pumisan siya sa tahanan ng mga ito.

"Hayaan mo na 'yon. Concerned lang din naman siya sa'yo dahil akala niya, hindi ka na makakahanap ng pagkakakitaan. Kahit dinadaldalan ka no'n, mahal ka no'n bilang pamangkin," sagot naman ni Uncle Celso saka tinapik ang balikat ni Argon.

Ilang saglit ay tumayo ito para buksan ang refrigerator saka kumuha ng isang bote ng alak.

"Uncle, hindi na ba nagagalit si Auntie kapag umiinom ka? Nilagay mo pa talaga sa ref ninyo 'yang alak," concerned na tanong ni Argon. "At isa pa, alak agad ang inihain n'yo sa'kin. Hindi n'yo man lang tinanong kung kumain na ako."

"Hindi ka naman iinom kapag wala pang laman ang sikmura mo, kaya kabisado na kita," hagikhik pa ni Uncle Celso. "Argon, wala kang dapat ipag-alala. Ito ang tahanan mo kahit kailan. Nandito lang kami palagi para sa'yo. Saka napag-usapan na namin ni auntie mo ang pag-inom. Hindi naman masama, basta moderate lang. Kilala naman niya ako, sa tagal naming mag-asawa na, hindi niya ako basta bastang sinusuway. May mga pagkakataon nga lang na napaglilihiman ko siya. Pero ang mga lihim na 'yon, hindi tungkol sa pangangabit. Hindi ko kayang lokohin ang asawa ko. Ako lang ang matinong seaman sa barko namin dati."

"Ano bang feeling na maikasal, uncle? Masaya ba?" biglang naitanong ni Argon. Out of the blue, he just felt curious.

"Masaya. Kasi nagmamahalan kami ng auntie mo."

"Pero hindi raw sapat ang pagmamahal. Uncle may tanong pa ako..." Sinadyang putulin ni Argon ang dapat niyang sabihin. Siya na ang nagbukas sa isang bote ng alak at bigla na lang niyang nilagyan ang kanyang baso at uminom agad.

Kaya naman, napakunot na lang ang noo ng kanyang tiyuhin. "Ano 'yon, hijo?"

"I mean, hindi pala tanong. May gusto lang akong i-inform sa inyo."

"Huh? Ano ba 'yon at mukhang balisa ang mga mata mo?"

"Magpapakasal na po ako."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro