Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21

ISABELA

"AMANDA, HEY," AGAD kong bungad pagkasagot ko sa tawag ng kapatid ko.

"Where are you? Hindi ka nagre-reply sa 'kin."

"I'm sorry, nakatulog ako sa byahe. Kararating ko lang dito sa Tagaytay."

"Oh, good. I got really worried."

"Sorry. Pero okay lang naman ako. Bababa na ako ng kotse. I'll just call you later."

"Okay, sige. Wag kang magtatagal diyan, ha?"

"Yes. Uuwi agad ako riyan. Babalitaan na lang kita. Bye." I ended the call then slid my phone in my bag.

Tumingin ako sa bintana ng kotse pagkatapos. I'm here at Arkhe and I's hideout in Tagaytay.

Tinuloy ko talaga ang pagpunta rito matapos kong malaman ang nangyari sa Third Base. Mas lalong dumami ang tanong sa utak ko kung ano na bang nangyayari kay Ark. Mas lalo akong hindi natahimik.

Nag-ayos lang muna ako ng sarili ko, tapos ay bumaba na ng sasakyan.

Umihip agad ang malamig na simoy ng hangin. Napayakap tuloy ako sa sarili ko gamit ang suot kong knitted cardigan. Foggy, cold weather like this makes me miss Arkhe even more.

Pinagmasdan ko ang hideout at kusa na lang akong napangiti. It hasn't changed a bit. It's still the same small brick house carrying many of our special memories. Tumuloy na ako papunta sa pinto. I have a couple of bodyguards behind me. Kung sakali kasing hindi ko makita si Arkhe rito, balak ko pa ring mag-stay sa loob kahit saglit. I really missed this place.

Nang makalapit, pinihit ko agad ang door knob. It's locked. Tumingin ako sa mga bintana, at tama nga talaga ang hula ko, wala akong maaabutan dito sa hideout.

Magse-stay na lang talaga muna ako sa loob. I remember the last time we went here, Arkhe said I could come here whenever I wanted. Sabi niya pa mag-iiwan din siya ng susi rito para sa 'kin. Ilang araw ko nang iniisip kung saan niya nilagay ang susi, at kagabi ko lang naalala. Sa ilalim nga pala ng halaman. Sana lang nando'n pa talaga.

I lifted the pot near the window and saw the key. Napahinga ako nang maluwag. Buti na lang tama ang pagkaalala ko, at buti na lang hindi inalis dito ni Arkhe. Kinuha ko na agad. Binuksan ko ang pinto pagkatapos at pumasok na sa loob.

But I was quickly taken aback. Nae-expect kasi ako ng magulo at maruming bahay dahil nga walang nakatira dito, pero parang kabaliktaran. It's neat and organized. Parang may nagme-maintain pa rin.

I proceeded to go inside and closed the door. Nilagay ko ang bag ko sa couch habang nililibot ng tingin ang buong hideout.

I couldn't help myself but be emotional. Kapapasok ko pa lang pero ang dami na agad masasayang alaala ang pumasok sa isip ko. It was Christmas when Arkhe and I last came here. Nagbakasyon kami rito bago pumunta sa New York para sa surgery. Sobrang saya namin noong mga araw na 'yon na halos nakalimutan ko ng may brain tumor ako.

Naisip ko na munang umakyat sa taas.

The bed is tidy, too. Umupo ako sa paanan ng kama at hinaplos ang puting bed sheet. Natatandaan ko, dito kami unang nangakong dalawa na kahit kailan ay hindi kami maghihiwalay.

Tuluyan akong humiga sa kama at pumikit. Ang sarap ding alalahanin ang pagbabakasyon namin dati rito noong Pasko. That was the first time we celebrated Christmas together.

Tumagilid ako ng higa at bigla na lang nag-flashback sa 'kin si Arkhe at ang Pasko na magkasama kaming dalawa rito.

***FLASHBACK***

"Sab, gising na. Pasko na," biglang sabi sa 'kin ni Arkhe habang magkatabi kaming nakahiga sa kama.

Taranta akong napabangon sabay tingin sa relos ko. "What? I-is it 12 o'clock already?"

Natawa siya sa 'kin. "Biro lang, hindi pa. Inadvance ko lang."

I chuckled. "Akala ko 12 na. Hindi pa ako nakakapag-ayos ng sarili." Humikab ako at bumalik sa pagkakahiga. Then I hugged him and buried my face on his chest.

Kaso nag-alala agad siya sa 'kin at bahagya akong pinalayo. "'Yong sugat mo sa balikat, baka matamaan."

"No, don't worry. Pagaling naman na ito." He's talking about my gunshot wound.

Muli akong yumakap sa kanya. He's so warm. Wala kasi siyang suot na shirt ngayon. Ang sarap sa pakiramdam kapag magkayakap kami.

"Matagal ba akong nakatulog?" tanong ko.

Pinagpahinga niya kasi ako kanina pagkatapos naming magluto ng handa para sa Christmas Eve. Pahinga lang dapat, pero hindi ko namalayan na nakatulog na ako.

"Saglit pa nga lang," sagot niya. "Dapat matulog ka pa para makabawi ka ng lakas at tuluyan nang gumaling."

"But I feel better already. Ayokong matulog nang matulog. I want to spend a lot of time here with you."

Hinaplos niya ang buhok ko at mariin akong hinalikan sa ulo. "E 'di dapat bumaba na tayo sa kusina. Ayusin na natin ang handa natin, sobrang dami pa naman no'n."

Natawa ako sa kanya. He's not being sarcastic. Marami talaga ang handa namin ngayong Pasko. Si Amanda kasi, nagpadala pa ng dagdag na pagkain, samantalang da-dalawa lang naman kami ni Ark na magce-celebrate.

"Okay, I'll just change my clothes," I told him. "Mauna ka na sa baba."

Binuhat ko na ang sarili ko patayo. Todo alalay pa sa 'kin si Ark, pero kaya ko naman na talaga.

"Gusto mo ako na magbihis sa 'yo?" Biro niya pa sa 'kin.

Natawa na lang ako. "You're really naughty. Kanina ka pa ganyan. Bumaba ka na ro'n."

Natawa na lang din siya sa 'kin, tapos ay bumaba na papunta sa kusina.

Ang pilyo niya talaga ngayon. Siguro dahil nandito kami sa hideout. Alam naming pareho kung ano ang bagay na ginagawa namin dito. I also miss that — making love with him. But sadly, I'm sick. At kagagaling ko lang din sa ospital dahil sa pagkakabaril sa balikat ko.

I can't wait for all these to be over. Gusto ko nang gumaling para mas marami na ulit akong bagay na magawa kasama si Arkhe.

Binuksan ko na ang cabinet rito sa kwarto. Nilabas ko ang dress na hinanger ko kanina noong dumating kami. This is what I'll wear this Christmas Eve. It's a red dress with puff sleeves.

Nagbihis na agad ako, tapos ay nag-ayos ng buhok. I just tied it up into a ponytail. Then I put light makeup on my face. I know this is too much. Ayos na ayos ako, eh dalawa lang naman kami ni Arkhe. But I don't know, I just want to look pretty in his eyes.

Pagkatapos kong mag-ayos, kinuha ko lang ang Christmas gift ko para kay Ark, tapos ay bumaba na rin ako.

Nakahanda na lahat ng mga pagkain. Inayos na pala ni Arkhe. He's in the bathroom now. Doon na siguro siya nagbihis.

Kung titingnan ang handa namin, parang pang isang buong pamilya. Pakiramdam ko tuloy mag-asawa na talaga kami ni Ark at marami kaming anak na pakakainin. I can't help but smile to that thought.

Tinabi ko na lang muna ang regalo ko, tapos ay nagpatugtog ako ng Christmas song sa cellphone. I really downloaded some music just for this special evening.

♬ Santa baby, just slip a Sable under the tree for me

Been an awful good girl

Santa baby, so hurry down the chimney tonight. ♬

♬ Santa baby, a '54 convertible too, light blue

I'll wait up for you, dear

Santa baby, so hurry down the chimney tonight.♬

Tumambay ako sa pintuan ng hideout pagkatapos.

Ang lamig ng hangin, napayakap agad ako sa sarili ko. Sana pala binaba ko rin ang baon kong shawl.

Sobrang tahimik dito sa hideout. Wala kasi kaming katabing mga bahay. Pero sa langit, kita ko na may ilang mga nagpapaputok ng fireworks mula sa malayo. They're all bright and beautiful. Siguradong mas marami pang ganyang kagagandang fireworks sa New Year's Eve.

Maya-maya lang naman ay lumabas na rin si Ark mula sa bathroom. "Aba, may pa-Christmas music ka pa," biro niya sa 'kin.

Humarap agad ako sa kanya at ngumiti nang matamis.

He was stunned and his eyes quickly lit up. "Wow. Ang ganda naman niyang suot mo."

"It's pretty, isn't it." I smoothed my hand over my red dress. "Amanda gave this to me."

Lumapit siya sa 'kin at tinitigan nang mabuti ang damit. There was a look of fascination in his eyes. "Paskong-pasko, ah."

I chuckled. "Is it too much?"

"Hindi naman. Pagdating talaga sa mga ganitong damit, bagay na bagay sa 'yo. Mukha kang prinsesa."

"And you're my prince?"

"Hindi. Driver. Tingnan mo naman 'yang layo ng suot mo sa suot ko."

Natawa ako sa kanya! "Why? You also look so dashing tonight." Inayos ko ang polo na suot niya. Ang alam ko, bigay rin 'to ng kapatid ko.

Ngumiti lang naman siya sabay halik sa 'kin sa pisngi. "Biro lang. Syempre ako talaga ang prinsipe mo." Pinaharap na niya ulit ako sa labas ng bahay pagkatapos at bigla niya akong niyakap mula sa likuran.

It feels like heaven every time he wraps his arms around me like this. Sabayan pa ng magandang Christmas music at makukulay na fireworks display sa langit. This is my definition of a perfect Christmas.

"Masaya ka ba rito sa hideout?" bigla niyang tanong.

"Mm-hmm. It's starting to become my comfort place. Pagkatapos ng surgery ko sa New York, balik ulit tayo rito, ha? Dalasan natin ang pagbabakasyon dito. I'm at peace when I am here."

"Sige. Pwede ka rin naman talagang pumunta rito kahit kailan mo gusto. Kahit hindi mo ako kasama."

"Really?"

Tumango siya. "Hideout natin 'to, 'di ba? Mag-iiwan ako ng susi para sa'yo."

"Okay. Pero gusto ko kasama kita. Ayoko nang ako lang."

"Sige, kasama mo ako palagi." He then kissed me on my cheek. "Tara na? Malapit ng mag-twelve."

I glanced at my wristwatch. Oo nga. Fifteen minutes na lang.

Bumalik na kami sa kusina at hinanda na ni Arkhe ang mga plates at utensils na gagamitin namin. Nilabas niya na rin ang cake mula sa box at ang red wine na padala ni Amanda.

Ako naman, kinuha ko muna ang camera ko at nag-picture kami. I want to create a lot of memories here. Para may babaunin ako pagpunta namin sa New York.

Habang tinitingnan ko ang mga kuha namin, bigla na lang ulit akong nilapitan ni Arkhe.

He again embraced me from behind and kissed me on the cheek. "Merry Christmas sa nag-iisang babaeng mamahalin ko habang buhay."

Mabilis akong napatuwid ng likod sabay tingin sa relos ko. Twelve na! Umikot ako paharap sa kanya at niyakap rin siya pabalik. I buried my face on his chest. "Merry Christmas! I love you so much."

"Masaya ka ba ngayon?"

"Of course. I'm very happy. Thank you kasi tinupad mo ang pinky swear mo sa 'kin. Dinala mo ako rito sa hideout."

"Syempre naman. Alam mo naman na basta para sa'yo." Hinalikan niya ulit ako sa pisngi, tapos ay kumalas na sa pagkakayakap. "Tara, kain na tayo. Marami-rami pa tayong uubusin." Umupo na siya sa silya.

Kaso bigla ko namang naalala ang regalo ko. "Oh, wait! Let's exchange gifts first."

"Oo nga pala. Doon na lang sa kwarto ang sa 'kin."

Tiningnan ko agad siya nang masama. "Arkhe."

Nagpigil naman siya ng tawa. "Bakit?"

"What do you mean na doon na lang sa kwarto? You're being naughty again?"

"Hindi, ah. Nasa kwarto naman talaga ang regalo ko."

I pouted my lips and looked away.

Natawa lang naman ulit siya, tapos ay tumayo na mula sa upuan. "Sige na nga, kukunin ko na. Ayaw pa kasing maniwala sa 'kin."

Umakyat na muna siya sa kwarto.

Actually, hindi ko alam kung may kukunin ba talaga siyang regalo ro'n o umaarte lang siya. I don't seem to remember if he brought anything earlier when we went here.

Pagkababa niya naman, may dala na nga talaga siyang box na naka-giftwrap.

Ako naman ang napapigil ng ngiti. Mali pala ako. Akala ko kasi talaga nagpapaka-pilyo lang siya at may iba siyang ibig sabihin sa regalo niya.

"Ito na regalo ko." Binigay niya sa 'kin. "Ikaw, ah. Kung anu-anong iniisip mo."

I got really shy. Hindi na tuloy ako makatingin sa kanya.

Kinurot niya na lang ako sa pisngi. "Wag kang masyadong magpa-cute. Lalo akong nai-inlove. Sige na, buksan mo na 'yan."

Pinatong ko sa table ang regalo, tapos ay excited ko nang binuksan. Naka-box. When I opened it, there's a beautiful pair of sandals inside!

Nilabas ko agad at pakiramdam ko nag-niningning ang mga mata ko dahil sa ganda ng regalo niya. "It's so pretty!"

"Sukatin mo nga. Hinulaan ko lang sukat niyan, eh."

I chuckled, and then quickly tried them on. "Oh my gosh, they fit perfectly! Thank you. Merry Christmas!" Masaya ko siyang nikayap. "I'll wear these tonight."

Binigay ko na rin sa kanya ang regalo ko pagkatapos. It's a maroon-colored pullover. I was elated to see him appreciate my gift so much. Gusto niya na nga ring suotin, pero sabi ko sa New Year's Eve na lang kasi gwapong-gwapo rin naman siya sa suot niya ngayon.

After exchanging gifts, we started eating what we had prepared.

Nagkikwentuhan kami habang kumakain. I'm not really a big eater, pero dahil sa tuwa ko na kasama ko siya nang ganito ngayon, hindi ko na namamalayan na ang dami ko nang nauubos.

Napahinto lang ako noong napansin kong hindi na siya kumakain at pinagmamasdan niya na lang ako.

I suddenly got conscious. Napakuha tuloy ako ng table napkin at pinunasan ang bibig ko. "May dumi ba ako sa mukha? Why are you looking at me like that?"

Ngumiti naman siya. "Wala. Ang ganda mo. Kayang-kaya kitang titigan buong gabi."

I felt my cheeks heat up. Napaiwas na lang ako ng tingin sabay nagpigil ng ngiti. This guy. Kinikilig pa rin talaga ako sa kanya hanggang ngayon.

"Uhm, ang dami nating pagkain, 'no," sabi ko na lang.

Natawa siya kasi halatang iniba ko ang usapan. "Oo nga. Ang takaw mo nga, ang dami mong nakain."

"Because I enjoyed eating with you. Tsaka nakakagana rin 'tong mga pagkain. Sabi ko nga kanina sa sarili ko, sobrang dami ng handa. Na-imagine ko na para tayong magpapakain ng mga anak natin."

"Bakit, gusto mo nang magka-anak tayo?"

I smiled and nodded. "Kapag magaling na ako."

"Sige, kapag magaling ka na. Ilan ba gusto mong anak?"

"Hmm, 11 or 12? Kaya ba nating gawin 'yon?"

Natawa siya. "Ako kaya ko. Ewan ko lang sa 'yo."

I got shy again. "Parang hindi ko pala kaya."

Natawa na naman siya sa 'kin. "Kung pwede lang na ako na rin magbuntis para sa 'yo, gagawin ko. Alam mo namang ayoko na nahihirapan ka."

I smiled at him. Minsan iniisip ko kung paano nagkaroon ng lalaking kasing perfect niya. I am so lucky he's mine. "I can't wait to have a family with you, Ark. I'm sure you'd be a great dad."

Tumuloy na ulit kami sa pag kain.

Ang dami pa naming napagkwentuhan. Tawa lang kami nang tawa. Sobrang saya ko ngayong gabi. Halos nakalimutan ko nang may sakit ako at nakatakdang operahan. I'm just savoring every moment I have with him.

"Nalasing yata ako sa wine," biro sa 'kin ni Arkhe nang matapos na kaming kumain.

It's almost 2 A.M, but we're still here in the dining area. Naka-kandong na ako sa kanya kasi gusto niyang maglambing.

I combed his hair with my fingers. "You want to take a rest already? Madaling-araw na."

"Maaga pa para sa 'kin. Ikaw, baka pagod ka na. Hindi ka sanay magpuyat."

"No, I'm still good."

Ngumiti siya, tapos ay bigla akong niyakap at siniksik ang mukha niya sa leeg ko.

Naglalambing na talaga siya. I just caressed his hair again. "What's running in your mind right now?"

Umiling siya. "Wala."

"Really? Don't tell me nalasing ka talaga sa wine."

Natawa siya. "Wala nga. Gusto lang kitang yakapin. Parang nami-miss kita."

"Bakit, magkasama naman tayo, ah?"

"Ewan ko." Sabay higpit niya ng yakap sa akin. "Basta gusto ko ganito lang muna tayo."

I smiled, then pressed my lips on his hair. Ang tagal namin sa ganitong posisyon. Alam ko naman na talaga kung anong iniisip niya, pero hindi ko na inopen up kasi nangako kami kanina na hindi muna namin masyadong pag-uusapan ang tungkol sa sakit ko habang nandito kami sa hideout.

"Sab," he whispered. "Mahal na mahal kita. Hindi ko kakayanin kapag nawala ka sa 'kin ulit. Baka magpakamatay ako."

Gulat akong kumalas sa pagkakayakap at tiningnan siya. "Anong magpapakamatay? Don't say that."

"Kung sakali lang mawala ka ulit sa 'kin. Ayoko na ng gano'n. Ikamamatay ko na talaga."

"Hey, look at me." I held his face. "Hindi ako mawawala sa 'yo, hmm? Remember that. It will be you and me until the end."

He smiled, then he raised his pinky finger.

I understood what he meant, so I also held up my pinky finger and hooked it around his without hesitation. "Pinky swear. I love you too much, Ark. I can't wait for my surgery to be over so I can spend the rest of my life with you."

Hindi na siya sumagot. Bigla niya lang hinawakan ang mga pisngi ko at mariin akong hinalikan sa labi.

***END OF FLASHBACK***

TULOY-TULOY ANG pagtulo ng mga luha ko habang inaalala ang mga nangyari sa 'min ni Ark noong Paskong iyon.

Ang bigat sa dibdib na parang gusto ko na lang humagulgol buong araw para mailabas ko ang bigat.

Bumangon na lang ako at muling umupo sa paanan ng kama. I took out my handkerchief from my cardigan's pocket to wipe away my tears.

Minsan hindi ko na alam kung matutuwa ba ako na bumalik pa ang mga alaala ko. Kasi ang sakit-sakit na natatandaan ko na lahat ng nangyari sa 'ming dalawa ni Arkhe, pero wala naman na siya sa piling ko. Ang sakit na ang gaganda ng mga alaalang iniwan niya sa 'kin, pero hindi na ulit madadagdagan pa.

To say I miss him so much is not enough. Tinatatagan ko ang sarili ko pero ang totoo, durog na durog ako ngayon, at ang gusto ko lang ay mayakap siya ulit at sabihin sa kanya nang harap-harapan kung gaano ko siya kamahal.

I still want it to be me and him until the end, just like what we promised to each other that Christmas Eve. Pero kailangan kong tanggapin ang kinahinatnan naming dalawa. Kailangan kong harapin ang consequences ng kasalanan ko. I know we won't be together anymore, but my heart will only belong to him.

Tuluyan na akong tumayo mula sa kama.

Kailangan ko nang umalis dito sa hideout dahil mababaliw lang ulit ako sa sakit.

Bumaba ako at kinuha na ang bag ko sa couch. I gave the place one last look, then I stepped out the door. Nilock ko ang pinto at binalik ang susi sa ilalim ng halaman.

Pagkabalik ko sa kotse, muli na lang akong napaiyak.

"Okay lang ho kayo, Miss Isabela?" tanong sa 'kin ng driver kong si Kuya Dan.

Ngumiti ako nang mapait sabay pasimpleng pinahid ang mga luha ko. "Y-yes, thank you. Tara na po."

Binuhay na niya ang makina ng sasakyan.

I'm feeling so down again right now. I need to divert my attention.

Bigla kong naalala ang babaeng nakilala ko sa mall. Si Patrice. I never had a chance to contact her.

Nilabas ko ang wallet ko at hinanap ang calling card na binigay niya sa 'kin. I was thinking of meeting with her later. Maaga pa naman. Makakabalik naman siguro agad ako sa Manila.

I dialed her number and after a few rings, she picked up. "Hello?"

"H-hello. Is this Patrice Esguerra?"

"Yes. Who's this?"

Ngumiti ako. "It's Rose."

Love this story? Support me on Patreon and help me keep writing beautiful novels: www.patreon.com/barbsgaliciawrites.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro