Chapter 32
ISABELA
IT'S BEEN TWO weeks since Patrice had an accident.
Hindi na ulit nawala ang communication namin sa isa't isa. Madalas kaming nagkakatext at nag-uusap sa phone. Tinuloy ko rin ang plano ko na muling makipag-kita sa kanya kahit na nagtampo na sa akin ang kapatid ko. Amanda is still against my plan.
Ang sabi ko kay Patrice, ibabalik ko lang ang shawl na naiwan niya sa akin at makikipag-kwentuhan na rin saglit, pero ang totoo, i-o-open up ko na ang tungkol sa pamilya ni Arkhe para matapos na lahat. I am still not sure how will I do it, pero bahala na.
Nasa isang facial spa kami ngayon. I don't usually go to places like this, but Patrice said she pampers herself at least once a month. Kaya sinamahan ko siya. Girl bonding daw namin ito. I'm enjoying it somehow. Ganito pala ang pakiramdam. Hindi kasi kami nagga-ganito ni Amanda.
"Alam mo, Rose, ang saya ko na nagkita tayo ulit," biglang sabi ni Patrice sa 'kin habang parehas kaming nakahiga sa magkatabing facial spa bed.
Sinilip ko siya at nginitian kahit na hindi niya ako nakikita kasi nakapikit siya. "Me too, I'm happy. Are you sure you're already okay? Naka-recover ka na mula sa pagkakabangga sa 'yo?"
"Oo naman. Hindi naman 'yon malala. Doble ingat na nga lang talaga ako ngayon."
"That's good. Have you told your boyfriend about it?"
Bigla siyang napahinga nang malalim. "Oo. Alalang-alala nga siya, eh. Nagtampo pa sa akin. Bakit daw hindi ko sinabi sa kanya ang mga gano'ng bagay, samantalang kami na nga lang daw dalawa ang magkasama. Ilang araw na naman tuloy siyang malungkot dahil do'n."
Mapait akong napangiti. I could imagine Arkhe's face. Gano'n na gano'n nga talaga ito kapag may dapat itong malaman pero hindi sinasabi sa kanya. Naalala ko noong may brain tumor pa ako pero nilihim ko rin. He was so down that time.
"Pero okay na ulit siya ngayon," patuloy ni Patrice. "Nangako na lang ako sa kanya na hindi ko na 'yon uulitin. Na sasabihin ko na sa kanya lahat."
"Tama naman 'yan."
"Siguro nanibago lang din ako na may lalaki na ulit sa buhay ko na kailangan kong kwentuhan ng mga bagay-bagay. Ang tagal ko rin kasing nahiwalay sa tatay ni Jasmine, 'di ba? Nasanay ako na solo lang. So medyo nangapa ulit ako pagdating kay Arkhe."
"Nangapa? Pero based sa mga kwento mo tungkol sa inyong dalawa, parang hindi ka naman nangangapa. Parang alagang-alaga mo nga siya at talagang alam mo ang gagawin mo."
Bigla niyang dinilat ang isa niyang mata para silipin ako. "Talaga? That's what you feel?"
I nodded.
Bumalik siya sa pagkakapikit sabay ngumiti nang malapad. "Ang sweet mo talaga. Wala pa man ang birthday ko pero pinakikilig mo na ako."
I chuckled. "Birthday? Why, when is your birthday?"
"Malapit na. Magkita ulit tayo no'n, ha?"
"Kailan 'yon?"
"Next week na."
Biglang nanlaki ang mga mata ko. Nagulat at napahinto tuloy itong nagfe-facial sa akin. "Your birthday is next week? Why didn't you tell me earlier?"
Natawa siya. "Because I don't usually celebrate it. Parang normal na araw na lang kasi 'yon sa akin. Ngayong taon na lang siguro ulit ako magce-celebrate kasi nandyan si Arkhe."
"Saan kayo magce-celebrate?"
"Hindi ko pa alam. Honestly, hindi pa namin napag-uusapan ang tungkol doon. Baka kumain lang kami sa labas kasama si Jasmine, o baka magluto na lang ako sa bahay."
"Wala ka bang plano na umuwi sa inyo sa Tagaytay?"
"Hindi ko pa talaga alam. I'll try to think about it tonight."
Natahimik na ako. Bigla ko kasing naalala ang totoo kong pakay kung bakit ako nakipagkita sa kanya ngayon.
Huminga ako nang malalim, tapos ay tiningnan siya habang nakapikit pa rin at nagre-relax. "Patrice? 'Yong boyfriend mo pala, taga-saan siya?"
"Taga-Batangas."
"H-have you met his family?"
"Hindi pa, eh. Actually, simula noong naaksidente siya at nagsama kami, hindi pa siya dumadalaw sa kanila. So hindi ko talaga alam kung saan siya mismo sa Batangas. Basta ang sabi niya lang sa 'kin, taga roon siya."
"Hindi pa siya umuuwi sa kanila simula noong maaksidente siya?" I acted as if I didn't know it yet. "Does his family know that he got into an accident? Baka hinahanap na siya sa kanila. Hindi niyo ba pinag-uusapan na pumunta ro'n?"
Bigla siyang napatingin sa akin.
Napaiwas naman agad ako. Kinabahan ako, baka nakahalata siya kasi sunod-sunod ko siyang tinanong.
"You know what, to be honest, I was also thinking about that," she then said.
I looked at her again. "I'm sorry. Naisip ko lang naman. Kasi 'di ba sabi mo, ilang buwan na rin kayong nagsasama. Baka lang nag-aalala na pala ang pamilya niya."
"You're right. Hindi ko kasi talaga alam ang estado ni Arkhe sa pamilya niya, kung umiiwas ba siya or what. Dati kasi noong sinugod ko siya sa ospital, pinakiusapan niya ako na ilayo siya agad. I knew back then that something's wrong."
My brows furrowed. So they haven't really talked about it even once? Sa tagal nilang nagsasama? Ang hirap paniwalaan, kasi kilala ko si Arkhe, eh. Ma-kwento itong tao, lalo na pagdating sa pamilya nito. Nakakapagtaka na hindi nito sinasabi kay Patrice ang mga ganoong ka-importanteng bagay.
"But yes, you're really right," dagdag ni Patrice. "Nag-aalala na nga siguro ang family niya. Hindi ko tinatanong si Arkhe sa mga gano'ng bagay. Hinihintay ko lang na siya ang magsalita, kung kailan siya ready. Though thank you for bringing this up. Mamaya, susubukan ko siyang kausapin tungkol sa pamilya niya."
Nagulat ako ro'n. Bahagya akong napabangon para tingnan siya. "Talaga? Y-you'll talk to him about it?"
"Mm-hmm. Naiisip ko na naman na talaga 'yan. Hindi ko lang kasi alam kung tama at kung right time na ba. Tsaka medyo malihim din kasi talaga ang si Arkhe. I'm glad you're here to give me a little push."
Napangiti ako nang matamis sabay muling nag-relax sa spa bed.
Bakit gano'n? Ang bilis niyang kausap? Hindi man lang ako nahirapan, parang noong humingi ako ng tawad sa Mama ni Arkhe. Sa tagal kong namroblema at nag-isip kung paano ko sila kakausapin, magiging ganito lang pala kadali ang lahat.
Sana lang talaga kausapin niya si Ark at mapapayag ito na umuwi na sa Batangas. Tuluyan ng gagaan ang pakiramdam ko kapag nangyari 'yon. Hindi magtatagal, makakalaya na rin ako sa lungkot at mga pag-aalala ko. I'm just so thankful that Patrice is a nice person and that she is open to this.
"Uy, pero Rose, ang sa birthday ko, ha? Seryoso ako ro'n," biglang pagpapa-alala niya naman.
"Oh, yes. 'Yong magkikita tayo ulit?"
Tumango siya.
"Sure. We will meet. Pero baka kasama mo naman ang boyfriend mo no'n? Uhm, ayokong maka-istorbo sa inyo. Nakakahiya." Palusot ko lang kasi ang totoo, hindi ako pwedeng makita ni Arkhe. Ayokong mangyari 'yon kaya iiwas ako hangga't kaya ko.
She chuckled. "Let's just meet before my birthday then? Kumbaga, sasalubong tayo. Masaya 'yon, 'di ba?"
I smiled from ear to ear. "I love that idea. Sige, salubungin natin ang birthday mo."
"Promise 'yan, ha? Baka mamaya mag-cancel ka na naman. Magtatampo na ako sa 'yo. Minsan lang ako mag-plano ng birthday."
Napangiti ako nang mapait. "Sorry. Hindi na ulit ako magca-cancel. I promise, I'll be with you on the day before your birthday."
"Promise talaga?"
Natawa na ako. "Yes, I promise."
"Oh my god, excited na ako!" Pumalakpak pa talaga siya para ipakita ang excitement niya.
Pinagmasdan ko lang siya.
I could never hate this girl. Makita ko lang siya na ganito ka-saya sa susunod na pagkikita namin, masaya na rin ako.
At this point, I've already accepted Patrice. Tanggap kong siya na ang bagong mahal ni Arkhe at silang dalawa talaga ang naka-tadhana para sa isa't isa.
• • •
MATAPOS ANG SPA treatment namin ni Patrice, kumain lang kami saglit sa isang Italian restaurant, tapos ay umuwi na kaagad.
I got home at around 5 P.M. Dumiretso agad ako ng akyat sa kwarto kasi hindi naman ako pinansin ni Amanda noong nadaanan ko siya sa garden habang nagdidilig siya ng mga halaman. Sayang nga, iki-kwento ko pa naman sana sa kanya na nakausap ko na si Patrice tungkol sa pamilya ni Arkhe. Malapit nang maging successful ang plano ko. But maybe I'll just talk to her about it next time, kapag malamig na ang ulo niya sa akin.
Pagkapasok sa kwarto, naligo lang ako saglit, tapos ay nagbukas ng laptop para maghanap ng ireregalo kay Patrice para sa birthday niya. Kanina ko pa ito pinag-iisipan sa byahe, eh. I'm not sure if I should just buy stuff online or if it's better to give her something handmade.
I thought of painting a portrait of her, kaso hindi ko alam kung kaya ko na uling mag-pinta. Hindi pa rin kasi bumabalik ang inspirasyon ko. Baka mamaya hindi lang siya magandahan. Siguro magbe-bake na lang ako ng birthday cake para sa kanya. Tama. I still have a few days to think of a cake design.
KINAGABIHAN, NAGPAPA-ANTOK NA ako sa kama nang biglang tumawag si Patrice.
Tumihaya ako ng higa bago siya sinagot. "Hey."
"Rose!" Her voice sounds excited. "I have good news!"
Bigla rin tuloy akong na-excite. Napabangon ako sabay upo sa kama. "What is it?"
"Nakausap ko na ang boyfriend ko tungkol sa family niya. And guess what? Pumayag siya na pumunta kami sa Batangas!"
Nanlaki ang mga mata ko! "T-talaga? Pumayag siya agad?"
"Oo. Noong una parang ayaw niya pa akong sagutin. But he's always like that. Siguro nagtaka siya kung bakit bigla kong in-open-up. Tapos noong naramdaman niyang seryoso talaga ako at gusto ko nang pumunta siya sa kanila, pumayag na siya. Siya na nga ang nag-set ng date. He planned to go to Batangas this weekend before my birthday."
"That is so great to hear, Patrice!"
Hindi ko na mapigilan ang lapad ng ngiti ko. My eyes started blurring with tears. Ang saya ko na sa wakas ay makakauwi na rin si Arkhe sa pamilya niya. I'm sure Theo and his mom would be so happy.
"How did you tell him about it?" tanong ko sa kanya.
"We were talking about my plans for my birthday. Tapos nasabi ko na parang gusto kong pumunta saglit kila Mama sa Tagaytay, tapos ayon, siningit ko na kung siya ba, walang plano na umuwi sa kanila. Sabi ko kasi, hindi pa siya umuuwi simula noong aksidente. Maybe his family already miss him, just like you said. Sinunod ko lang din ang sinabi mo sa akin. Then that's it. Mayamaya ay pumayag na rin siya. Ang galing nga, eh."
Napangiti ako.
Yeah, that sounded like Arkhe. Hindi naman talaga iyon mahirap mapapayag, lalo na pagdating sa mahal nito.
"Pero alam mo ba, Rose. Hindi talaga iyon ang bagay na nagpasaya sa akin. Meron pang mas matindi."
"Ano 'yon?"
"Sabi sa akin ni Arkhe, ipakikilala niya na rin daw ako sa pamilya niya bilang girlfriend niya. Sobrang saya ko, Rose!"
Mapait akong napangiti. Hindi agad ako nakasagot kasi aminado akong biglang kumirot ang dibdib ko. But I'm okay. I just didn't expect that she'd say that.
"Ngayon ko na lang ulit ito naramdaman," dagdag niya pa. "'Yong kilig na pang-teenager? I thought I was already too old for this and I would never feel this kind of joy again after my relationship my Jasmine's father. Pero binago ni Arkhe lahat. We've been living together for so many months, at finally, ipakikilala niya na rin ako sa pamilya niya. Nakakaiyak sa saya."
"I am so happy for you. And I really mean it. You deserve that. Dapat lang talaga na ipakilala ka na niya sa pamilya niya."
"Pero kinakabahan ako. Masaya na dumating na rin kami sa ganitong point, pero nakakakaba."
"Why?
"Paano kung hindi ako magustuhan ng pamilya niya?"
"Bakit mo naman 'yan naisip? Ano pa bang hindi nila magugustuhan sa 'yo?"
"Eh kasi 'di ba, may anak na ako. That's one of my greatest fears. 'Yong may makikilala akong bagong lalaki na mamahalin ko at mamahalin din ako nang tapat, pero hindi ako matatanggap ng pamilya niya dahil sa sitwasyon ko. I'm a single mom, Rose. I don't think that's easy to accept."
"Well I don't think there's anything wrong with that. You're a responsible mother and a mature woman. May aayaw pa ba roon?"
Biglang natahimik sa linya niya.
Nagtaka tuloy ako. Sinilip ko ang screen ng cellphone, pero hindi naman namatay ang tawag.
"Patrice?" I just called. "Are you still there?"
I heard her took a deep breath. "Alam mo, Rose, kapag ikaw ang nagpa-payo, gumagaan agad ang loob ko. Para bang magkaka-totoo talaga lahat ng sinasabi mo. Kaya gusto kitang kausap, eh."
Napangiti ako nang matamis.
"Nag-ooverthink lang siguro ako," sabi niya. "Hindi ko kasi naisip na mangyayari ulit itong ganitong 'meet the family' sa akin kaya hindi ko alam ang gagawin ko. Nakaka-kaba na ewan."
"Don't be nervous. Trust me, his family will love you."
"You think?"
"Yes. I am 100% sure. You're an amazing person, Patrice. Alam kong magugustuhan ka nila."
"Salamat, Rose. Babalitaan kita kung anong mangyayari sa akin. Uy basta sa birthday ko, ha?"
Tipid akong napangiti. "Yes, I'll see you before your birthday."
"Okay! O siya sige na, baka inaantok ka na. Tumawag lang talaga ako para i-share ang good news ko. See you next week?"
"Yes, see you. Wag ka nang kabahan sa pagpunta sa Batangas."
"Susubukan kong hindi kabahan," sabay tawa niya. "O siya! Good night!"
Nagpaalam lang kami sa isa't isa, tapos ay binaba na ang tawag.
Saglit akong napatulala sa kisame bago ako tumagilid ng higa at niyakap ang mga tuhod ko.
Masaya naman talaga ako para kina Patrice at Arkhe. Lahat ng sinabi ko sa kanya sa telepono, totoo 'yon. Masaya ako. Pero ewan ko kung bakit biglang tumulo ang mga luha ko ngayon. Biglang sumakit ang dibdib ko na gusto ko na lang ulit umiyak buong gabi hanggang sa makatulog ako.
Siguro dahil sa loob-loob ko, alam kong malungkot pa rin ako at nasasaktan.
Ang sakit pala nung reality na may bago ng babae na ipakikilala si Arkhe sa pamilya niya. Na hindi na ako ang isasama niya sa mga okasyon. Na hindi ko na ulit makakasama ang pamilya niya katulad ng dati. I will miss all those memories. It hurts so much, but I am truly, genuinely happy for both of them.
Gano'n lang siguro talaga ang buhay. Sometimes, the best we can do is to just accept things and move on.
Love this story? Support me on Patreon and help me keep writing beautiful novels: www.patreon.com/barbsgaliciawrites.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro