Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 29

ISABELA

TUMAYO SI THEO at lumapit sa akin na nakatulala pa rin dito sa pintuan.

Hindi ko alam kung papaano magre-react.

Bakit ba bigla kong nakikita ang mga taong hindi ko pwedeng makita? First was Patrice, and now it's Theo. Lalo tuloy akong nakaramdam ng bigat. Wala akong ideya kung paano niya nalaman ang bahay namin at kung bakit niya ako pinuntahan. Didn't he know that Arkhe and I are no longer together? Or is Ark even aware that he is here?

"Hi, Sab," bati niya agad nang makalapit na sa akin. "Pasensya na kung nabigla kita. Natatandaan mo ba ako? Theo, kapatid ni Arkhe."

Bigla na akong napabagsak ng mga balikat. Akala niya pala hindi ko pa rin siya natatandaan.

I smiled at him. "Yes, I remember you now. Bumalik na ang mga alaala ko."

Bahagyang umaliwalas ang mukha niya. "Magaling ka na?"

I nodded. "Somehow." Then I took a deep breath. "Uhm, what brought you here? Tsaka paano mo pala nalaman 'tong bahay namin?"

"Kay Arkhe. Hinatid ko siya dati rito kaya medyo natatandaan ko ang lugar."

"I-I see." I don't know what else to say. Nahihiya ako sa kanya. I couldn't even look straight at him.

"Isabela . . . kaya pala ako pumunta rito kasi gusto sana kitang makausap. Pwede ba? Kahit saglit lang."

He looks troubled. Tumindi tuloy ang kaba ko. Sa dating niya ngayon at sa tono ng boses niya, alam ko ng seryoso ang pag-uusapan namin. Plus the fact that he actually went to my house and waited for me even though we didn't really know each other that well.

Ngumiti na lang ulit ako nang tipid. "Of course. Uhm, dito na lang tayo." Pinasunod ko siya sa akin sa home bar namin.

Hindi naman na siya nagsalita. Sinundan niya lang ako. Nililibot niya ng tingin ang kabuohan ng bahay habang naglalakad kami.

"Have you been in here before?" I asked.

"Hindi pa, ngayon lang ako nakapasok. Ang laki pala talaga ng bahay niyo. Tama nga ang kwento sa 'kin ni Arkhe."

Napangiti ako nang mapait. Nag-iiba ang pakiramdam ko sa tuwing binabanggit niya ang kapatid niya. Parang alam ko na nga kung anong pag-uusapan namin. Pero sana mali ako ng kutob. Sana hindi tungkol kay Ark. Hindi ko pa ulit kasi kayang tumanggap ng kahit na anong mas magpapabigat sa loob ko. Nanghihina pa ako dahil sa pagkikita namin ni Patrice kanina.

Pagkarating namin sa home bar, pinaupo ko na si Theo sa bar stool at pinahandaan ng maiinom.

Tumabi ako sa kanya para makapag-usap kami nang maayos. "Saan ka pala galing? Sa Batangas pa ba?"

Tumango siya. "Hinapon na nga ako ng dating dito."

"Napagod ka siguro sa haba ng byahe. Tapos naghintay ka pa sa 'kin."

"Ayos lang. Ang importante, makakausap kita."

Huminga ako nang malalim. "What are we going to talk about?" I already asked. "May problema ba?"

Bumuntong-hininga rin siya, tapos ay tiningnan ako nang diretso. "Sab, hindi na ako magpapaligoy-ligoy, ah. Alam mo ba kung nasaan ngayon si Arkhe?"

My brows furrowed. "What?" Nagtataka kasi ako, bakit niya iyon tinatanong sa 'kin?

Napayuko naman siya sabay muling huminga nang malalim. "Ilang buwan na naming hindi nakikita ang kapatid ko. Hindi na namin siya ma-kontak at hindi na rin namin alam kung saan siya nakatira kasi wala na siya sa bahay."

I was taken aback.

Napatulala ako sa kanya habang ramdam ang mabilis na pagtibok ng puso ko. What is he talking about? Ang ibig niya bang sabihin, hindi rin nagpapakita si Arkhe sa kanila? Hindi nila alam ang tungkol sa aksidente? Ang tungkol kay Patrice?

No, that sounds impossible. Mahal na mahal ni Arkhe ang pamilya niya, kaya malabong hindi rin siya magpapakita sa mga ito.

Muli niya akong tiningnan, pero ako naman ang umiwas.

"Isabela, baka alam mo kung nasaan ang kapatid ko?"

Hindi ako makasagot. Bigla ng nanlamig ang mga kamay ko sa tensyon.

"Sana matulungan mo ako, Sab," dagdag niya pa. "Kung sakaling alam mo kung nasaan si Arkhe, baka pwede mong sabihin sa 'kin."

Yumuko ako. I feel sorry for him because he sounded so desperate.

Hindi ko naman alam kung anong dapat gawin. Gusto kong sabihin sa kanya ang nalalaman ko, pero pakiramdam ko wala na ako sa posisyon para gawin 'yon. Wala na ako sa posisyon para magsalita. Kung totoo ngang hindi nagpapakita sa kanila si Ark, sigurado akong may mabigat itong dahilan, at mali kung manghihimasok ako. Alam kong mas lalo lang siyang magagalit sa akin kapag nangialam pa ako sa buhay niya.

"Sab?" tawag niya ulit.

Huminga ako nang malalim. "I'm sorry, Theo. Pero kung hindi mo pa alam, matagal na kaming hiwalay ni Arkhe. Our break up was not a good one. Gusto ko na lang sanang lumayo, sana maintindihan mo."

"Pero alam mo kung nasaan siya?"

I didn't answer. I was just looking at him.

Napayuko na lang naman ulit siya at bumuntong-hininga. "Sorry. Alam kong wala na kayo ng kapatid ko. Nag-baka sakali lang ako na baka alam mo kung nasaan siya ngayon. Desperado na talaga akong mahanap siya. Tsk, hindi ko na maisip kung saan 'yon nagsuot."

"I understand. I wanted to help you, but I don't think I still have the right. I'm really sorry."

Tumango-tango siya, pero ramdam kong malungkot siya sa mga sinabi ko.

"Hindi pa ba talaga siya nagpapakita sa inyo?" I asked. "Hindi siya tumatawag? Wala kayong natanggap na kahit na anong balita tungkol sa kanya?" Hindi pa rin kasi talaga ako makapaniwala na hindi nila alam ang nangyaring aksidente.

Umiling siya, tapos ay tumingala sa kisame para muling huminga nang malalim. "Kahit anino niya, wala. Tsk, kung kelan naman kailangan siya sa pamilya, tsaka pa siya hindi nagpaparamdam."

"W-why? Did something happen to your family?"

Hindi siya sumagot.

"Theo? May nangyari bang hindi maganda?"

Huminga ulit siya nang malalim. "Nagkasakit ang Mama namin, Sab. Ilang linggo nang nasa ospital."

"What?" Napalapit na ako sa kanya at tinitigan siya nang diresto. "What happened to her? I-is she okay?"

"Hindi okay. Sa puso niya kasi. Inutusan niya akong pauwiin si Arkhe sa Batangas. Pero hanggang ngayon hindi ko masabi sa kanya na hindi ko mahanap si Arkhe. Nag-aalala siya kaya yata hindi na siya gumaling-galing."

Napahilot na siya sa noo niya. "Hindi ko na rin naman alam kung anong gagawin ko. Ilang beses ko nang pinupuntahan ang bahay namin dito, baka sakaling nandoon na si Arkhe, pero hindi talaga kami magpang-abot. Parang hindi na nga yata siya umuuwi ro'n. Tinanong ko na rin ang mga kaibigan niya, pero wala rin daw silang balita sa kapatid ko . . .

. . . Tsk, kinukutuban ako nang masama. Sanay kami na malayo sa 'min si Arkhe, pero iba ngayon kasi hindi talaga siya nagpaparamdam." Bumalik siya sa pagkakayuko. "Sa totoo lang, Sab, nahihiya akong lumapit sa 'yo kasi alam ko namang wala na kayo ni Arkhe. Kinapalan ko na lang talaga ang mukha ko. Hindi ko na kasi alam kung kanino ako hihingi ng tulong."

Bumagsak ang mga balikat ko. "I'm sorry to hear what your family is going through. Hindi mo kailangang mahiya sa 'kin. Naiintidihan ko na kung bakit ka lumapit. Baka pwede akong tumulong sa ibang paraan?"

Hindi na ulit siya sumagot. Parang ang layo na ng iniisip niya.

Mas lalo naman akong nalungkot.

Why did I suddenly feel guilty? Seryoso pala itong problema niya, pero ang sama-sama ko para hindi sabihin sa kanya ang totoo. Bigla na tuloy akong naguluhan. Kanina, desidido na ako na hindi ako mangingialam kay Arkhe, pero ngayon nagdadalawang-isip na ako.

Maybe I should just tell Theo where Arkhe is? O baka dapat kontakin ko na lang ulit si Patrice para ito ang tumulong sa kanila? Kasi ako, wala na talaga akong karapatan. I don't want to disrespect Patrice nor meddle with Arkhe's personal life again. Maling-mali 'yon, pero mali rin naman kung pababayaan ko lang ito at walang ibibigay na tulong. Gulong-gulo ako, hindi ko na talaga alam kung ano ang mas tamang gawin.

Nagulat na lang ako nang bigla akong hawakan ni Theo sa balikat. Nakangiti na siya sa 'kin.

"Na-stress ba kita?" nag-aalala niyang tanong. "Sorry. Wag mo 'tong problemahin, alam ko namang labas ka na rito. Nag-baka sakali lang talaga ako. Malaking tulong na sa 'kin 'tong hinayaan mo akong makausap ka kahit wala ka ng responsibilidad kay Arkhe."

Sumilip na siya sa relos niya pagkatapos. "Gabi na, kailangan ko nang umalis. Baka madaling-araw na ako makabalik nito sa Batangas." Tumingin ulit siya sa 'kin at ngumiti. "Salamat sa oras mo." Dapat tatayo na siya no'n, pero pinigilan ko muna siya.

"Theo, is it okay if I go with you to Batangas?"

His brows furrowed. "Sasama ka?"

Huminga ako nang malalim sabay tumango. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para sabihin 'yon. Perhaps I just saw this as an opportunity.

"May isa pa kasing bagay na hindi nagpapatahimik sa akin," sabi ko sa kanya. "'Yong inasta ko dati sa harap ng pamilya niyo. I want to see your mom and apologize to her personally. Is that okay?"

Bumagsak ang mga balikat niya. "Hindi mo na kailangang gawin 'yon. Naiintidihan naman namin ang sitwasyon mo."

"No. I just really wanted to do this. Para kahit papaano mapatawad ko ang sarili ko sa bigat ng mga nagawa kong kasalanan. And I also want to help your family in the way I can."

Hindi siya sumagot.

"Theo? Please?"

Muli na siyang ngumiti. "Sige. Isasama kita."

"Thank you. I appreciate that so much." I peeked at my wrist watch as well. "Alam kong pagod ka pa sa layo ng byahe. You can have dinner here. Dito ka na rin muna magpalipas ng gabi, marami kaming available guest rooms. I'll have one of them prepared for you. Bukas ng umaga tayo umalis. Kung okay lang?"

Tumango siya. "Ayos lang. Salamat, Isabela."

Ngumiti lang din ako, tapos ay tumayo na at niyaya siya papunta sa dining area para maghapunan.

• • •

"ARE YOU SURE you don't want me to go with you to Batangas?" tanong sa akin ni Amanda kinaumagahan nang puntahan niya ako sa kwarto.

"Kaya ko na, don't worry," I answered.

"Pero hindi mo pa gaanong kilala ang Theo na 'yon."

Napangiti ako habang nag-aayos ng buhok sa tapat ng salamin. "He is Arkhe's brother. Wala naman siyang gagawing masama sa 'kin. Mabuti nga't pumayag siya na sumama ako. This is my only chance to talk and apologize to their parents."

Bumuntong-hininga naman ulit siya.

Kanina pa siya ganyan. Simula noong sinabi kong pupunta ako sa Batangas kasama si Theo, hindi na siya napakali. Gusto niyang sumama kasi iyon naman talaga ang usapan namin—na dapat sasamahan niya ako kapag humarap na ako sa pamilya ni Arkhe. But I just realized that I wanted to do this alone. Kailangan kong tapangan ang loob ko.

Umupo na lang si Amanda sa kama at pinagmasdan ako sa pag-aayos ng sarili. "Magpapasama ako ng maraming bodyguards sa 'yo, hmm? Masyado kang malalayo sa akin, baka mapano ka."

"Wag naman marami. One bodyguard is enough. Nakakahiya sa pamilya nila pag nakita akong maraming bantay."

"Okay. Basta kailangan may iba ka pang makakasama." Huminga ulit siya nang malalim. "Nakapag-desisyon ka na ba kung sasabihin mo ang totoo kay Theo? Na alam mo talaga kung nasaan si Arkhe?"

Ako naman ang napahinga nang malalim. Umupo rin muna ako sa kama at tumingin sa kawalan. "Kagabi ko pa nga 'yan iniisip, hindi tuloy ako nakatulog. I feel guilty. I already wanted to tell Theo everything. Pero parang mali talaga, eh. Mali na sa akin manggagaling 'yon . . .

. . . Ang iniisip ko kasi kapag sinabi ko, baka magtaka si Arkhe kung paano nalaman ni Theo kung nasaan siya. At baka malaman pa ni Patrice ang tungkol sa akin. Ayoko na talagang magkaroon ng kahit na anong koneksyon sa kanila. Kaso paano kung hindi na talaga magpakita si Arkhe sa pamilya niya, tapos ay may masamang mangyari sa mama niya? I feel like it will be my fault."

"Sige. Pwede mo namang sabihin kung hindi ka talaga matahimik. Kung sa tingin mo makakatulong ka sa kanila, sabihin mo na kung anong nalalaman mo. But be ready for the consequences."

Napatitig ako sa kanya, pero wala akong sinabi. She sounds serious, though I get her somehow.

"Tama naman ang sinabi mo sa akin," dagdag niya pa, "na sigurado kang may dahilan si Arkhe kung bakit hindi ito nagpapakita sa pamilya nito. I know he doesn't want that, but maybe he's not just ready yet. Kung sakaling sabihin mo kay Theo kung nasaan siya, hindi niya 'yon magugustuhan. Trust me. Lalo lang gugulo ang sitwasyon."

"But what about his mom?"

"It's no longer your job. At si Patrice, imposibleng hindi niya alam na may pamilya si Arkhe sa Batangas. I am sure they have their reasons. Hayaan mong sa kanila manggaling ang lahat, hayaan mong si Arkhe mismo ang magpakita sa pamilya niya. You can help his family in other ways."

Hindi na ulit ako nakapagsalita.

Bigla niya naman akong hinaplos sa balikat. "You have a good heart, Isabela, I know that. But please, lumayo ka. Ayusin mo na lang ang unfinished business mo sa pamilya ni Arkhe, tapos ay ituloy mo na ulit ang pag-iwas na ginagawa mo ngayon. Hindi sa ayaw kitang patulungin, pero mas mabuti na ang ganito. Ayoko na kasing nakikita ka na nahihirapan at nasasaktan."

I bowed and just nodded.

She was right, it's better this way.

Hinaplos niya na lang naman ulit ang balikat ko. "Sige na, tapusin mo na ang pag-aayos. Baka hinihintay ka na ni Theo sa baba."

"Thank you, Amanda," I said. "Palagi mo akong tinutulungan sa mga problema ko."

"Of course. Lahat ng pwede kong maitulong, itutulong ko. We only have each other, right?"

Ngumiti ako, tapos ay tumayo na ulit para magpatuloy sa pag-aayos ng sarili.

• • •

AT AROUND EIGHT in the morning, Theo and I already left for Batangas.

May dala siyang kotse na hiniram niya lang daw sa isa niyang pinsan kaya roon niya ako sinakay. Sa likod namin, may kasunod kaming bodyguards.

"Ayos ka na?" tanong niya sa 'kin matapos niyang magkabit ng seatbelt.

Tumango naman ako at ngumiti. "Yes. Let's go?"

Binuhay na niya ang makina ng sasakyan. "Tulog ka muna. Malayo pa ang byahe."

"It's okay, I'm good." Nilipat ko ang tingin ko sa bintana.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung kaya kong matulog sa byahe. Ramdam ko na ang kaba ko. My hands were shaking and I couldn't focus.

Ngayon na lang ulit ako tutungtong sa Batangas matapos ang nangyari. Ang dami kong 'what if' scenarios na naiisip. Paano kung ayaw pala akong makita ng Mama nila? Paano kung paalisin lang nila ako ro'n? Paano kung bigla nila akong sisihin sa hindi pagpapakita ni Arkhe?

Pasimple akong pumikit at kinalma ang sarili ko.

No. I know I can do this. I will pray that everything will go well later. Kung hindi ko man maayos ang ginawa ko sa pamilya nila, at least sinubukan ko at ginawa ko ang makakaya ko. 'Yon naman ang importante, 'di ba?

Love this story? Support me on Patreon and help me keep writing beautiful novels: www.patreon.com/barbsgaliciawrites.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro