Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16

ISABELA SANTIAGUEL

7 months later

"PAKAWALAN MO NA ako. Hindi ko na kaya."

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko nang sabihin ang mga salitang iyon kay Morris habang naghahapunan kami.

Alam kong maling-mali na nagsalita pa ako ng gano'n dahil siguradong sasaktan niya na naman ako. But I really couldn't take it anymore. Seven months living with him was like living in hell.

Napahinto siya sa pag kain at tiningnan ako nang masama. "What did you just say?"

Napalunok ako sa takot.

"Gusto mong pakawalan kita?" ulit niya pa tapos ay tumawa nang mayabang. "Do you really think you can still escape from me, hmm, Isabela?"

Pumikit ako nang mariin dahil nangilid na naman ang luha sa mga mata ko. I feel like this has already happened before. Pamilyar ang eksenang 'to, pero hindi ko buong-buo na matandaan.

"Please, just let me go," I just said to him. "Ibalik mo na lang ako kila Amanda."

"I did not take you away from them. You willingly agreed to live with me."

"Because I thought you're better than them, but you're so much worse. Hayaan mo na lang akong bumalik sa kanila, please."

He smirked. "Wala ka nang babalikan. I told you, Arkhe was only using you to get your money and your riches. And Amanda was betraying you."

"How do I know if you're really telling the truth? You always lie to me."

Muling nanlisik ang mga mata niya sa 'kin. "Kailan ako nagsinungaling sa 'yo?"

"Simula noong araw na sinaktan mo ako, nakaramdam na ako na nagsisinungaling ka lang sa 'kin. Na lahat ng mga sinabi mo para hiwalayan ko si Arkhe, kasinungalingan lang."

Bigla siyang natawa. Palagi talaga siyang ganyan, napakayabang kasi alam niyang mahina ako at hindi kayang lumaban sa kanya. "I hope you're hearing yourself right now, Isabela. Niligtas kita sa mga taong nananamantala sa 'yo. I gave you a new life."

"I hate my new life. Just set me free, Morris, I'm begging. Let me go back to Arkhe and Amanda."

"Hindi ka na nila tatanggapin. I'm the only one you have left. Hindi mo pa rin ba maintindihan hanggang ngayon? Are you really that stupid?"

Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. "Basta gusto ko pa ring bumalik sa kanila."

Tinawanan niya lang ulit ako. "Come on, Isabela. Do you really think that they want to be with you, too? Ang tagal na mula nang tumakas ka kila Amanda, kahit isang beses ba sinubukan ka niyang hanapin? No. Because they also wanted you out of their lives. Without your memories, you became even more useless for them . . .

. . . Pasalamat ka nga pinagtya-tyagaan pa kita. Lahat na tinuturo ko sa 'yo, pero wala ka pa ring natututunan." Huminga siya nang malalim. "Just finish your food, will you? Stop talking non sense. Nakakawalang-gana kang kumain."

Hinigpitan ko ang pagkakakapit sa hawak kong kutsara't tinidor dahil sa sobrang sama ng loob. Ako nga, ayoko na rin na nakakasabay siya sa pag kain. Hindi ko na tuloy napigilan, binato ko 'tong kutsara't tinidor sa mesa at dapat aalis na lang ako, pero inunahan niya ako sa pagtayo.

Sinugod niya ako at hinawakan nang mariin sa mukha para paharapin ako sa kanya! "Who taught you to act like that!"

Nanginig ako sa takot! "Morris, l-let go, you're hurting me!"

Bumabaon na naman kasi ang mga kuko niya sa pisngi ko. Puro galos na ang mukha ko dahil sa kanya pero hindi pa rin talaga siya tumitigil sa pananakit sa 'kin.

"'Di ba sinabi ko sa ang huwag kang magdadabog sa harapan ko?" diin niya. "Hindi kita tinuturuan ng ganyan."

"I don't want to eat anymore. Matutulog na lang ako."

Alam kong hindi niya nagustuhan ang palusot kong 'yon. Bigla niyang inabot ang kutsara at kumuha siya ng pagkain, tapos ay pilit iyong sinubo sa bibig ko! "Eat! I want you to eat!"

"M-Morris!" Bumuhos na ang mga luha ko kasabay ng pagkalat ng pagkain sa mukha at damit ko.

Hindi pa talaga siya nakuntento sa ginawa niya. Inipit niya ang mga pisngi ko para mas lalo akong mapanganga, tapos ay nagsubo pa siya ng mas maraming pagkain. Inabot niya rin ang juice at pilit akong pinainom kahit punong-puno pa ang bibig ko kaya tuluyan na akong nabulunan at nai-ubo ko na lang lahat ng pagkaing sinubo niya sa 'kin.

Iyak ako nang iyak pagkatapos at buong lakas ko siyang hinampas sa dibdib! "You're a freak! Makakawala rin ako sa 'yo, hintayin mo lang!"

Tatakbo na dapat ako pabalik sa kwarto namin, pero ang bilis niya akong nahigit sa braso.

Niyakap niya ako mula sa likuran at malagkit na inamoy ang leeg ko pataas. Tumindig lahat ng mga balahibo ko sa katawan. He's so disgusting!

Nang makarating siya sa tainga ko ay bigla siyang bumulong na tila talaga isang demonyo. "I already lost you twice, Isabela. Ngayong nagkaro'n na naman ako ng pagkakataon na makuha ka, sa tingin mo ba pakakawalan pa kita ulit? You are all mine now. Ako na ang bumubuhay at nagpapakain sa 'yo ngayon, kaya akin ka."

Muli niya akong pinaharap sa kanya pagkatapos, sabay tiningnan ang marumi kong damit. Ngumiwi siya na parang nandiri sa itsura ko, samantalang siya naman ang may gawa nito sa 'kin. "You're a complete mess. Go to the room and clean yourself."

Hindi na niya kailangang sabihin 'yon dahil aalis talaga ako. Tumakbo ako papunta sa kwarto namin. Pumasok ako sa banyo at dito humagulgol.

Arkhe was right, Morris is a demon!

Hindi pa rin bumabalik ang mga alaala ko at wala pa rin akong matandaan sa kung anong mga ginawa sa 'kin ng Morris na 'yon dati. Pero isa lang ang sigurado ako: he's a sick and manipulative man who's insanely obsessed with me!

I couldn't believe I left everything for that monster. I couldn't believe I fell for all his lies! Sabi niya sa 'kin, hindi raw talaga ako mahal ni Arkhe. Na gusto lang ako nitong makuha dahil sa pera ng pamilya ko. He even said that Ark and Amanda were having a secret affair, and that they were betraying me and Arthur. Hindi ko na alam kung totoo ba talaga ang mga 'yon. Ang daming sinabi sa 'kin ni Morris para makumbinsi ako na hiwalayan si Arkhe. Pero 'yon pala, siya talaga ang masama!

Arkhe was right all this time. I was so mad at myself because I didn't believe him and even hurt him just for the person I thought was true to me.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin habang patuloy sa pag-iyak.

I couldn't recognize myself anymore with all these mess and bruises on my face. Lahat ng ito kagagawan ni Morris.

I know I deserve this because I've hurt Arkhe and my sister, but I can no longer take it. Kung alam ko lang talaga na ikukulong ako ni Morris at sasaktan nang ganito, sana hindi na lang ako pumayag na tumira kasama siya. Sana hindi ko na lang iniwan ang kapatid ko. Now I am trapped with the devil and have no way out!

"Isabela."

Nataranta ako nang pumasok na rin si Morris sa kwarto namin.

Ni-lock ko agad 'tong pinto ng C.R at nag-umpisa na lang na maligo. Dito ko tinuloy ang pag-iyak at paglalabas sa lahat ng bigat ng dibdib ko. Nang bahagya nang umayos ang pakiramdam ko, tsaka ko lang tinapos ang pagligo at lumabas ng C.R.

Naabutan ko si Morris na nakaupo sa gilid ng kama. Pero iba na ang dating niya ngayon. Hindi na siya namumula sa galit. I just ignored him. Nag-ayos ako ng sarili at humiga na sa kama para matulog. Hindi ko magawang itago ang bigat ng pakiramdam ko kaya napaluha na naman ako nang tahimik.

Si Morris naman, tumayo at pumasok sa C.R. Paglabas niya, bagong ligo na siya at tinabihan na ako sa paghiga.

Umurong ako sa pinakadulo ng kama kasi alam na alam ko na kung anong gagawin niya sa 'kin. And I was right. Lumapit siya at malagkit na hinaplos ang braso ko.

A shiver ran down my spine. Pumikit ako nang mariin at pasimpleng tinakpan ng kumot ang sarili ko dala ng takot.

But he started kissing my shoulder blade. "I'm sorry for what happened earlier, Isabela. I didn't mean to do that. Ikaw kasi, palagi mo na lang akong tinatakot na mawawala ka sa 'kin. You know how scared I am to lose you again. I love you so much."

Hindi ko siya sinagot kasi ganyan naman siya sa tuwing may nagagawang mali sa 'kin. Isa talaga siyang baliw na ang bilis mag-iba ng ugali.

He suddenly hugged me from behind and sniffed my hair. Tinayuan na naman tuloy ako ng balahibo. Kinikilabutan talaga ako sa tuwing inaamoy niya ang buhok ko nang gano'n. He is so creepy.

Nataranta na lang ako nang bigla niya na akong pinatihaya sa kama at mabilis siyang pumaibabaw sa 'kin. Hinarangan ko agad siya sa dibdib. "M-Morris, no."

But he still insisted. He pinned my arms on the bed and he aggressively sucked my neck.

Napapikit ako nang mariin dahil bigla na namang pumasok si Arkhe sa utak ko. This always happens whenever Morris forces me to make love to him. I get flashes of Ark and I's memories together!

I panicked and struggled to get away from Morris' grip. "S-stop!"

Pero binaba niya pa talaga ang paghalik niya sa itaas ng dibdib ko. Memories of Arkhe flashed in my head again. And they're getting a little clearer now. It felt like I was even hearing his voice!

Napaluha na naman ako at pinilit uling makawala kay Morris. Pero ayaw niya talaga akong bitiwan at sinasamantala niya ang kahinaan ko para magawa na niya ang gusto niya sa 'kin.

I used all my strength and I pushed him away!

Namula siya sa galit! Sinampal niya ako at bigla akong sinakal padiin sa kama! Nataranta ako at pilit inalis ang mga kamay niya sa leeg ko. "M-Morris!"

"Hindi mo talaga ako kayang pagbigyan, ano!" sigaw niya sa 'kin. "Kailan ba kita makukuha nang buong-buo, ha, Isabela? Kailan!"

Bumuhos ang mga luha ko at sunod-sunod na akong napaubo dahil sa higpit ng ginagawa niyang pagsakal sa 'kin. Hindi na ako makahinga, pero pinilit ko pa ring lumaban at sinipa ko siya nang malakas palayo!

Bumangon agad ako at umubo nang umubo habang naghahabol ng hininga. My entire body was trembling, I thought he'll already kill me!

Lumapit naman ulit siya sa 'kin. Napasigaw ako sabay layo sa kanya dahil sa matinding takot, pero hinawakan niya agad ang mga kamay ko para pakalmahin ako.

"Isabela, I'm sorry. I'm so sorry. Nabigla lang ako, okay? Hindi ko sinasadya, nabigla lang ako." He kissed my hands and he also cried in front of me.

Tinitigan ko siya kahit na nanlalabo ang paningin ko at nanginginig pa rin sa takot. "Baliw ka. You're a sick, sick man!"

Tinulak ko siya palayo sa 'kin at tumakbo ako papunta sa C.R para magtago.

Why did I even choose to live with a demon! Hindi ako magtataka kung isang araw ay tuluyan na niya talaga akong mapapatay!

Love this story? Support me on Patreon and help me keep writing beautiful novels: www.patreon.com/barbsgaliciawrites.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro