Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Five

Mabilis na lumakad ang oras matapos ang kanilang kasunduan. Pinag-usapan nila ang mga detalye sa isang gilid ng yacht, kung saan mas kaunti ang mga tao at mas pribado. Habang tinutukoy ni Sheena ang mga dapat nilang gawin upang magmukhang kapani-paniwala ang kanilang pagpapanggap, tahimik lang na nakikinig si Argon, sinusundan ang bawat paggalaw ng kanyang mga mata at pagbitaw ng salita.

"Ang gusto ko lang ay mapansin ni Ms. Daria na kaya kong makipagsabayan sa iba. Basta't mukhang maayos ang impresyon ko, na hindi ako single para ma-consider ako sa counseling company niya. Saka na natin pag-usapan 'yong ibang details," paliwanag ni Sheena habang tumingin sa malayo, at sinusundan din ng kanyang mga mata ang mga ilaw na sumasayaw sa dagat.

"Simple lang 'yan," sagot ni Argon. "Kailangan lang nating maging komportable sa isa't isa. Kung gusto mo itong maging totoo sa paningin ng iba, kailangan hindi mukhang pilit ang mga kilos natin. Besides, magkakilala naman na tayo noon."

Napalunok si Sheena. Hindi niya inasahan na magiging ganito ka-exciting ang kanilang kasunduan. Habang nag-uusap pa sila, napansin niyang iba na ang aura ni Argon. Ang dating payak na binata na naggigitara sa harap ng mga estudyante ay isa nang lalaking puno ng karisma. Baka nga hindi maniwala ang colleagues niya kapag makita ng mga ito na si Argon ang ka-date niya. Sobrang contrasting kasi ang career nila at personalities. Their love for music was the only common denominator.

"Okay, paano tayo magsisimula?" tanong ni Sheena, may halong kaba at excitement.

"Simple lang. Hawakan mo ang kamay ko," sagot ni Argon, iniabot ang kanyang palad. Nagulat si Sheena, ngunit hindi siya umatras. Dahan-dahan niyang inilapat ang kanyang kamay, at naramdaman niya ang init nito.

Habang nakahawak-kamay sila, napansin ng ilan sa kanilang mga kasamahan sa law firm ang kanilang presensya. May ilang nagtaasan ng kilay, ngunit may mga ngumiti na parang nagugustuhan ang kanilang nakikita. Hindi nagtagal, may mga lumapit upang bumati at magtanong.

"Sheena, hindi mo naman nagsabi na may date ka pala ngayong gabi!" bulalas ng isang kaibigan niyang si Mabel, sabay kindat at biglang tawa. Kitang-kita sa mga mata nito ang interes at pagkabigla.

"Oo nga naman, Sheena," dugtong ng isa pang kasamahan. "Matagal ka na naming inaasar na maghanap na ng kasama, at heto ka ngayon na may 'mystery man' pala!"

Napatingin si Argon kay Sheena, at mabilis na hinila siya nang marahan at papalapit, tila isang kilos na nagpapahiwatig na hindi siya natatakot sa eksena.

"Well, ayoko namang ipagkalat agad. Gusto kong masorpresa kayong lahat," sabi ni Sheena na may pilit na tawa, pero may kaunting kilig sa boses.

Ngumiti si Argon at tumingin kay Mabel. "Hello, I'm Argon."

"Actually, matagal ko na rin siyang gustong yayain sa ganitong okasyon, pero ngayon lang kami parehong nagkaroon ng oras. Buti na lang dito rin sa yate ang gig ko. Parang nagkita na lang talaga kami," dagdag niya na may tono ng katotohanan.

Habang nagpatuloy ang gabi, mas lalong nagmistulang totoo ang kanilang pagpapanggap. Sa kabila ng lahat, hindi mapigilan ni Sheena ang nararamdamang init sa kanyang pisngi tuwing mas nagkakalapit sila ni Argon o tuwing magtatama ang kanilang mga mata. At sa bawat sandaling iyon, tila nawawala sa isip niya na lahat ng ito ay peke lamang. It just happened like a flash and she's aware that this is not right.

Napalunok naman si Sheena nang makita si Mrs. Daria Costales na lumapit sa kanila, nakangiti ngunit halatang curious. Kasama nito ang isang grupo ng mga abogado mula sa iba't ibang law firm na imbitado rin sa gabing iyon. "Sheena Tolentino? From Arriendo Law Firm?"

"Y-yes ma'am," kabadong sagot ni Sheena at nakipagkamay sa ginang. This is it. Kaharap na niya ang big boss ng Lifetime Cherish. Tama lang ang tiyempo nila para ipakita ang palabas nila ni Argon.

Agad din namang napansin ni Mrs. Costales si Argon. She recognized him. "It was you, the singer who serenaded the crowd earlier with your lovely baritone voice."

Iniabot ni Argon ang kamay kay Mrs. Costales. Nakangiti pa siya na parang wala lang, tila sanay na sa ganitong mga pagpapakilala. "Good evening, ma'am. I'm Argon Guiilermo, Sheena's fiancé."

Kitang-kita ni Sheena ang pagkagulat ng ginang, ngunit agad din itong napalitan ng pag-unawa.

"Fiancé?" tumango-tango ito na tila pinoproseso ang bagong impormasyon. "I didn't know you're engaged, Sheena. Pero nabanggit ng HR ko na katatapos mo lang pala na ma-interview sa company namin."

Makailang saglit, kay Argon naman bumaling si Mrs. Costales. "Guillermo? Kamag-anak mo ba ang kilalang alcohol manufacturer na Guillermo rin ang apelyido? We patronized their business in Makati."

Isang mariin na pag-iling ang mabilis na response ni Argon, to which Sheena found confusing. "I'm just an ordinary person ma'am. Baka po magkaapelyido lang kami."

"I see," kibit-balikat naman ng ginang.

Then, Argon tapped Sheena's back.

Napatingin naman si Sheena kay Argon na tila nagsasabing 'Heto na.' Huminga siya nang malalim at pilit na ngumiti.

"Well, ma'am, it's quite new," panimulang paliwanag niya. "We were planning to keep it lowkey for a while, pero... surprise!"

Nagtawanan nang kaunti ang mga kasama ni Mrs. Costales sa likuran nito at nanatiling observant sa kanilang dalawa. "Well, congratulations. How long have you two been together?"

"Three years, ma'am," mabilis na sagot ni Argon, tila sinasanay ang sarili sa kanilang bagong kwento. "And we got engaged a few months ago, after one of my gigs."

Tinapunan niya ng tingin si Sheena, na agad namang ngumiti pabalik.

"That's so romantic," isang babaeng abogado ang nagsabi na kinikilig sa kwento. "Very outgoing naman pala si Ms. Sheena, sabi pa ni Ms. Rhonda, subsob ka raw lagi sa work. Masyado ka raw kasing hard working."

"As if may choice ako na hindi magtrabaho nang mabuti sa kanya." Sa pandinig lang ni Argon umabot ang sinabi ni Sheena. Ilang saglit pa ay nginitian na lamang niya ang abogado na halatang concerned sa personal niyang buhay kahit hindi naman niya ito nakatrabaho.

"So, itong fiance pala ni Ms. Sheena ay isang singer. For sure lagi mo siyang hinaharana kapag nag-aaway kayo. You know what, I once dreamed of marrying a singer, kaso na-fall naman ako sa isang residential counselor. Hindi talaga natin masasabi ang tadhana," magiliw na sabi pa ni Mrs. Costales.

"Since the stage is already empty, would you mind to sing for us again, Argon? Pwede bang kantahin mo 'yong Tonight I Celebrate ni ano... sino nga ulit kumanta no'n?"

"Roberta Flack and Peabo Bryson?" Argon asked just to make sure.

"Yes. Kita mo nga naman ang batang ito, fan din ng classics. Theme song kasi namin 'yan ng husband ko," kinikilig na paglalahad pa ng ginang.

"Okay po, no problem," pagpayag ni Argon.

Nagulat si Sheena dahil mukha ngang nakuha ni Argon ang atensyon ng nakararami. His move could make Sheena get closer to Mrs. Costales as well. Wala siyang nagawa kundi ngumiti habang umupo na si Argon sa isang maliit na stage area at piano naman ang tinugtog nito. Tahimik ang buong paligid habang naghahanda siya, at si Sheena, bagama't kinakabahan, ay ramdam ang excitement. She feels like the song is dedicated to her, even though someone else requested him to sing that classic love song.

Sinimulan ni Argon ang unang notes ng kanta, habang muling bumabalik sa alaala ni Sheena ang lahat ng dahilan kung bakit siya hinangaan nito. Ang kanyang boses na puno ng emosyon, at tila kayang iparating ang damdamin sa bawat salita—ay nagdala sa kanya pabalik sa mga araw ng kanyang kabataan.

Nang matapos ang kanta, nagpalakpakan ang mga tao. Nagpalitan ng mga tingin sina Sheena at Argon—hindi na bilang magkakilala lamang, kundi bilang mga taong sabay na pinilit bumuo ng isang pantasya, na para bang isa itong reyalidad. Naging romantic ang atmosphere ng yate at napansin na lamang nila na nagmistulang dance floor pala kanina ang espasyo ng yate dahil katatapos lang din na mag-sweet dance ng ibang couples habang kumakanta pa si Argon.

"Wow, you two really look good together," komento ng isang kasama ni Mrs. Costales, at hindi maiwasang ngumiti ni Sheena sa kapansin-pansing pagkamangha ng lahat.

"I'll talk to the management about this. I will recommend you to my own company, Ms. Sheena." Nilakihan ni Mrs. Costales ang ngiti saka nakipagkamay kay Sheena.

Kapwa nagkatinginan sina Sheena at Argon. Does it mean that she will get the job?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro