Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 5

August 14, 2006

NANGUNGUNOT ang noo ni Kristina dahil tila ba nasisilawan siya ng sinag ng araw. Ramdam niyang tila nakahiga siya sa isang malambot na kama. Alalang-alala niya pa ang kanyang ginawa kahit na nakainom siya ngunit alam niyang hindi siya nalasing doon.

She committed suicide.

Iyon naman talaga ang kagustuhan niya sa mga oras na iyon.
'Buhay pa ba ako?' isip-isip niya ngunit hindi siya makapaniwala dahil napakataas ng kanyang tinalunan, imposibleng buhay pa siya. 'Baka may nakakita sa akin at agad naman akong isinugod sa ospital. Pero imposible dahil wala namang tao roon,' dagdag pa niya at pilit niyang iminumulat ang kanyang mga mata dahil nakaririnig siya ng tila sigaw sa loob ng kwarto.

"Kristina Marie Razon! Unang araw mo sa kolehiyo ay late ka? Aba! Kagabi lang ay sobrang excited ka na pumasok tapos ngayon tulog mantika ka naman," sermon sa kanya at tila pamilyar ang boses na iyon sa kanya.
Nang buksan ni Kristina ang kanyang mga mata ay lumantad sa kanya si Nanang Sabel, ang kanyang yaya.

Napatulala naman si Kristina at hindi makapaniwala sa kanyang nasasaksihan. Ramdam niya rin ang kanyang pamumutla dahil baka binabangungot lamang siya ngunit patay na siya kung tutuusin. Patay na kasi ang kanyang Nanang Sabel, dahil na rin sa katandaan nito ngunit heto siya ngayon sa kanyang harapan.

Napatalon si Kristina mula sa kanyang kama at dumiritso sa salamin.

Hindi pa rin siya makapaniwala dahil ibang-iba ang kanyang mukha na nakikita mula sa kanyang repleksyon. Mas bata siya rito, hindi pa siya nakuntento at pinisil-pisil niya ang kanyang pisngi at kinurot na rin ang kanyang kamay.

Totoo nga ang mga nangyayari sa kanya. Napatingin siya sa gawi ng kanyang Nanang Sabel na para ring natatalinghagaan sa kanya. Dali-dali namang tumakbo si Kristina sa kanya at agad itong niyapos ng yakap na pagkahigpit-higpit.

Labis siyang nangulila sa pagkawala nito dahil siya lang mismo ang naging karamay niya sa lahat simula nang mamatay ang kanyang totoong ina.

Kung binigyan man siya ng kaitas-taasan ng isa o tatlong araw na mabuhay ulit sa kanyang nakaraan ay wala siyang karapatan upang magreklamo dahil ayon nga sa kanyang namayapang lola ay ang lahat ng mga nangyayari ay mayroong rason. Bagkus na magreklamo ay haharapin niya ang mga araw na ibibigay sa kanya.

Ngunit hindi pa rin siya makapaniwala. Isang malaking pagkasasala ang kunin ang sariling buhay. Ngunit heto siya ngayon at tila muling nabuhay.

"Ano bang nangyayari sa 'yong bata ka?" tanong ni Nanang Sabel saka siya hinarap.

Umiling naman si Kristina. "Maliligo na po ako," ani niya at tumango naman si Nanang Sabel.

"O siya, sige maiwan na kita rito ha at ipaghahanda pa kita ng makakain pero siguro baunin mo na lang ano? Late ka na kasi," wika niya saka napakamot ng kanyang ulo na bahagyang ikinatawa naman ni Kristina.

"Huwag mo kayong mag-alala dahil sa unang araw ng klase ay wala pa naman talagang klase. Ipaghanda ninyo naman po ako ng makakain sa baba at kakain po ako agad. Saluhan ninyo po ako ha," ani niya saka agad na pumasok sa banyo.

Tila natulala naman si Nanang Sabel sa tinuran ng kanyang alaga dahil tila may kakaiba rito sa kanya.

Alalang-alala pa ni Kristina ang kanyang naging unang araw noon bilang isang kolehiyala dahil sobrang aga niya noon na wala pang gaanong katao-tao. Ngunit ngayon ay magbabago ang lahat tutal naniniwala naman siyang pansamantalang oras lang naman ang ibinibigay sa kanya ngayon.

Napatingin siya sa kanyang repleksyon sa salamin at kitang-kita niya ang malaking pagbabago ng kanyang mukha. Batang-bata pa talaga siya at halatang alagang-alaga ng kanyang ina. Ngunit nang mamatay ito dahil sa isang trahedya ay si Nanang Sabel na ang pumuna ng lahat ng iyon para sa kanya. Isang taon ang lumipas simula nang mamatay ang kanyang ina ay nagkaroon ulit ng karelasyon ang kanyang ama at agad naman silang nagpakasal at iyon ay si Mrs. Loisa.

Bigla namang tila tumigil ang pag-ikot ng mundo ni Kristina dahil nasa iisang bahay sila ngayon. Ibig sabihin noon ay magkikita at magkikita rin silang dalawa. Hindi niya dapat ito pagkatiwalaang muli, hindi na sa ngayon sa ikalawa niyang buhay.

Nang matapos na siyang maligo ay para bang nasisiyahan siyang muling masilip ang kanyang kabinet na punong-puno ng mga magagadang damit. Simula nang mag-asawa siya ay halos nalimutan na nga niya ang kanyang sarili na bumili rin ng kanyang mga gusto. Hindi naman sa wala siyang pera ngunit wala lamang siyang gana dahil wala naman siya nitong panggagamitan.

Habang inaalala niyang lahat ang mga iyon ay kumukulo ang kanyang dugo dahil ilang taon din pala siyang ginawang tanga ng mga taong malalapit sa kanya. Isang ngisi ang gumuhit sa kanyang mga labi dahil nga unang araw nga pala ng klase ngayon at sa unang araw na iyon ay makikita niya nga mismo si Marco.

Sa unang araw ng klase ay hindi niya pipiliin ang damit na siyang isinuot niya noon.

Nahihiya pa kasi siyang magsuot ng mga damit na nakikita niya sa tuwing nanonood siya ng mga kdrama ngunit ngayon ay handa na siyang isuot ang mga iyon. Hindi na siya muling magiging outcast sa pangalawang buhay niya at hindi siya magiging api-apihan ng karamihan.

Alalang-alala niya pa ang lahat dahil walang nakakaalam noon na isa siyang Razon dahil iyon ang kagustuhan ng kanyang step-mother. Hindi niya rin alam ang kung bakit dahil hindi naman siya nagtanong kung ano ang rason dahil ang tanging alam niya lang ay takot siya sa kanyang step-mother. Sa harapan ng kanyang ama ay akala mo ay isang santa at isang mapagmahal na ina ngunit salungat noon ang lahat.

Hindi niya ito ipinaalam sa kanyang ama noon dahil sa takot na baka itatakwil siya dahil gumagawa lamang siya ng istorya dahil iyon ang sabi sa kanya ng kanyang step-mother.

Ngunit ang lahat ng iyon ay magbabago dahil hinding-hindi niya uurungan ang babaeng nagbabalat-kayo.

Nang matapos na siyang mag-ayos at kinuha ang kanyang mga nakahanda ng gamit ay agad naman siyang lumabas ng kanyang kwarto. Dali-dali naman siyang pumunta sa kusina. Tila na-miss niya rin kung ano ang itsura ng tahanan nila ngunit wala na ang sigla noon nang mawala ang kanyang ina.

Ang buong akala niya noon ay kahit na wala na ang kanyang ina kahit papaano ay pipilitin pa rin nilang mag-ama ang maging masaya ngunit taliwas noon ang kanyang mga akala. Noong una ay napalapit ang loob ni Kristina sa kanyang magiging step-mother ngunit kalaunan ay ipinakita na nito mismo ang kanyang totoong kulay at pagkatao. Lagi siya nitong minamaltrato kapagka wala ang kanyang ama at ang lahat ng mga iyon ay saksi ang kanyang Nanang Sabel.

Pati si Nanang Sabel ay tinakot niya rin na mawawalan ito ng trabaho kapagka nagsumbong ngunit ang mas ikinatatakot noon ni Nanang Sabel ay ang mawalay mismo kay Kristina dahil napamahal na ito sa kanya at sa nakikita niyang sitwasyon nito na nawalan na ng ina at tila nawalan na rin ng presensya ng ama ay ayaw na niyang iwan ito. Wala rin namang pamilya si Nanang Sabel at hindi na rin ito nakapag-asawa kaya nag-iisa lamang ito sa buhay.

Ipinangako ni Kristina sa kanyang puso't isipan na ipapatingin niya agad sa doctor si Nanang Sabel upang maagapan ang kanyang sakit. Ang tanging hiling niya lamang ay kung magtatagal nga siya sa taong ito.

"Nanang, si Papa po?" tanong niya habang kumukuha ng tasa para makapagtimpla ng kape.

Naguguluhang napatingin naman agad si Nanang Sabel kay Kristina. "Naku! Ano bang ininom mo? Ang papa at mama mo hindi ba't nasa bakasyon? Hindi ka nga nakasama kasi nga ay klase mo na?" sagot naman ni Nanang Sabel at doon ay naalala naman agad ni Kristina ang lahat.

Kung tutuusin ay kayang-kaya niyang lumiban sa unang araw dahil wala pa naman talagang pormal na klase ngunit binalaan siya ng kanyang step-mother na huwag ng gumawa ng eksena at hayaan na lamang silang dalawa na magbakasyon. Sa mga panahon ding iyon ay halos hindi na rin magkaroon ng oras ang kanyang ama sa kanya dahil ibinubuhos niya halos ang oras nito sa kanyang trabaho at sa kanyang step-mother.

Nakaramdam si Kristina ng kirot sa kanyang puso dahil halos hindi pa naman noon nag-iisang taon nang mamatay ang kanyang ina ngunit agad namang nakakita ang ama ng ipapalit sa kanya. Ganoon na lang bang kadaling bitawan at kalimutan ang kanyang ina? Minahal nga ba talaga ng kanyang ama ang kanyang ina? Or does the history repeats itself? Ngunit taliwas sa sinabi sa kanya ng kanyang lola noon ay hindi ito naniniwala sa 'history repeats itself' dahil 'it's the people who repeats it'. At hinding-hindi na niya uulitin ang kanyang naging nakaraan.

"Ano ba 'yang tinitimpla mong bata ka? Hindi ka naman umiinom ng kape atsaka hindi ka naman kailanman umiinom nito. Ano na bang nangyayari sa 'yo. Kanina ka pa, Ina, ha," wika ni Nanang Sabel at doon ay napagtanto nga ni Kristina na kape ang kanyang itinitimpla sa halip na gatas.

Tila kasi ay mas hinahanap niya ang amoy ng kape ngunit sa gulang niya ngayon ay talagang mapapatanong nga si Nanang Sabel.

"Nanang, ano na ngang taon ngayon?" tanong niya saka iniabot ang itinimpla niyang kape kay Nanang Sabel imbes na inumin niya.

"Ako ba ay pinagloloko mong bata ka ha? Ayan sa harap mo mismo ay mayroong kalendaryo na pagkalaki-laki ha," ani naman nito at humigop ng kape sabay simangot. "Ang pait naman nitong kapeng itinimpla mo, Ina," dagdag pa nito at kumuha ng isang kutsarang asukal saka hinalo.

'Taong 2006 at ibig sabihin ay labinwalong taong gulang pa lang ako.' Isip-isip niya saka sumandok ng mainit na kanin sa kanyang pinggan. 'Sa mga taong ito ay marami nga naging ganap sa buhay ko at kasama na roon si Marco.'

Habang abala si Kristina sa pagkain ay inihahanda naman ni Nanang Sabel ang baon nito. "Dapat ay maubos mo ang baon mo ha at nangangayayat ka masyado. Kailangan mo ng lakas araw-araw. Sinasabi ko sa 'yo na kapag nagka-edad ka na ay maaalala mo rin ang mga paalala ko sa 'yo," wika ni Nanang Sabel at tumango-tango naman si Kristina dahil tama ito. Nanggaling na nga siya sa mga taong iyon.

'Hindi ko man alam kung hanggang kailan ang ilalagi ko sa panahong ito ngunit isa lang ang alam ko. Kung magtatagal man ako ay babalikan ko mismo ang mga taong nanakit sa akin at kung sino ang mga taong pumatay sa aking anak.' Pangako ni Kristina sa kanyang sarili.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro