EPILOGUE
ISABELA
"MABUHAY ANG BAGONG KASAL!" biglang sigaw ni Unice na kapapasok lang dito sa hotel room.
Nagulat tuloy ang Mama at ibang mga kamag-anak ni Arkhe na kasama ko sa kwarto ngayon. Ako, natawa na lang. "Mamaya pa, Unice."
"Ah, mamaya pa ba. Joke lang ate, Sab. Nagpa-practice lang ako." Lumapit na siya sa 'kin at hinalikan ako sa pisngi. Then she stared at me. "Ang ganda-ganda mo, Ate Isabela, kahit na wala ka pang makeup. Ready ka na ba talagang magpatali sa kuya Arkhe ko? May oras ka pa para umatras."
I chuckled. "Silly girl. Ngayon pa ba ako aatras? I can't wait to marry your favorite cousin."
"Ako rin, hindi na makapaghintay! Ilang oras na lang, Ate Sab. Sa wakas!"
Napangiti na lang ako.
Tama siya, sa wakas.
Ito na ang araw na matagal ko nang pinapangarap. I am finally marrying my soulmate and my God-given prince, Arkhe.
Nag-propose siya sa 'kin bago pa kami umalis papuntang Sydney para makasiguro raw siya na hindi na talaga kami magkakahiwalay. 'Yon nga lang, hindi agad kami nakabalik dito kasi kailangan ko munang tapusin lahat ng mga art projects na pinirmahan ko ro'n. Sulit naman ang paghihintay. Arkhe and I will be having a beautiful cliff wedding.
Kararating nga lang namin dito sa venue para maghanda. Ang aga ng call time. Si Arkhe, nasa kabilang kwarto kasama ang mga groomsmen niya at iba pang mga boys. Magkakahiwalay kami. I already miss him because we haven't seen each other yet since last night.
Unice is my maid of honor kaya halos magkasunod lang kaming dumating sa venue. If only Amanda was here, she would definitely be my maid of honor. But Unice is also a perfect fit because she's like a little sister to me. She actually did her role very well. Naasahan ko talaga siya sa pag-aasikaso sa kasal kahit na bata pa siya.
Si Toby at Arthur pati na ang pamilya nito sa Australia, umuwi rito sa Pinas a week ago just to be with me on my special day. I also have a few friends from Sydney who flew here to witness me tie the knot. Pakiramdam ko tuloy buo ang pamilya ko dahil talagang nag-effort pa silang pumunta.
Arthur will be the one to walk me down the aisle.
That's what he wanted. Siya na raw ang magre-represent sa buong Santiaguel, tsaka gusto niyang siya talaga ang maghatid sa akin papunta kay Ark.
Arthur was more than just a brother-in-law. He was like a father to me. Tinanong ko na pala siya kung bakit tinago niya ako kay Arkhe at hindi niya sinabing pinuntahan pala ako nito sa Australia. Sabi niya, para sa akin din naman daw 'yon. Alam niyang hindi pa ako fully healed that time at mas gusto niyang mag-focus muna ako sa career ko at bagong buhay ko Sydney. He said Arkhe can wait for me if he really wants to.
At tama naman siya. Hinintay nga talaga ako ni Arkhe at naging sobrang worth it ang lahat. Who would've thought, right? Parang kailan lang noong halos mabaliw ako dahil ikakasal si Arkhe sa iba. Pero ang galing talagang bumawi ng tadhana sa akin. Arkhe is truly meant just for me.
Sa dinami-rami ng mga pinagdaanan naming dalawa, ang sarap sa pakiramdam na ito na kami—malapit na sa finish line. Wala ng sakit at lungkot. Kung meron man, hindi na magiging gano'n kabigat kasi alam kong nasa tabi ko na ulit ang lalaking pinakamamahal ko.
"Ang ganda talaga ng venue niyo, Ate Isabela," biglang sabi ni Unice.
Nakatayo na pala siya sa tapat ng bintana ng hotel room, pinagmamasdan ang labas.
Nilapitan ko siya at tiningnan rin ang napaka-gandang view. "It's breathtaking, isn't it? I've always dreamed of marrying my one true love in a place where the sun meets the sea. A cliff wedding is just perfect. Alam mo ba, madalas akong nagpipinta ng ganitong scenery dati. Hindi ko inakala na balang-araw, ikakasal pala talaga ako sa ganito. Ang swerte ko sa kuya Arkhe mo kasi binigay niya ang dream wedding ko sa akin."
"Ay, oo naman. Alam mo naman ang kuya kong 'yon, lahat gagawin at ibibigay para sa 'yo. Sobrang saya ko talaga, Ate Sab, na nagkabalikan kayo ni kuya Arkhe. Pinatunayan niyo talaga sa 'kin na may forever."
I chuckled. I really like the humor of this girl.
But she was right. Gagawin talaga ni Arkhe lahat para sa 'kin. 'Yung sinabi niya sa hideout na liligawan niya ulit ako? Ginawa niya pa rin 'yon kahit na nagkabalikan naman na talaga kami. Araw-araw niya akong sinuyo. Gusto niya raw kasing bawiin ang mga panahon na nasaktan niya ako at nagkahiwalay kami.
And I believe bawing-bawi na siya. Sa sobrang saya naming dalawa ngayon, nakalimutan ko na nga ang mga masasakit na pinagdaanan namin dati. Minsan kapag naaalala ko, napapangiti na lang ako at sinasabi sa sarili ko na hinding-hindi na ulit mangyayari 'yon.
"Alam mo Ate Sab, gusto ko na ring ikasal," bigla namang dagdag ni Unice. "Kaso wala naman akong boyfriend. Sa relasyon na nga lang ng iba ako kinikilig. Kawawa naman ako."
I giggled. "You're still young. Hindi pa dapat 'yan ang iniisip mo. But I'm sure you'll be able to meet and marry your soulmate, too."
"Oo nga. Hihintayin ko na lang. Sana buhay ka pa no'n, ate."
Nanlaki ang mga mata ko. "Bakit naman? Mamamatay na ba 'ko agad?"
Natawa na lang din siya sa 'kin, tapos ay bumuntong-hininga. "Hmm, ano kayang ginagawa ni Kuya Arkhe ngayon sa kabilang kwarto. Siguro umiiyak na naman 'yon."
Pinaalala niya pa talaga. Natatawa na naman tuloy ako.
Si Arkhe kasi, masyadong naging iyakin simula noong nagkabalikan kaming dalawa. He became such a softie. Ang cute-cute niya. 'Yun bang kahit simpleng bagay lang na ginagawa ko o nangyayari sa amin, naluluha na lang siya. Manood nga lang kami ng romantic movie, naiiyak na agad siya, eh. He wasn't like that before. No'ng nag-propose siya sa 'kin, siya pa ang mas umiyak. Tapos nung nag-yes ako sa proposal, mas lalo pa siyang naiyak.
I also remember during his birthday just a few months ago, niregaluhan ko siya ng wrist watch. Tapos sa sobrang saya niya, umiyak na naman siya. Habang palapit nang palapit ang wedding namin, lalo siyang nagiging soft-hearted. Kaya itong si Unice tuloy, palagi na siyang inaasar. Nagbibiruan nga kami na si Arkhe ang mas iiyak sa kasal mamaya.
I asked Ark about it, and he said he's just so happy with everything that's happening. Hanggang ngayon daw kasi hindi pa rin siya makapaniwala na pinayagan ko siyang bumalik sa buhay ko. Kaya lahat ng mga nangyayari sa amin, talagang ina-appreciate at tine-treasure niya.
Mayamaya lang ay biglang nag-ring ang cellphone ko.
"Naku, speaking of your Kuya Arkhe. Baka siya 'yang tumatawag." Nagpaalam muna ako kay Unice bago tumalikod.
"'Yang si Kuya Arkhe hindi rin 'yan makapag-hintay, eh. Baka makipagkita 'yan sa 'yo Ate Sab, ha. Bawal."
Natawa na lang ako, tapos ay kinuha na ang phone ko na nasa kama. Si Arkhe nga ang tumatawag.
I answered it right away. "Yes, my love."
"Miss na kita."
Napangiti ako. "I miss you too."
"Kita tayo saglit? Maaga pa naman."
Napalingon agad ako kay Unice na nakatingin na ulit sa bintana "'Di ba bawal? Kaya nga tayo magkahiwalay ng room."
"Gusto kitang makita. Hindi ako nakatulog kagabi. Magdamag akong dilat na dilat."
Natawa ako. "Why? You're nervous?"
"Sobra. Inaantok tuloy ako ngayon. Kaya gusto ko sana munang makipagkita sa 'yo. Kukuha lang ako ng lakas."
"I can't. Strict ang bantay ko, eh."
"Sino? Si Unice?"
"Oo, hindi raw ako pwedeng lumabas."
"Bigay mo sa kanya 'tong telepono, kauusapin ko."
I just chuckled. "Wag na. Magtiis ka na lang muna diyan sa room niyo. Malapit naman na tayong ikasal."
"Miss na talaga kita."
"I know. I miss you too. Makipag-kwentuhan ka na lang kina Baron at Kael diyan para hindi ka antukin."
"Tangina, bigla ngang nawala 'yung dalawang bugok na 'yon."
"Ha? Hindi mo sila kasama?"
"Hindi. Ewan ko kung nasaan, pati si Sky nawala. Nag-banyo lang ako e. Salita pa ako nang salita, paglabas ko 'langya wala na pala akong kausap. Naturingang mga abay ko pero wala sa tabi ko."
Natawa ako sa kanya. "Love, you're so cute. Have you tried calling them?"
"Hindi sumasagot."
"Hmm, just take a nap there if you're really sleepy. Maaga pa naman."
Narinig ko lang siyang huminga nang malalim. "Susubukan ko. Anong ginagawa mo diyan?"
"Wala, ka-kwentuhan lang si Unice, tsaka hinihintay yung hair and makeup team. Malapit na raw sila."
"Excited ka ng maging Mrs. Alvarez?"
Napangiti ako sabay umupo muna sa paanan ng kama. "Super excited. Hindi nga rin ako masyadong nakatulog kagabi. Pinilit ko na lang kasi kailangan maganda ako ngayong araw."
"Maganda ka naman palagi. Excited na rin akong makita ka mamaya."
"Baka umiyak ka na naman, ha?" Natatawa ako kasi ilang araw na talaga naming biruan 'yon.
"Hindi, ah. Ba't naman ako iiyak. Hindi naman ako iyakin."
"Oh really?"
"Hindi nga."
"Okay. Let's just see later."
Hindi na siya sumagot. Parang nai-imagine ko na naman tuloy ang itsura niya sa kabilang linya. Ang cute niya kasi talaga kapag inaasar ko siya nang gano'n. Nahihiya siya at hindi na nakakatingin sa 'kin.
Ilang saglit lang naman, may bigla nang kumatok sa pinto ng hotel room.
"Ay, baka sina Ate Desa at Ate Anika na 'yan!" Tumakbo agad si Unice papunta sa pinto para buksan iyon.
Ako naman, nagpaalam muna kay Arkhe. "Love, let's talk again later, okay? Nandito na yata sila Desa. Lumabas kasi sila para bumili ng kape."
"Ah, sige. Tatawagan ulit kita mamaya. I love you."
"I love you." Binaba ko na ang tawag, tapos ay sumunod ako kay Unice.
Tama nga, sina Desa at Anika na ang dumating.
They're my bridesmaids. Mga partners sila ng mga kaibigan ni Arkhe na sina Baron at Kael. Pero ngayon mga kaibigan ko na rin silang lahat.
"Ang tagal ba namin?" tanong agad ni Desa nang makapasok na sila sa loob.
"Hindi naman."
"Sorry, ah. Pinasyal lang namin saglit ang anak ko. Kasama namin sila Baron at Kael."
"Oh! Kaya pala. Arkhe was looking for them. Bigla raw siyang iniwanan."
Natawa na lang si Desa habang nilalagay na ang mga biniling kape at pastries sa kalapit na round table.
"Naku, napag-tripan na naman kasi ng dalawang 'yon si Arkhe. Kilala mo naman ang magkakaibigan na 'yon, mga pasaway sa buhay."
Natawa na lang din ako.
"Sab, sandali lang, ha. Babalikan ko lang ulit ang mag-ama ko. Si Sky kasi, kanina pa tinotopak," pagpapaalam naman ni Desa sa 'kin. "Babalik agad ako bago pa tayo simulang makeup-an."
"Oh sure, go ahead. Ite-text na lang kita kapag nandito na ang makeup artist."
Lumabas na siya ng kwarto pagkatapos.
Desa is a busy woman because she's already a mom. Nakilala ko na siya dati pa bago kami pumunta ni Arkhe sa New York para sa brain tumor surgery ko. Asawa siya ni Baron, yung kaibigan ni Ark na nag-tattoo sa akin noon. Nakakatuwa nga na kinasal talaga sila. Hindi ako naka-attend kasi 'yun 'yong nawalan ako ng alaala. Si Ark lang tuloy ang nakapunta sa kasal.
Si Anika naman, I've just met her and her boyfriend Kael before we left for Australia. Pero naging close agad kami. Probably because we're both into arts. Anila does sculpting. Napakagaling din niyang artist at kilala rin siya sa industry.
Saktong lumapit sa 'kin si Anika pagkalabas ni Desa ng kwarto. May dala siyang paper bag. "Hey, come here. I have something for you." Hinila niya ako at dinala sa C.R.
"What's that? Bakit kailangang nandito pa tayo sa C.R?"
"Eh makikita ng Mama ni Arkhe itong ibibigay ko. Baka ma-shock."
I chuckled. "Why, what's that?"
"Ito, oh." Nilabas na niya ang laman ng paper bag. "Ta-da!"
Halos bumagsak naman ang panga ko. It's a sexy red lingerie set!
"Isuot mo 'to mamaya sa honeymoon niyo ni Arkhe," sabi niya pa. "I'm sure mababaliw 'yon at hindi ka tatantanan buong magdamag."
"Oh my God." I couldn't control my giggles. "Anika, are you serious?"
"Oo naman. Matagal ko na nga 'tong nabili kasi akala ko magkaka-bachelorette party ka. Kaso sinabihan kami ni Arkhe na wag na raw kaming magplano ng gano'n. Natakot yata siya kasi biniro ko na magha-hire ako ng mga male strippers para sa 'yo."
Lalo akong natawa. "Kaya ngayon mo na lang binigay sa 'kin?"
"Oo. Sayang, eh. It's so sultry, isn't it. Bagay na bagay sa 'yo."
"Pero hindi ako nagsusuot ng ganyan."
"That's the point! Surprise your soon-to-be husband tonight. He'll love this."
Napatakip na lang ako sa mukha ko. Nahihiya akong tanggapin. Hindi ko kasi ma-imagine kung anong magiging reaksyon ni Arkhe. I know how that man acts in bed.
"Oh sige na, itago mo na 'to sa gamit mo." Binalik na niya ang lingerie set sa paper bag at binigay iyon sa 'kin. "Don't tell Arkhe na ako ang nagbigay niyan sa 'yo, ha? Maba-bad shot na ako ro'n."
Natawa na lang ulit ako, tapos niyakap siya. "Thank you, Anika. Nagulat lang ako, but I appreciate your gift."
"You're welcome! Pinakita ko nga rin 'yan kanina kay Desa. Gusto niya rin daw para lalong matuwa sa kanya si Baron. Balak na yatang sundan si Sky."
I chuckled. "Desa is really cute kahit na mommy na siya."
"True!"
Lumabas na kami ng C.R pagkatapos.
I'm really glad that I've gained a new set of friends.
Nung pinakilala ni Arkhe sa 'kin sina Anika, pakiramdam ko matagal na kaming magkakaibigan kasi nagkasundo talaga kaming lahat. We have different personalities, though. Like Anika, she's kind of wild and free-spirited. But still, we clicked. Ang laki rin ng naitulong nila ni Desa sa 'kin pagdating sa wedding preparations. Madalas kaming lumalabas. Parang naging isang masayang grupo kami.
Me, Arkhe, Desa, Baron, Anika, and Kael—we all became really close even though we haven't known each other for very long. I am blessed with such cool friends, isang bagay na inaasam-asam ko lang noon.
• • •
AROUND TWO O'CLOCK in the afternoon, natapos na kaming lahat na ayusan at nakapag-photoshoot na rin.
Ilang sandali na lang at mag-uumpisa na ang ceremony. Mas tumindi na tuloy ang kaba ko ngayon. Kanina hindi ko pa 'to masyadong nararamdaman, eh. Pero ngayon hindi na ako mapakali at parang sumasakit ang tiyan ko na hindi ko maintindihan. I'm just doing my best to calm myself. Right now, I'm standing in front of the mirror, staring at myself in my fairytale-like bridal gown.
Wala pa man ako sa pag gaganapan ng ceremony pero parang naluluha na ako. This is a dream come true. Sana nakikita ako ni Amanda at ng buong pamilya ko na nakasuot ng ganito. Alam kong magagandahan din sila sa 'kin.
"Isabela?"
Biglang kumatok si Arthur.
"Come in," I said.
Bumukas ang pinto, pero naunang pumasok si Toby. Natigilan nga agad ito nang makita akong naka-gown. "WOW!"
I just chuckled. "How does tita Isabela look?"
Hindi na siya makapagsalita. Titig na titig na lang siya sa 'kin na para bang iniisip niya kung totoo pa ba ako o hindi.
Hinaplos ko na lang ang buhok niya. "Speechless, hmm? First time na nawala ang pagiging madaldal mo, ha."
Wala pa rin siyang nasabi. Pero buti nilalapitan na niya talaga ulit ako ngayon. Medyo nagtampo kasi 'to sa 'kin noong sinabi kong aalis na ako sa Australia at sa Pilipinas na ulit ako maninirahan dahil mag-aasawa na ako. He couldn't understand why at first.
Sumunod nang lumapit sa akin si Arthur.
I smiled at him. "Hey." Tapos ay pinakita ko rin sa kanya ang suot kong wedding gown. "What do you think?"
He also smiled from ear to ear. "It's perfect. You look like Amanda. Ganyan din siya kaganda noong kinasal kami."
"Yeah, I remember that day. But I think your wife is way prettier."
Napangiti na lang ulit siya.
"Where's Arkhe?" tanong ko.
"He's already at the venue, welcoming your guests. Are you ready?"
Napapikit ako saglit. "Kinakabahan ako. Marami na bang tao sa labas?"
"Yes. Our family, Arkhe's family, and all your friends are there. They're waiting for you."
Huminga ako nang malalim sabay tumingin ulit sa salamin. "Okay, let's go."
Inassist na kami ng wedding coordinator namin palabas ng hotel room pagkatapos.
Hindi ko na mapigilan ang kaba ko. My palms were sweating and my heart was beating fast as we headed to the venue. Buti nga nakakangiti pa ako nang maayos habang panay ang kuha sa akin ng mga wedding photographers.
Nang makalapit na kami sa venue at nakita ko na nang mas maayos kung gaano kaganda ang setup ng cliff wedding namin, nag-umpisa ng uminit ang sulok ng mga mata ko.
"Oh my God." Tumingala ako sa langit para pigilan ang pag-iyak ko.
"Are you okay?" tanong agad sa 'kin ni Arthur.
Tumango ako. "I'm just so happy and nervous at the same time."
Hindi nagtagal at nag-umpisa na ring maglakad ang entourage. Kada may pumapasok sa aisle, mas bumibilis ang pagtibok ng puso ko. My goodness, dito pa yata ako hihimatayin. Ang lalim na ng bawat paghinga ko, lalo na noong naghanda na ang lahat dahil ako na ang maglalakad.
My event designer set up a beautiful freestanding door to be used as my entrance since it's an outdoor wedding.
Dito kami pumwesto ni Arthur para maghanda sa pagpasok ko.
Nangininig na talaga ang mga kamay at labi ko. Ayoko na munang umiyak pero hindi ko talaga mapigilan. Sobrang saya ng nararamdaman ko ngayon.
I looked at Arthur and smiled at him.
He smiled at me too. "The wait is over," he even said.
I closed my eyes and nodded, then looked to my other side. Pero nagulat na lang ako kasi parang nakikita ko si Amanda ngayon na naka-akay din sa akin at handa na akong ihatid sa altar.
My tears already fell down because she looked so real. Like she's really here with me on my special day. Naka-ayos din siya at nakasuot ng napaka-gandang long gown. Ang tamis-tamis pa ng ngiti niya sa akin.
"Congratulations." I imagined her talking to me. "I love you and I'm very happy for you."
Ngumiti rin ako nang matamis habang naiiyak. Then I mouthed, "thank you. I'm so glad you're here."
"Pwede ba naman akong mawala?"
Lumapad ang pag-ngiti ko. This is indeed the happiest day of my life. Kumpleto lahat ang mga mahal ko at nandito rin si Amanda at Arthur para sabay akong ihatid sa altar.
Pagkatapos no'n, pinatugtog na ang wedding song at dahan-dahan nang bumukas ang pinto.
Everything looks surreal. I feel like I'm in a different reality!
Kitang-kita ko ang pamilya at mga kaibigan namin na masaya sa pagdating ko. Pero mas nabaling ang aking atensyon sa lalaki na naghihintay sa akin sa altar. The man of my dreams. Wala na tuloy akong ibang nakikita ngayon kung 'di siya na lang. Ang gwapo-gwapo niya sa bagong gupit niyang buhok at suot na white tuxedo.
Arkhe's face also lit up when he saw me in my most beautiful form. Tapos nakita ko na lang na pinapahid na niya ang mga mata niya.
Hindi ko alam kung matatawa ako o ano kasi sabi niya hindi siya iiyak, pero ngayon mas grabe na naman siyang umiyak kaysa sa bride. Pinapa-kalma na lang siya ni Theo na best man niya. Hindi ko na rin ulit tuloy napigilan at tuluyan na rin akong naiyak. Wala na akong pakialam kung masira ang makeup ko, basta mailabas ko lang kung gaano ako kasaya ngayon.
Nag-umpisa na kaming maglakad ni Arthur.
Nag-slow motion ang lahat. Sa kada hakbang pa namin, isa-isang nagfa-flashback sa utak ko lahat ng mga happy memories namin ni Arkhe. Simula noong nakita niya ako sa club at nagpakilala siya sa akin hanggang sa muli naming pagkikita sa hideout at sa pagpo-propose niya.
We reached the end of the aisle and I immediately locked eyes with Arkhe. Hindi ako makapagsalita pero ngiting-ngiti ako sa kanya. I'm wondering if he could see how happy I am under my veil.
Binigay na ni Arthur ang kamay ko kay Arkhe at tinanggap niya naman iyon at marahang pinisil. Then we both went in front of the altar.
I looked at Ark again only to see him already staring at me. Parang manghang-mangha siya sa akin.
"Hi, miss. Ang ganda mo naman. Pwede ba kitang maging asawa?" mahinang biro niya pa kahit na naluluha pa rin.
Napangiti na lang ako. "Shh, the officiant might hear you. Tsaka akala ko ba hindi ka iiyak?"
Hindi na siya sumagot. Nagpipigil na lang siya ng ngiti, tapos muling pinisil ang kamay ko na hawak niya. "I love you."
"I love you, too."
The wedding ceremony started and so was our journey to a happily ever after.
• • •
"LOVE! I'M HOME!" bungad ko agad sa asawa ko pagkauwi ko sa bahay.
Bumaba naman agad si Arkhe mula sa kwarto ng hideout para salubungin ako. Nagbibihis pa siya ng white T-shirt at gulo-gulo ang buhok niya. He kissed me on my cheek. "Saan ka galing?"
"Sa groceries. 'Di ba sabi ko sa 'yo kagabi, aalis ako?"
"Bakit hindi mo ako ginising?"
"4AM ka na nakauwi galing sa trabaho. I don't want to disturb your sleep because you need to rest. Tsaka kaya ko naman."
"Dapat ginising mo pa rin ako. Alam mo namang ayokong umaalis ka nang mag-isa, nag-aalala ako." Kinuha na niya ang mga bitbit ko at siya na mismo ang nagdala sa kitchen.
He's really like that. Simula noong kinasal kami, gusto niya palagi kaming magkasama sa lahat ng bagay. Pero minsan kasi gusto ko lang talaga siyang pagsilbihan lalo't alam kong pagod siya sa trabaho.
Sinundan ko na lang siya sa kusina para makapag-umpisa na akong magluto ng breakfast.
Habang nilalabas ko ang mga pinamili ko mula sa paper bags, pumunta naman siya sa likod ko at bigla akong niyakap. "Na-miss kita."
My lips curved into a smile. "Hindi naman ako matagal nawala, ah."
"Oo nga. Pero hindi na ako sanay na hindi kita nakikita paggising ko."
"Nagpaalam naman ako sa 'yo kanina bago ako umalis. Hindi mo ba narinig?"
Siniksik niya ang mukha niya sa leeg ko at doon siya umiling.
Ang cute niya talaga kapag naglalambing siya sa 'kin nang ganito.
"I'm going to cook now," sabi ko na lang sa kanya. "Do you want to help me?"
"Sige. Tapos magpipintura na tayo nitong hideout?"
"Mm-hmm. Let's just eat first."
Kumalas na siya mula sa pagkakayakap sa 'kin at nag-umpisa na kaming magluto.
This is us every day.
Arkhe and I are living a simple life as a married couple. Ito naman kasi talaga ang pangarap ko para sa aming dalawa.
Sa hideout muna kami nakatira ngayon. It's only been a few months since we got married. Plano naming lumipat sa mansion ng mga Santiaguel sa future kasi mas malapit 'yon sa mga trabaho namin, pero sa ngayon, gusto muna naming i-enjoy ang simpleng buhay at sulitin ang mga oras na kaming dalawa lang. We deserve this kind of peace after all we have been through.
Ang saya-saya ko nga kasi ganito pala ang buhay may-asawa. May mga nagsabi sa 'kin na mahirap daw ang married life, lalo na sa first year. Pero hindi ko naman 'yon naramdaman kay Arkhe.
He's the perfect husband. Kahit na kasal na kami, araw-araw niya pa rin akong nililigawan at sinusuyo. He loves giving me surprises. May mga umaga na bigla na lang akong magigising kasi may breakfast in bed ako. Minsan naman magugulat na lang ako na may bouquet of flowers na naghihintay sa akin sa mesa. Hindi siya nauubusan ng mga pakulo. At grabe rin siyang mag-alaga. Siya talaga ang naghahanda ng mga pagkain namin. Kaya nga kapag nakakahanap ako ng pagkakataon, bumabawi ako sa kanya at siya naman ang pinagsisilbihan ko. He's such a sweet lover.
One more thing I appreciate about my husband is he understands my bad days. Minsan kasi, inaatake pa rin ako ng anxiety at mental health issues ko. May mga araw na nagdo-doubt pa rin ako sa sarili ko, pero palagi siyang nandyan para ipaalala sa akin kung gaano ako kagaling. He's like my human diary. Handa siyang makinig sa lahat ng mga good at bad stories ko.
Parehas kaming busy ni Arkhe sa mga trabaho namin, pero palagi pa rin kaming naglalaan ng oras para sa isa't isa.
Tuloy pa rin kasi ang career ko bilang painter. Nakatulong ang pangalang nabuo ko sa Sydney para mas mabilis akong makilala rito sa Pilipinas. Nakapahinga pa nga lang muna ako ngayon dahil nga bagong kasal ako, pero ang dami kong naka-lineup na art projects.
Si Arkhe naman, mas lalong nagiging in demand ang mga clubs niya. Tinutulungan siya ni Theo sa pagma-manage dahil mas madalas siyang nandito sa hideout. Sunod-sunod din ang mga events na kumukuha sa kanya para mag-DJ. Kung tutuusin, parang mas kilala nga siya kaysa sa akin. Proud na proud ako sa kanya.
NATAPOS NA KAMING magluto ni Arkhe at kumain lang agad kami ng breakfast para makapag-umpisa na kaming mag-pintura ng hideout.
This was just one of our crazy ideas.
May isang gabi habang nagki-kwentuhan kami sa kama bago matulog, bigla lang naming naisip na ibahin ang kulay ng hideout. We want some walls of the house in olive green. Sabi ko ako ang magbe-blend ng paint color, at pumayag naman agad siya. Now here we are.
Inurong na muna namin ang mga furniture at nilagyan ng mga newspaper ang sahig, tapos ay hinanda na ni Arkhe ang mga pintura at paint rollers.
"Marunong ka bang mag-pintura?" tanong niya pa sa 'kin. "Baka hindi ka naman marunong."
Tiningnan ko siya nang masama. "Nakalimutan mo yata kung anong trabaho ko."
He chuckled. "Biro lang. Alam ko namang mas magaling ka pa sa 'kin. Baka nga ako pa ang turuan mo." Binigay na niya sa 'kin ang isang paint roller pagkatapos.
"Oh, wait. Let's play some music." Kinuha ko muna ang phone ko at nagpatugtog ng 'Dancing in the Moonlight' para mas masaya ang pagpipintura. "Okay, game!"
🎵 We get it almost every night
When that moon gets so big and bright
It's a supernatural delight
Everybody was dancin' in the moonlight. 🎵
Ang taas ng energy namin habang nagpipintura. Nakakatawa pa si Arkhe, pabigla-bigla na lang akong sinasayaw kasi natutuwa siya sa tugtog. Pinapaikot-ikot niya ako. Feeling ko tuloy wala kaming matatapos ngayong araw kasi para na lang kaming mga teenagers na naglalaro.
Minsan magpipintura, tapos titigil kasi magsasayaw na naman kami sa tugtog. Nagpa-pahiran pa kami ng pintura sa mukha. Ang dumi-dumi na tuloy namin. Tapos kapag magpipintura na ulit ako, si Arkhe bigla na lang akong kikilitiin kaya hindi na ako natuloy-tuloy sa ginagawa ko.
Mas marami pa yata ang paglalaro namin ni Ark kaya sa pagpipintura. Ang sarap na lang ng tawa namin sa mga pinag-gagagawa namin dito sa hideout. I want us to be happy like this for the rest of our lives.
🎵 Dancin' in the moonlight
Everybody's feelin' warm and right
It's such a fine and natural sight
Everybody's dancin' in the moonlight. 🎵
Matapos naming pinturahan ang isang side ng wall, sabay kaming umupo ni Arkhe sa katapat na couch at pinagmasdan ang masterpiece na pinaghirapan namin.
"It's so pretty! I love it so much."
"Oo nga, sobrang ganda."
Sinilip ko siya, pero sa akin pala siya nakatingin at hindi sa bagong pinturang pader.
Siniko ko nga. "Stop that. I'm talking about the wall."
"Oo nga. Ang ganda nga."
Natawa na lang ako, tapos ay sumandal sa balikat niya habang pinagmamasdan na ulit ang dingding.
"Napagod ka?" tanong niya.
"Medyo. Napagod ako sa kakatawa natin."
"Tawa ka kasi nang tawa."
"Paano, kinikiliti mo ako. Tapos ayaw mo pang tumigil sa kakapahid ng pintura sa 'kin. Look at me, I'm a mess." Pinakita ko sa kanya ang shirt ko.
Natawa naman siya. "Sino kaya 'tong mas grabe kung mangpahid ng pintura. 'Langya, ginawa mo akong canvas mo. Mahihirapan tayong alisin 'to sa balat natin mamaya."
"Well, you started it."
"Sabay na lang tayong maligo para mag-kuskusan tayo."
I squinted my eyes at him. "Pinlano mo yata talaga lahat ng 'to para magkaroon ka na naman ng dahilan na magsabay tayong maligo, eh."
Umiwas siya ng tingin para magpigil ng ngiti.
"See! I know that smile."
Bigla siyang yumakap sa 'kin at siniksik ang mukha niya sa ibabaw ng dibdib ko. I'm sure tinatago niya na naman ang pilyong ngiti niya kasi nalaman ko ang kalokohan niya.
Hinayaan ko na lang. I rested my back on the couch and just gently brushed his soft hair.
Ang tagal namin sa ganitong posisyon. Tahimik lang kami at pinakikinggan ang paghinga ng isa't isa, hanggang sa nagsalita na siya ulit.
"Sab, napapasaya ba kita?"
Sinilip ko siya na nakasiksik pa rin sa dibdib ko. "Of course. Sobra-sobra. Bakit mo natanong?"
"Wala naman. Gusto ko lang marinig."
Marahan ko siyang hinalikan sa ulo niya. "You make me happy every single day, my love. Sobrang swerte ko na ikaw ang asawa ko."
He looked up at me and smiled. "Mas swerte ako. Alam mo pala, napanaginipan ko na naman si Amanda kagabi."
"Talaga? What did she say this time?"
"Wala, nagbibilin lang ulit. Wag daw kitang pababayaan. Pinababayaan ba kita?"
"Hindi. Hanggang sa pagligo nga, sinasamahan mo ako, eh."
Natawa siya.
"Pero ako rin," patuloy ko, "madalas ko pa ring napapanaginipan si Amanda. Masayang-masaya siya para sa atin. Sabi ko sa kanya, palagi niya tayong babantayan kasi gusto ko ng mahaba at masayang buhay kasama ka."
"Gusto ko rin 'yon. Mamahalin at aalagaan kita hanggang pagtanda natin, Sab. Ang dami ko pang pangarap na gustong matupad para sa 'ting dalawa. Gusto kitang dalhin sa iba't ibang lugar. Tapos ipipinta mo kung anong magandang nakita mo ro'n."
"Oh, I love that. I also want to travel the world with you. Gusto ko yung sabay natin makikita ang mga magagandang sceneries at tourist spots. Sabay tayong mage-explore. Though I'm also enjoying our simple life right now. Pangarap ko rin ito para sa atin, eh. Yung tayong dalawa lang. Simple pero sobrang saya. And then in the future, we will have our little Arkhe or little Isabela, and we'll have a happy family."
Lumapad ang pag-ngiti niya. "Gusto ko 'yan. 'Yan na lang muna ang unahin natin. Gawa tayo ngayon."
Malambing ko siyang pinalo sa pisngi. "Ayan ka na naman. We just made love last night, right?"
"Hindi ba pwedeng araw-araw?"
"Hindi."
"Bakit?"
"Napapagod ako. Palagi mo kasi akong pinapa-patong sa ibabaw mo, eh."
Natawa siya. "Ang ganda mo kasi lalo pag gano'n. Sige, hindi na muna kita masyadong pagagalawin. Ako na lang muna ang gagalaw. Tara?"
"Anong tara?"
"Tara na sa kwarto."
"Kita mong hindi pa nga tayo tapos sa pagpipintura natin."
"Pwede naman 'yan ituloy mamayang hapon."
Hindi na ako sumagot. I just closed my eyes again and rested my head on the couch.
Hindi na rin naman siya nagsalita. Ito kasing asawa ko, hindi talaga 'to namimilit, eh.
Pasimple ko siyang sinilip. Nakapikit na rin pala siya, pero nakayakap pa rin sa 'kin.
"Arkhe?"
"Hmm."
"Akala ko ba tara?"
Ang bilis niyang tumayo! Bigla niya na akong binuhat na parang bagong kasal ulit kami, tapos inakyat na niya ako sa kwarto.
Tawa lang ako nang tawa. "Arkhe! I'm just kidding!"
"Walang biro-biro sa 'kin pagdating sa ganito."
Nadala niya agad ako sa kwarto namin at hinagis niya ako sa kama. I didn't have the chance to escape because he immediately crawled on top of me and kissed me on the neck.
Tinulak ko muna ang mukha niya kasi natatawa pa rin talaga ako. "Arkhe, magpipintura pa tayo. Let's just do this later."
"Sabi mo kanina, tara. Madali akong kausap." Hinubad na niya ang T-shirt niya at muli niya akong hinalikan sa leeg.
I gasped when he finally put all his weight on top of me. Nagsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nasasarapan sa ginagawa sa 'kin ng asawa ko.
I gripped his hair and just relished in the sensation of his lips and hands exploring my body.
"I love you, Ark," I muttered.
He trailed back to my lips and kissed me passionately. "Mahal na mahal kita," sagot niya rin sa gitna ng paghalik sa akin.
Moments like this with him are one of my favorites.
God knows how much I love this man.
Ang daming mga challenges na binigay sa amin na talagang sumubok sa pagmamahalan naming dalawa, pero ito pa rin kami—mas lalo pang tumatag. Masaya ako na hindi na ako nag-iisa ngayon at magkasama na kami sa pagharap sa bawat hamon ng buhay. Ang kwento namin ni Arkhe ang nagpatunay sa akin na walang kahit na anong pwedeng sumira at pumigil sa dalawang taong nakalaan para sa isa't isa.
With our flourishing careers, a new set of wonderful friends, and a peaceful married life with my one and only love, I don't have anything more to ask for. I have everything I need.
THE END
Love this story? Support me on Patreon and help me keep writing beautiful novels: www.patreon.com/barbsgaliciawrites.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro