Chapter 19
ISABELA
"Mahal na mahal kita, Sab . . .
. . . Tatapusin ko na lahat ngayon. Ayoko ng mabuhay kung wala ka sa 'kin."
"ARKHE!"
Bumangon agad ako mula sa pagkakahulog sa bintana dahil baka maabutan pa ako ni Morris. Ikukulong niya na naman ako kapag naabutan niya ako. At sasaktan niya ako, alam kong sasaktan niya ulit ako! Pinilit ko nang tumakbo para makatakas, pero may biglang humawak sa magkabila kong balikat.
Nataranta ako at nagpumiglas! "N-no, no! Pakawalan mo na ako, Morris, parang awa mo na!"
"Isabela, hey, calm down. Calm down. It's me."
Tsaka lang ako nahimasmasan. Umaliwalas ang paningin ko at nakitang nasa iba na pala akong lugar. I am no longer in Morris's territory. I stared at the person calming me down - it's my sister!
"Amanda!" I hugged her and broke down crying in her arms. Ayoko nang humiwalay sa kanya, nanginginig ako sa takot.
Kung panaginip lang itong nangyayari ngayon, sana hindi na ako magising. Ayoko nang bumalik kay Morris. Ayoko na uling mabuhay sa bangungot na iyon.
Hinagod-hagod naman ni Amanda ang likod ko para patuloy akong pakalmahin. "Hey, it's okay. You're safe now. Nandito ka na sa 'kin."
Lalo lang akong napaiyak, hindi ako makapaniwala. I glanced quickly around the room where I am now. Nasa ospital na ako. Naka-semento ang isa kong braso at paa, at may kaunting kirot ang saksak ko. Ngayon ko lang naramdaman ang pagsakit nila, patunay na totoo na nga talaga itong nangyayari. It's not a dream. Kasama ko na ang kapatid ko at nagawa kong makatakas mula kay Morris.
"Si Arkhe!" Natataranta ko naman agad na hanap kay Amanda. "N-nasaan si Arkhe?" I've dreamed about him again. Sinasabi niya kung gaano niya ako ka-mahal pero unti-unti siyang naglalaho hanggang sa nawala na siya sa paningin ko.
Hindi naman ako sinagot ni Amanda. Inaalalayan niya lang ako na bumalik muna sa pagkakahiga. "Go back to bed, hindi mo pa kayang gumalaw."
"No. Where's Arkhe? Amanda, I remember him now. Bumalik na ang mga alaala ko. Naaalala ko na kayong lahat."
"I know. You were hugging the envelope when Arthur and I saw you."
"Where is he then? Morris told me he's gone, but I don't believe him. Arkhe is still alive, right? He's okay?"
Bigla siyang umiwas ng tingin. Pansin na pansin ko ang lungkot sa mga mata niya.
"A-Amanda?" My voice cracked as I called her. Nagpipigil ako ng hininga dahil natatakot ako sa kung anung isasagot niya sa 'kin.
Bumuntong-hininga siya. "We received a call about it. Arkhe got into an accident. Car crash, seven months ago . . ."
Napakapit ako sa dibdib ko, parang sasabog sa sobrang sakit! Totoo nga na naaksidente si Arkhe. Hindi ko kayang tiisin ang kirot na nararamdam ko ngayon. Gusto ko na lang uling tumalon sa bintana. "N-nasaan na siya? He survived the accident, right? Alam kong oo. Hindi siya pwedeng mawala, Amanda."
Mapait siyang ngumiti, tapos ay tumango. "He did."
Nanlaki ang mga mata ko. "He survived?"
"Napuntahan pa namin siya sa ospital kung saan siya sinugod," patuloy niya. "He was critical, we thought he wouldn't make it, but he did. Kaso noong binalikan na ulit namin siya ni Arthur sa ospital, wala na siya. Hindi na ulit namin siya nakita pagkatapos noon."
Napapikit ako nang mariin at pinigilan na ang paghagulgol. "P-pero buhay siya."
"Yes, he's alive. We just don't know where he is now."
Napangiti ako habang lumuluha. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib kahit papaano. Morris was just lying, Arkhe isn't dead. Wala na talaga siyang ibang alam gawin kung hindi ang magsinungaling.
I looked up at Amanda again. "D-did you try to search for him?"
"Oo, pero hindi talaga namin malaman kung nasaan na siya."
Tumango-tango ako at yumuko. "Dahil sa akin kaya naaksidente si Arkhe. Tama, 'di ba? Ako ang dahilan."
"We're not sure yet. Wag mong sisihin ang sarili mo. May mga pinagdaanan ka rin." Hinaplos niya ang buhok ko.
"Pero kasalanan ko ang lahat. I cheated and broke up with him that's why he attempted to kill himself." Pinahid ko ang mga luha ko. Muli akong nag-angat ng mukha at hinawakan ang kamay niya. "Amanda, let's find Arkhe. Please, help me find him."
Hindi siya sumagot. Tinitingnan niya lang ako.
"Amanda?"
Huminga siya nang malalim, pero wala pa ring sagot.
Napaiyak na naman ako. "Alam kong masyado kong nasaktan si Arkhe at wala na akong karapatang bumalik pa ulit sa buhay niya. Tanggap ko 'yon. I promise, hindi ko siya guguluhin. Kung nasaan man siya ngayon, hindi ko siya guguluhin. I just want to apologize to him and know if he's okay."
Ngumiti siya nang mapait, tapos ay hinaplos ako sa pisngi. "Sige, hahanapin ulit natin siya. But please don't expect. It's been seven months. Kung gusto talagang magpakita sa atin ni Arkhe, matagal na niya sanang ginawa."
Pumikit ako at tumango kahit na masakit. "I...I understand."
Muli niyang hinaplos ang pisngi ko. "Sige na, magpagaling ka muna sa ngayon." Inalalayan niya na ulit ako para humiga. "The doctor said you suffered from emotional and physical trauma because of Morris. Kailangan mo munang maka-recover mula sa mga nangyari sa 'yo."
I obeyed her. I closed my eyes and tried to relax. Naramdaman ko na ulit ang matinding panghihina, pero kahit papaano, gumaan na ang dibdib ko dahil alam kong buhay pa si Arkhe at kasama ko na ulit si Amanda. Wala na ako sa impyerno.
Pinungay ko ang mga mata ko at tiningnan si Amanda na inaayos ang kumot na nakabalot sa akin.
"Paano mo ako nailigtas?" I asked her. Ngayon ko lang nagawang itanong kasi mas nangibabaw talaga sa akin ang pag-aalala kay Arkhe.
Nginitian niya ako nang mapait. "Hindi mo ba natatandaan? Patawid ka sa kalsada at muntik ka na naming mabangga ni Arthur noong sinusundan namin si Morris."
Bumalik ako sa pagkakapikit at inalala ang nangyari.
Oo nga, natatandaan ko noong tumalon ako mula sa bintana ng attic, pinilit ko pa ang sarili kong tumakbo kahit na alam kong nabalian ako dahil sa taas ng tinalon ko at lalong tumindi ang pagdurugo ng saksak ko. Hindi ko na alam kung saan pa ako nakakuha ng lakas no'n. Siguro dahil sa sobrang takot ko kay Morris at sa posibilidad na baka mahuli ako ng mga tauhan niya kaya natiis ko lahat ng sakit.
I remember forcing myself to run and escape even though I didn't know where I was going. Basta takbo lang ako nang takbo. Hanggang sa may napansin na akong kalsada. Dumiretso ako roon at hindi ko agad namalayan na may paparating palang sasakyan.
Nasilaw ako sa lakas ng ilaw ng kotse at tuluyan na akong bumagsak sa lupa dahil hindi na kinaya ng katawan ko. I thought that would already be the end of me. Pero biglang tumigil ang sasakyan at may pamilyar na boses na tumawag sa 'kin. Amanda is my angel; she saved me.
Dumilat ulit ako para tingnan siya. Nangingilid na naman ang luha sa mga mata ko. "I'm happy you found me. Akala ko hindi niyo ako hinahanap."
Hinaplos niya ang buhok ko. "'Yan ba ang sinabi sa 'yo ni Morris?" Bumuntong-hininga siya. "We didn't know you were with him. Ang tagal ka naming hinanap ni Arthur, hanggang sa naisip namin si Morris. Hindi rin siya nagpapakita kaya malamang may kinalaman siya sa lahat. We then saw him at their building with his father. Palihim namin siyang sinundan noong gabing 'yon kaya namin nalaman kung nasaan ka."
"I was so scared. I did everything to escape." Tuluyan na ulit akong napaiyak.
Pinahid niya naman agad ang mga luha ko. "Akala ko nga mawawala ka na sa 'min. You were unconscious when we rushed you to the hospital. Ang dami mong bali at sugat sa katawan. You even have a stab wound. Did Morris try to kill you?"
Hindi na ako sumagot kasi ayoko nang maalala ang bangungot na 'yon. Pakiramdam ko mababaliw ako sa tuwing maiisip ko ang mga nangyari sa 'kin sa puder ni Morris.
Muli na lang pinahid ni Amanda ang mga luha ko.
I stared at her even though my vision is blurry. "Sorry sa lahat, Amanda. Ang laki at ang dami ng kasalanan ko sa 'yo. Babawi ako, I promise you that."
Ngumiti ulit siya nang mapait. "You don't have to. We're sisters, remember? Hindi dapat tayo nagtatanim ng sama ng loob sa isa't isa."
"No. Hindi madaling kalimutan ang ginawa ko. Maling-mali na pinaniwalaan ko si Morris nung sinabi niyang may relasyon kayo ni Arkhe; mali na naniwala ako sa lahat ng mga kasinungalingan niya. I was so stupid! Hindi ko alam kung bakit ako naging gano'n ka-bobo. Galit na galit ako sa sarili ko ngayon."
"Shh . . ." Hinaplos niya ako sa pisngi para pakalmahin ako. "Don't feel that way. You were sick, that's understandable. Madali ka niyang namanipula." Huminga siya nang malalim. "At may kasalanan din naman ako sa 'yo. Hindi kita nabantayan nang maayos dahil masyado akong subsob sa trabaho. Wala akong kaalam-alam na unti-unti ka na palang kinukuha ni Morris sa amin."
"Wala kang kasalanan. I was just too weak." Nilipat ko ang tingin ko sa kisame. "Where's that devil now? Pinahuli niyo ba siya?"
"We already filed a case and hired a good lawyer. Arthur is the one handling everything now because I want to take care of you first. Medyo mahihirapan tayo na ipakulong siya kasi siguradong hindi magpapatalo ang mga Reverente, kilala mo sila. Pero hindi rin tayo susuko. We will make sure that Morris will rot in jail."
Tumango-tango ako, tapos ay muli kong hinawakan ang kamay niya. "Amanda, dito ka lang sa 'kin, ah? Huwag mo akong iiwan. Natatakot ako."
Ngumiti siya nang mapait. "Of course, I won't leave." Hinaplos niya ang buhok ko. "Magpagaling ka agad at magpalakas, para mahanap mo na si Arkhe. I have high hopes that you will find him."
• • •
HALOS DALAWANG BUWAN ang lumipas, tuluyan na akong gumaling.
Hindi naging madali ang recovery ko. May mga times na naaalala at napapanaginipan ko pa rin ang mga ginawa sa 'kin ni Morris kaya bigla na lang akong umiiyak sa sobrang takot. Amanda never left my side, though. Malaki ang naitulong niya para makabawi ako mula sa trauma.
Ngayon, unti-unti ko na uling nagagawa ang mga bagay na ginagawa ko noon bago ako nagkasakit at nakalimot. Nakakalakad na rin ako nang maayos at natapos ko na lahat ng mga therapy sessions ko para sa trauma na natamo ko mula kay Morris. I know I am still far from better, but at least I'm making progress. Alam kong buong-buo rin akong makakabalik sa dating ako.
Si Morris, hindi pa rin nahuhuli. Nagtatago ang demonyo. Ang lakas din kasi talaga ng kapit ng mga Reverente na kahit ang batas ay walang magawa. Pero sabi nga ni Amanda, hindi kami susuko.
Isa-isa na nilang pinuputol ang mga ugnayan ng pamilya namin sa mga Reverente. Alam na ni Amanda lahat ng mga pinagdaanan ko sa kamay ni Morris, at kinwento ko na rin sa kanya ang plano nila na kunin ang mayroon kaming mga Santiaguel. Hindi magtatagal, makakalaya na rin kami sa anino nila at makukulong din ang Morris na 'yon. He'll pay for what he did.
"Isabela?" Biglang kumatok si Amanda sa pinto ng kwarto ko.
"That's open, come in."
Tumuloy siya sa pagpasok. "Aren't you leaving yet? It's almost lunchtime."
Plano kong umalis ngayon. Uumpisahan ko na ang paghahanap kay Arkhe. Masyado na kasing nagtatagal ang lahat. Hindi ako napapanatag hangga't hindi ko nalalaman na maayos ang lagay niya.
"I'll just finish this," sagot ko kay Amanda nang hindi inaalis ang atensyon sa ginagawa ko. Kasalukuyan ko pa kasing nilalagay sa mga frames ang mga pictures namin ni Arkhe na galing sa envelope.
Nilapitan niya naman ako sa mesa at pinanood ako sa ginagawa. "Ang dami niyo na palang pictures ni Arkhe."
"Parang nagkulang na nga. Siguro nahulog ko habang tumatakas kay Morris. Sayang, hindi ko na mababalikan ang mga 'yon."
"Wag mo nang isipin. This is still a lot." Hinaplos niya ang ibang mga pictures sa mesa.
"I will display all these," sabi ko na lang. "Patunay na totoo lahat ng mga nangyari sa amin ni Arkhe. That he was once mine. Kasi alam kong imposible ko na ulit siyang makasama ng katulad sa mga litratong ito."
Ngumiti lang siya nang mapait, tapos ay biglang iniba ang usapan para siguro hindi na ulit ako malungkot. "By the way. I have a gift for you."
"Gift? Bakit? Hindi ko naman birthday, ah."
She chuckled. "Wala naman, I just wanted to give you something because you're doing a great job. At pagpapasalamat ko na rin kasi magkasama na ulit tayo."
Hindi ko napansin na may dala pala siyang maliit na box. She opened it and showed me a gold necklace with my second name on it. Rose.
"Wow, it's nice!" Inalis ko agad mula sa box para mas matingnan.
Pero kinuha niya rin naman sa akin. "Ako na ang magsusuot sa 'yo." Tumapat kami sa kalapit na vanity mirror. Pumwesto siya sa likod ko at sinuot sa akin ang kwintas.
"I love it," I told her, looking down at the pendant name. "Bakit pala 'Rose'? You know I don't really use my second name."
"Wala, para iba naman. Look, I have the same, too."
Nilingon ko siya sa likod at mayroon nga rin siyang kwintas na may second name niya. Reese.
My lips curved into a smile. Naalala ko dati noong mga bata pa kami, palagi rin kaming parehas ng mga gamit. 'Yon kasi ang gusto nila Mommy at Daddy. Pakiramdam ko tuloy ang tagal kong nahiwalay sa kapatid ko at ngayon pa lang ulit kami nakakapag-bonding. I missed her so much.
Hindi ko napigilan, napayakap ako sa kanya. "Thank you, Amanda."
"That's nothing."
"No really, thank you. Marami kang dahilan para itakwil at pabayaan ako, pero hindi mo ginawa. Tinutulungan mo pa rin akong makabangon. I am so lucky to have you as my sister."
Niyakap niya na rin ako pabalik at hinagod-hagod ang likod ko. "Here we go again. 'Di ba ang usapan natin, wala ng ganito at dapat palagi ka lang masaya?"
I smiled again and nodded.
"I'm happy you liked the necklace," she then said. "Let's wear these all the time, hmm?"
Muli akong tumango.
"O sige na." Pinakalas na niya ako sa pagkakayakap. "Mag-ayos ka na para maaga ka ring makauwi. Are you sure you don't want me to come with you? I can reschedule my meeting with the lawyer."
"No need. Asikasuhin mo na lang ang kaso nila Morris. Ako na muna ang bahala sa paghahanap kay Arkhe."
"Okay. Alam ko namang kaya mo na talaga ang sarili mo. I'll take care of the Reverentes."
Aalis na dapat ako para tapusin na muna ang ginagawa ko, pero bigla akong may naalala kaya nilingon ko ulit si Amanada. "By the way, may balita na ba kay Marisol? Ligtas na ba siya?"
"Yes, she's safe now. Hinatid na muna namin siya pabalik sa pamilya niya sa probinsya. Pero sabi niya, handa niya tayong tulungan sa kaso laban kay Morris. Kinamusta ka nga rin niya sa akin."
Napangiti na lang ako. "I'm glad she's already safe." Bumalik na ako sa mesa ko pagkatapos.
Alam kong may nagawang hindi maganda sa akin si Marisol, pero laking pasasalamat ko pa rin kasi kung hindi dahil sa kanya, hindi ako tuluyang makakatakas mula kay Morris. Kaya sinabihan ko si Amanda na iligtas din si Marisol.
"I'll leave now," sabi naman na ni Amanda. "Dumaan ka sa 'kin mamaya bago ka umalis, hmm?"
"Okay."
Lumabas na siya ng kwarto ko pagkatapos.
Tinuloy ko na muna itong paglalagay ng mga pictures sa frame, tapos ay naligo na rin ako at naghanda sa pag-alis.
I looked at myself in the mirror and held the necklace Amanda had given me. Makakasama ko ito sa paghahanap ko kay Arkhe at sa paghingi ng tawad sa mga taong nasaktan ko noong mga panahong hindi ko kilala ang sarili ko. Wala naman akong ibang inaasahan. I just really want to find him.
Pumikit ako habang hawak-hawak pa rin ang kwintas. I won't stop looking for Arkhe until I know he's safe.
Love this story? Support me on Patreon and help me keep writing beautiful novels: www.patreon.com/barbsgaliciawrites.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro