Chapter 20
ISABELA
"TAMA BA ITONG nilikuan ko, Miss Isabela?" tanong sa akin ni kuya Dan, ang driver ko.
Muli kong tiningnan 'tong notebook na kasama sa envelope na binigay ni Arkhe. Nakasulat din kasi rito ang address ng mga importanteng lugar, katulad ng bahay nila Ark.
"Tama po," sabi ko kay kuya Dan. "Deretso ka na lang po."
Medyo natatandaan ko na ang parteng ito ng subdivision. I just really hope we're on the right street.
Ang bahay nila Arkhe ang una kong naisip na puntahan. Sabi ni Amanda, nagpapunta na rin daw siya ng tao rito noon, pero wala raw si Arkhe. I still want to try, though. Baka kasi biglang bumait sa 'kin ang tadhana at maabutan ko siya.
Lumingon ako saglit sa likod para tingnan kung nakasunod ba sa amin ang bodyguard ko. Amanda always cheers me up and says I could handle myself. Pero ang totoo, natatakot pa rin akong mag-isa kaya nagsama ako ng bodyguard. Baka kasi biglang magpakita sa 'kin si Morris. I know that's quite impossible because that demon is hiding now. But knowing him? Baka nga may pinaplano na namang kasamaan 'yon ngayon.
I heaved a sigh. Nakaka-trauma pa rin talaga kahit ilang therapy pa ang matapos ko. Si Arkhe lang ang nagbibigay sa 'kin ng tapang ngayon. Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari sa 'kin, pero sa tuwing iniisip ko na para kay Arkhe itong ginagawa ko, lumalakas ang loob ko.
"Kuya, stop here," I told the driver when I already saw the familiar gate.
Binaba ko ang bintana at tiningnan ang bahay na tinigilan namin.
I'm sure this is already Ark's house. Inayos ko na muna ang sarili ko. Kinakabahan ako kahit na na-practice ko naman na ang mga gusto kong sabihin. This isn't going to be easy, but I will do my best.
Huminga ako nang malalim, tapos ay bumaba na ng kotse.
Saradong-sarado ang bahay. Parang ang tagal na ngang hindi natitirhan. Halata ko nang wala talaga si Arkhe, pero nag-doorbell pa rin ako para sumubok.
No one opened the door. Nakailang pindot ako sa doorbell at katok sa gate, pero wala talagang nagbubukas.
"Miss Isabela, wala yatang tao," sabi na sa 'kin ni kuya Dan.
Napabagsak na lang ako ng mga balikat. Sige, palalampasin ko ito. Pero babalik ako sa ibang araw para sumubok ulit.
Bumalik na ako sa kotse. "Kuya, sa Third Base club naman po. Here's the address." Pinakita ko sa kanya ang nakasulat sa notebook. Pagkatapos no'n ay muli na siyang nagmaneho.
I'm also planning to go to our hideout in Tagaytay. Hindi 'yon alam ni Amanda, kaya I'm sure ako pa lang ang unang maghahanap kay Arkhe roon. I just really wish he's there. Kung wala, kakailanganin ko na talagang pumunta sa bahay nila sa Batangas.
I admit, I'm not ready to go to Nasugbu yet. Naaalala ko ang inasal ko ro'n noong huli akong sinama ni Arkhe. I'm so ashamed of myself. Wala pa akong mukhang maihaharap sa mga kamag-anak niya lalong-lalo na sa parents at kapatid niya.
• • •
NAIPIT KAMI SA traffic kaya natagalan bago kami nakarating sa Third Base.
It feels weird when we arrived. Parang iba ang aura ng lugar nung pumarada kami sa parking area. Hindi ganito ang atmosphere na natatandaan ko.
Agad na akong bumaba at naglakad papunta sa entrance ng club. Napakunot ako ng noo kasi naka-kadena ang main door at may malaking padlock. Wala pa bang tao sa loob? Masyado palang maaga ang punta ko, wala pang staff si Arkhe na dumarating.
"Miss? Ano 'yon?"
Nabigla ako nang may magsalita sa likod ko. Nilingon ko agad. It's a security guard from a nearby establishment.
I smiled at him. "Uhm, hi. Anong oras po ito nagbubukas?"
"'Yang club? Hindi na magbubukas 'yan."
"Po?"
"Ilang buwan na 'yang sarado. Naaksidente raw ang may-ari, eh. Binebenta na nga raw 'yang pwesto."
"B-binebenta? Is that sure?"
"'Yon ang sabi ng mga dating nagta-trabaho diyan. Wala pa namang nakakabili."
Binalik ko ang tingin ko sa Third Base. Biglang namanhid ang mga kamay ko. Parang hindi ko yata kayang iproseso sa utak ko ang sinabi niya. How could that be possible? Mahal na mahal ni Arkhe ang club niyang ito. This is his dream! Bakit siya pumayag na isara at ibenta?
Nakaramdam na naman tuloy ako ng matinding lungkot. It's my fault, I know. Kung hindi ko siya sinaktan, hindi aabot sa ganito na pati sarili niyang negosyo, ginive up niya. I couldn't believe he let this happen.
Tuluyan na akong nanlumo. Nagpasalamat na lang ako sa guard, tapos ay hinang-hina na akong bumalik sa kotse.
I rested my head on the car seat and closed my eyes. Uminit na ang sulok ng mga mata ko. I feel like crying again.
May kutob naman na akong posible talagang hindi ko makita si Arkhe sa Third Base, pero hindi ko inaasahan 'tong nalaman kong balita. Wala na ang pangarap na pinaghirapan niyang abutin. His club is gone, which also means there's no way I will see him in this place again.
"Miss Isabela, saan na po ang sunod na pupuntahan natin?" tanong na ni kuya Dan.
Bumuntong-hininga ako.
"Let's go back home, kuya. Bukas na lang ulit." Nawala na kasi talaga ako sa sarili. Ang bigat ng epekto sa 'kin ng nalaman ko.
"Sige po." Binuhay na ulit niya ang makina ng sasakyan at umalis.
Sakto naman, biglang nag-ring ang dala kong cellphone. It's Amanda.
Sinagot ko sabay sandal ulit ng ulo ko sa car seat. "Hi."
"Hey! Oh, bakit parang matamlay ang boses mo? Did something happen? How's the search?"
I took a deep breath. "I haven't found him yet. But did you know what happened to Arkhe's club?"
"Sa Third Base? Bakit, anong nangyari?"
"It's now closed and up for sale."
"What?"
Huminga lang ulit ako nang malalim.
"But we went there before," dagdag niya. "Hindi pa 'yon sarado."
I massaged my forehead. "I don't know what happened. May guard lang na nagsabi sa 'kin." Muli akong pumikit. "I feel so down again, Amanda. Pati ang club na mahal na mahal ni Arkhe, nadamay pa sa kasalanan ko."
"Hey, don't feel that way. Baka may ibang dahilan si Arkhe kung bakit nangyari ito. Could it be that he has moved and no longer lives here? Maybe he already went back to Batangas."
"Naisip ko nga rin. If that's the case, malabo ko na talaga siyang makita rito. Nag-aalala ako kung ano na ang pinagkakaabalahan niya ngayon kung wala na sa kanya ang Third Base."
"Isabela. Relax, okay? Don't overthink. Malalaman mo rin ang sagot sa mga tanong mo. Baby steps, hmm? Unang araw mo pa lang, wag mong pahirapan ang sarili mo."
Napangiti na lang ako nang mapait kahit na nakakalungkot talaga. "Okay. Thanks for reminding me."
"Where are you now?" tanong niya naman. "Pauwi ka na ba?"
"Oo, pauwi na. Bukas ko na lang ulit itutuloy ang paghahanap."
"Okay. Tapos na ang meeting ko with our lawyer. Plano naming dumiretso sa mall kasi gustong kumain ni Arthur sa labas. Pero susunduin muna namin si Toby. Do you want to just come with us? Kaysa magkulong ka na naman sa kwarto mo at isipin ang mga nangyari ngayon."
Bumuntong-hininga ulit ako. "Sige. Papadiretsuhin ko na lang doon ang driver. I'll see you."
Binaba ko na ang tawag, tapos ay sinabihan ang driver na sa mall na lang muna ako ihatid.
• • •
AS EXPECTED, NAUNA akong nakarating sa mall kasi dadaan pa sila Amanda sa bahay para kunin ang anak nila.
Naisipan ko munang mag-ikot ikot. 'Yong bodyguard ko, nakasunod lang sa akin.
Ang weird na nasa mall na nga ako, pero hindi ako nag-eenjoy. Lakad lang ako nang lakad. Hindi pa rin kasi maalis sa isip ko ang nangyari sa Third Base. Hindi pa rin ako makapaniwala na wala na ang club na 'yon kay Arkhe.
I want to do something. Ayokong pumayag na basta na lang mabili ng ibang tao ang negosyong pinaghirapan niyang itaguyod. May naiisip na akong gawin, pero hindi ko alam kung papayag si Amanda. I'll just talk to her about it first.
Habang naglalakad-lakad ay bigla akong may napansin na maliit na painting exhibit.
Napangiti ako. Kung kasama ko siguro ngayon si Arkhe, siguradong hihilain niya agad ako papunta ro'n.
Dumaan na lang din muna ako. Isa-isa kong tiningnan ang mga naggagandahang hand-painted portraits. This isn't really my style. Landscapes ang palaging pinipinta ko. Pero ngayon parang bigla akong na-inspire.
It seems like a lifetime since I last held a paintbrush and a canvas. Natatandaan ko, gustong-gusto ni Ark kapag nagpipinta ako. He's my number one supporter. Pinagawan niya pa ako ng art exhibit na mas malaki pa sa exhibit na ito sa mall.
Ang sarap sa pakiramdam na naaalala ko na ulit nang malinaw ang mga memories na 'yon. Pero malungkot din kasi wala na sa 'kin si Arkhe nung bumalik ang mga alaala ko. Kung nasaan man siya ngayon, siguro magiging masaya siya kung babalik na ulit ako sa pagpipinta. And I kind of miss painting, too.
Muli akong napangiti. Tama. I will go back to painting. But first, I will need to replenish my materials.
Tinapos ko lang ang pagtingin-tingin sa mga portrait paintings, tapos ay umalis na ako para maghanap ng craft store.
This is a huge mall, so I didn't have a hard time finding one. Pumasok agad ako sa loob store, kumuha ng basket, at nag-umpisang maghanap ng mga kakailanganin ko sa pagpinta.
Nasa kalagitnaan ako ng pamimili nang bigla akong may napansing batang babae. Mag-isa lang ito at parang nawawala.
Hindi ko muna nilapitan. Tumuloy ako sa pamimili, pero panay pa rin ang pagtingin ko sa bata kung nahanap na ba niya ang kasama niya. Paikot-ikot lang siya rito sa loob, hanggang sa bigla na siyang umiyak. "Mommy!"
Hindi na ako nagdalawang isip, lumapit na ako. Nilapag ko ang dala kong basket sa sahig at pinatahan agad itong bata. She's like 5 or 6 years old.
She didn't answer me, though. Tahimik lang siyang umiiyak habang palingon-lingon sa paligid.
"Nawawala ba ang mommy mo?" I asked her.
Doon niya lang ako pinansin. She nodded but still sobbing.
Tumingin din ako sa paligid, baka sakaling may babae rin na naghahanap ng anak. Pero wala naman. Maliit lang ang craft shop na ito kaya imposibleng magkawalaan pa. Siguro kanina pa sila naghahanapan, tapos ay napunta na lang itong bata rito.
I just caressed this little girl's cheek to calm her down. "Tutulungan kitang hanapin ang mommy mo, ha? What's your name?"
"Jasmine."
Napangiti ako. "Jasmine, do you know your mommy's name?"
Tumango ulit siya. "Pat."
"Okay, good. Natatandaan mo ba kung anong kulay ng suot ni mommy Pat?" I'm not sure if it's right to ask these questions to a kid, but this is my only way to help.
Napatigil naman siya sa paghikbi para mag-isip. "Color green."
"Green, I see." Lumingon-lingon ulit ako sa paligid. Pero mukhang wala talaga dito sa area ang mommy niya.
"Nandoon lang siya kanina, eh." Bigla itong tumuro sa labas, tapos ay umiyak na naman.
Tama nga ang hula ko. Nakarating na lang siya rito sa craft store sa kahahanap.
Hinaplos ko na lang ang buhok niya. "Shh, don't cry. We will find your mommy, okay?"
Tumango-tango ulit siya habang kinukuskos ang mga mata. She's too precious.
Hindi ko na muna tinuloy ang pagbili ko ng mga painting materials. I need to help this little girl first. Nagpatulong ako sa guard para ipa-page ang mommy nitong si Jasmine. Sinamahan naman ako ng guard sa paging area ng mall.
We waited for her mom to arrive. Tumawag na nga sa akin si Amanda. Nandito na raw sila sa mall. Sila naman muna ang paghihintayin ko ngayon kasi ayokong iwanan nang mag-isa 'tong bata rito.
Ilang saglit lang, may napansin na rin akong babae na naka-kulay olive green na bistida at nagmamadaling pumunta sa pwesto namin.
Tinuro ko ito kay Jasmine. "Is that your mommy?"
Nanlaki ang mga mata niya. "Mommy!" Dapat nga ay sasalubungin niya ito, pero pinigilan ko muna kasi baka mabunggo siya ng mga taong dumaraan. She's so tiny.
"Jasmine!" Pagkalapit sa amin ng mommy niya ay lumuhod agad ito at niyakap si Jasmine. "Diyos ko, anak! Muntik na akong mabaliw kahahanap sa 'yo." Her eyes were welling up with tears.
Bahagya siyang kumalas sa pagkakayap para tingnan ang anak. "Where did you go? 'Di ba sabi ko wag kang hihiwalay sa akin?"
Hindi sumagot ang anak niya kaya niyakap niya na lang ulit. She was really worried, I could see it.
Hinalikan niya sa ulo ang anak niya, tapos ay tumayo na at nakipagkamay naman sa akin. "Thank you so much." She held my hand with both her hands to show her sincerity. Nangingiyak pa rin ang mga mata niya.
I just smiled at her. "That's nothing."
"No. My daughter is everything to me. I owe you." Hindi niya pa rin binibitiwan ang kamay ko.
Muli na lang akong ngumiti. "Wala 'yon. Mabuti na lang din at napansin ko siya."
"Bigla kasi siyang nawala sa tabi ko. Takot na takot ako, kanina ko pa siya hinahanap. I'm glad a nice person found her. Thank you so much . . . Rose."
Napakunot ako ng noo.
Rose?
Tapos naalala ko na suot ko nga pala ang kwintas na binigay sa 'kin ni Amanda. She saw the pendant with my second name. Ngumiti na lang ulit ako at hindi na sinabi ang totoo kong pangalan kasi hindi naman talaga kami magkakilala.
"I love your name," she said. "That's one of my favorite flowers. I'm Patrice, by the way." Tapos ay bigla siyang may kinuha mula sa bag niya. Wallet. "Please allow me to pay you for your kindness."
I was taken aback and immediately waved my hands to refuse. "Oh, no. No need."
Nagulat talaga ako. Maliit na bagay lang naman ang ginawa kong pagtulong, pero siguro sadyang mahal na mahal niya lang talaga ang anak niya.
Parang nahiya rin naman siya sa ginawa niyang pag-alok ng bayad. "I'm sorry. Wala lang kasi akong maisip kung paano pa kita pasasalamatan."
"Okay na 'yon. I'm already glad I was able to help."
"Can I just treat you to something? Snack? Coffee?"
Hindi ako nakasagot. Ewan ko kung bakit gusto niya talagang magbayad.
"Please?" pilit niya pa. "I insist. Ayoko 'tong palagpasin. Hindi mo alam kung gaano ka-importante para sa 'kin ang ginawa mong pagtulong."
Napangiti ako nang matamis, tapos ay tumango na lang. "Okay. But sorry, I'm not available now. May naghihintay sa akin."
"Okay lang. We can meet again next time." Kumuha siya ng calling card mula sa wallet niya at inabot iyon sa akin.
Tinanggap ko naman sabay tiningnan ang nakasulat.
Patrice Heidi Esguerra
Florist
Oh, wow. A florist. Tinago ko na agad sa bag ko ang calling card niya.
"I'll wait for your message, hmm?" sabi niya sa 'kin.
"Sure. It was nice meeting you."
"Nice meeting you too, Rose. Salamat ulit." Muli siyang nakipagkamay, tapos ay hinawakan na ang anak niya at tumuloy na sila sa pag-alis.
Napapangiti ako nang mag-isa. I'm not really used to being called Rose. Sinundan ko na lang muna sila ng tingin. Bakit gano'n, ngayon ko lang siya nakilala pero parang ang gaan ng loob ko sa kanya. Parang ang bait niyang tao.
Maya-maya lang ay naisip ko na ring umalis para puntahan na sila Amanda. I bet they're already hungry.
• • •
"WHAT TOOK YOU so long?" Unang tanong agad sa 'kin ni Amanda pagkarating ko sa Chinese restaurant kung saan kami kakain.
Umupo na muna ako sa tabi ng anak niya. "May bata kasi na nawawala, eh. Kaya tinulungan ko muna na mahanap ang mommy niya." I then kissed her son Toby on his cheek.
"Ikaw ba ang nagpa-page?" tanong niya.
Napangiti ako. "Yes. Alalang-alala nga ang nanay. Sobrang nagpapasalamat sa 'kin. She even wanted to pay me money."
She chuckled. "Perhaps she just really wanted to thank you. Ganyan talaga ang mga nanay pagdating sa anak. Anong sabi mo sa kanya?"
"Of course I didn't accept the money. Pero tinanggap ko ang invitation niya na mag-coffee kami some other time. She seems nice."
"Oh, wow. So you found a new friend, huh. Maganda 'yan, para hindi ka naman palaging nagkukulong sa bahay."
Napangiti na lang ako, tapos ay inabot na ang menu pero tumingin ng pwedeng order-in.
Amanda was right. There's nothing wrong with having a new friend. I still have trust issues because of Morris, though. Pero magaan talaga ang loob ko sa Patrice na iyon, at sa tingin ko ay magkakasundo kami. I will try and contact her soon.
Love this story? Support me on Patreon and help me keep writing beautiful novels: www.patreon.com/barbsgaliciawrites.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro