CHAPTER 3
KINABUKASAN NAGISING na lamang si Kristina na namumugto ang kanyang mga mata dahil sa kaiiyak niya kagabi. Hindi na muna siya siguro sasama kay Merce sa gala nila.
May gagawin na muna siyang importante. Importanteng malaman niya ang totoo dahil napakapamilyar sa kanya ang mukha nung babaeng nakita niya na kasama ng kanyang asawa.
Hindi siya mapapakali kapag hindi niya malalaman kung totoo nga ba ang mga nakita niya. Dali-dali naman siyang nagligpit ng kanyang mga gamit at hindi na rin siya nagtaka kung bakit hindi pa nakauuwi si Marco.
Nang matapos na siyang maligo at makapag-ayos ay kita pa rin sa kanyang mga mata na galing siya sa pag-iyak. Agad naman niya itong tinabunan gamit ng cream kaya kahit papaano ay hindi ito masyadong halata. Napansin niya ang kanyang selpon na umilaw hudyat na mayroong nag-text o tumawag. Inilagay niya kasi ito sa silent mode dahil ayaw niyang maistorbo siya ng kahit na sino na muna.
Napagdesisyonan niya ring magpadala na muna ng mensha kay Merce at sasabihing hindi na muna sila matutuloy sa kanilang pupuntahan. Hindi nga siya nagkamali at halos ilang mga mensahe at tawag na pala ang kanyang natanggap mula kay Merce, alas-dyes na kasi ng umaga marahil ay nag-aalala na nga ang kanyang kaibigan para sa kanya.
Hindi na rin siya nagtaka nang tumawag nga si Merce sa kanya pagkatapos niyang magpadala ng mensahe rito.
"Kristina! Bakit ngayon ka lang nag-reply?" tanong ni Merce sa kabilang linya nang sagutin niya agad ang tawag sa pangalawang pag-ring.
"Merce," walang siglang sagot niya dahil ayaw na niyang pahabain pa nang husto ang kanilang pag-uusap. Wala siyang sapat na enerhiya pa roon.
Tila nakaramdam naman si Merce sa kanyang kaibigan at naalalang hindi nga pala nakauwi ang kanyang asawa kagabi para sa kanilang anibersaryo. "Sorry, I called siguro ay iliban na muna natin ang araw na ito at magpahinga ka na muna ha. Next time na lang tayo gumala ulit. Tatawag ako mamaya sa 'yo ha if may kailangan ka please don't hesitate to call me," wika ni Merce at tumango naman si Kristina at tila nagbabadya na namang kumawala ang mga luha sa kanyang mga mata.
"Ayos lang, Merce. Pasensya ka na ha at wala lang akong gana para gumala ngayon. Siguro bukas aalis tayo," sagot naman ni Kritsina kay Merce. "Mahal na mahal kita, Merce. Ikaw lang ang naging kaibigan ko sa tanang buhay ko at hindi mo ako kailanman pinabayaan," dagdag pa niya at agad na pinatay ang tawag.
Habang nagsusuklay ay pinasadahan niya ng tingin ang kanyang sarili sa salamin. Ibang Kristina ang kanyang nakikita. Pilit siyang ngumiti ngunit hindi naman ito abot sa kanyang mga mata.
Imbes na umiyak at magmukmok ulit ay agad niyang kinuha ang susi ng kanyang sasakyan at lumabas ng kwarto.
Kailangan niyang makita ang kanyang asawa. Kung totoo mang may babae ito ay kakausapin at papakiusapan niya itong layuan na lamang ang kanyang babae dahil ayaw niyang magkawatak-watak ang kanyang pamilya. Ayaw niyang masaktan ang kanyang anak.
Habang nasa byahe ay halos dinudurog ang kanyang puso sa bawat segundong lumilipas. Hindi niya halos maisip na makakayang gawin iyon ni Marco sa kanya. Hindi naman ganoon si Marco noon at halos sambahin nga siya ni Marco dahil sa araw-araw nitong panliligaw kahit na sila na.
Alam ni Kristina kung nasaan sila Marco at Garcia dahil minsan na rin siyang nakapunta sa private place na iyon at siguradong-sigurado siyang naroroon pa sila sa mga oras na ito.
May kalayuan ang byahe ngunit sa hindi naman masyadong matrapik ay hindi na rin gaanong nahirapan si Kristina sa byahe. Para pa ngang nakikiayon ang panahon sa kanya.
"Hindi ako makapapayag na magiging ganito na lang ang lahat," ani niya na napapaluha na lang.
Halos tanaw na niya ang building na pagmamay-ari ni Garcia at dali-dali naman siyang naghanap ng mapaparkingan. Kumakabog nang husto ang kanyang dibdib na para bang may mangyayaring hindi maganda.
Bago siya lumabas ng kanyang sasakyan ay kumuha na muna siya ng ilang sandali para makapagdasal.
"Kung ano man po ang makikita, maririnig, at mararamdaman ko sa mga oras at panahon na ito ay alam ko pong may rason ang lahat at hindi ninyo po ako pababayaan," pagdarasal niya atsaka lumabas ng kanyang sasakyan.
Sinalubong naman siya ng malamig na simoy ng hangin. Makulimlim ang kalangitan at nagbabadyang uulan.
Tinanaw ni Kristina ang building at alam niya kung nasaang floor sila ngayon. Nang makapasok siya ay dumiritso agad siya sa elevator.
Parang nanlalamig ang kanyang mga kamay at paa dahil sa kanyang ginagawa. Hindi niya alam kung ano ang sasalubong sa kanya mamaya-maya. Mabuti na lang din at mag-isa lamang siya sa loob ng elevator.
Nang makarating siya sa kanyang lalapagan ay agad siyang nagtungo sa kaliwang bahagi kung nasaan ang dalawang suite room na exclusive lamang para sa mga bisita ni Garcia.
Kakaliwa na sana siya nang may naririnig siyang mga boses na papalapit sa kanyang direksyon. Agad naman siyang naghanap ng matataguan at mabuti na lang ay mayroong isang opisina at hindi man lang ito nakasarado. Madilim ang opisina at tamang-tama iyon na pagtataguan ni Kristina.
Papalapit nang papalapit ang mga boses na kanyang naririnig at para bang pamilyar ang mga boses na ito sa kanya.
Hindi niya masyadong isinara ang pinto dahil ayaw niyang makalikha ng ingay pagkapasok niya. Ngunit para bang may nagsasabi sa kanyang dapat siyang sumilip dito.
Pagkasilip nang pagkasilip niya ay agad siyang napatakip ng kanyang bibig dahil ang asawa niya pala ito at tila may kausap itong babae.
"Umuwi ako rito at pinabayaan ko ang mga gawain ko. Bakit mo ba ako pinatawag? Ano na naman ba ang kailangan ninyo sa akin?" tanong ng babae at hindi pa ito makita mismo ni Kristina kung sino ang kausap ng kanyang asawa ngunit isa lang ang sigurado siya, hindi iyon ang babae ni Marco dahil napakapamilyar ng boses na iyon para sa kanya.
"Huwag kang suwail! Maswerte ka sa kinalalagyan mo ngayon dahil kung napunta ka talaga sa totoo mong ina ay hindi mo tinatamasa ang mga ito. Huwag kang masyadong mareklamo!" Galit na galit namang sinagot ni Marco ang kanyang kausap.
Napakunot noo naman si Kristina dahil kinakabahan siya ngunit imposible naman ang kanyang iniisip.
Muli siyang sumilip sa direksyon na kanyang asawa at halos mapahalukipkip siya sa isang tabi nang makilala niya ang taong kausap ng kanyang asawa.
Naninikip ang kanyang dibdib at tumutulo ang kanyang mga luha sa hindi malamang kadahilanan.
Si Celestine, ang kanyang anak.
"Ilang taon akong nagtiis na sumunod sa mga utos mo na maging mabait na anak sa babaeng iyon na hindi ko naman ina. Kaya dapat lang na matamasa ko ito dahil pinaghirapan ko naman ang lahat. Tapos ngayon ay babalik na naman ako rito? Para ano? Para magpakaplastik na naman ulit? Gosh! Kailan ba matatapos ang palabas na ito?" asik nito sa kanyang ama at halos sampalin naman siya ni Marco ngunit nagpipigil lamang ito.
Halos hindi makapaniwala ni Kristina sa kanyang nakikita at mga naririnig. Ibig sabihin ay hindi niya anak si Celestine ngunit hindi pa rin siya makapaniwala. Papaanong hindi niya anak si Celestine dahil nabuntis naman siya ni Marco. Alam niyang nanganak siya sa hospital at alam niyang babae rin ang kanyang anak.
"Wala kang alam sa mga ginawa namin ng iyong ina para lang mapunta ka sa kinalalagyan mo ngayon. Pinatay namin ang anak ni Kristina! Pinainom namin siya ng pampalaglag nang hindi niya nalalaman at doon ay wala sa oras na nanganak siya at namatay. Iyon din ang araw na nanganak ang ina mo. Ginawa namin iyon kay Kristina para lang maalagaan ka nang husto at mabigay sa 'yo ang mga gusto mo. Yes, I am maybe an Ayala ngunit ang lahat ay mayroong limitasyon ganoon na rin sa sitwasyon ng ina mo," mahabang lintanya ni Marco.
Hindi naman makahinga ng maayos si Kristina mula sa kanyang kinatatayuan na para bang namamalat ang kanyang lalamunan sa kanyang mga naririnig.
"What about Lola?" tanong ni Celestine.
"You're lola knows everything and she is preparing things now. She's ahaed of us. Alam na niya ang kanyang mga gagawin. Siya naman sa una ang nagplano nitong lahat," wika ni Marco.
Nanigas nang husto si Kristina at halos hindi niya kinakaya ang lahat. Sobrang sikip ng kanyang dibdib at ang kanyang lalamunan na para bang hinahalukay. Gusto niyang sumigaw sa sakit at humaguholhol sa iyak. Napakuyom siya ng kanyang kamay sa galit dahil para siyang ginawang katawa-tawa sa tanang buhay niya. Hindi niya alam kung sino-sino pa ang nakaaalam dahil ultimu ina ng kanyang asawa ay kasabwat din.
Para siyang sinasaksak at pinapatay nang dahan-dahan ng mga taong akala niyang mahal siya. Mga taong pinagkatiwalaan niya.
Hinayaan niya ang kanyang mga luhang umagos nang umagos. Nanatili siya sa pwestong iyon hanggang sa umalis na sina Marco at Celestine.
Nang tiyak na siyang wala ng tao ay walang buhay niyang binuksan ang pinto at lumabas.
Pakiramdam ni Kristina ay walang-wala na siya. Na para bang wala ng saysay ang kanyang buhay dahil namumuhay pala siya sa purong kasinungalingan.
Pinaandar niya ang kanyang sasakyan at nagpasyang bumyahe sa lugar na kung saan niya itinayo ang rest house na malapit sa karagatan na hindi naman gusto ng kanyang asawa at ng kanyang anak.
Ilang oras din ang kanyang binyahe at
hindi man lang siya nakaramdam ng gutom. Alam niya ring nakailang tawag na si Merce sa kanya kaya sa huli ay napagdesisyunan niyang patayin ang kanyang selpon.
Nang makarating siya sa kanyang rest house ay agad naman niyang ipinarada ang kanyang sasakyan. Nakatayo ang rest house na iyon sa isang matarik na bundok at tanaw naman nun ay ang karagatan.
Gabi na at tanging ilaw lamang ng buwan ang naging ilaw ni Kristina sa bahay ngunit wala siyang pakialam. Tumungga siya ng isang boteng alak na dala-dala niya.
Isang ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi at napatanaw sa kalangitan na punong-puno ng mga bituin. Kanina lamang ay tila nagbabadyang umulan dahil sa makulimlim na kalangitan ngunit ngayon ay punong-puno na ito ng mga bituin.
"Ganito na lang ba ang lahat? Napakasaklap pala ng buhay ko rito sa mundong ito. Puno pala ng mga sinungaling na mga tao ang mga nakapaligid sa akin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na para bang mamaya-maya ay magigising na lamang ako na para bang isang panaginip lamang ito. Ano bang ginawa ko? Bakit pinaparusahan ako ng ganito? Bakit? Sobrang sakit," ani niya at isang malamyos na hangin ang tila humalik sa kanyang pisngi.
Tinanaw ni Kristina ang rumaragasang pag-agos ng dagat sa mga malalaking bato na sumasalubong dito. Madilim ngunit napakagandang tanawin iyon para sa kanya.
Kumuha si Kristina ng bangko at umakyat para makatuntong sa bakal at dahan-dahang tumayo. Sinasaliw naman ng hangin ang kanyang suot-suot na damit.
Sa huling pagkatataon ay tumulo ang kanyang mga luha. May ngiting gumuhit sa kanyang mga labi at abot-abot iyon sa kanyang mga mata habang nakatanaw sa kalangitan.
"Huwag mo na akong ibalik sa panahong ito," bulong niya.
Isang malamig naman na hangin ang tila tumugon sa kanya.
Walang ano-ano ay tumalon si Kristina.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro